"Oy! Lhian, ano ba? Tigilan mo 'yan." Isang lalake na maliit ang pumigil sa kamay ng dalaga. Napangisi si Ben. Medyo matangkad lang ng kaunti sa babae ang lalaking pumipigil sa dalaga. Parang pinutakti ang mukha nito ng pimples. Pilit siyang sumeryoso nang muling bumaling sa dalaga. "Buhay pa ang kapatid mo. Kailangan lamang manatili sa ospital," saad niya. Nagpapasalamat siya at hindi siya nabulol. " E-elangen ni-niya lang m-mag-p-pa-galing," napangiwi siya nang mabulol ulit. Sh*t! Until now, maysa-bulol pa rin pala siya! Ngayon niya lang napagtanto. Pilit sinusupil niyang ang ngiti sa labi. Sumeryoso siya nang tantanan ng dalaga si Clyde. Seryosong nakaharap na sa kanya ngayon ang babae. Nang balingan niya si Clyde, nakangisi ang hay*p! Hinihimas nito ang magkabilaang tainga. Tinakpan