Samantha's POV "What?!" malakas ang boses na tanong ko sa pulis sa harap ko. "Ano nga ulit ang sinabi mo?" tanong ko ulit dahil ayaw tanggapin ng utak ko ang narinig ko mula dito. Ang aga niyang inisin ako ah. Hindi ko inaakala na pagdilat ng mga mata ko ang matandang pulis na ito agad ang makikita ko sa harap ko. "From now on, ako na ang magiging personal bodyguard mo Miss Ruiz," seryoso at parang tuod na nakatayo ng tuwid sa harap ko na sabi nito. "No! Sino ang nagbigay ng karapatan sa'yo para dumikit-dikit sa akin at ibalandra sa mga mata twenty four hours iyang pagmumukha mo?" inis na tanong ko. Wala akong pakialam kung bagong gising ako o mukha akong bruha sa paningin nito. Basta na lang ako dumada kasi hindi na naman ako nakapagpigil matapos sabihin nito ang balitang sumambula