bc

Their Beautiful Mistake (Tagalog Story)

book_age18+
10.6K
FOLLOW
61.0K
READ
revenge
possessive
arrogant
badgirl
police
drama
tragedy
sassy
seductive
like
intro-logo
Blurb

Bilang isang magaling na alagad ng batas, napunta kay Dale Santiago ang misyon na bantayan at sundan, saang sulok man ng mundo mapunta ang mafia heiress na si Samantha Ruiz.

Malaki ang banta sa buhay ng dalaga. Kaliwa't kanan ang naghahangad na mawala siya . Katumbas ng ulo at buhay ni Samantha ang kayamanang naiwan ng mga magulang matapos maaksidente ang mga ito isang buwan na ang nakalipas.

Sa mga panahong magkasama sila, nasaksihan ni Dale ang kahinaan ni Samantha. Nangako siya na kahit anong mangyari ay mananatili siya sa tabi ng babaeng natutunan na niyang mahalin, ngunit ang pangakong iyon ay maglalaho ng napagbintangan si Dale na mastermind ng pagkamatay ng mga magulang ng dalaga.

Dahil sa galit at poot, isinumpa ni Samantha na pagbabayarin si Dale. Hinawakan niya ang mafia na pinamunuan ng ama at nangakong sisingilin si Dale sa tamang panahon.

Panahong nakabalik ito bilang mataas na alagad ng batas at siya bilang mafia queen.

Sa muling pagtatagpo ng kanilang landas magkakaroon pa kaya ng pagkakataong mapatawad nila ang isa't isa gayong parehong poot ang nararamdaman nila sa muling pagtama ng kanilang mga mata?

Saan sila dadalhin ng kapalaran kung isang gabi out of anger, frustration and lies, nakagawa sila ng isang beautiful mistake na babago sa takbo ng kanilang mga buhay.

--------------------------------------------------------

All Rights Reserved, 2021

Do not copy, plagiarism is a crime.

©️ Dragon1986

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
DALE "Captain Santiago in my office now!" matigas na sabi ng superior ko na si Chief Inspector Major Nicolas Guerrero. Galit kasi ito dahil sa katatapos lamang na isinagawa naming buy bust operation sa isang planta ng droga sa Pasay kung saan ay talamak ang produksyon nito ayon na rin sa nakalap ng impormant ko na si Greg. Seryoso ang mukha na iniwan ko ang team ko sa meeting room kung saan naganap ang report namin sa na ganap na operasyon. May mga nasabat na druga ang team ko at mga eksplosive na mga bomba. Bukod pa roon ay marami kaming nasamsam na mga matataas na kalibre ng mga baril na maging kaming mga alagad ng batas ay walang kakayahan na magmay-ari ng gano'ng uri ng armas. Isang katok sa pinto ng opisina ni Sir Gerrero ang ginawa ko bago ko narinig ang utos nito na pumasok ako sa loob kung saan siya naroon. "Sir," salute ko dito sabay taas ng kamay. "Carry on," matigas na sabi nito. Alam ko na galit ito dahil na kunan ako ng vedio ng medya na nakasunod sa amin kung paano ko muntikan ng mapatay ang leader ng sindikatong nahuli namin. "I'm so disappointed with you captain. Isang kahihiyan ang ginawa mong pananakit sa suspect natin. Baka nakakalimutan mo na alagad tayo ng batas at may batas na huhusga sa kanila. Hangga't hindi napapatunayan ang aligasyon laban sa mga suspect ay hindi natin sila pwedeng tawagin na kriminal!" galit na bulyaw nito sa akin. Hindi ako umimik at mataman na nakikinig lamang sa kan'ya. Wala akong balak na sumagot dahil kilala ko ang superior ko na hindi tumatanggap ng paliwanag. Kung bakit ba naman kasi inabot ako ng init nang ulo matapos mag-tangka na tumakas ng suspek na nahuli ko kaya na baril ko ito sa hita at na sapak. Nasikmuraan ko ito na siya namang nakuhanan ng medya na basta na lang nakapasok sa restricted area kung saan ako naroon. Wala pa namang pakundangan ang mga reporter kung gumawa at humabi ng kwento. Heto tuloy ang resulta na sabon ako mg superior ko at wala akong magawa kun'di ang manatiling nakabukas ang mga mata at tenga habang tikom ang bibig. "Tumawag ang chief superintendent natin sa Camp Crame. Pinapasibak ka sa tungkulin mo dahil sa eskandalo na kinasangkutan mo. Wala akong magagawa kun'di ang sundin ang order kaya ililipat kita sa highway patrol group." Tanging "yes sir" lamang ang sinagot ko dahil alam ko na hindi ko pwedeng baliin ang order ng nakakataas sa akin. "Maging leksyon sana sa'yo ang bagay na ito captain. Hindi sa lahat ng oras ay pinapairal mo ang init ng ulo mo," pangaral pa nito. Alam ko na naging malaking isyu ang ginawa ko dahil lumabas sa medya ang balita na isa umano itong video ng police brutality. Bagay na kinondena ng hanay ng kapulisan dahil matindi ang ginagawa na paglilinis sa pangalan ng buong departamento sa buong bansa. Ang resulta ay naging mainit na isyo ito habang ginagatungan ng kung sino para madiin pa lalo ako at masira ang pangalan ko. Sa ilang taon ko na sa serbisyo ay marami na akong nakabangga. Mga taong naghihintay ng pagkakataon na gaya nito para mapa-bagsak ako. Mga masasamang nilalang na nasagasaan ko at paghihiganti ang pakay sa akin. Marumi ang mundo na pinasok ko. Puno ng mga masasamang tao ang paligid ko na halos araw-araw na lang ay nakabangga ko. Hindi sila maubos-ubos bagkus ay mas dumarami pa sila. Talo pa ang virus ng mga kriminal na nahuhuli ko. Mabilis silang dumami na naghahasik ng kasamaan sa mundo. Kahit kailan hindi ko pagsisihan ang ginawa ko dahil kulang pa 'yon na kabayaran sa lahat ng krimen na ginawa nila sa lipunan. Dapat nga kinitil ko na mismo ang buhay ng kumag na 'yon. Dapat hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon at baka sakali pa na katanggap-tanggap ang parusa na binigay sa akin ngayon. Isang kahihiyan sa tulad ko ang mapunta at magbantay ng trapiko sa kalsada maghapon. Minalas lang talaga ako kaya heto wala akong magawa kun'di lumipat ng departamento. "Sir ililipat ka raw?" tanong ni po1 Suarez. Isa siya sa matapat at pinagkatiwalaan ko na tauhan. "Oo, nasibak ako eh," kibit-balikat na sagot ko sabay kuha ng mga gamit ko sa opisina ko na halos dalawang taon rin na ginamit ko. "Sir, isama mo na lang po ako. Tiwala ako kung kayo ang kasama ko sa team sir," pakiusap nito. Sabagay alam ko na malungkot ang team na hawak ko na aalis ako at iiwan sila dito. Pinahalagahan ko ang grupo ko na laging inuuna ko ang seguridad nila sa bawat lakad at operasyon na ginagawa namin. Ito ang dahilan kaya walang makatibag sa grupo ko na kinaiingitan ng maraming team. Marami ang sumubok lumipat sa amin pero mas pinili ko na manatili ang miyembro ko dahil fully trained na sila at malaki ang tiwala ko sa bawat isa sa kanila. Nakakalungkot na aalis ako at iiwan ko sila sa pagkakataon na ito. Gustuhin ko man na isama sila ay hindi maaari at ako lang ang nasibak at inilipat ng destino. "Ayos lang 'yan magkikita-kita pa rin tayo ulit. Sandali lang ako doon at sisiguraduhin ko na makabalik din ako agad dito. Hindi ako magtatagal doon dahil mainit at masusunog ako sa kalsada," naka-ngisi na sabi ko sabay tapik sa balikat nito dahil tapos ko ng samsamin ang mga gamit na ngayon ay hawak ko. Naabutan ko sa labas ang mga tauhan ko na malungkot ang mga mukha na naghihintay sa paglabas ko."Sir!" magkasabay na saludo ng mga ito sa akin na tinanguan ko. Hawak ang kahon ng mga gamit ko ay nag-paalam ako sa mga ito. Mabigat ang hakbang na lumabas ako ng pintuan ng prisento kung saan ilang taon na naging opisina ko. Alam ko na may mga tao sa likod ng pagkakatanggal ko sa pwesto. Hindi ako maaaring magkamali dahil naging sensesyonal ang pangyayari na lumabas na video sa balita. Walang lingon-likod na pumasok ako sa sasakyan ko at tuluyan na nilisan ko ang lugar kung saan naging malaking bahagi ng buhay ko sa loob ng ilang taon ko sa serbisyo. Lahat gagawin ko para maging maayos ang lahat. Hindi ko pwedeng hayaan na tuluyang masira ang pangalan na matagal na pinangalagaan ng aking ama. Pangalan na tanging naging kayamanan nito ng mamatay siya na itinuturing na bayani dahil nawala siya sa amin ng mapa-engkwentro ito habang pinapatupad ang batas. Nangako ako sa sarili ko na pag-babayarin ko ang mga taong sangkot sa pagkamatay ng aking ama. Ilang sindikato na ang mapabagsak ko at marami na rin akong nahuli pero hindi natatapos ang lahat doon. Hindi ko pa nahahanap ang tunay na salarin sa pagkamatay ng aking ama. Itinuloy ko pa rin ang ginagawa kong pag-iimbestiga. Hindi ko hahayaan na patuloy silang gumala at magkalat ng kasamaan dito sa mundo. Ilang buhay pa ba ang kukunin nila para lang sa sariling kagustuhan? Alam ko na hindi sila titigil hanggat humihinga sila kaya ang mga tulad nila ang dapat binubura at mawala dito sa mundo. Mahigpit ang hawak ko sa manibela dahil bumalik sa akin ang alala kung paano ko nakita ang walang buhay na katawan ng aking ama ng pumunta kami sa morgue. Napailing ko at ipinagpatuloy ang pagmamaneho para mabilis na makarating sa amin. Alam ko na naghihintay na ang mommy ko dahil hindi na naman ako nakauwi kagabi matapos ang halos magdamag na operasyon ng grupo ko. Babalikan ko ang pasisyon ko at bawiin ko ang mga tauhan ko na inalis sa akin. Wala man akong magawa sa ngayon pero sisiguraduhin ko na malilinis ko ang pangalan ko na nadungisan ng masamang alegasyon na lumabas at ikinalat ng medya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook