DALE
Kumakamot sa batok na naglalakad papunta sa direksyon ko ang pulis na tauhan ko na siyang itinalaga ko na magbantay sa nagwawalang babae na para yatang hindi nauubusan ng sasabihin sa amin.
"Oh, bakit dala mo iyan?" tanong ko ng makita na dala nito ang mineral na binili ko pa sa Seven Eleven sa kanto.
Hindi ko kasi matiis na nagwawala ito at panay ang bato ng maanghang na salita laban sa akin. Wala akong pakialam sa sasabihin niya pero bilang isang mabuting tao ay hindi ko naman pwedeng pabayaan na mangisay ito sa loob ng selda dahil natuyuan ng tubig sa katawan.
"Eh sir, ibinato sa akin. Muntik pa nga na tamaan ako sa mukha. Ang sungit niya grabe," parang bata na nagsusumbong na sabi nito habang hawak ang tubig na dala at binili ko.
"Grabe sir, nakakatakot ang isang iyan, parang mabangis pa sa leon. Ang talas ng dila, kanina pa panay ang panlalait sa amin dito," sumbong pa nito.
"Hayaan mo, wala rin naman siyang magagawa kahit magwala siya d'yan sa loob ng selda," seryoso na sabi ko.
"Palabasin na kaya natin sir nang magkaroon na tayo ng katahimikan dito," suhestiyon nito pero sinamaan ko ng tingin.
"Kailangan na magtanda ng malditang babae na iyan. Hindi lahat ng gusto niya ay magagawa niya dahil lang sa may pera siya," lukot ang mukha na sagot ko.
Ewan ko ba pero matindi ang inis na nararamdaman ko para sa babaeng nasa loob. Hindi ko nagustuhan ang panlalait nito lalo na ang tabas ng dila na akala mo ay hindi nakatapak sa lupa kung laitin kaming lahat dito.
Basta talaga mayayaman iba ang tingin sa aming mga mahihirap. Daig pa namin ang bacteria at dumi sa dulo ng mga kuko niya kung pagsalitaan kami ng hindi maganda.
"Wala ba kayong balak palabasin ako dito? Umaga na baka naman mataas na ang araw ay nandito pa ako!" sigaw ng babaeng ikinulong ko.
Nahilot ko na lamang ang sintido ko. Sumasakit ang ulo ko sa pakikinig kung paano ngumawa ito at sumigaw na may halong panlalait sa amin.
"I hate all of you here!"
"Sir, pauwiin na natin. Nakukulili na ang mga tenga naming lahat dito," sabi na naman ng kaharap ko.
"Shut up!" hindi makapag-pigil na singhal ko sa tauhan ko.
Daig pa niya ang konsensya ko na panay ang bulong sa akin at ipinagtanggol ang babaeng nagpapainit sa ulo ko.
Ngayon lamang ako nakatagpo ng tulad nito. Kulang na lang ay magka-lasog-lasog ang mga katawan at pagkatao namin dahil panlalait nito haluan pa ng bawat salitang binitawan niya.
"Hey, where's my phone? Let me call my friends ng makaalis na ako dito bago pa ako maubusan ng dugo at ma-dengue!"
"Kapag hindi tumigil lagyan n'yo ng packing tape sa bibig," inis na sabi ko sa kaharap ko.
Ilan sa mga tauhan ko ang nakatunganga at hindi malaman ang gagawin dahil sa narinig na sinabi ko.
I don't know why I can't control my temper over this bratty woman. Kanina pa siya panay sigaw at banta sa amin. Akala n'ya ba sa ginagawa niya ay makakalabas siya dahil matatakot kami sa bawat sinasabi niya?
"Sir, baka totohanin niya ang sinasabi at matusta tayo dito," na kasunod na sabi ni Mario habang naglalakad kasama ko.
"Mayaman iyan sir. Sigurado na babalikan tayo, halatang spoiled brat din," sabi pa nito.
"Tigilan mo ako Mario, baka ipasok kita d'yan sa selda kapag hindi ako nakapag-pigil sa'yo," banta ko dito para itikom nito ang bibig niya.
Nakukulili na ako sa babae sa kulungan dumagdag pa siya. Daig pa tuloy namin ang walang katahimikan dito dahil rinig sa bawat kasuluk-sulukan ng presinto na ito ang sigaw at tungayaw ng babaeng isinusumpa kaming lahat na narito.
Alas singko na ng umaga, tatlong oras pa at matatapos na ang duty ko, sa wakas ay makakauwi na ako at makakalayo sa lugar na ito.
Magkakaroon na rin ng katahimikan ang buhay ko at higit sa lahat ay babalik sa dati ang kapayapaan sa loob ng presinto kung saan ay naka-assign ako.
Hindi ko alam kung bakit ngayon lang nangyari na hindi ko binigyan ng pangalawang pagkakataon ang nahuli ko na may violation sa kalsada. Pwede ko naman siyang bigyan ng ticket at penalty pero sigurado ay dahil sa kamalditahan nito kaya hindi ko magawa na makapagtimpi matapos akong pakitaan ng pang-mayaman na ugali nito.
"Sir, nariyan na po si Mr. Mauricio Del Valle. Siya po ang grandfather ni Miss Ruiz," sabi ng pulis na kumatok sa pintuan ng opisina ko.
"Sige papasukin mo," sagot ko.
Sa wakas ay may sundo na ito at higit sa lahat ay magkakaroon na kami ng katahimikan oras na inuwi ito ng guardian niya na pinatawag ko.
Actually kanina ko pa iniisip kung bakit pa ako naghahanap ng kapamilya nito gayong pwede naman na siya na ang nag-settle ng perwisyo na ginawa kanina.
Nasa right age na rin naman siya lalo na at twenty two years old na rin naman pala ito. Hindi na siya minor de-edad gaya ng inaakala ko.
Immature kasi ito kung kumilos at magsalita daig pa niya ang anak ng prime minister kung laitin kami pero hindi ko naman maikakala na posibleng ganito ito dahil na rin sa pagpapalaki ng mga magulang dito.
"Good morning officer," baritono ang boses ng may edad na lalaking bumungad sa harap ko kasama ang isang lalaking akala mo ay dadalo ng binyag dahil naka-suit pa ito.
"Mauricio Del Valle, Samantha Ruiz's grandfather."
Ramdam mo ang malakas na awra at kapangyarihan ng taong kaharap ko. Hindi ito basta mayaman lang base sa assessment ko kung paano kumilos at magsalita sa harap ko.
His auwa tells everyone surround him his power and connection. Alam ko na kahit ngayon ko pa lang nakakaharap ang isang ito ay may kakaiba na akong nararamdaman sa pagkatao nito.
It can't deny the way he look at me. Eye to eye and up and down na parang sinusulat ang pagkatao ko.
"I'm glad your here para maayos ang problema ng apo mo, Mr. Del Valle," sagot ko habang nakatingin sa mga mata nito.
"My apologies for my granddaughter behavior. Kasama ko ang abogado ng pamilya ko para makapag-bail ng makalabas si Samantha dito at nang maisama ko na pauwi."
Ipinaliwanag ko sa dalawang taong kaharap ko kung ano ang kaso ni Samantha Ruiz kaya ikinulong ko ito.
"Bribe, driving without licence, coding and driving under the alcohol influence. Lahat iyan ay violation ni Miss Ruis kaya nakulong siya. Pwede n'yo na siyang isama pauwi kapag nakapag-bail na kayo," seryoso na paliwanag ko sa mga kaharap ko.
Kita ko kung paano tumaas ang kilay ng abogado at pagtango ng lolo ni Samantha Ruiz. Hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isipan nito dahil hinihimas lamang nito ang baba habang nagpapaliwanag ako.
"I'm glad na nagawa mong turuan ng leksyon ang apo ko. Masyadong matigas ang ulo niya na kahit ako ay hindi sinusunod at pinapakinggan. Maigi na pinasok mo siya d'yan sa selda ng magtanda," sabi nito.
Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi nangyari ang bagay na pumasok sa utak ko. Ang akala ko ay ipagtanggol nito ang apo at susubukan na suhulan ako gaya ng malimit na nakakasagupa ko sa mga anak mayaman na nahuli ko.
"She violate the law and being a law enforcement kailangan na papanagutin ko siya sa batas," sagot ko.
Tumango-tango ang matanda na mukhang naiintindihan ang punto ko.
"I salute and admire you for that officer. Sana lahat ng pulis ay gaya mo at hindi nababayaran o kaya nasusuhulan ng mga lumalabag sa batas gaya ng apo ko."
"Lahat ay pantay-pantay pagdating sa batas Mr. Del Valle. Hindi man namin mahuli ang lahat ng mga may sala at kasalanan ay darating ang tamang pagkakataon na mapapagbayad at mahuhuli rin namin sila," sagot ko.
"Very well said, officer..."
"Captain Dale Santiago," sagot ko sabay lahad ng kamay ko sa harap nito.
"Well captain, kailangan ko ng mai-uwi ang apo ko. Baka kumalat sa media ang balita oras na magtagal pa siya dito. I just wished na magiging confidential ang tungkol dito since we follow the rules of law," sabi ng matanda na tumayo na sa upuan sa harap ko.
"Sure, Mr. Del Valle, just make sure na hindi na uulitin ng apo mo ang kalokohan na ganito ng hindi siya mapahamak at maka-perwisyo ng ibang tao," pormal na sagot ko.
"Sure Captain, makakaasa ka."
Hindi nagtagal ay sinamahan ko ito sa waiting area. Ako mismo ang pumunta sa selda ng apo nito kung saan nakakulong pa rin ang babaeng ipinasok ko na ngayon ay nakatayo habang nakahalukipkip at nakasimangot.
Napailing na lang ako ng pasadahan ang suot nito. Hindi na ako magtataka kung babastusin ng mga lasing ang isang ito dahil bukod sa hapit at hakab ang itim na bistidang suot ay hanggang kalahati lamang ng hita at may slit pa.
"Bakit ang sama ng tingin mo? Wag mo akong pagnasaan dahil kahit maglaway ka hindi mo ako mahahawakan!" mataray na singhal nito sa akin.
Napailing na lang ako sa tabas ng dila nito pero hindi ako nakapag-pigil at sinagot ko ito.
"Sa tingin mo pagnanasaan kita gayong daig mo pa ang galing sa kabaret sa kanto sa suot mo?" naka-ngisi na tanong ko dito.
Kita ko kung paano nanlaki ang mga mata nito at umawang ang mapulang labi nang marinig ang sinabi ko.
Hindi ko inaasahan ang gagawin nito ng mabilis na nakalapit sa akin at malakas na mag-asawang sampal ang natanggap ko.
"You Jerk!" nanggagalaiti na sigaw nito habang nakaduro ang tinuturo na may mahabang kuko na alam kong humiwa sa pisngi ko dahil naramdaman ko na bigla ay humapdi ito.
"Sa susunod na magkaharap tayo hindi lang 'yan aabutin mo!" mataray at nanggagalaiti na bulyaw nito habang nanlilisik ang mga mata sa akin.
Tigagal na iniwan ako nito na mabilis na humakbang palayo sa kulungan na kung saan ito nanatili ng ilang oras.
"Sir, ayos ka lang po?"
Nilingon ko si PO1 Mario Sanchez na nasa likuran ko na naman pala. Ewan ko ba kung bakit lagi na lang nakabuntot ang isang ito kaya hindi nakaligtas sa ususerong pulis na tauhan ko kung paano ako malakas na sinapak ni Samantha Ruiz.
"Sir?"
"Bakit tinatanong mo? Kita mo naman na sanay tayo sa ganito. Sisiw lang iyan at kasama minsan sa trabaho," sagot ko na tinalikuran ito at hindi na hinintay na makasagot sa sinabi ko.
Naabutan ko na nagsusulat sa log book ang abogadong kasama ni Mauricio Del Valle. Mahaba ang nguso na nakahalukipkip si Samantha Ruiz habang salubong ang kilay nito na sinusuyod ng mga mata ang kabuoan ng presinto.
"Where's my car?" narinig ko na tanong ng mataray na babae sa tauhan ko.
"Si Captain Santiago po ang nakakaalam ng status n'yan ma'am," magalang na sagot ng pulis na sumagot dito.
"Nasaan siya?" tanong pa nito.
"I'm here. Nasa parking lot ang sasakyan mo," tipid na sagot ko.
"Don't tell me hinawakan mo at sumakay ka sa sasakyan ko?" nandi-dilat ang mga mata na tanong nito.
"Alangan naman na itulak ko iyan papunta dito. Syempre may sumakay at nagmamaneho n'yan kaya nakarating dito."
Walang ni isa ang sumabat sa usapan habang nagtatalo kami ng babaeng kaharap ko. Lahat ay nakamasid sa amin at pinagmamasdan kami pareho kung paanong parang bata na nag-away sa harap nila na parehong mainit ang ulo at hindi patatalo.
"Yuck! I need to change and buy a new car. Baka malasin pa ulit ako sa susunod na gamitin ko iyan. Malas ka kasi at lalong nakakabwisit ang pangit na pagmumukha mo!"
"Uy miss, baka malabo yata ang mga mata mo. Isa si sir sa pinakagwapong pulis dito sa station namin," sabat ni Mario para ipagtanggol ako kaya pareho kaming napatingin dito.
"Shut up Mario!"
"Ew, eh mukhang hindi nga siya marunong maligo!"
Sabay pa kami na nagsalita ng malditang babae sa harap ko kaya lahat at natahimik pero nagbago iyon ng magsalita ang lolo ni Samantha na si Mauricio Del Valle.
"Let's go Samantha, umuwi na tayo," seryoso na utos nito sa apo.
Humaba ang nguso nito lalo at matalim ang mga mata na tinitigan ako.
"Maligo kayong lahat dito ng hindi mukhang amoy bulok itong pangit na presinto na kasing amoy niyang matandang iyan!" duro nito sa akin bago tumalikod at nag-martsa palabas.
"Thank you captain."
Tinig ng lolo nito ang pumukaw sa akin dahil nakasunod ang mga mata ko sa kung paano humakbang si Samantha palabas na akala mo modelo na rumarampa kahit nandidiri ito.
Isang tango lang ang tanging sinagot ko at hindi na ako sumagot para hindi na humaba pa ang usapan sa pagitan namin.
"Sir, pangit at matanda ka na daw."
"Grabe talaga ang babaeng 'yon."
"Ang swerte pero malas din ng mapangasawa sana niya. Mayaman at maganda pero saksakan naman ng katarayan."
Hindi ko na pinakinggan pa ang mga tauhan ko na biglang nag-komento ng makaalis si Samantha dito. Kanila lang para silang mabait at walang imik habang pinapakinggan kung paano kami nilait lahat dito.
Hindi ko akalain na makatagpo ako ng babaeng gaya niya kagabi. Kaya ayaw ko ng mayayaman dahil masyadong mababa ang tingin sa aming anak mahirap at tanging ang respeto sa sarili at reputasyon ang kayamanan namin sa buhay pero pilit na tinatapakan ng mga taong tulad niya na tanging estado sa buhay at pera ang pagkakaiba.