KABANATA TREINTA'Y UNO

2161 Words
SOMETIMES, in life people come and go. Some would stay through thick and thin, and some would leave, dropping someone like a hot potato. It's the cycle of life anyone would go through, they'll have their person that no matter shits happen that person will always choose to stay. Minsan ang mga taong iyon ay ang hindi mo inaasahang tao. Mga taong hindi kapanipaniwalang darating sa buhay ng tao at magtatagal. "Missy!" a cute angelic voice said. Hindi niya aakalaing paggising niya ay panibagong problemang kahaharapin niya. She just woke up freaking out, ikaw ba naman magising nang may mukha nakadutdot sa 'yo, and it was Maurecia for Pete's sake. Maurecia was even naked! Mabuti na lang at siya lang ang gising. Kamuntikan na siyang sumigaw, mabuti na lang at gumana ang utak niya sa mga sandaling iyon. Hindi na siya nakapagsalita pa agad na lang siyang naghanap ng masusuot nito bago pa magising ang mga kalalakihan. Pinakialaman niya ang gamit ni Trevian, she let her wear his clothes. Her brain couldn’t function well, ang tanging naiisip niya lang ay nakahubad ang isang estranghero sa harap niya. Hindi niya alam kung nasa normal pa bang pag-iisip ang dalaga. Who is in the right mind to appear in a freaking forest naked? Natulala talaga siya nang makita hindi buntot kundi paa ang meron si Maurecia. At Maurecia kept on smiling at her, kahit siya ay gulong-gulo sa mga nangyayari. And the last time she saw Maurecia, she has freaking tails that almost made her faint. "Ipaintindi mo nga sa 'kin, Maurecia. Paano mo 'ko nahanap at bakit ka nandito?" parang nanay na naglilitanya sa anak galing sa isang lakwatsa. Lumabi ito, "Tumakas ako sa 'min. At may koneksyon ako sa 'yo kaya alam ko kung nasaan ka." "Ipaintindi mo sa 'kin isa-isa. Bago ko gisingin ang mga kasamahan ko," she tried to sound nice kahit naiinis siya ng kaunti rito. "Alam mo naman sigurong isa akong sirena hindi ba?" "Paano ko hindi malalaman, eh kumakawag ang buntot mo kanina!" pangangatwiran niya. Kahit naman nakabibigla ang nakita niya, kinalma niya na lang ang sarili at pinaalalahanan na Ardeun ito. Normal ang mga abnormal para sa kanya. “This is not my world. So a lot of impossible things can happen,” she said to herself. But she couldn’t help but curse. “Kapag umaabot ako ng isang taon sa Ardeun, baka ikabaliw ko na!” "Makinig ka nang mabuti. Isa akong Prinsesa sa kaharian ng Mermatona, nais ng aking ama na ikasal ako sa Prinsipe ng Narfeón. Ngunit ayaw kong maikasal dahil nakilala kita," paliwanag nito. She raised her brows, "Bakit ako ang naging dahilan aber?" "Dahil na bighani ako sa iyong ganda at kabaitan. Ikaw ay tinatangi ko—" "Hep, hep!" she said while raising her both hands to stop Maurecia from talking. Hindi naman problema ang magkaroon ng gusto ang babae sa babae. Ang kanya lang ay isang beses lang silang nagkita! Kung akala niya mabibilis ang mga tao sa mundo niya. Mas mabilis pala rito, isang beses pa lang siyang nakita ni Maurecia. And she already thinks of her as tinatangi? What on earth is happening? "Paanong ako ang tinatangi mo? Akala ko ba kaibigan ang kailangan mo!" "Kaibigan nga, pero iibigin mo 'ko sa susunod at sasama ka sa 'kin sa susunod—" "Jesus Christ! Are you nuts?! You just want friendship and now you want more than that? Are you playing stupid games with me?!" she blabbed. "Hindi kita maintindihan," Maurecia said and her eyes misted in tears. "Galit ka ba sa 'kin?" She sighed twice to calm her nerves down, "Hindi sa ganoon. Pero nalilito ako sa 'yo at hindi kita maintindihan. Hindi ako galit o kung ano, kaya huwag ka ng umiyak. Pero sana maintindihan mo rin na hindi ko ma-gets ang mga nangyayari. Nakagugulat na makita ka rito ng nakahubad at umaamin na may gusto ka sa ‘kin at gabing-gabi na!” "Naiintindihan kita ngunit salamat naman at hindi ka galit sa akin. Nais ko lang rin naman makatakas sa aming kaharian dahil pagod na 'akong maging Prinsesa. Gusto kong mamuhay ng normal, gaya mo. At nais rin kitang mas makilala pa," she explained with her pleading eyes. Kumibot-kibot ang mapupula nitong labi. “Hindi ko naman ninais na takutin ka.” "Sige, ipagpalagay nating gusto mo 'kong makasama at mas makilala pa. Pero paano ang ibang tao sa buhay mo, aber? Mga kaibigan mo? Magulang mo? at kung sino mang nilalang na mahalaga sa 'yo?" Napahilamos na lang siya sa mukha dahil sa iritasyon. Nalilito sa kung ano ba talaga ang pinupunto ni Maurecia. Hindi naman sa ayaw niyang maging malapit rito, she just don't want to put so much hope and emotions to anyone. Saka wala rin kasiguraduhan ang pananatili niya rito, either makakaalis siya o habang buhay na siyang nandito. "Tumakas ako sa amin, ayaw kong maikasal sa isang lalaki hindi ko naman iniibig. Isa pa, ikaw ang gusto ko Missy. Kailan man ay hindi ako nagkagusto sa lalaki, hindi ko alam kung bakit. Sinuway ko ang aking ama, dahil ayaw kong makulong sa isang sitwasyon na alam ko na hindi ako magiging masaya. Pagod na rin akong maging Prinsesa, kailan man ay hindi ako naging masaya. Kailangan kong unahin ang kapakanan ng aming kaharian, puro na lang para sa kapakanan ng nakararami. Kung sana buhay lang ang aking ina ay maintindihan niya lahat ng pinupunto ko. Gusto kong mabuhay ng gaya niyo, makibagay sa mundo niyo. Wala akong balak na manakit o kung ano, nais lang kitang makilala at masilayan ang mundo nyong mga mortal—" "Paano ka nag kapaa?" putol niya rito. Malungkot na ngumiti ang babae, "Ipinagkanulo ko ang boses ko sa isang mangkukulam." Huminto ito saglit, she bit her lower lip and sighed. "Kapalit ng paa ay mawawalan ako ng kakayahang umawit." Nailing siyang tumingin rito at napansing may suot ito porselas na gawa sa mga kabibe. Kapareha iyon ng suot niyang kwintas, she unconsiously touch her necklace and sighed. Itinuro niya ito, "Iyan ba ang nagbibigay ng paa sa 'yo?" Tumango ito bilang sagot, "Ito ang nagsisilbing proteksyon upang hindi ako magkaroon ng buntot kahit pa lumusong ako sa tubig." "Hindi ko masasabi na maaari kang sumama sa amin dahil hindi ko alam kung saan kita pwedeng ilagay. Kami ngayon ay nasa isang misyon—" "Tutulong ako!" she even raised her right hand. "Yun nga, hindi lang desisyon ko ang kakailanganin. Kundi pati desisyon ng mga kasamahan ko, I can't— ibig kong sabihin grupo kami. At grupo kaming magdidesisyon. Isa pa hindi ako sigurado kong pwede kang manatili sa paaralan. Teka hanggang kailan ka ba magtatago sa inyo?" "Hanggang sa maintindihan nila ang pinupunto ko! Na kaya ko mamuno ng hindi ikinakasal sa karatig palasyo," Maurecia even crossed her both arms. Parang batang inagawan ng candy at handang makipagbuno para mabawi lang ang gusto. Sinulyapan niya ang mga ka-grupong himbing pa rin sa tulog. Habang siya ay nalilito kong isasama niya ba ang makulit na sirena o pauuwiin niya ito. But she doesn't have the heart to refuse to her, tinititigan pa lang siya ng mga mata nito na nangungusap at ang mga ngiti nitong nakakahawa ay mapapa-oo siya! Her beauty too mesmerizing that can literally say yes to all her requests. "Sasabihin ko sa kanila na maaari kang sumama ng ilang araw. Ngunit kailangan mong magbalik sa inyo matapos ang palugit na araw. Kausapin mo ang iyong ama at ipakita na may katwiran ka. Sandali nga, paano mo nalaman na nandito kami? Paano mo ako nasundan?” sunod sunod niyang tanong rito habang minamasdan ang dalaga ng puno ng pagdududa. Pagak itong tumawa, “Minarkahan kita. Tinatangi kita ngunit ayaw kong ipilit ang sarili ko sa ‘yo kaya minarkahan ita bilang kapamilya. May kakayahan kasi kaming mga sirena na markahan ang taong iniibig namin at ang taong nais naming maging kaibigan habang buhay. Dalawang beses lang namin pwedeng gawin iyon, ang paghalik ko sa iyo ay naging konektado ka na sa akin. Paumanhin.” Hindi niya rin ma-gets kung bakit magaan ang pakiramdam niya rito. Hindi dahil gusto niya ito, she just felt like they were the same. They have been deprived of expressing their feelings for so long. Kaya nais niya itong tulungan, kahit sa maliit man lang na bagay. NAGISING siya sa sobrang ingay. Nang iminulat niya ang kanyang mga mata, nakita niya ang Prinsipe na nakaupo sa tabi niya at hindi maipinta ang mukha. Napabalikwas siya mula sa pagkahiga. Kinapa niya ang mata kung may ebidensya na masarap ang kanyang tulog. Nang lumingon siya sa kaliwang gawi niya, she saw Maurecia staring at her with her beautiful smile. Kumportable ito habang may hawak-hawak na basong gawa sa kawayan. “Magandang umaga, Missy!” Maurecia greeted, she raised the wooden glass. “Masarap pala itong kape, ngayon lang ako nakatikim nito.” She roamed her eyes and she saw everyone was already awake at siya na lang ang inaantay magising. Princess Daiana was on her usual, grumpy mode. Habang ang tatlong kalalakihan maliban sa prinsipe ay panay tingin sa magandang dilag na katabi niya. "Good morning?" wala sa sariling saad niya. "Magpaliwanag ka," the Prince said as he glanced at Maurecia who was still staring at her. Napakamot siya sa noo niya, "Eh. Siya kasi ang tinutukoy kong sirena?" "Tapos?" it was Princess Daiana who asked with her usual monotonous voice. "Sasama ako sa inyo!" it was none other than Maurecia who even raised her right arm, parang nag-a-attendance sa isang klase. Napailing siya, "Kaya kong magpaliwanag. Pero iihi muna ako!" she said and stood up and headed towards the bushes. Hindi niya alam paano kumbinsihin lahat na isama si Maurecia. She understands that she's being stupid at the moment. But who can say no to those beautiful eyes? Kaunting kibot nga lang ng mga labi ng dalaga ay naaawa na siya. Hindi naman talaga siya naiihi, she just need to think of an excuse. Kaso kung may balak na masama si Maurecia o kung maging rason ito ng kapahamakan ng lahat ay siya ang mananagot. But her heart says Maurecia is a good creature. Hindi naman siya nakaramdam ng takot at kung anu-anong pagdududa. "Ahh!" Sa gulat ay nadapa siya. It was Mizchell's scream, kilalang kilala na niya ang maingay na boses nito. Dali-dali siyang tumayo at nagtungo sa mga kasamahan. She gasped when she saw Maurecia sitting in a chop log with a freaking tail. Nagpa lipat-lipat ang tingin niya sa lahat, everyone was surprised seeing a real mermaid. But her laughter echoed when she saw Mizchell mouth wide open. Para itong tanga sa reaksyon nito. Siya lang ang may malalang reaksyon. The rest were just fine, kulang na lang ay pasukan ng langaw ang nakanganga nitong bibig. Lahat tuloy napatingin sa kanya. She shrugged, "Kita niyo na? Hindi ako nagsisinungaling!" "Huwag niyong sisihin si Missy. Ako ang nagpumilit na sumama sa inyo upang makatakas sa masalimuot kong kapalaran. Kung mananatili ako sa amin ay kailangan kung makasal sa taong hindi ko naman gusto at lalong-lalo na hindi ko kilala. Nais ko lamang lumayo nang saglit sa aming kaharian. Wala akong balak na manggulo o manakit kahit sino man. Nais ko lamang maranasan saglit ang maging normal, kagaya niyo." Maurecia's eyes misted in tears. Ang mapupula at manipis nitong labi ay kumikibot-kibot pa, naaalala niya tuloy ang tagpong ninakawan siya nito ng halik. She shook her head, tinignan niya ang mga kasamahan. Mukhang ito ay naantig rin sa mga luha ng dalaga. Mukhang hindi lang ata siya ang nabibighani sa maganda nitong mukha. "Nais ko ring patunayan na may akin rin akong talento sa pamumuno! Isa man akong dilag, ngunit may tibay at lakas rin ako. Kaya nais kung sumama sa inyo, upang maglakbay at may mapatunayan sa aking sarili, sa aking ama. Na kaya ko at hindi lang itsura ang meron ako," dagdag pa ni Maurecia. Prince Vard cleared his throat, "Makasisigurado ba kaming wala kang balak na masama?" "Wala akong balak na masama. Kung sa tingin niyo ay gagawa ako ng mali o kung ano ay hilahin niyo lamang ang itong nasa aking pulso. Ito ang nagbibigay sa akin ng mga paa upang maging ganap na tao." "Papayag akong sumama ka sa amin pabalik. Ngunit nais kong huwag mong ipahamak ang isa sa amin, lalong lalo na si Missy. Dahil siya ang tumulong sa 'yo," pahayag ng Prinsipe. Naantig naman ang puso niya sa tinuran nito. Iniisip nito ang kapakanan niya, may kaunting kaba sa puso ang kanyang nararamdaman nang magka salubong ang kanilang mga mata. Agad siyang umiwas sa nakapapasong titig ng Prinsipe. "Kung magdulot man ako ng kapahamakan nais kong patayin niyo ako. Bilang parusa, seryosong saad nito at diretsong nakatingin sa mata ng Prinsipe. And just that, Maurecia gained Prince Vard's Approval. And Prince Vard gained her approval too. May kaunting bait talaga ito, huwag lang sapian ng masamang espirito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD