DALE "Sir, anong nangyari sa'yo?" tanong ni Mario ng pumasok ako sa quarter na binigay sa amin ng lolo ni Samantha Ruiz dito sa ground floor ng bahay na aming pansamantalang tuluyan habang hawak ko ang kaso nito. Si Mario ang personal na pinili at isinama ko dahil alam ko na magagamit ko ang kakayahan nito. Kahit madaldal at ususero ang isang ito ay tapat at napatunayan niyang magaling siya sa kaniyang trabaho. "Wala," tipid na sagot ko sabay sarado ng pintuan. "Para kang na gahasa ng mga bading sa kanto sir," biro nito ng makitang inabot ko ang bottle mineral water sa center table. "Namumula rin ang mukha mo, sir marami ka rin gasgas sa pisngi. Mukhang napalaban ka sa kalaban ah," biro pa nito sa akin. Sa inabot kong pambubugbog ni Samantha ng pumasok ako sa silid nito ay daig ko pa