Episode 6-Pagtatagpo

2928 Words
Kakaunti lamang ang street light sa area na ito. Medyo madilim pa rin sa ibang parte ng lugar na kanilang dinadaanan. May kabahayan sa hindi kalayuan at makikita ang mga ilaw nito. Mayroon ding bahay sa gilid ng kalsada.  "We need to slow down, dude," si Ben nang mapansing may mangilan-ngilang tao na naglalakad sa gilid ng kalsada.  Binagalan ni Clyde ang pagmamaneho. Sunod-sunod niyang binusinahan si Brent na nasa unahan. Isang malakas na pagsalpok at pagsagitsit ng sasakyan sa unahan ang narinig nila. Biglang nagpreno si Clyde.  "What the f*ck was that?" napabangon bigla si Clint. Muntikan na itong mahulog sa likod dahil sa biglang pagpreno ni Clyde.  Nakatulalang nakatingin sina Ben at Clyde sa unahan. Nakahinto na ang sasakyan ni Brent. May mga taong nagtatakbuhan palapit sa sasakyan nito. Mabagal na pinaandar muli ni Clyde ang sasakyan. Pinark niya ito sa gilid ng kalsada malapit kay Brent.  "Sh**t! Dude, are we in trouble?" si Ben na natitigilan dahil sa komusyon sa labas.  Mabilis na umibis ng sasakyan si Clyde at dinaluhan si Brent.  Tulala namang nakamasid si Brent. May mga taong nag-uusyuso sa labas. May malakas na bagay na sumalpok sa sasakyan niya. Mabilis siyang nakapagpreno. What happened? Nalilito siya. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng sasakyan. Tiningnan niya kung ano'ng mayroon. Halos hilo pa siya pero wala namang nangyaring masama sa kanya. Naka-seatbelt siya habang nagda-drive.   "Dude," si Clyde na sumisigaw palapit kay Brent.  Naiwan sa sasakyan nito sina Ben at Clint. Parehong nakatingin sa kanilang dalawa ang mga ito na mukhang nalilito. Mabilis na hinaklit ni Clyde sa braso si Brent. Lumapit sa tumpok ng mga tao ang magkaibigan. May isang batang umiiyak habang hawak ang kamay ng isa pang bata na duguan. Nakabulagta sa lupa ang batang naaksidente.   Pinagpawisan nang malamig si Brent nang makita ang batang duguan. Did he run over someone? Sh*t! Napahawak siya ulo. Nasabunutan niya ang sarili.  "Soniaaa," malakas na sigaw ng batang babae habang umiiyak.  Tulala namang nakatingin kay Brent si Clyde. "Sh*t! Sh*t! You hit someone, bro," nang makabawi ay mabilis na saad ni Clyde kay Brent na halos tulala na. "Get in the car, Brent."   Parang nagising sa pagkatulala si Brent nang marinig ang sigaw ni Clyde. Buhat-buhat na ng kaibigan ang batang duguan. Mabilis nitong pinasok sa sasakyan ang bata.  Mabilis namang bumaba ng sasakyan si Ben. Nilapitan n'ya ang mga kaibigan sa labas nang makita niyang may buhat-buhat na tao si Clyde. "What happened?" mabilis na tanong ni Ben nang makalapit sa mga ito.  "To Makati Hospital, bro!" mabilis na utos ni Clyde kay Ben at hinila si Brent papasok ng sasakyan.  Pinapuwesto ni Clyde ang kaibigan sa likod.  Inalalayan naman ni Brent ang batang nabundol. Walang malay ang bata.  Tarantang tiningnan ni Ben ang paligid. May mga taong nag-uusyuso sa kanila. "Ano'ng pangalan niya?"  "Sonia po, kaibigan ko siya," umiiyak na sagot ng batang babae. "Nabundol po siya ni Kuya."  Napatingin dito si Ben at hinawakan ang bata. "Ok ka lang ba?" mabilis na tanong ng binata at sinipat ito.  "Opo! Si Sonia po ang hindi ok," umiiyak na tugon nito.  "Babalik kami rito, ha! Dadalhin namin siya sa hospital," mabilis na nabitawan ni Ben ang bata nang marinig ang malakas na busina ni Clyde.  Si Clyde na ang nagmamaneho ng sasakyan ni Brent. Mabilis na tumakbo pabalik ng sasakyan si Ben at sinundan agad si Clyde. Nag-U turn sila pabalik sa kung saan sila nanggaling.  "Sh***t! Bro, what happened?" mabilis na tanong ni Clint nang makapuwesto sa drivers seat si Ben. Medyo nahismasmasan ito sa kalasingan. Pumuwesto ito sa unahan. He can sense, they're in trouble.  "We're f*cked up, dude! Brent run over someone," mabilis na pinaandar muli ng binata ang sasakyan. "We need to take the kid to the hospital."  Tulala namang napatingin sa unahang sasakyan si Clint.  Natahimik na lang ang lalaki. Halos liparin ng magkaibigan ang mga sasakyan papuntang hospital. Dinala nila sa private hospital ng Makati ang bata. Agad na in-assist ng staff sa emergency department ang walang malay na bata. Mabilis itong nai-transfer sa stretcher habang assist ng nurses at doctor.  "What happened to her?" mabilis na tanong ng doctor. Kababakasan ito ng pag-alala sa mukha nang tingnan ang bata. "Hit by car, Doc" si Clyde ang sumagot.  Mabilis na sumenyas ang doctor sa mga nurses at other staff. Dineretso sa emergency room ang bata. Nilagyan agad ito ng oxygen at suwero pagkatapos ma-check ang vital signs. Pumunta sa lobby ang magkakaibigan. Umupo sila sa pahabang upuan para sa mga bisita.  "Sh**t!" nasabunutan ni Brent ang ulo at napapailing. "It's all my fault." This is what he got for being st*pid. "I hope she's fine," tinapik-tapik ni Ben ang likod ni Brent.  "Hey! Brothers, so what now?" ani Clint na inokupa ang kabilang upuan. Nahiga na ang binata sa isang upuan. Hinilot-hilot nito ang ulong nananakit. Exhausted sila dala ng kalasingan at sa problema. They're speeding and drunk. They can't blame Brent for this, they're so f*cking involved. It's past seven in the evening nang lumabas ang doctor sa emergency room. Mabilis itong lumapit sa magkakaibigan na nagdala sa bata. "Gentlemen, who can I speak to about this?" nang makalapit ay seryosong tanong ng doctor.  "Doc, we're all responsible for this," umangat ng mukha si Clyde nang marinig ang tanong ng doctor.  Matamang tinitigan ng doctor ang bawat isa sa kanila. "She's in coma. Vital signs are good, it's normal. We need to do ct scan, x-rays and other tests immediately," tumigil saglit ang doctor at bumuntonghininga. "She's out of danger but no response at all. Hindi natin alam kung kailan siya magigising." Napatigil ang doktor. Mataman silang tinitigan. "Just pray! Hope she will be awake and recover immediately," dugtong ng doctor. "We will do our best but.." "But what?" natitigilang tanong ni Brent. "Doc?" Umigting ang panga ni Brent sa mga naririnig sa doctor.  "There's no assurance since she's in a coma. We don't know! She' still unconscious," dugtong ng doktor. "She will be in life support for the meantime."   "Please do your best," nanghihina ring turan ni Ben. "Doc, please." "We will! She will be transferred to a private room," tumatangong tugon ng doctor. "Her vital signs are good. Just keep holding to that positive side."   "Sh*t!" mahinang mura ni Clint. Kapag kasalanan ng isang kaibigan, inaako na rin nilang lahat. Ganito sila dahil halos magkapatid na rin ang turingan nila. Magkasama sa kalokohan, ganoon din sa problemang involved sila.  "Hey! Bro, we need to tell the family," saad ni Ben. "We need to go back." Walang sumasagot sa mga kaibigan. Na-shock sila sa bilis ng pangyayari. "Don't blame yourselves, ok?" nag-aalong saad muli ni Ben. "We can get through this."  Inantay ng magkakaibigan na mailipat sa private room ang bata. Habang pinagmamasdan ni Brent ang bata, may kumirot sa kanyang dibdib. He's so f****d up!  Please, Lord, heal her! piping hiling ni Brent sa kalagayan ng bata. His fault. He was so drunk and so stup*d! Once the police got involved, we're really in big trouble.   Mahinang tapik ni Clyde ang nagpalingon kay Brent. Nasa private room na silang magkakaibigan. May nakakabit na aparatus sa bata. May gasgas ito sa noo, braso at paa. Napalitan na rin ito ng hospital gown para sa mga pasyente. Nakaupo silang magkakaibigan sa couch na nasa loob ng private room. May sariling toilet, tv at couch na mahaba sa loob ng kuwarto. They will make sure na ok ang patient. "Stay here, you and Clint," si Ben na inakbayan ang nanghihinang si Brent. "We will inform her family about this, ok?" Hindi na inantay ni Ben na sumagot ang kaibigan. Inaya niya si Clyde para bumalik sa pinangyarihan ng aksidente.  "We will keep in touch, bro," si Clyde na tumayo na rin para samahan si Ben pabalik sa lugar ng batang nabundol ng kaibigan.  Tumango na lamang si Brent sa mga ito. Dahan-dahang siyang tumayo palapit sa kama ng batang naaksidente niya. Maybe she's ten years old or eleven sa tantiya niya. Maganda ang batang ito. Hoping na hindi siya ang maging dahilan ng pagkitil ng buhay nito. He didn't mean this to happen. Maybe this is a lesson not to get drunk while driving. Halos hindi na niya napansin na may bata na siyang nabangga. Sa bilis ng pagpapatakbo niya kanina, he didn't know that he hit someone already. Until that loud sound na biglang ikinapreno niya. She run over her! Ipinilig niya ang ulo sa pag-alala sa nangyari. What will he tell to his parents? No! He will sort everything alone, with the help of his friends for sure.   "Rest, bro," rinig ni Brent kay Clint. Nakahiga na ito sa couch. Hilo pa rin ito dahil sa alak.  Nakapikit ang kaibigan niya habang hinihilot nito ang sentido nang tingnan niya. Baka pati ito ay sumasakit din ang ulo dahil sa aksidenteng nangyari. Marahang siyang sumandal sa couch. Pinikit niya ang mga mata. Ramdam pa rin niya ang hilo at antok pero hindi siya makaidlip. He will wait Clyde and Ben's call about this kid's family. Mahinang hilik ni Clint ang narinig niya. Makalipas ang ilang sandali, nag-ring ang cellphone niya. Napabuntong-hininga ang binata. Parang may bumara sa kanyang lalamunan. Hindi siya makapagsalita sa kaba. Narinig niya sa kabilang linya si Ben.  "Bro, were so f****d up!" Very worried ang boses ni Ben nang magsalita ito. First time niyang nakabangga ng tao. Dala na rin ng alak at pagkahilo sa nainum kaya nangyari ang aksidente. "Why, bro?" parang may bikig sa lalamunan niya. Lalo lang siyang kinabahan. "We're in the father's wake, bro," hindi humihingang kumpirma ni Ben sa kaibigan. "The father just died 2 days ago. They're orphan."  Napatigil siya. "Whaaat?" bulalas niya. Is this true? Nasa lamay ang mga kaibigan niya ngayon. This kid is an orphan. May sumundot na awa sa batang nabundol niya.  "She has an older sister here, that kid and her," saad ni Ben. "Sh*t! Bro, what now?"  Parang hindi rin alam ni Brent ang gagawin. Napakasaklap ng nangyari sa pamilyang ito. "When is the burial? tanong niya nang makabawi. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may mangyaring masama sa bata. This is too much to handle for the siblings. "Tomorrow," imporma ni Ben. "We need to help this family, bro."  Nag-isip saglit si Brent. Malaking decision itong gagawin nila. "Of course, bro! We need to reschedule the burial. I will pay all the expenses. Please, wait for me to settle everything, not tonight. We're still drunk. Tomorrow, I'll sort this out! Just do everything you can, bro! Convince her sibling." Binilinan niya ang kaibigan na kausapin ang naiwang kapatid ng bata. Bukas, uumpisahan na nilang ayusin ang lahat. Sobrang sumakit ang dibdib niya. May pinagdadaanan na pala itong magkakapatid pero dumagdag pa siya. He's responsible for this.  "Don't worry, bro! You're not alone in this," pamamaalam ni Ben sa kaibigan. "Keep in touch anyway. We will handle it here."  "Have some rest. Tomorrow is a big day." Sumingit ang boses ni Clyde sa kabilang linya.  "Thank you, brothers," pamamaalam ni Brent sa mga ito. Nagpapasalamat pa rin siya na hindi siya iniwanan ng mga kaibigan. Alam niyang siya talaga ang may kasalanan. He will do everything para sa pamilya ng batang babae na ito. Pinilit niyang umidlip para kahit papano, makapag-decision siya bukas. Kailangang fresh ang utak niya. Sumandal siya sa couch dahil sa hilo. Antok na rin siya dahil sa alak at ng problemang kinasadlakan. Unti-unti siyang tinupok ng antok makalipas ang ilang oras. Mahinang tapik sa balikat ang nagpagising kay Brent. Nabungaran niyang nakatayo sa harap niya si Clint. Tiningnan niya ang relo. Ala-sais na ng umaga.  "I just called Clyde, dude," nakangising saad ni Clint. "They stayed there."  Sa mga nangyari kagabi, may gana pa talagang ngumisi itong si Clint? Ano na naman ang kalokohang ginawa ng mga kaibigan niya? Nawala na rin ang kalasingan ni Clint nang pagmasdan niya. "What, bro?" pilit niyang ginigising ang sarili. Humikab pa siya and he's feeling better than last night. Medyo nawala na rin ang kalasingan niya kahit papaano.  "We'll check them out later," dinig niyang sagot ni Clint. Nilapitan ni Brent ang batang babae na nakahiga sa bed. Hinaplos niya ang ulo ng bata. "I'm sorry, kiddo! For the lost of your father." He can't move on really. Kaawa-awa sobra ang sitwasyon ng magkapatid na ito. Tutulungan niya ang mga ito sa abot ng kanyang makakaya. "Just wake up, kid."  Mahinang tinapik ni Clint ang kaibigan sa balikat. "Everything will be fine, bro," anito na nakatingin din sa nakaratay na pasyente. "We have so much things to do, you know that."   Tumango-tango siya sa sinabi ng kaibigan. Marami silang aayusin sa pamilya ng batang babae na ito. Tatawagan na lamang niya ang architect and engineers niya. Ang mga ito na ang bahala sa lahat ng renovation ng restaurant nila. He will call his parents too na sa condo lamang siya. Mag-u-update lamang siya sa mga magulang. Susulpot na lamang siya sa bahay nila. He decided already to stay longer because of this incident.  Pagkatapos ihabilin sa nurse ang lahat, napagdesisyunan nilang umuwi muna sa condo ni Clint. Kailangan pa nilang i-pick up ang naiwang sasakyan sa restaurant kagabi. Iniwanan din ni Clyde ang susi ng sasakyan nito para may magamit sila.  Bro, need to fix your car. Isang message from Clyde ang nabasa niya na may kasamang picture. May yupi ang bumper ng car niya. Ito yata ang na-damage kagabi nang masagasaan niya ang bata. Ito ang ginamit ni Clyde papunta sa lugar na pinangyarihan ng aksidente kasama si Ben.   Sh*t!  Malakas yata ang impact ng pagkabangga niya. Napabuntong-hininga siya. Kita ang yupi rito, hindi maikakaila na siya talaga ang salarin sa pagkakabundol sa bata. Thank you, bro! Sent! Mabuti na lang hindi siya iniwan ng mga kaibigan. Nag-inform si Clyde na dadalhin sa talyer ang sasakyan niya. Magkita na lamang daw sila at magsipag-update. Binigay din ng kaibigan ang exact address at pangalan ng batang naaksidente niya.  Lhian. Her name is Lhian. Binasa niya ang exact address at pangalan ng kapatid ng bata. Pumayag daw itong i-reschedule ang libing ng tatay ng mga ito. Good.  *** Pagkatapos malaman ang balita sa nangyari kay Sonia, hindi pa makabawi si Lhian. Pilit niyang pinatatag ang sarili. Kaya pa niya, kayang-kaya pa niya! Nabaling ang atensiyon ng dalaga nang mapansin ang mga tao sa lamay ng tatay niya. Nag-uumpukan ang mga ito at may pinagkakaguluhan. Hindi niya makita kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga kapitbahay niya. Nakaupo siya kasama sina Evitte at Leo. Nanghihina siya sa mga nangyayari sa kanila. Masyadong abala sa pag-iisip ng mga bagay-bagay. Nakakasakit ng ulo sobra! Hindi siya makapaniwala na sunod-sunod pa talaga. Dahan-dahang nahawi ang mga tao. May dalawang lalaki na papalapit sa kanila. Matatangkad ang mga ito.   "Oohh," mahinang usal ni Evitte nang masilayan ang mga lalaki. Binalingan ni Lhian ang kaibigan. Nakanganga lang naman si Evitte habang nakatitig sa papalapit na mga lalaki. Sino ang mga ito? Hindi niya kilala ang mga bagong dating. Mukhang mayayaman ang mga hindi kilalang bisita. Makinis at mga mestisuhin ang mga lalaki. Pati ang pananamit ng mga ito ay mukhang mamahalin. Nanigas ang dalaga nang may maalala. Babalik ang mga nakabangga sa kapatid niyang si Sonia. Nakaramdam siya ng galit. Bumaling siya sa mga ito. Nakatayo na sa harap niya ang mga lalaking bisita.  Bigla siyang napatayo. Kuyom ang mga kamao n'ya nang salubungin ang mga estranghero. "Kayo ba ang nakabangga sa kapatid ko?" nagpupuyos sa galit na tanong niya sa mga ito. "Sagot!" Nanlilisik ang mata niya sa pagkakatitig sa mga lalaki. Nagtago ang isang kasama nito sa likod ng kinausap niya. Palinga-linga ito sa paligid.  "Y-yesh p-po!" nabubulol na sagot ng isang lalaki. Hindi ito mapakali. Tumiim ang anyo ng lalaking kaharap niya. Napabaling ang tingin nito sa kabaong.  "Aahhmm," nag-aapuhap ito ng sasabihin. Hindi nito malaman ang gagawin. Napangisi ito nang bumaling sa dalaga. Naka-long sleeve ang binata at panay ang ayos nito sa kurbata. Mukha itong kinakapos ng hininga. Sunod-sunod ang pagtikhim nito na animo'y may bumara sa lalamunan. "Mga walangh*ya kayo!!" malakas na sigaw ng dalaga. Bigla niyang hinampas sa dibdib ang lalaking naka-long sleeve. Napaubo ito sa ginawa niya pero hindi ito nanlaban. "Anong ginawa niyo sa kapatid ko?!" mangiyak-ngiyak siya dahil sa sobrang sama ng loob. Tumigil siya sa kakahampas sa dibdib nito nang sumakit ang kamay niya. Lumayo nang bahagya ang lalaki. "C-churi n-na," nabubulol na hinging paumanhin nito. Tumaas ang kilay ng dalaga sa mga ito. Sumulak ang dugo niya sa mga lalaki. Ito. Ang mga ito ang bumangga sa kapatid niyang si Sonia. Halos patayin niya ang mga ito sa sobrang talim ng pagkakatitig niya.  "Who died?" Sumungaw ang ulo ng isa pang lalaki na nagtago sa likod ng kasama, ang naka-green na t-shirt. "Whaaat?" muling sigaw ng dalaga. May gana pang magtanong ang mga ito sa kanya? "That's my father!" biglang sigaw niya. Inisang hakbang niya lang ang pagitan nila ng lalaki. Napaigik ito nang dambahin niya bigla. Puntirya naman niya ang isang ito pagkatapos niyang suntukin ang unang kasama nito. Hinawakan niya ito nang mahigpit sa tenga. Nilapirot niya ito nang ubod lakas na ikinasigaw nito. Inuga-uga pa niya ang ulo nito para gamitin nito ang utak sa susunod para hindi na ito makabangga ng tao. "Ouuch, help me, dude." Nagpapasaklolong sigaw nito sa kasama. Naiyakap nito ang kamay sa nakasakay na babae. Halos buhat na ng binata ang dalaga at nakapaikot pa ang paa ng babae rito. Nakangisi lamang ang isang kasama nito. Natutop nito ang bibig. Napaubo ito nang sunod-sunod, pigil ang tawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD