Samantha's POV Gabi na nang magising ako, masakit ang ulo ko at lalong kumukulo ang dugo ko ng makita na namamaga pala ang labi ko. Ang walang hiyang pulis kasi na 'yon daig pa ang gutom na leon na gustong lapain ako ng buo. "Good evening Sam," bati sa akin ng bwisit na abogado ni lolo na nakasalubong ko nang bumaba ako ng hagdan. Tinaasan ko lang ito ng kilay at walang pakialam na tinalikuran. Hindi kami close at lalong hindi kami mag-kaano-ano para tawagin niya ako sa nickname ko na tanging mga malalapit at mahalagang tao lamang sa paligid ko ang allowed na tawagin akong Sam. Handa na ang hapag ng maupo ako, tinawag kasi ako ng isa sa kasambahay namin para maghapunan kaya alam ko na ready na ang dinner ko. "What's this?" inis na tanong ko ng makita ko na may hibla ng buhok sa pa