bc

The Smokey Mountain Princess

book_age16+
825
FOLLOW
7.0K
READ
fated
self-improved
student
drama
tragedy
sweet
bxg
humorous
ambitious
others
like
intro-logo
Blurb

Lhian is a damsel in distress slum princess, a scavenger rescued by her handsome benefactors when they got involved in her sister's hospitalization. She fell in love with Brent, her knight in shining armor, and forcibly married him when she falls out of love. Can she still escape a fairy tale that caused her grief?

chap-preview
Free preview
Episode 1-Lhian
Mistula isang bundok ang mga basurang nakikita niya sa harapan. Amoy na amoy niya ang sangsang nito. Nakakasulasok. Nanunuot. Wala ng bago sa araw-araw na naging buhay nila rito sa Smokey Mountain. Balang-araw, makakaalis din sila sa kahirapang ito. "Lhian, ano ka bang bata ka? Kanina pa 'ko sumisigaw." Hangos na lumapit si Mang Kanor sa anak. "Hindi mo ba 'ko naririnig?" Nakapangalumbaba pa rin siya sa yero nilang bintana. "Tatay naman, eh! Nagpa-plan-o pa 'ko rito. Istorbo ka talaga!" Nakabusangot na siya sa ama. "Lint*k na bata 'to! Hindi na natigil sa kakapangarap ng gising, ano'ng oras na?" naiinis na wika ng matanda, nasa 50 taong gulang na. Napapailing na lang ito sa kinikilos ng anak. "Dapat makarami tayo ng kalakal ngayon, may bagong dating na mga truck, bilisan mo!" Halata sa katawan ng matanda at hitsura ang pagiging responsable nito kahit salat sa karangyaan ng buhay. "Tay naman, eh! Libre naman mangarap," nakangisi niyang binalingan ito. "Walang bayad." Hinawakan niya ang payat at buto-butong kamay ng Tatay Kanor niya sabay titig nang matiim dito. "Balang-araw, magiging maganda ang buhay natin. Aalis tayo rito. Bibili tayo ng magandang bahay, hindi ka na magtatrabaho, magiging--" "Anak, tsk tsk! Tigilan mo ako, ha!" natatawa na lang ang matanda. "Nalipasan ka na naman ng gutom siguro," sabay haplos sa pisngi ng dalaga. "Samahan mo 'ko sa labas at magsimula na tayo sa pangangalakal. Nagpatabi na 'ko ng pagkain sa karinderya para mamaya sa tanghalian may makain tayo." Mabilis na winasiwas nito ang bitbit na sako sa mukha ng anak. Lumabas ito sa barong-barong. Sumunod siya sa ama. Alas-otso pa lang ng umaga. Sa oras na 'to, tanghali na ito na pangangalakal nila. Dapat ala-sais pa lang, nasa tambakan na sila. Napalingon pa siya sa yero nilang bahay. Makikita ang iilang butas dito at ang kinakalawang ng yero na pinagtagpi-tagpi. Malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya. Mansiyon na nilang maituturing ang butas-butas at kinakalawang na bahay na 'to. Mabuti na 'yong may sarili silang barong-barong na matutuluyan. Napatigil siya sa pagmumuni-muni nang hilain siya ng ama, sabay akbay nito sa kanya. "Anak talaga, ano na naman ang iniisip mo, ha?" Nakangisi na komento ni Mang Kanor kay Lhian habang nakatingin din sa bahay nila. "Secret, guess it!" Napabungisngis siya. Hinila na niya papunta sa malabundok na basura ang ama. Kumunot ang noo n'ya. Allergic kasi ang tatay niya sa English, as in "no read and no write" kaya hirap ito sa ibang English words. Kailangan pa niyang i-explain ito minsan sa matanda. Mga kinse minuto ang layo ng malabundok na basura sa bahay nila. Second year high school lamang ang natapos niya. Sa pampublikong eskuwelahan lang naman siya nag-aaral noon. Pangarap niya ang makapag-enroll sa private school kung papalarin. May kalayuan ang pampublikong eskwelahan sa kanila kaya kailangan pa niyang mag-jeep sa pagpasok. Isa sa mga rason kung bakit natigil siya ng pag-aaral ay dahil sa pagkakasakit ng Nanay Remedios niya. May sakit ito sa baga. Hindi na nila nakayanan ang pagpapagamot nito sa ospital dahil sa kahirapan ng buhay. May mga libreng gamot sa Health Center na binibigay pero hindi regular na pumupunta ang ina. Taon-taon, may namamatay sa lugar nila dahil sa uri ng kapaligiran. Nagkakaroon din ng landslide ang malabundok na basura rito. Sinubukan naman nilang dalhin sa Public Tondo Hospital ang ina. Lahat ng ipon ay nagamit na nila pero nagkulang pa rin ito. Sinubukan din ng tatay niya ang humingi ng tulong sa Baranggay Hall at sa Mayor. Sadyang hindi na rin makayanan ng nanay niya ang hirap ng sakit sa katagalan. Naging malala na ito bago pa man naagapan na ikinamatay ng babae. Labis silang nagdalamhati sa pagkawala ng ilaw ng tahanan nila. Payapa na ang ina. Lubog din sila sa sa utang. Nangutang na lang sila sa 5'6' dahil kailangang-kailangan nila ito para sa pagpapalibing ng ina. Hirap din sila sa pagbayad nito. Kailangan pang rumaket nang rumaket. Basurera siya. Pangangalakal ang trabaho ng pamilya niya. Isa rin siyang tindera sa palengke. Napakahirap. Ang buhay ng isang dukhang katulad niya ang tulay kung bakit napakatayog ng pangarap niya. Halos magdadalawang taon na ring patay si Remedios, ang kanyang nanay. Ang Smokey Mountain ay tambakan ng milyong basura sa Pilipinas. Labis itong nakaapekto sa kalusugan ng mga taong naninirahan sa lugar na ito. Alam niyang tiniis ni Nanay Remedios niya ang karamdaman. Ugali nitong sarilinin na lang ang dinadamdam dahil wala naman silang pera. Winalang-bahala nito ang kalusugan. Gamit ang bakal na maliit at may paarkong dulo, hinalukay niya ang mga basurang binaba ng truck. Plastic, bakal, bote o kahit anong mapagkakakitaan na puwedeng ibenta ay deretso sa hawak niyang sako. Sa Junk Shop nila binabagsak ang mga kalakal. "Anak, tingnan mo ito," hiyaw ng matanda. Winasiwas nito ang hawak. May kalayuan ang distansya nito sa kinatatayuan niya. Dito na bumuo ng pamilya ang kanyang magulang. Nasa Tondo sila kung nasaan ang Smokey Mountain. Dito na rin sila ipinanganak ni Sonia, ang nakababata at maarte niyang kapatid. "Oh my God! Tay, mayaman na ba tayo?" napasigaw siya sa tuwa. Tiningnan niya pang maigi ang hawak nito. "Ginto ba 'yan?" Mabilis siyang tumakbo, hila-hila ang sako na may lamang kalakal. "Ikaw talaga kahit kailan." Tuwang-tuwa na pinakita ng matanda ang hawak sa anak nang makalapit ito. "Grabe ka, anak!" Nawala ang ngiti niya. Napabusangot na lang siya. "OMG! Cellphone na sira?" Cellphone na madumi at parang warak pa ang hawak ng ama. Basag pa ang salamin nito. Tuwang inilapit ni Mang Kanor sa mukha ng dalaga ang hawak. "Anak, may selpon ka na." "Sana naman 'yong touch screen na," lalo lang siyang napasimangot. "Tay, sira na 'yan, eh." "Hep! Anak, manahimik ka!" pakli ni Mang Kanor at sinilid sa bulsa ang maliit na cellphone. "Dadalhin ko 'to kay Alfred baka maayos pa at 'yon ay marunong sa mga selpon na sira." Mababakas sa mukha ng matanda ang saya. Balak nitong ipagamit ang cellphone sa panganay. Gusto nitong pabalikin sa pag-aaral si Lhian. Siguradong magagamit ito ng kanyang dalaga kapag nag-aral na ulit. Magtatanghali nang pumunta sila sa karinderya. Nakaupo siya. Nangagarap na naman! Ang layo ng lipad ng utak niya. Sa paanan sila ng malabundok na basura nagtayo ng bahay mula sa pinagtagpi-tagping yero. Gusto niya talagang ialis sa lugar na ito ang pamilya. Isang subdivision, tama! Sa isang exclusive na subdivision sila titira balang araw. Kinilig siya. Business--ito ang pangarap niya! Isang karinderya, pwede na! Hindi sapat ang kinikita nila sa pangangalakal. Kailangan niyang rumaket pa. Nitong nakaraan lang, nagsara ang tindahang pinagtatrabahuan niya. Si Aling Epay, ang nanay ng matalik niyang kaibigan na si Evitte ang may-ari nito. Kapos din ang mga ito sa budget at mangungutang pa ito ng puhunan, kung hindi sa bombay, malamang sa kapatid nitong nag-DH sa Singapore. Aabisuhan na lang nila ako kapag magbubukas ulit sila. Isang karinderya raw ang ipapalit dahil matumal na ang bentahan sa ukay-ukay. "Tataaay," matinis na tili ni Sonia. "I'm here!" Umupo sa tabi ng ama ang bata, 10 years old na ito. Alas-dose na ng tanghali. Sakto ang dating ni Sonia. Kalalapag lang din ni Aling Puring ng pagkain sa harap nila. Tahimik lang siya. Napapangiti lang siya sa mga pumapasok sa utak niya. "Huwag kang sumigaw, Sonia! Diyaskeng bata 'to!" nauubong wika ni Kanor dahil nagulat ito sa sigaw ng bunso habang kumakain. "Bakit andito ka, wala ka bang pasok? Huwag mo sabihing nagkating klasi ka na naman." Natawa siya sa ama. Eto na naman sila. "Correction! Cutting classes not kating klasi, Tay." Napairap siya. "Ate," sabat ni Sonia. "Same lang 'yon," irap nito pero nakangisi. "Tatay talaga, ulyanin na! Hanggang tanghali lang kaya ako." Nanlaki ang mata ng matanda. "Huwag mo 'ko ine-English, Lhian." May natapon pang kanin sa bunganga nito dahil nagsasalita ito habang ngumunguya. "Tatay," inis na wika ni Sonia. "Ang laway mo, tumatalsik!" Winasiwas ng bata ang kamay sa harap ng ama para ipakita ang kanin na tumalsik. "Kanor," pagkuha niya ng pansin nito. Natalsikan din siya ng kinakain nito. "Don't talk while your mouth is full!" Papa'no ba naman, magkaharap lang silang tatlo. "Heh! Magsikain na kayo!" nakangisi na pakli ng matanda Hindi nito maintindihan ang pag-e-English ng anak na si Lhian. Grabe ang pagka-proud nito sa mga anak. Alam nitong malayo ang mararating ng mga ito. Ang galing mag-English, eh! Tsaka ang dami rin nitong napi-pick up sa simple-ng salita ng mga ito. Iba talaga kapag nag-aral. Sa mga anak na lang lahat mababawi. Ang isang bagay na wala sa matanda, ang karunungan. "Oh, magsikain na kayo." Pag-iiba ng usapan ni Mang Kanor. Baka resbakan na naman siya ng mga English-era niyang anak. Talo lang siya sigurado. Inusog niya sa mga ito ang pagkain. Isang order ng menudo ang nagkakahalaga ng bente pesos. Ang sabaw naman ay libre na. Limang piso naman ang kanin kada order. Hindi na ito masama para sa kanilang mag-anak. Pinaghati-hatian na lang nilang magpamilya ang menudo. Napangiti siya. Ang tatay talaga niya, oh! Nagsimula na rin siyang kumuha ng ulam. Hati-hati lang sila. Minsan kapag may mga tirang ulam si Aling Puring, pinapadala na lang nito sa kanila kaysa mapanis daw. Bestfriend niya si Leo, ang anak-anakan nito. Ang mga magulang ni Leo ay may sampung anak, nasa iisang lugar lang sila. Dahil sa maraming anak, pinaampon ng mga ito si Leo sa matanda. Nagpapasalamat talaga sila na mahilig itong magbigay ng libreng pagkain minsan. Medyo nakakaluwag ang matanda sa buhay. May sarili itong bahay na maliit na halong semento at plywood sa kabilang kalsada, katapat ng Smokey Mountain. Masuwerte raw itong nasama sa pabahay ng gobyerno para sa maralita na kagaya nila. Wala silang nakuha sa pabahay ng gobyerno kaya nagtayo na lang sila ng barong-barong. "Sonia, pagkatapos mo, dumeretso ka sa bahay at magbihis," bilin ni Mang Kanor sa bunsong anak na abala sa pagkain. "Babalik kami ng kapatid mo sa tambakan pagkatapos nating kumain dito." Alam ng matanda na susunod sa tambakan si Sonia. Tumutulong din si Sonia sa pangangalakal nila. Hindi niya mapigil ito kahit sabihan niyang sa bahay na lang mamalagi. Naiinip daw ito sa bahay. "Kanor," tawag ni Aling Puring. "Pabalikin mo si Lhian dito mamaya, baka may tirang ulam kaysa mapanis sa inyo na." "Naku, naku! Salamat, Aling Puring," sumabat na siya. Libreng pagkain ulit ito. "Bukod kaming pinagpala sa balat ng lupa." Ang laking natitipid ng pamilya niya dahil sa libreng ulam. May kanin pang kasama na libre rin kung suswertihin na maraming tira. "Nawa'y pagpalain ka ni God sa busilak mong puso," dugtong ni Sonia na nakangiti. Umirap si Aling Puring pero nakangiti ito sa kanila. Ganito siguro talaga, ang mahirap ding kagaya nila ang makakaintindi sa kanila. 'Yong walang-wala ka na, tapos bibigyan ka na lang bigla dahil alam nilang kailangan mo. Blessing! Nagpaalam na sila pagkatapos kumain. Deretso sila ng ama sa pangangalakal. Tirik pa ang araw nang maka-tatlong sako sila. Hindi na ito masama at madadagdagan pa ito mamaya. "Anak, mamayang hapon, dederetso ako kay Alfred." Halata sa mukha ng matanda ang pagka-excited. "Papatingnan ko itong selpon, baka maayos niya. Baka ilibre pa nga n'ya, eh." Ang cellphone na napulot ang ireregalo niya sa kaarawan ng anak. Si Alfred ay ninong ng anak na si Lhian. Magaling ang kaibigan sa pag-aayos ng mga cellphone. Ito na ang pinagkakakitaan ng kumpare niya. Kahit salat sa buhay, nagpapasalamat pa rin si Mang Kanor na may mga taong mababait sa kanila. Sobrang natutuwa pa rin siya kahit hindi sila biniyayaan ng magandang buhay. Mataas ang pangarap ng kanyang mga anak sa buhay. Nagsisikap ang mga anak niya sa kabila ng kahirapan nila. Napapangiti ang matanda. Aasenso rin sila sa buhay balang-araw. Nakikita niya ang determinasyon ng panganay na anak na maiahon sila. Laging bukambibig ni Lhian na gusto nitong mag-aral ulit. Paulit-ulit lang ang dalaga sa mga pinagsasabi nito na hahanguin sila sa kahirapan. Wala itong kasawa-sawa kahit parang sirang plaka na. "Wow! Tatay." Napabungisngis na lang siya. May pinagmanahan pala siya. "Akala ko, ako lang nangangarap ng gising, ikaw din pala, huh!" Napansin niya na parang baliw lang kung makangiti ang ama. Pareho sila ng hitsura ng ama kapag may mga plano sa future nila. Para silang mga sira sa ikinikilos nila. "Share naman, Tay," tinampal niya ito sa braso na ikinalingon nito bigla. Nagulat ito sa pagsulpot niya. Ang nagagawa talaga ng day-dreaming! Hindi namalayan ni Mang Kanor ang paglapit ng panganay. "Ano'ng pinagsasabi mo, Lhian?" nanlalaki ang matang tanong nito. "Nakatingin ka sa kawalan habang nakangiti." Sige ang paghahalukay niya sa basura. Marami na ring tao sa tambakan. Hindi na niya makilala ang iba. May takip din ang mga mukha ng mga ito dahil sa tirik na ang araw. "Bakit, anak? Masama ba ang mangarap ng gising?" "Luuh! Nag-day dreaming ka na, Tay." Pinalakpakan niya ito. Ang hilig nitong manita pero ito rin pala, daydreamer din. "Ano 'yon, anak?" "Ang alin po?" balik tanong ko sa kanya. "Naku naman, anak," asar na tugon ng matanda. "Ang pag-e-English mo!" "Hay naku, Tatay," nakangisi niyang tiningnan ang ama na nakapamaywang pa. "Ibig sabihin, nangangarap ka ng gising. Tirik na tirik ang araw, oh!" Pinunasan niya ang tumatagaktak na pawis sa noo. "Siy*te na araw 'to! Nasisira ang beauty ko!" Naiinis siya. Muli niyang pinunasan ang pawis. Pati amoy niya'y hindi na niya mawari. Naghalo na ang amoy ng basura na kinakalkal sa damit niya. "Sa ganda kong 'to, nasisira ang beauty ko sa 'yo, Mr. Araw." Kasalanan ito ng araw. Pang-beauty pageant ang awra niya pero nasisira lang. "I'm the Smokey Mountain princess." Sa edad niyang 18, dalagang-dalaga na raw siya ayon sa mga tao rito. Five feet and two inches lang ang taas miya. Ang katangusan ng ilong niya ay panalo, may lahing Kastila kasi ang ama, dukhang Kastila. Sa nanay naman siya nagmana ng pagkapandak niya. Malalantik din ang pilik-mata niya, ayon kay Evitte. Ito ang laging nagsasabi na sana magkaro'n din ito ng malalantik na pilikmata, kagaya ng sa Kanya. Mga luma nga lang ang suot niya. Napasali rin siya sa beauty at modelling competition ng eskuwelahan nila noon. Representative siya ng section nila. Runner-up lang naman siya pero alam niyang mas cute siya kumpara sa ibang contestants. Siya rin ang pinakamaliit that time dahil sa height niya. Matatangkad ang naging mga kalaban niya sa beauty pageant noon. Charge to experience na lang kahit hindi siya nanalo. Naging "Best Friendship" naman siya sa awarding ng contest. Todo ngiti lang ang ginawa niya noon sa contest kaya nahalina ang mga judge. Salamat din sa tulong ng mga kaklase niya para i-provide ang mga damit, lalo na sa kaibigang si Evitte. Pinahiram lang naman nito ang gown na naka-display sa ukay-ukay na business ng nanay nito. Proportion na katawan, malulusog na dibdib at matambok na puwet--ang mga asset niya. Nang maisip ang eskuwelahan, nilukob ng kalungkutan ang puso niya. Gusto niyang bumalik sa pag-aaral. Hanggang throw back na lang muna siya. Alam niyang nalalapit na ang pagbabalik-eskuwela niya. Ang perang kinikita ay tinatabi niya kaagad para maka-enroll na siya sa susunod na pasukan. Binibigay niya naman ang iba sa Tatay Kanor niya. Pandagdag bayad-utang din ang pera kapag may raket siya sa palengke noon. Nawalan kasi siya ng gana na bumalik agad sa pag-aaral nang mamatay ang ina. Dahil sa kahirapang nakita niya, ninais na lamang niyang tumulong sa paghahanap-buhay. Mali pala siya! Ngayon niya naisip na mas kailangan niyang magkaro'n ng pinag-aralan para makamit niya ang pangarap na inaasam, ang maiahon sa hirap ang dukha niyang pamilya. Dukha siyang pinanganak, dapat bago siya mamatay, ma-experience naman nila ang rangya sa buhay. Nagulat siya nang may sumalpok sa ulo. Plastic bottle ito nang tingnan niya. Narinig niya ang halakhak ni Kanor, ang magaling niyang ama. "Kanor, namumuro ka na!" napasigaw siya. Naputol bigla ang pagmumuni-muni niya. Hindi niya napansin na malayo na ito. Inis niyang dinampot ang plastic na bote. Hinagis niya ito pabalik sa lalaki. Humalakhak itong sinalo ng matanda. Isa pa sa pinoproblema nila ang pinagkakautangan. Laging nakabusangot si Aling Beth, ang matalik na kaibigan ng ina na nagpa-5'6 sa kanila. Lagi silang tinitsismis nito dahil hirap silang mabayaran ang pera. Masyado raw silang matagal magbayad at pautay-utay pa. Five thousand pa ang natitirang utang pero kung ituring ito ng babae, animo isang milyon. Sa isang araw, mapalad na kung maka-two hundred o mahigit sila sa napagbentahan ng kalakal. Mas mababa pa ang kita nila minsan kapag minamalas. Marami nang nangangalakal sa lugar nila kaya patintero na lang kung sino ang makakarami. Masaya pa rin sila kahit salat sa buhay. Marami pa rin ang may busilak na puso kagaya nina Aling Puring at ni Mang Alfred, ang 50 taong gulang na ninong ko. Hangos na tumatakbo papalapit sa pwesto niya si Sonia, may bitbit na sako ang kapatid. "Ate!" tili ni Sonia. Tinaas nito ang sako na hawak. Mag-aalas dos na ng hapon at tirik pa rin ang araw sa tambakan. Binalot niya ng basahan na luma ang mukha para hindi siya masunog ng araw. Malimit niyang tinatakpan ang mukha para hindi siya mangitim. Ingat na ingat siya sa kutis niya. Kasiyahan na niyang bumili ng whitening soap para naman kuminis lalo ang mala-porselana niyang balat. Tanging mata niya lamang ang nakalabas. Masyado nang namumuro si Haring Araw para sirain ang beauty niya. Lagi siyang balot dahil ayaw niyang pumanget. Long sleeve na luma ang suot niya at may gloves din na tela siyang suot. Maselan siya sa kutis dahil asset niya ito sa mga pageant na sinasalihan. May pera sa pageant. Kahit nasa tambakan sila, marami ang nagsasabi na parang hindi siya taga-Smokey. "Ate Lhian." Naghahabol ng hiningang kinalabit ni Sonia ang kapatid. "Sonia, ba't ka pa pumunta rito, 'di ka na mapirmi sa bahay." Nakatalikod siya sa kapatid at abala sa paghahalukay ng basura. Napangiti siya nang may mahugot, isang bakal. Mabilis niya itong dinampot, deretso sa sako. Humarap siya sa bunso pero nawala na ito. "Naku! Tumalikod lang ako dahil may kinalkal, nawala na agad ang batang 'yon." Nakita niya si Sonia, hila-hila nito ang malaking sako. Kasyang-kasya na ipasok sa sako ang kapatid niya. Sa liit nito, hindi nito alintana ang sako. Para lang itong naglalaro sa tambakan. Nakikipagtawanan na ito kasama ng tatay nila. Makita niya lang ang ngiti ng mga ito, napapangiti lang din siya. Ito siguro ang the best sa mahirap, 'yong kahit walang pera pero masaya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
184.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

His Obsession

read
92.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook