CHAPTER 7

2114 Words
SAMANTHA "Wala ka ba talagang balak makinig sa akin Samantha? Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Napakasutil mo na bata ka," gigil na tanong ng lolo ko sa tabi ko. Nagmamaneho ang ang sipsip na abogado nito na gusto kong sapakin dahil panay ang sulyap sa direksyon ko habang nakaupo sa driver seat na dapat ay nasa kalsada ang atensyon nito. How I wish na naabot ko na ang tamang edad sa testament na iniwan ni daddy para makuha ko na ang kalayaan na magagawa ko ang nais ko sa inheritance na galing sa mga magulang ko at hindi ko na kailangan na makinig at sundin ang bawat sasabihin ng mga tao sa paligid ko. "What's wrong with you, Samantha?" galit na tanong ni lolo. Alam ko na pakitang tao lamang ang mabait na pakikitungo niya sa prisento bagay na sinamantala ko kaya nagawa kong awayin ang mga pulis na naroon. Alam ko na may bait-baitan itong itinatagao dahil heto ng makasakay ako ng sasakyan ay panay na naman ang pang-iinsulto at sermon nito sa akin, samantalang doon ay para siyang isang ulirang grandfather ko. "You're such a brainless and reckless woman!" singhal pa nito. Blangko lang ang repleksyon ng mukha ko ng pumikit ako. I don't need to explain everything lalo na at alam ko naman kung bakit magkakaganito ito. Takot siyang lumutang ang pagkatao ko sa publiko at maiskandalo ang maganda niyang pangalan dahil sa ginawa ko. Hindi naman kami close ng father ng mommy ko dahil simula maliit pa lamang ako ay laging puro bulyaw at minsan ay napapalo ako nito pero natigil iyon nang mahuli siya ni daddy dahilan para bigyan siya nito ng warning na 'wag ulitin hanggang nagkaroon ng distance sa pagitan namin. My dear parents love me so much, para akong prinsesa sa loob ng imperyo na binuo ng aking mga magulang. I'm a miracle baby dahil mahigit sampung taon umano nila akong hinintay bago isilang ng mommy ko. Spoiled ako dahil 'yon ang kinamulatan ko. Nakukuha ako ang bawat naisin ko in just a snap of my fingers. Eventually, ako ang nag-iisang tagapagmana ng lahat ng yaman ng aming pamilya kaya heto narito sa tabi ko ang lolo ko nakikialam sa buhay ko. Mula investment, realty state, group of companies ay nasa pangalan ko. Pero isang bagay ang hindi ko gugustuhin na mapunta sa akin at iyon ang maging pinuno ng mafia organization na pinamumunuan ng aking ama na minana pa niya mula sa great grandparents ko na siyang nagtatag dito sa bansa bago pa man isilang si daddy at naging asawa ni mommy. "Your grounded, Samantha. Simula ngayon hindi ka na lalabas ng hindi ko alam at walang kasama na bodyguards mo. Oras na mahuli ka ulit hahayaan kitang mabulok sa bilangguan!" bulyaw nito. "I'm sorry, pero baka nakakalimutan mo po na hindi na ako minor de-edad na kailangan ng alalay. Beside, hindi ako tauhan n'yo!" sagot ko. "You b***h!" sigaw ni lolo sabay taas ng kamay na akmang sasampalin ako pero taas noo na hinarap ko ito. I don't care if he hates me but I don't let him hold my freedom dahil in the first place hindi ko kailangan iyon. Before my parents passed away, they train me how to handle the business. Im degree holder with honor kaya hindi ko matanggap na para akong batang inuutusan at kinokontrol sa sarili kong pamamahay. "Sa ayaw at sa gusto mo ay susundin mo ang sinabi ko!" bulyaw pa nito. "You heard me loud and clear lolo, ayaw ko. Hindi mo pwedeng kontrolin ang buhay ko gaya ng ginawa mo sa mommy ko," matigas na sagot ko. Ngumiti si lolo na alam kong hindi dahil sa natutuwa siya sa akin kun'di dahil alam ko na nagbabanta ang awra ng mukha niya na may hatid na kakaibang mensahe. Kahit hindi ako naging bahagi ng organization ng daddy ko ay may mga bagay na natutunan ako lalo na at bahagi ng dugo na nananalaytay sa ugat ko ay mula sa aking ama. I may look brat but they don't know the real me. I masked my emotion and I used to lure my enemy with the poison in my mind na alam kong hindi nila inaasahan. I'm smart and confident at iyon ang hindi matanggap ng lolo ko dahil para akong batang musmus at walang silbi kung tingnan nito. He don't know how I handle the business alone. Wala siyang alam sa kumpanya dahil nanatiling confidential iyon between me and my dad. Kahit nag-aaral ako ay nagtatrabaho na ako. Nobody notice my existence because they they use to treat me princess na hindi kailangan na magtrabaho pa. My dad trained me so hard pagdating sa business at kung paano patakbuhin ito. Bago sila namatay alam ko ang pasikot-sikot sa negosyo kaya nagawa kong magkaroon ng kontrol sa bawat ari-arian ng aking pamilya. I didn't know why my dad hide the testament. I never thought about it because in the first place ay siya na mismo ang personal na nagbigay sa akin ng karapatan noong siya pa ay nabubuhay. Hindi ko alam na may kailangan pa akong patunayan at makuha ang mga ito kapag sumapit ako ng twenty five. Nagrerebelde ako dahil pakiramdam ko ay bigla akong nawalan ng kalayaan. Both of my dad parents ay namatay right after magpakasal ang mga magulang ko kaya napunta kay daddy ang pamamahala ng lahat ng negosyo maging ng mafia organization na hawak nito. Only child din si daddy at tulad niya ay gano'n din ako kaya heto napunta sa balikat ko ang mabigat na responsibility para patakbuhin ito. "Oras na hindi ka sumunod, ibibigay ko sa foundation ang lahat ng yaman ng pamilya mo para magtanda ka kapag nag-hirap ka!" nakangisi na sabi nito. "Wala kang karapatan na gawin iyan," matigas na sagot ko. "Mayroon Samantha, nasa akin ang lahat ng karapatan para mag-desisyon para sa kapalaran mo kaya kung ako sa'yo ay matuto kang sumunod ng walang reklamo!" matigas na sabi ko. Hindi ako sumagot at umimik. Pagod na pagod ang pakiramdam ko dahil sa ilang oras na nakatayo ako sa loob ng prisento pero sumabay pa ang magaling na lolo ko na ngayon ay iniinsulto ako. Wala man lamang siyang konsidirasyon na intindihin ang nararamdaman ko. Hindi ko na lang siya sinagot kaya pumikit na lamang ako at isinandala ang ulo sa backseat na kinauupuan ko. Mabuti na ito kesa makipagtalo sa kan'ya dahil sa huli ay alam ko na walang mangyayari dahil hindi rin naman siya makikinig. Ang problema ko nito ay kung paano haharap sa board. Plano ko na sanang ilabas ang identity ko pero mukhang hindi pa ito ang tamang panahon. Alam ko na ginapang ni lolo ang mga ari-arian ng pamilya ko. Hindi ko maintindihan kung tama o mali ba ang intensyon n'ya dahil alam ko naman na sa tingin niya ay wala akong kakayahan at very iresponsable ako pagdating sa kung paano ko hawakan ang negosyo ng pamilya ko. Wala akong interest sa organisasyon kaya binigyan ko si lolo ng pansamantalang karapatan dahil siya na lamang ang natitira kong kapamilya. Higit kanino man ay gugustuhin ko na mapunta ang posisyon sa kan'ya kesa sa mga taong alam ko na walang ibang hinahangad kun'di mapunta sa kanila ang pamumuno. I have talk to Sebastian Mondego ang namumuno ng council sa buong asya para personal na ipaalam dito ang kawalan ko ng interest na pamahalaan ang organisasyon at hawakan ang posisyon na naiwan ng mga magulang ko sa akin. He was surprised with my decision and he told me that anytime na gusto kong gamitin ang posisyon ay may karapatan akong kunin ito basta sure na ako sa gusto ko. With my current status, alam ko na hindi ko kaya. My parents never involved me in this organization thing. Maybe my father never thought na maaga silang mawawala sa mundo at iiwan akong mag-isa na nasa mga kamay ko nakasalalay ang lahat. Walang pakialam na bumaba ako ng sasakyan. Hindi ako nag-abala na kibuin at kausapin ang lolo ko o tapunan kahit isang sulyap ang hambog na abogado na kasama nito. Hindi ko gusto ang ideya na nasa paligid ko sila pareho. Naaalibadbaran ako sa kung paano ako tingnan ng pailalim ng kumag na iyon. Kaya never akong nagpakita ng magandang ugali sa kahit sino sa bahay na tinutuluyan nila ngayon dahil nasasakal ako sa bawat araw na narito sila sa mansyon. Narito ang alaala ng mga magulang ko. Dating masaya at puno ng buhay pero simula ng mawala sila ay malaki ang nagbago dahil iniwan akong mag-isa dito pero hindi nagtatagal ay dumating ang ama ng aking ina at sinabi na simula ng nawalan ako ng mga magulang ay tanging siya na lamang ang natitirang kapamilya ko na tutulong para lumakas ako hanggang sa magkaroon ako ng kakayahan na pamunuan ang bawat pag-aari ng pamilya ko. "Good morning po Miss Samantha," magalang na bati sa akin ng personal maid ko na si Cathy. "Prepare my bath," walang ka ngiti-ngiti na utos ko. Agad na yumuko ito at tumalikod hanggang sa naglakad palayo sa akin. I don't mind kung hindi ako kumain basta ang importante ay makaligo ako. Ang lagkit ng pakiramdam ko lalo na at puro usok ng sigarilyo at pinaghalong pawis at pabango ang hangin na nasagap ko sa bar na pinasukan namin ng mga kaibigan ko tapos minalas pa ako na napasok sa kulungan na nagkalat ang langgam at lamok na balak yatang ubusin ako. Napa-irap ako bago pumasok sa elevator na maghahatid sa akin sa forth floor. Nakita ko kasi na nakasunod ang tingin sa akin si Timothy, ang abogado na naglabas sa akin sa kulungan. Isa pa siyang nakabantay sa bawat kilos ko. I know him even before, abogado na siya ng mommy ko pero hindi ko alam kung anong nangyari noon dahil sinabi ni daddy na isa na lang daw ang dapat na mag-handle ng mga legal concerned ng negosyo namin at iyon ay ang abogado ng aking pamilya. I called Attorney Buencamino pero hindi ko na siya nakausap. Bigla na lang kasi itong nawala bagay na labis kong pinagtatakhan lalo na at kamamatay lamang ng parents ko. Alam ko na walang nakagalaw ng ibang properties ng parents ko dahil na secure ni daddy ang mga legal documents ng mga ito at hawak ko. Wala akong problema sa mga naiwan na mga ari-arian dahil wala namang nawala kahit isa. Hindi nga lang ako tuluyang naging malaya dahil nagsimula si lolo na pakialaman at kontrolin ang buhay ko. Sabi niya pinapangalagaan niya ang siguridad ko dahil dalawa na lang kaming naiwan ngayon. Bilang tagapagmana ng posisyon ni daddy ay dapat umano na maging maingat ako at masiguro ang kaligtasan ko. Ito ang dahilan kaya ayaw kong pumasok sa mundo ng mafia. Sabihin na nating maging mas malawak ang koneksyon ko at mas magiging makapangyarihan ako pero limited naman ang kalayaan ko. Kahit sariling driver license ay hindi nila ako hinayaan na makapag-apply gaya ng gusto ko. Ayaw ni daddy at ni lolo na magkaroon ako ng kahit isang records ng identity ko na open at accessible sa public lalo na ang fingerprints ko kaya binigyan ako ng driver na siyang magmamaneho para sa akin anytime na gusto kong lumabas "Miss, handa na po ang lahat," magalang na sabi ni Cathy. Iwinagayway ko lang ang kamay ko kaya agad na lumabas na ito at nawala sa paningin ko. I may look cold and stiff pero ayos lang dahil iyon ang gusto kong makita sa akin ng lahat ng tao sa paligid ko. I'm tired of being nice dahil nakaranas ako ng labis na pang-aabuso at panggagamit ng mga tao sa paligid ko recently kaya nagbago ako. In my situation right now, I can't trust anyone as long as hindi ko nalalaman kung sino talaga ang puno't dulo ng aksidente ng mga magulang ko. Ipiniling ko ang ulo ko para labanan ang matinding lungkot na nararamdaman ko. Dito sa silid ko pinapalaya ang tunay na ako na hindi nakikita ng kahit na sino. Mas pipiliin ko ang ganito kesa makita nila ang kahinaan ko bagay na nasaksihan ng pulis na humuli sa akin at nag-pasok sa selda na wala akong ibang na gawa kun'di ang hintayin na dumating ang taong tumulong sa akin para makalabas doon at hindi mabulok habang buhay. Alam ko na kung hawak ko ang cellphone ko at nakapag-isip ako ng tama ay hindi sana ako aabot doon. Mabilis pa sa alas-kwatro na darating ang mga kaibigan ko oras na tawagan ko sila kahit pa mga lasing ang mga ito. Kasalanan ito ng matandang pulis na basta na lamang ako pinababa ng sasakyan ko at dinala sa presinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD