Kabanata Tres

2233 Words
MISSY couldn't help but to worry, she exposed herself. Nakalimutan niyang bawal niyang sabihin na hindi siya taga Ardeun at wala siyang masyadong alam sa mundong ito. Paano kung may magsumbong at ikapahamak niya? O mismo ng paaralan? Tahimik siyang naglakad kasabay ang nga kasamahan niya. She suddenly felt sad with everything. Nakarating sila silid-aralan nila. Ayun kay Aleira, lahat ng klase ng mga maharlika ay kailangan naroon rin sila upang: sumunod sa kanilang nga pinagsisilbihan kung sakaling nay iutos. At bilang estudyante rin, ni hindi nga niya binasa ang nasa aklat kagabi dahil lumabas siya at nakihalubilo sa mga hayop. It was like a dream but it was real, ang damit na suot niya kagabi ay ang suot niya pag gising niya kanina. "Doon tayo sa likod, uupo. Tayong apat," paliwanag pa ni Aleira. "Tungkol saan ba ang klaseng 'to?" she asked as they entered the classroom. Everyone was looking at them, even the maharlika's. Masama ang tingin sa kanya ng Prinsesa. Tinaasan niya lang ito ng kilay. Kanina pa ito panay irap sa kanya, hindi naman niya pinapansin. Naupo sila sa may likuran, everyone was looking at them especially her. She just raise her brows at them. Magkahilira silang apat sa likod, at hindi niya mapigilang mapangiwi. They were the outcasts of the room. It's normal for her to be alone, but in her situation right now masyadong iba. They were the supposed to be called the lucky ones, dahil tanging may kaya lamang ang nakakapasok sa Ardeun. Silang apat na mga taga-pagsilbi ay libreng mag-aaral kapalit ng pagiging serbidor at serbidora sa mga maharlika. Nakaramdam siyang ng awa sa tatlong bagong kakilala, they had to go through a lot just to have a name in the world. "Ba't ba ang sama ng tingin sa 'kin ni Prinsesa Daiana?" nalilito niyang tanong. "May gusto kasi si Prinsesa Daiana kay Prinsipe Vard," bulong pa ni Aleira sa kanya. "So wha— ibig kong sabihin, ano naman ang kinalaman ko dun? Wala naman akong gusto sa amo kong siraul—" "Shh! Huwag kang magsasalita ng ganyan patungkol sa kanila dahil baka mapahamak ka," Aleira said. Silang dalawa lang ang nag-uusap, dahil ang dalawang lalaki ay nakayukyok sa mesa. Pareho naman silang lahat ng suot but still people threw them weird looks. "Bakit ba?" "Ang pagsasalita ng hindi maganda sa kanila ay isang kalapastangan," paliwanag pa ni Aleira. "What? Kalapastangan? usap lang wala naman ginawa," pagtutol niya pa. "Ang tatandaan mo lang, tayong mga normal ay kailangan sumunod sa utos at gumalang. Maari lamang umusad ang ating ranggo kapag naging mandirigma tayo. Pero iilan lang ang naging mandirigma, kadalasan ay nauuwi lamang sa normal na mamamayan ng Ardeun." "Grabe naman pala rito, may rankings pa. Lahat naman tao." "Rankings?" nalilitong tanong ni Aleira. "Ano—ranggo ang ibig kong sabihin!" "Normal ang ranggo rito sa ating mundo. Bakit? Iba ba ang patakaran sa inyong bayan?" "Mayro'n naman, hindi lang ganito ka lala." Pagtukoy niya sa totoong mundo. Sa totoong mundo, may iilang bansa na mayroong hari at reyna. Ngunit sa bansa niya, mayroon lamang mga politiko. Mayroong mga umaabuso sa kanilang puwesto imbes na tulungan ang bansang umunlad. May mayayaman ang taas ng tingin sa sarili, may mga trabahante na inaabuso ang posisyon sa trabaho. Pero iba masyado sa mundo ng Ardeun, masyadong tinitingala ang mga maharlika. At ang mga normal na tao ay minamata. Hindi pa siya nakakaranas na maghirap, sanay siyang binibigay sa kanya lahat. Iyon ang naging kapalit ng mga magulang niya, tinatamasa niya ang maayos na buhay. Pero wala naman siyang tahanang maituturing. Her room was the only one who could hear her silent cries and battles. In her heart, her parents left a whole that no one could ever complete. Mayroong isang grupo ng mga babae ang tinitignan sila ng masama. Hindi naman niya pinansin iyon, kitang-kita na siya kay Daiana simula pa kaninang umaga. Siniko siya ni Aleira, "Oh?" "Iwasan mo iyang mga babaeng iya," sabay nguso sa mga babaeng masama ang tingin sa kanya. "May gusto rin iyan sa Prinsipe, kalat na kalat na kasi na ikaw ang taga-pagsilbi ng prinsipe." "Oh? Bakit parang kasalanan ko pa? Palit kami ng sitwasyon baka sakaling matuwa ako sa kanila." "Iwasan mo na lang. Kung ayaw mong maligo sa putikan ay kung anu-anong kamalasan," pananakot ni Aleira. "Bakit ba? Taga-pagsilbi lang naman ako. Hindi ko naman siya boyfri—nobyo, kaya wala silang dapat ikabahala." "Makinig ka na lang. Dahil hindi man sila maharlika ay may kaya rin ang mga pamilya. Maari rin tayong mapahamak." "Oo, na!" pagsuko niya pa. Umayos ang lahat mula sa pagkakaupo nang pumasok, ang isang may edad na lalaki. Kahit mismo si Aleira ay na paayos ng upo. Sumunod naman siya at piniling huwag mag-ingay. "Magandang umaga sa inyong lahat, ngayon ay magkakaroon tayo ng pagsusulit. Hindi ako magleleksyon sa inyo dahil hindi naman kayo nakikinig. Lahat kayo ay magbihis ng kasuotan na komportable suotin para mag-ensayo. Huwag babagal-bagal at sayang ang oras!" sigaw nito habang ikinumpas ang kamay. Lahat ay tumayo at kanya-kanyang lumabas. Habang siya ay nalilito kung ano ang isusuot dahil wala naman siyang damit rito. Hinila siya patayo ni Aleira, "Halika na Missy!" "Eh, wala akong damit—teka asa'n sila Ceilo at Berni?" palinga-linga siya sa paligid. "Umalis na kaya, hindi mo napansin kasi nakatulala ka lang. Ano ka ba, lahat tayo rito ay may damit. Iyon ay bigay ng paaralan." She stood up and sighed. Sila na lang dalawa ang naroon sa silid, hindi niya napansin. They went outside and walked in the hallway until they found the room called "Nkarntarómpa". They had to let other girls change, para iwas daw gulo. Hindi siya sanay na inaapi. She only had two friends, Freya and Ava Celestine. They were the only friends she had since they were a kid. They were practically her sisters from another parents. Lahat noon, ang turing sa kanya spoiled brat. Only those to understand her sentiments in life. She wasn't a spoiled brat she just hate fake affection. Those two were the same as her, hindi sila pumapayag na basta na lang apihin. Makatagal kaya siya rito? She really had a bad temper when it comes to stupid people. "Oh, nandito na pala ang mga alipin!" ani ng babaeng nakapusod ang buhok. Mataman siya nitong tinignan mula ulo hanggang paa. Hinawakan lang siya ni Aleira sa braso. Nanginginig ang mga kamay nito, halatang ilang beses na itong pinagtutulungan ng mga babaeng 'to. "Dapat talaga iba rin ang sa kanila. Hindi naman natin sila kagaya na nagbabayad rito," sulsol pa nang babaeng may bulaklak sa buhok na nakapusod. "Tigilan niyo yan, iba ang sadya natin dito. Hindi iyang si Aleira, iyakin. Ang sadya natin ay itong taga-pagsilbi ng ating Prinsipe Vard," bigla siyang tinuro ng babaeng nakalugay ang mahabang kulay asul na buhok. "Umayos ka. Subukan mong landiin ang prinsipe namin makakatikim ka sa 'min!" Tinignan niya lang ito at nginitian, "Hindi naman ako marunong lumandi. Baka ikaw alam mo?" Kinurot siya ni Aleira pero hindi siya nagpatinag rito. Hindi pwedeng ganito na lang palagi, kailan magtatanda ang mga taong mapang-abuso kung hindi lalaban ang taong inaabuso? "Aba't! Sumasagot ka pa!" halos mamula ang mukha ng babaeng asul ang buhok dahil sa inis. "Natural may bibig ako, saka inaayos ko lang po ang inaakala niyo po. Hindi ko po lalandiin ang Prinsipe, dahil wala akong ganoon sa katawan. Baka 'pag nagkataon na lumandi ako, baka sinapian mo 'ko." "Tigilan niyo 'yan!" Napalingon silang lahat kung sino ang nagsalita, napasinghap lahat mismo siya ay nagulat! It was none other than the Prince himself. "Prinsipe Vard!" sabay sabay na sigaw ng lahat maliban sa kanya. "Naghihintay na si Maestro Aszcar. Kung gusto niyong maparusahan, sige ipagpatuloy niyo ang kaguluhan." Maawtoridad na pahayag nito. Nagsialisan ang mga babaeng nanggugulo. Nagmartsa ang mga ito palabas. "Salamat, mahal na Prinsipe!" paghingi ng pasalamat ni Aleira. Umismid lang siya rito at hinila si Aleira papalayo. "So may utang na loob pa ako rito?" she thought. Pumasok sila sa isang maliit na silid, unang pumasoo si Aleira. Paglabas nito ay iba na ang kasuotan nito. Hindi niya mapigilang mapangiwi sa suot nito. Maganda si Aleira, bagay sa kanya ang suot nito ngunit hindi lang siya sanay sa mga damit sa mundong ito. "SA ARAW NA ITO ay kailangan niyo subukan ang mga armas na narito. Upang malaman kung saan kayo magaling at saan kayo nahihirapan. Itong mga kagamitan na ito, ay magsisilbing katuwang niyo sa panahon na magkakaroon na kayo ng misyon. Ang iilan sa inyo ay marunong na ng mga sandatang ito. At ang iilan ay hindi pa, walang magaling at hindi magaling rito. Lahat ay pipili at susubukan ang mga ito." They were in open space. Their surrounding was filled with trees. Napakaganda nang simoy ng hangin, it was too refreshing that it help her soothe her mind. Tahimik siyang nakapikit, dinadama ang bawat ihip ng hangin. "Ouch!" she groaned in pain when felt someone hit her leg. She saw Aleira, she glared at her. Nakakarami na ito sa kanya. Kanina pa ito panay siko at kurot sa kanya. "What's your problem?!" she whispered angrily. Namilog ang mga mata ni Aleira, tila hindi naintindihan ang sinabi niya. Napagtanto niya ang naiusal, hindi alam ng mga tao rito ang wikang English. Kumurap-kurap si Aleira at ngumuso paharap. Her eyes widened, when she saw everyone was looking at them especially her. She grimaced, ilang beses ba siyang magiging sentro ng atensyon sa araw na ito? "Wh—bakit?" she calmly asked. Kahit sa loob loob niya ay kinakabahan na siya. "Anong tinutunganga mo riyan baguhan? May sira ba ang tenga mo at hindi mo marinig ang aking tawag sa 'yo?!" gigil na giil na saad ni Maestro Aszcar. Kulang nalang ay bugahan siya ng apoy. "Im—paumanhin, po!" she yelped and stood up. "Jusko! Ilang katangahan pa ba ang gagawin ko ngayong araw?" ani niya sa isipan. "Pumunta ka rito sa harap kung ayaw mong tamaan ka ng isa sa mga ito!" Mabilis pa sa alas kuwatro ang pagtayo niya. She didn't mind the weird stares at her. She even flipped her hair. Minsan sobra rin ang confidence niya, kung ikapahamak niya man. Huminto siya sa gitna, kung saan may may mesa. The table was filled with weapons, espada, pana, punyal, arnis at kung anu-ano pa. "Pumili ka ng isang bagay pakiramdaman mo kung saan ka magaling," he ordered. Napailing siya, she knew archery. But it was a long time since she held one. She knew fencing too, her Tita Love forced her. Noong una ay ayaw niya sa sports, kinalaunan ay nagustuhan niya ang mga ito. "Ilagay mo ang kamay mo sa ibabaw ng sandata kung pakiramdam mo na tila hinihila ka nito, hawakan mo ito at subukan." Sinunod naman niya ito, ngunit wala talaga siyang maramdaman na init sa lahat ng sandata. Wala siyang naramdaman na kung ano. Tumingin siya sa guro at umiling, nagulat naman ito. So he asked for another student and it was none other Prince Vard again. He did what she did, and same as her he didn't feel anything. "Lumapit kayo ritong dalawa. Ang iba sa inyo ay lumapit na rito sa harap at pakiramdaman ang bawat sandata." Sumenyas ito na lumapit silang dalawa at wala siyang nagawa. Lumayo sila ng kaunti sa nagkukumpulan na mga estudyante. They stopped when Maestro Aszcar faced them. "Wala ba kayong naramdaman na mainit kahit isa man lang sa mga bagay na iyon?" "Wala," matipid na saad ni Prinsipe Vard. Nag-isip ito saglit at bumuntong hininga, "Pero alam niyo kung paano gamitin ang mga bagay na iyon?" "Alam ko dahil simula bata pa ako ay nag-eensayo na 'ko," he explained. "Pero may iisang bagay na nakatadhana sa 'yo," giit ng guro bago ito bumaling sa kanya. "Ikaw alam mo ba ang gamitin ang mga iyon?" Marahan siyang tumango, "Ang iilan sa mga iyon ay alam kung gamitin." "Bakit alam mo?" seryosong singit ni Prinsipe Vard. Halos mangatal siya sa kaba, paano niya ito lulusutan? "I kne— ang ibig kong sabihin ay ang iilan ay alam ko dahil sa aming barrio maraming mababangis na lobo o 'di kaya mga halimaw. Bilang proteksyon sa sarili ay tinuruan ako ng aking tiyuhin bago ito namatay." "Hindi ka ba isinilang sa bayang ito?" tanong ng guro. "Oho, mula ako sa ibang bayan. At naipaghabilin lang ako ng tiyo ko bago ito namatay sa isang kakilala," pagkukwento niya pa. Hindi niya alam kung saan nagmula ang kasinungalingan iyon. Tila may bumubulong sa kanya na iyon ang sabihin. "Bueno, simula sa araw na ito. Ay kailangan kayong dalawa ay magkasama na mag-ensayo. Titignan natin kung saan ang galing niyo sa bawat sandata." Her eyes widen in shock, she almost cursed at what she heard. The Prince on the other hand was calm like the weather today. She wanted to object, hanggang sa pag-eensayo ay kasama niya ang among bruho. Hindi kaya magkapalit na sila ng mukha? "Kailangan niyong mag-ensayo ng mabuti dahil sa susunod ay sasabak na kayo sa misyon," bumaling ito sa prinsipe. "At ikaw, hindi puweding aasa ka sa kapangyarihan mo bilang maharlika. Kailangan mong matuto at lumaban kahit sandata o kamao man ang gamit." "Kapangyarihan? Paano eh, normal lang ako na tao. How can I survive all those missions when the creatures here aren't just wild animals but monsters?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD