GISING na gising ang kanyang diwa. Kahit anong pilit niyang makatulog ay hindi niya magawa. Panay ang ikot niya sa kamang hinihigaan. Hindi makapaniwala sa nangyayari sa kanya. Kahit ilang ulit niya mang sabihan ang sarili na lahat nang nakikita ng kanyang mata ay totoo. Hindi niya alam kung ilang oras na ang nakalipas simula nang iwan siya ng ginang sa dormitoryo ng mga maharlika. Nakilala niya ang mga maharlika at ang kanilang mga tagapagsilbi. Kahit mismo ang among hindi mawari kung masaya ba o malungkot. Nang ipakilala siya ng ginang ay tumango lang ang prinsipe kung tawagin at agad na tumalikod. Nakilala niya ang rin ang ilang tagapagsilbi na kagaya niya.
Umupo siya mula sa pagkakahiga. Mismo ang kamang kinauupuan ay naghuhumiyaw na wala siya sa normal na mundo. Her bed was wrapped with beautiful flowers that has an addicting scent. It was floating in the air, muntik na nga siyang mahimatay nang gumalaw ito kanina. Akala niya minumulto siya. Ngayon gusto niyang bumaba at mamasyal para dalawin siya ng antok. Lumapit siya sa dulo ng higaan at ibinaba ang mga paa. The bed suddenly moved, she was so scared. The bed, slowly moved closely to the ground.
"Hala! Paano nangyari yun?" naguguluhan niyang tanong.
Dali-dali naman siyang umalis sa kama at lumapit sa pintuan. She pulled the door and went out. There was no one outside. Maingat siyang naglakad palabas, sinisiguro na walang tao. She tiptoed and walked stealthily, making sure that she doesn't create a loud sound. Sinubukan niyang buksan lahat ng pinto sa ibaba, upang mahanap ang daan palabas. Nagkandaligaw-ligaw na siya sa kaiikot. Until she the golden door, she almost screamed in glee. But she reprimanded herself, baka magising lahat at aakalaing magnanakaw siya. Baka madedo ang kagandahan niya.
Pinihit niya ang sedura at bumulaga sa kanya ang nagliliparang dambana. Ang paligid ay puno ng mga puno, ang ihip ng hangin ay napakalamig. Nakita niya rin ang mga iilang hayop na nakapalibot sa isang kahoy na lumiliyab. Ang mga bulaklak ay tila may sariling buhay at sumasayaw sa saliw ng hangin. Tila ang mga ito ay nagkakasiyahan. Sinubukan niyang maglakad nang hindi gumagawa ng kung anong tunog, she only took one step and everyone looked at her. Her heart dropped in fear, that she might put herself to trouble. Tila naabala niya ang kasiyahang nagaganap.
"So this is what you feel when you gatecrashed a party," for her it was too embarrassing to move.
Kung pwede pa lang siyang mahimatay ay ginawa na niya.
"Sorry, hindi ako manggugulo! Hindi lang talaga ako dinadalaw ng antok. Can I just sit her—maaari ba 'kong umupo sa sulok?" hindi niya aakalaing darating siya sa puntong kakausapin niya ang mga hayop.
"Oo, maari kang maupo sa sulok. Maari ka rin na sumali, basta huwag ka lang gagawa ng gulo." Halos mawalan siya ng ulirat nang magsalita ang kuneho.
"Nagsasalita ka?" halos maihi siya sa gulat. Hindi niya alam kung may puwang pa ba ang takot sa puso niya.
"Anong akala niyo? Kayong mga tao lamang ang maaring makipag-usap? Ano ang silbi ng aming mga bibig kung hindi kami makapagsalita?"
"Oh my God!" she uttered in shock.
"Magandang gabi, Binibini!" sabay-sabay na ani nang lahat ng mga hayop.
"Sumalo ka sa amin, Binibini!" ani ng oso na may hawak na mansanas.
Isang iglap, ang mga dambana ay lumapit sa kanya at may nilagay sa kanyang ulo. Koronang gawa sa bulaklak, may upuan rin na gawa sa bulaklak.
"Ikaw ay ang aming panauhin sa unang pagtitipon ngayong buwan," pahayag ng elephante.
Nakaramdam siya ng gutom nang makita ang prutas na nakalatag sa dahon. Kumalam ang sikmura niya, hindi pa pala siya kumakain. She had been asleep or she was too preoccupied in overthinking.
"Ngayon lang kita nakita rito, Binibini." Saad ng pagong.
Paano niya sasabihin na hindi siya nagmula sa mundong ito? Na isa siyang normal na tao, at nagmula siya sa mundong ni isa ay walang mahika?
"Bagong lipat po ako rito, isa akong tagapagsilbi ng prinsipe," halos magkanda buhol-buhol niya pang pahayag.
"Mamaya niyo na kausapin ang atin panauhin. Siya ay atin munang pakainin," ani ulit ng kunehong mataman siyang pinagmasdan.
Isang unggoy naman ay inabutan siya ng saging, agad naman niya iyong kinuha at binuksan. Hindi na siya nakaramdam ng hiya. She devoured the banana, she felt relieved. Nakalaman rin ang tiyan niya sa wakas! Panay ang abot sa kanya ng prutas at panay rin niya iyong inubos hanggang sa makaramdam ng kabusugan. She burped loudly, and smiled sheepishly.
"Paumanhin po, I am—ibig kong sabihin ay kanina pa ako gutom na gutom."
Natawa ang isa pang oso, "Hindi ko akalain na isang binibining katulad mo ay napakalakas kumain. Huwag kang mag-alala marami namang pagkain na ipinagkaloob ng diyos at diyosa ngayong buwan. Panigaradong kahit kumain ka pa nang kumain ay hindi mo kami mauubusan."
Ang mga dambana ang siyang nagsisilbing ilaw sa paligid. Hindi niya mapigilang mamangha nang makita ito sa malapitan, mukha itong mga tao. Ang kaibahan lang ay napakaliit ng mga ito at may pakpak rin sila. They were so beautiful the she stop herself from being distracted with their beauty. Inilahad niya ang palad, isang napakagandang dambana ang bumaba sa kanyang palad. Sa hindi inasahan, nakaramdam siya ng kurenteng dumadaloy sa katawan niya nang maglapat ang kanyang palad at ang dambana.
"Napakaganda mong binibini," ani ng isang boses.
Nang mahimasmasan siya ay napalinga-linga siya. Tinitignan kung sino ang nagsasalita, ngunit ang lahat ng hayop ay mataman siyang tinignan. Ang ilan ay nakanganga pa.
"Bakit po?" magalang niyang tanong.
"Isa kang espesyal na tao, saan ka ba nagmula?" tanong ng kuneho. Bakas sa boses nito ang paghanga sa kanya.
"Hindi ko po maaring sabihin," magalang niyang saad. Upang maiwasan ang pang-uusisa pa ng mga ito.
"Pabayaan niyo ang Binibini. Huwag niyong pilitin," puno ng awtoridad na saad naman ng pagong.
"Isa siyang kakaibang tao, Pinunong Paco!" giit ng kuneho.
"Kakaiba man o hindi, respetuhin niyo ang desisyon niyang magsalita ukol sa lugar kung saan siya nagmula. Ang tanging masasabi ko ay isa siyang pinagpala, dahil kailan man ay hindi nagkaroon ng taong hindi tinablan ng kapangyarihan ng dambana."
Sa isang iglap ay pinalibutan siya ng mga dambana, napapikit na lamang siya ng mariin. Isang malakas na liwanag ang lumukob sa kanya. Ilang segundo ay naidilat niya ang kanyang mga mata. Sa gulat ay napasinghap siya nang magbago ang kanyang suot na bestida. Naging kulay puti ito at nagmistulang siyang dadalo sa isang beach party.
"Paumanhin, ngunit kailangan ko ng umalis. Salamat sa inyong lahat," dali-dali siyang umalis.
Hindi niya mawari ano ang ibig nilang sabihin. Tumulo ang kanyang luha, naguguluhan na siya sa sitwasyon niya. She felt overwhelmed with the magic as a real thing in the land of Ardeun. She don't know what do. She went inside the house. Halos magkanda ligaw-ligaw ulit siya sa paghahanap sa silid niya, mabuti na lamang at nakabukas ito. Agad siyang sumampa sa kama niya. She cried her heart out, she wants to go home. Nalilito na siya sa mga pangyayari.
She felt like she's lost and alone again. Wala siyang mapagsabihan sa dinaramdam niya. She wants to go back to the normal world but she can't.
MUKHA siyang zombie nang gisingin siya ng kapareho niyang tagapagsilbi na si Aleira. Kailangan raw mauuna na gumising ang mga tagapagsilbi sa amo nila. Kahit labag man sa loob niya at masakit pa ang mga mata niya sa kakaiyak ay naligo siya sa banyo. Isinuot niya ang uniporme ng paaralang Ardeun. Ang damit niya kagabi ay inilatag niya lang sa kama niya. Nang makalabas siya sa banyo ay napasigaw siya sa gulat.
"Aleira!"
"Paumanhin kong nagulat kita. Ngunit kailangan mong bilisan upang tulungan kaming maghanda ng pagkain para sa mga maharlika."
Tumango siya bilang sagot at sumunod siya rito. Bumaba sila ay nagtungo sa kusina. Nandoon rin ang mga kagaya niyang tagapagsilbi. Nakilala niya ang mga ito kagabi. Dalawang silang babae at dalawang lalaki. Si Berni na tagapagsilbi ng Prinsipe Eivan kuno. Si Aleira, ay tagapag-silbi ni Prinsesa Daiana. At si Ceilo, ay taga-pagsilbi ng kambal na sina, Prinsipe Achelus at Alvelus.
"Magandang umaga, Missy!" bati ng dalawa habang inaayos ang mga pinggan.
"Magandang umaga rin, ano ang maitutulong ko sa paghahanda sa pagkain nila?"
"Marunong ka bang magluto?" tanong ni Aleira na nasa likuran niya.
"Oo, sanay akong magluto!" natutuwang pahayag niya.
"Sige, mabuti naman. Ikaw na lang ang magluto. Andun ang mga kagamitan sa gilid, at nasa kahon ang mga kasangkapan sa pagluluto." Pahayag ni Ceilo habang itinuturo ang isang malaking tokador na gawa sa kahoy.
Lumapit siya roon upang maghanap ng mailuluto. Napasinghap siya nang makitang ang normal na tukador ay bumubuga ng malamig na hangin.
"May ref pala ang mga nilalang na 'to, infairness!"
She saw eggs and meat, iyon na lamang ang lulutuin niya. Sanay naman siyang magluto, her Yaya taught her things. Kadalasan siya nga ang nagluluto para sa kanilang dalawa ng tita niya.
After she was done cooking, she excused herself para tawagin ang amo niya. She went upstairs and knocked softly, but she didn't her anything. Katok lang siya nang katok.
"Aray! Ano ba?!" sigaw ng antipatikong amo niyang binuksan bigla ang pintuan. Tumama ang kamay niya sa mukha nito.
"Hala! Ikaw kasi, eh!"
"Kasalanan ko pa?" inis nitong saad. Lukot na lukot ang pagmumukha nito.
"Ano bang ginagawa mo rito? Umagang-umaga naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo!"
"Boss, masanay ka sa pagmumukhang 'to dahil maya't-maya mo akong makikita. Anyway, nakahanda na ang almusal kamahalan."
"Umalis ka at dadaan ako," malamig nitong saad.
Kung pasamaan lang ng ugali ang pag-uusapan. Kaya niyang makisabay, ilang beses siyang na-guidance dati, dahil sa tuwing may nang-aasar sa kanya, nananapak siya. Ilang babae na rin ang nasabunutan niya noon. Ilang beses siyang lumipat ng paaralan.
Tumabi siya at pinadaan ang among aburrido ang mukha. Ang gwapo sana nito, ang kaso ang sama naman ng ugali. Nakasunod siya rito habang nakabusangot, nang lumingon ito sa kanya ay agad siyang ngumiti at sumimangot ulit ng hindi na ito tumingin.
Nagtungo sila sa kusina. Lahat ay naroon na, pati ang nga maharlika. Pansin niya ang sama ng tingin sa kanya ng Prinsesa. Tinaasan niya lang ito ng kilay.
"Kahit magsabunutan pa tayo, wala akong pake." She thought.
Katabi ng mga maharlika ang kanilang mga taga-pagsilbi. No choice siya kundi tumabi rin sa amo niya. When the Prince sat down, the servants. Started to serve the Maharlika's. Pinagmasdan niya lang ang amo niya, dahil banas na banas siya rito ay magmamatigas siya. She want to piss the Prince. So instead of serving him, inuna niya ang sarili.
Nilagyan niya ng pagkain ang kanyang pinggan. Akmang susubuan niya ang sarili, she heard a fake cough. Napahinto siya at tinignan, lahat sa kanya nakatingin.
"Aray!" reklamo niya nang makaramdam na nay sumipa sa binti niya.
She saw Aleira, glaring at her. Ininguso nito ang amo niyang masama ang tingin rin sa kanya.
"Bakit Boss?" she asked. "Gusto mong subuan kita?"
She saw how his eyes flickered with anger. Baka gilitan siya ng leeg. Takot niya lang, baka hindi na niya makita ang Tita Love niya.
Ngumiti siya rito, "Ikaw naman hindi mabiro."
Nilagyan niya ng pagkain ang prinsipe kahit sa loob-loob niya ay gusto niya itong hambalusin. Kulang na lang ay subuan niya ang Prinsipe, kahit mismo ang ilang maharlika. Hindi niya mapigilang mainsulto sa paraang ito. They can't even it without help of anybody, paano pa kaya ang pamamahala sa kaharian o kung anuman.
Matapos nilang mag-agahan ay naglipit muna sila na mga taga-pagsilbi. At umalis na ang mga Maharlika, hindi raw maaring magsabay papasok ang mababang uri ng tao at mga maharlika. Isang malaking insulto daw iyon sa katayuan nila.
"Paano naman tayo?" tanong niya sa tatlo. "Kailangan pa ba nating maghintay ng ilang oras?"
"Syempre, susunod na tayo. Kailangan rin natin silang pagsilbihan sa paaralan." Ani ni Aleira.
"Turuan mo si Missy ng mga dapat gawin Aleira. Baka ikapahamak niya pa kapag may nakapagsumbong na hindi maayos ang pagsisilbi niya sa prinsipe." Ceilo said.
Tumango si Aleira bilang tugon.
"Tandaan mo, Missy. Pati ang iyong pakikipag-usap sa Prinsipe, dapat mas magalang ka." Sabat naman ni Berni.
"Ganito ba rito? Sa lugar kasi namin ay hindi naman ganito," paliwanag niya pa.
"Hindi ka pala mamamayan ng Ardeun?" gulat na tanong ni Aleira.
"Kalilipat ko lang rito, dahil sa aking tiyahin. Hindi ako maalam sa Ardeun masyado, dahil iba ang kinagisnan ko."
"Si Aleira, alam niya lahat siya bahala sa 'yo!" masiglang saad ni Berni.
"Bilisan niyo na, baka mahuli tayo sa klase. Mapatawan na naman tayo ng parusa," paalala ni Cielo.
Isa lang ang alam niya. Ang mundo ng Ardeun ay kagaya sa normal na mundo, mapanakit, mapang-abuso sa kapangyarihan. Hindi niya naranasaan sa normal na mundo ang maging alipin ng sinuman. She was only a prisoner of the pain her parents gave her.
Sa mundo ng Ardeun ay literal na alipin siya, sana naman ay hindi niya ikapahamak ang sitwasyon niya ngayon. Ang tanging hiling niya ay gabayan siya sa lahat ng bagay.