NAKALABAS sila sa kuweba makalipas ang ilang oras matapos ang engkwentro nila kasama ang dambuhalang ahas. She suddenly felt down after the snake vanished. It was too much for her, nang makalabas sila ay may liwanag pa rin na nagmula sa araw. They decided to look for food, they have been exhausted with their encounter with the one eyed snake. Maingat na nakatago kay Mizchell ang luha ng bulag na mata ng ahas. They were happy with what they have achieved but exhausted and hungry. Huminto sila sa isang ilog para doon magpahinga at kumain. Ang plano nila ay magtutungo sila sa isang sagradong bukal para kumuha ng mahiwagang tubig.
"Ayos ka lang ba?" masuyong tanong ni Trevian.
Tumangi siya at matilid na ngumiti. Masyadong lang niyang dinamdam ang pangyayaring nakita niya kanina. Pakiramdam niya ay naroon talaga siya sa mga pangyayaring iyon, nakita niya kung paano nasaktan si Markon.
"Maaari ba 'kong magtanong?"
She nodded, "Go ahead— Ibig kong sabihin ay oo."
"Paano mo nakausap ang ahas kanina?"
Nagkibit balikat siya, "Hindi ko alam. Narinig ko na lang siya nagsasalita, matapos tumitig ako sa mata niya. Narinig ko siyang nagsalita, galit na galit siya sa 'ting mga tao. Hindi niya nais na manakit, sadyang puno lang ng galit at poot ang puso nito. Napatay ng mga tao ang iniibig niya babae at ang isang mata niya ay nabulag, kagagawan rin iyon ng tao."
"Baka ang iyong kapangyarihan ay patungkol sa pakikipag-usap sa mga hayop!" Mizchell interfered. Nakikinig pala ito sa usapan nila.
"Baka. Siguro. Oo. Pwede," aniya saka tumitig uli sa kawalan.
"Masyado ka 'atang napagod," ani ni Trevian.
Bumuntong hininga na lang siya. Hindi naman sa ayaw niyang makihalubilo o kung ano, it's just that she is not yet ready with chitchats, gutom, pagod at lungkot ang naramdaman niya ngayon.
She just wanted to be at peace. She excused herself and went to the river, umupo siya sa gilid at nirelyo ang suot niyang pang ibaba hanggang tuhod at ibinabad ang binti niya sa tubig.
Nilaro-laro niya ang paa niya sa ilalik ng tubig. The water soothes her skin, nais nga niyang maligo ngunit ayaw niyang maglakad ng basa buong araw. Kung madilim lang sana ay maari siyang maghubad ng damit.
"Magandang, Binibini!" a woman suddenly appeared in front of her.
Sa gulat niya ay napatayo siya. The woman has curly golden hari, may suot itong headband na gawa sa kabibe. Maganda ang kulay asul nitong mga mata. Mahaba ang pilik mata nito, na animoy isang fake eyelashes dahil sa sobrang kapal. The woman was smiling ears to ears, kahit siya ay hindi makagalaw sa gulat. She almost had a mini heart attack! Ngunit parang wala lang iyon sa dalaga, halos mapuknat na ang labi nito sa kangingiti.
"Paano ka napunta rito?" mautal-utal niyang saad.
"Nais ko sanang makipagkaibigan sa 'yo, Binibini!" inilahad pa nito ang kamay nito.
"Saan ka ba nagmula at bigla kang sumulpot riyan?!" hindi makapaniwalang ani niya!
Lumabi ito, "Nais ko lamang makipagkaibigan sa 'yo."
Napakamot siya sa noo, "Sagutin mo nga muna ang tanong ko!"
Halos malukot ang mukha ng babaeng estranghero. Sino ba naman ang hindi magtataka, e kanina lang ay siya lang ang tao. Tas may biglang susulpot sa harap niya at mag-aayang maging kaibigan? May saltik lang ang gagawa noon!
Namumula ang pisngi nito at ang mga mata nito ay nagbabadiyang lumuha. At hindi nga siya nagkakamali umatungal ang babae sa harapan niya, kahit mismo ang pag-iyak nito ay nakahahalina. Nagpalinga-linga siya, kahit ang mga kasamahan ay abala at tila walang narinig. Si Mizchell at Trevian ay abala sa pag-iihaw ng isda, ang Prinsipe, Prinsesa at si Kremor ay hindi pa rin nakakabalik sa paghahanap ng iba pang makakain.
She sat again and wiped the woman's tears. "Teka lang naman kasi! Nagtatanong lang ako kung sino ka, huwag kang umiyak!"
"Ayaw mo 'kong maging kaibigan," malungkot pa nitong saad habang pa sinok-sinok pa.
Umiling siya. "Hindi naman sa ganun. Ang akin lang estranghero ka at bigla kang susulpot mula sa tubig at gustong makipagkaibigan. Sino ba naman ang hindi magugulat sa 'yo, babae? May saltik ka ba ulo? Gusto mong makipagkaibigan ayaw mo namang sabihin ang iyong pangalan."
Lumabi ito, "Ngunit bawal sa amin na sabihin ang aming ngalan. Ngunit dahil mapilit ka at ayaw mo 'kong kaibiganin dahil hindi mo alam ang ngalan ko, ako si Zeriena Maurecia. Ngayon ay kaibigan na kita, walang bawian!"
"Teka, hindi pa 'ko pumapayag. Paano kung aswang ka! O kaya engkanto, o nuno sa punso!"
Kumurap ito ng ilang beses. "Aswang? Ano yun?"
"Aswang— halimaw! Nangangain ng tao," paliwanag niya pa.
The blonde woman was still confused. "Hindi ko pa alam ang pangalan mo, ano ba ang pangalan mo. Huwag kang madaya."
Napailing na lang siya, para itong bata kung magsalita. Parang ngayon lang nagkaroon ng kaibigan.
"Missy," she said an extended her hand.
Tinanggap iyon ng babae, they shook hands. "Tama nga ang sabi ni Maurecia. Ganito nga ang
paraan ng pakikipagkilala niyo. Nakamamangha!"
She said in awe, tila batang binigyan ng kendi at tuwang-tuwa ito.
"Pwede pala tao rito?" she asked. Akala niya ay sagradong gubat ito at mga kakaibang nilalalang ang maaaring manirahan rito. "Dito ka nakatira?"
"Parang?" tila nalilito nitong sagot.
"Bakit hindi ka sigurado?" she asked teasingly.
Maurecia made her feel refreshed, kung kanina lang ay tila pinagsakluban siya ng langit at lupa. Ngayon ay naaaliw siya sa magandang dilag, madaldal at bibo. She kinda misses her friends, kung siya medyo tahimik ang dalawa ay maingay at mapang-asar.
"Sigurado, ako no!" she even raised her right hand.
"Masyado kang maganda at mabait tignan para magsinungaling," puri niya pa.
However, looks could be deceiving. She may like her but she didn't completely let her guard down. Maaring nililinlang siya o kung ano, but she likes this girl if she's just playing with her then it's fine.
Tinanggal nito ang suot nitong headband . Sumenyas itong lumapit siya, so she did. Inilapit niya ang mukha niya rito. Dahan dahan isinuot ng babae ang hawak nitong headband sa kanya.
"Dahil ikaw ang kauna-unahang kaibigan ko, sa 'yo nato. At dapat sa susunod na pagkikita natin ay na sa iyo pa rin, iyan!"
"Wala akong maibibigay sa 'yo. Ngunit baka sa susunod nating pagkikita ay may maibigay ako sa 'yo," she and pat her head.
"Tanda iyan ng pagiging magkaibigan natin, huwag mo sana akong kalimutan. Kailangan ko ng umalis," malungkot nitong saad.
"Bakit?"
"Tinatawag na 'ko sa amin, hinahanap na siguro ako." Nakalabi pa nitong saad.
"You can— ibig kong sabihin ay maaari ka ng umuwi kung iyong nanaisin. Masaya at ikinagagalak kitang makilala, Maurecia."
"Lumapit ka," she said and signaled her head for her to get close.
Yumuko naman siya upang mapalapit sa babae. Ngunit nanlaki ang mata niya sa ginawa nito, the woman kissed her on her lips! She was completely frozen, she blinked her eyes a couple of times, saka lang siya bumalik sa ulirat.
"Paalam!" aniya nito saka pumailalim sa dagat.
But what shookt her most was when she saw fishtail! Umalon-alon ang katawan nito sa tubig. Sa bawat pagsayaw nito sa tubig ay lumilitaw ang gintong buntot nito. She was completely shocked, she just made friends with a mermaid! And the mermaid even kissed her.
"Sirena?!"
May sirena pala sa ilog? Akala niya sa dagat lang may sirena, pati pala sa ilog. She unconciously touched her lips.
"Ang first kiss ko, isang sirena? Wala pa bang mas kakaiba roon?"
MATAPOS NILANG kumain kanina ay naglakad sila patungong Simorfoús. Pero hindi pa rin mawaglit sa isipan niya ang nangyari. How can she forget when her first kiss was a mermaid! Kung sasabihan niya ang mga kaibigan niya, paniguradong sasabihin na nasisiraan na siya ng bait. But Ardeun is a place were pixies, dragons, and magic are real. Sirena pa kaya?
Nagpasya silang magpahinga nang mag-umpisang dumilim na ang langit. They decided to bon fire
to keep them warm, inilabas nila ang garapon at binuksan. The fire inside went to the woods they piled. Nang magliyab na ang mga kahoy ay bumalik ito sa garapon. When she first tried to cook in Ardeun, imagine her horror when there was no gas stove but and instant fire, na inilalabas lang sa garapon. Nagmukha siyang tanga sa harapan nila nang una siyang magluto, but well it was her first time.
"Nais niyo bang magpahinga na?" tanong ni Mizchell at naghikab pagkatapos.
"Sus, ang sabihin mo gusto mo nang magpahinga!" tudyo ni Trevian na ikinatawa nila.
She glance at the Primce beside her. Nakangiti lang ito, ganoon rin ang Prinsesa.
"Ang sabihin niyo kayong dalawa ang gustong magpahinga," kantyaw pa ni Kremor.
"Manahimik ka!" pabirong ani ni Mizchell at inambahan ng sapak si Kremor.
Silliness and goofiness was their friendship language. Kung hindi dahil sa tatlong 'to, baka ikinabaliw na niya ang pagsasanay na ito. Ikaw ba naman ang makasama ang dalawang may saltik sa utak ng Maharlika na walang ibang ginawa kundi pahirapan ang buhay niya.
"Asus! Nagtutulakan pa kayong tatlo, ang sabihin niyo pareho kayong inaantok na!" kantyaw niya sa tatlo.
"Huwag kang maingay baka akalain ng Prinsipe tamad ako," Mizchell said.
"Hoy, Mizchell Ginto! Matagal ka nang tamad, simula bata pa tayo," Trevian said and jokingly wring Mizchell neck.
"Tama na iyan, baka sabihin ng Prinsesa mga baliw kayo!" tudyo ni Kremor.
The Princess blushed at what he said. Malabo namang magustuhan ng Prinsesa ang isa sa kanila dahil alam niyang mahal na mahal nito ang Prinsipe. Samantalang ang Prinsipe, mahal na mahal ang mga sandata. Pero pansin niyang panay sulyap si Mizchell sa Prinsesa, iwinaglit niya lang ang ideyang may gusto ito sa Prinsesa dahil panay reklamo ito tungkol sa ugali ng Prinsesa.
"Huwag muna nating isipin ang misyon, sa ngayon ay magpahinga o mag-usap muna kayo." The Prince said as he rest his back at the trunk of the tree.
"Ay! Gusto namin iyan Kamahalan!" Mizchell said showing his boyish grin.
"Kung maaari ay tawagin niyo akong Vard. Tutal tayo lang naman rito, masyado na akong pagod marinig ang Kamahalan."
"Wow! Samantalang ako galit na galit nung tinawag kong Vard. Pangalan niya naman yon, tas galit na galit gustong manakit!" she thought. Masyadong 'atang unfair ang Prinsipe sa kanya.
"Hindi kaya bakla talaga ito? Hindi ito nagulat sa sitwasyon ni Berni at Ceilo. Tapos ngayon, he wants them to call Vard when there are no other people! That's so unfair!"
She squinted her nose in annoyance, "Teka. May tanong ako. May sirena ba sa ilog?"
"Nababaliw ka na ba Missy?" pabirong ani ni Mizchell.
She rolled her eyes, "Kaya nga ako nagtatanong hindi ba?"
"Sa pagkakaalam ang mga sirena ay nanirahan sa dagat," it was Princess Daiana who answered.
Himala at hindi ito galit sa kanya ngayon. Hindi galit o kung anuman ang titig nito. Magugunaw na ba ang mundo dahil nagbago ang ugali ng Prinsesa?
She was afraid to answer that what ever will came out from her mouth will cause another issue to the Princess. Ngunit kabastusan naman ang hindi niya pagsagot rito.
"Kasi kanina may nakita akong sirena!" pagkukwento niya pa. "Maganda, mahaba ang dilaw na buhok at asul ang mga mata!"
"Bakit hindi mo 'ko tinawag kanina, ang daya mo Missy! Ikaw lang ang nakakita sa kagandahan ng sirena," reklamo pa mi Mizchell ikinatawa ng lahat.
She throw a small pebble at him. Patawa-tawa naman na nasalo iyon ni Mizchell.
"Hindi ko nga kasi alam na sirena, bigla na lang sumulpot. Akala ko nga kalaban at papatayin ako!" katwiran niya pa at pinanlakihan ng mata ang siraulong si Mizchell.
"Kung ang ilog na 'to ay konektado sa dagat, malamang sa malamang may mga sirena nga rito sa sagradong gubat." Patuloy pa ng Prinsesa.
"Ano ba ginawa sa 'yo?" bibida-bidang tanong ni Mizchell.
Silang dalawa na lang ang nagtatalo habang ang ilan ay tumatawa lang sa pag-aasaran nilang dalawa.
"Nakipagkaibigan nga!" giit niya pa at hinawakan ang magkabilang pisngi.
Her cheeks felt hot!
"May iba pang ginawa ano!" pang-aakusa pa ni Mizchell.
"Binigyan ako ng palamuti sa ulo!" halos mautal-utal niyang saad.
"Totoo? Tamaan ka man ng kidlat?"
Sa inis ay binato niya ito ng kahoy. Buti na lang at nakailag ito kundi sapul sa noo nito.
"Hinalikan ako sa labi, okay!" pagsuko niya pa.
Baka mamaya nakakamatay ang halik ng sirena. Baka hindi na siya magising kinabukasan.
"Hinalikan ka?" Prince Vard asked and look straight through her eyes.
"Oo nga hinalikan ako sa labi! Hindi ba nakakamatay iyon?"
"Ang daya!" atungal ni Mizchell na nagpatawa sa kanilang lahat.
It was a memorable night to remember, she had her heart at ease for a while. At sa gabing iyon, hindi niya aakalaing nakita niya ang dalawang Maharlika na nakihalubilo sa normal na mga mamayan gaya nila.
But what she didn't expect was. The next morning she'll be surprised with a beautiful and unexpected gift.