IN life things we least expect it always happens. Tipong yung akala mo hindi pwede pero pwede pala. Ganyan ang nararamdaman niya ngayon, dahil hindi niya aakalaing magkakasundo ang tatlong itlog at ang sirena. Habang ang dalawang Maharlika ay panaka-nakang sumusulyap saka kabulastugan nung apat. Hindi nga niya akalain na mapapapayag niya ang mga kasamahan niya. Maurecia had to remove the pearl bracelet to let them know that she was a real mermaid. May paa man o buntot ang dalaga ay napakaganda pa rin nito, sa tuwing ngumingiti ito ay namumungay ang nangungusap nitong mga mata. Ang tatlong itlog na si Trevian, Kremor, at Mizchelle nga ay natutulala sa tuwing tumatawa ang dalaga. Kahit siya ay nabighani sa ganda ng dalaga, ang dalawang Maharlika lang ang hindi tinatablan ng ganda nito. Lalong lalo na si Prinsipe Vard. Ni hindi man lang ito natulala sa gandang mayroon ang dalaga. Tila bato ito, walang emosyon. Napapaisip tuloy siya na baka bakla ang Prinsipe dahil ni isang beses ay wala siyang narinig na balitang may napupusuan itong dilag.
“Hindi kaya tama talaga ang hinala ko noon?” she shooked her head to shrug unwanted thoughts pero napapaisip talaga siya nang ganun sa tuwing napapasulyap siya sa binata.
Habang binabaybay nila ang kagubatan ang tatlong itlog at ang sutil na Prinsesa ay naglalaro. Paramihan ang mga ito ng nakikitang hayop at punong may bunga. Siya naman ay tahimik lang sa tabi ng dalawang Maharlika. Parang kasalanan kapag nagsalita siya at ginulo niya ang katahimikan ng dalawa, kahit pa kating-kati na siyang magsalita dahil nanunuyo na ang lalamunan niya.
"Marami bang kagaya mo sa inyo?" biglang tanong ni Mizchell.
Kahit hindi niya nakikita ang reaksyon ng apat ay nakahanda ang matalas niyang tenga para makinig sa tatlong itlog at sutil na Prinsesa.
"Kagaya ko? Anong ibig mong sabihin?" Maurecia asked.
"Kagaya mo nga—"
"Ang sabihin mo Mizchell, kagaya niyang magandang babae. Pasimple ka pa, e!" putol ni Trevian sa kaibigang si Mizchell na tinatawanan ni Kremor.
"Pati sirena hindi pinatakas niyang pagiging babaero mo sa katawan ano!" komento ni Kremor ng mahimasmasan mula sa pag halakhak.
"Hindi, ah! Ibig ko lang sabihin marami bang sirena sa kanila," pagtanggi naman ni Mizchell.
"Sus! Iyang istilo mo masyadong bulok," kantsaw naman ni Trevian.
"Marami namang sirena sa amin. Katunayan nga mas nabibilang ang populasyon ng babae kaysa sa lalaki sa amin. Iyon ang isa sa krisis na kinakaharap ng aking palasyo. Unti-unti kasing lumiit ang bilang ng mga lalaki kaya nagkaroon ng isang patakaran ang aking ama. Lahat ng natitirang lalaki sa aming nayon ay kailangan ng magpakasal. At ang ilang babae sa amin ay ipapakasal sa mamamayan ng Fareus o hindi kaya iba pang karatig pa na palasyo."
"Dapat pala si Mizchell ay tumira na sa inyo, magiging mabuting asawa iyan!" pagbibiro ni Kremor.
"Manahimik nga kayo. Baka isipin ni Maurecia ay hindi ako marunong makuntento sa isang babae!" parang batang maktol ni Mizchell. "Missy, o!"
Napahinto naman siya sa paglalakad at napalingon sa gawi ng apat. Tinaasan niya ng kilay si Mizchell na nakabusangot. Nakangisi ang dalawang sutil habang si Mizchell ay parang aping-api dahil sa paiyak nitong ekspresyon. On the other hand, Maurecia is lost with their antics.
"Pinagtutulungan nila ako. Ipagtanggol mo nga ako!" parang batang maktol nito.
She rolled her eyes, "Ano ka bata? Tigilan mo 'ko Mizchell ha. Masasapak kita."
Gusto na niyang sumabay sa apat ngunit sa tuwing magpapahuli siya ng hakbang ay lumilingon ang Prinsipe at tinataasan siya ng kilay.
"Ang tapang mo talaga, Missy!" puri naman ni Maurecia.
Awtomatikong namula ang kanyang pisngi sa sinabi ng dalaga. Agad siyang umiwas ng tingin rito at nagpatuloy maglakad. Nagulat siya nang makitang nakahinto ang dalawang Maharlika at tila hinihintay siya. Kaya mabilis siyang naglakad. She how Prince Vard face turned red, she looked at him confused. Ngunit tumikhim lang ang binata.
"Ikaw ba Maurecia, kung sakali magmamahal ka anong gusto mo?" tanong ni Kremor upang asarin si Mizchell na halatang may gusto sa sirenang prinsesa.
"Napaka ano mo talaga, Krem!" parang batang maktol ni Mizchell.
"Asus napaghahalataan ka lang Miz!" kantsaw ni Trevian. "Si Maurecia naman tinatanong. Ba’t ba ikaw nagrereklamo, si Maurecia ka ba, ha?!”
"Hmm. Ang gusto ko iyong mabait, matapang ang panlabas na anyo ngunit sa kaloob-looban nito ay malambot ang kanyang puso," she answered dreamily.
"May napupusuan ka ba ngayon?" segunda naman ni Kremor.
Si Trevian at Kremor ay dinaig pa ang dalawang kilalang interviewer sa totoong mundo. Masyadong ma tanong at kung saan-saan umabot. Kahit ang tenga niya ay tutok sa pinag-uusapan ng tatlong itlog at ng nag-iisang Prinsesa. Ang mga mata naman niya ay malinaw na nakatitig sa daanan. Masyado na kasing masukal ang dinadaanan nila. Paakyat sila sa bundok ng Molevion. Ang bundok kung saan naroon ang mahiwagang tubig na nakakapagpagaling ng kung anu-anong sakit at nagbibigay ng karagdagang lakas.
"Meron, kaso hindi niya 'ko gusto. Siguro ay naninibago siya dahil bigla akong nagtapat ng nararamdaman ko sa kanya," malungkot na saad ni Maurecia.
As if on cue, she slipped and fell on the flower facing on the ground filled with dried leaves.
"Missy!" sabay-sabay nilang sigaw habang siya ay napaungol sa sakit.
Tumama ang ilong niya sa lupa. Oh, God! Can someone kill her? Or let her vanish? It was too embarrassing! Plakdang-plakda siya sa lupa, na mas gugustuhin niyang huwag ng tumayo dahil sa hiya. But Prince Vard helped her, tinulungan siya nitong tumayo. Pinagpagan niya naman ang sarili dahil may iilang dahong dumikit sa damit niya. But she froze the moment Prince Vard held her face, napalunok siya sa gulat sa inasta nito.
Hinawakan nito ang ilong niya habang ang isang kamay ay inaalis ang dahong dumikit sa mukha niya.
"Namumula ang ilong mo, ayos ka lang ba?" he asked calmly.
"Oo," halos mamaos niyang sagot rito.
"Baka nais mong gamutin natin ang ilong mo? Baka mamaya iba na yan."
Sa hiya ay hinawakan niya ang kamay ng binata upang pigilan ito. Naiilang siya sa sitwasyon nila.
"Hindi naman masakit," she answered and still tried to remove his hands to her face.
"Bakit ba kasi hindi ka nag-iingat!" biglang nagbago ang tono nito.
Binitawan nito ang pagkakahawak sa mukha niya ay bigla na lang itong naglakad paalis. Masyadong magulo ang Prinsipe, dinaig pa ang kulot na buhok na buhol-buhol.
But as his figure gets smaller, she realized everyone was looking at her. Especially Princess Daiana na mukhang papatayin na siya sa inis. Hilaw siyang tumawa at kumaripas ng takbo.
Parang tangang sapu-sapo ang dibdib niya.
“Tang ina, ba’t ang bilis ng t***k ng puso ko? Mamamatay na ba ako? Am I having a heart attack?”
or falling in love?
Baka nga . . .
MAKALIPAS ang ilang oras ay narating nila ang mahiwagang bukal. They were all exhausted from walking for hours.
"Teka nga paano ba natin masasabing ito ang mahiwagang bukal?" Mizchell pointed out.
"Inumin mo, kapag umangat ka sa hangin. Baka iyan na. Pero kapag natae ka, abay maruming tubig iyan." Trevian was bluffing, ganun rin si Kremor lagi nilang nagtutulungan ang kawawang si
Mizchell. Pero kapag si Mizchell naman ang humirit kawawa ang dalawang itlog.
She just love the friendship of these three. It reminds her of her best friends. She misses those two bitches and her Aunt love too. Malungkot siyang ngumiti, if she could only turn back the time. She’ll tell them she loves them.
"Totoo? Mamatay man?" parang batang tanong ni Mizchell.
"Walang mawawala kung susubukan mo," segunda naman ni Kremor. "'Di ba Maurecia?"
Napa kurap si Maurecia, "Oo. Baka nga mas pagpalain ka pa, eh. Baka bigyan ka ng kapangayarihan."
"Hoy!" sigaw niya nang makita uminom talaga si Mizchell sa tubig.
He was cupping his hand as he sipped the water.
They were all dumbfounded at what he did. But they were all shocked when Mizchell floated in the air. Nagkatinginan silang lahat at napasinghap, Mizchell's body glows as he floats in the air
It was like the movie her friends forced her to watch. A vampire that glows whenever sunlight hits his body. Ang kaibahan, Mizchell was floating in the air screaming like an idiot.
"Tulong!" sigaw nito habang kumakawag-kawag ang mga kamay at paa. He was close too crying, she wants to burst in laughter but nanaig ang awa niya sa siraulong kaibigan.
Saka lang sila na tauhan lahat ng sumigaw ng malakas si Mizchell. They started to panic, and tried
to reach for Mizchell who was screaming his ass off.
AFTER that incident Mizchell was silent the whole duration of their rest time. But his ass friends, kept on laughing. Kaya aburidong-aburido si Mizchell. Kahit siya ay hindi mapigilang matawa. It was freaking epic! He’s too gullible, it makes her want to choke Mizchell to death. Kung siguro nagkaroon siya ng kapatid, she wants someone like Mizchell. Stupid yet adorable, mabuti na rin sigurong hindi siya nagkaroon dahil baka dalawa silang may galit sa mga magulang nila.
"Utang na loob, naririndi na ako sa tawa niyo!" Mizchell whined like a child. Pinagsisipa pa nito ang mga patay na dahon sa paanan nito.
"Siraulo ka ba naman kasi, paano kung lason pala iyong tubig e di namatay ka?" she almost rolled her eyes in annoyance.
Kremor and Trevian was still laughing their ass off, tuwing titingin sila kay Mizchell ay hahagalpak ng tawa ang dalawang lalaki. Kahit si Maurecia ay sumasabay sa trip nung dalawa. The two Maharlika's was smiling at the crazy antics of the two.
Magka ugali ang dalawang maharlika, tahimik pero nakakatakot.
"Ang sabi niyo inumin ko, eh!"
"Hoy! ‘Wag kang nambibintang," Kremor said and threw a pebble at Mizchell's direction.
"Mabuti na lang talaga at nandyan si Maurecia kundi baka lumulutang ka pa rin hanggang ngayon! Jusko, nakakastress ka Mizchell. It felt like I have three sons and daughter to look after in this mission," litanya niya habang pinapaypayan ang sarili gamit ang malaking dahon ng isang puno.
Daig niya pa ang may pamilya sa misyon nato. O mas tamang sabihin, Yaya ng mag-asawang Maharlika at tatlong itlog at ng nag-iisang sutil na Prinsesa. Mabuti na lang talaga at may kapangyarihan si Maurecia na komontrol ng tubig at nahila niya pababa si Mizchell na namamaos na sa kasisigaw.
"Ayan ka na naman sa lenggwahe na hindi namin alam," reklamo ni Mizchell.
"Shut up! Naku ewan ko na lang talaga sa 'yo. Kailangan nating isipin may isa pa tayong misyon, ang hanapin ang leon puti." Paalala niya habang nakabusangot pa rin ang mukha.
"Tama si Missy, kailangan na nating umalis upang ipagpatuloy ang misyon. Kailangan nating bumaba ng bundok ngayon upang akitin ang leon," Prince Vard said as he stood up from sitting on the huge roots of a tree.
Sumunod naman ang lahat, isang utos lang ng Prinsipe ay hindi na umaangal ang mga kasamahan nila.
Bumaling ang Prinsipe sa kanya na ikinagulat niya.
"At ikaw Missy, mag-ingat ka baka madapa ka na naman. Nag-uumpisa mg dilim, mag doble ingat lahat lalong lalo na ikaw. Tatanga-tanga ka pa naman."
Maganda na sana, sinamahan pa ng tanga. She rolled her eyes and stomped her feet, she even flipped her hair at naunang maglakad. Namumula na sana siya dahil sa pagiging maalalahanin ng binata. Ngayon, namumula siya dahil sa inis.
Para siyang bubuyog na bulong ng bulong.
"Kung makatanga, 'kala niya 'di rin siya tanga. I hate him!" she mumbled in anger.