Samantha's POV Gusto ko munang huwag isipin ang lahat sa pagitan namin. Alam ko na babalikan ako ni lolo lalo na at nagkaroon ng limitasyon ang access niya sa organisation branch na hawak nito. It's still up to me at kay Sebastian Mondego na siyang pinuno ng counsil nang lahat ng mga mafia's head of the organisation na narito at nag-operate sa buong bansa. Mabuti naman at simula nang pumasok ako dito sa silid ko ay hindi na ako ginambala ni Captain Santiago. Daig pa niya ang tapat na alalay ng lolo ko na nakasunod kasi sa bawat kilos ko. Dahil nanlalata na ang katawan ko kahihiga at hilata sa sofa maging sa kama kaya minabuti ko na magbabad ako sa bathtub hanggang sa magsawa ako. Nakakaboring kasi sobra pero wala akong magawa lalo na at sigurado akong sira at basag ang sasakyan k