CHAPTER 8

2060 Words
SAMANTHA Malaking tulong ang bubble bath at maligamgam na tubig sa jacuzzi para kumalma kahit paano ang inis na nararamdaman ko. Kahit paano ay na relax ako ng masamyo ko ang lavender essence na hinalo dito kaya very refreshing ang amoy ng bathtub maging ng silid na kinaroroonan ko. I love jacuzzi, ang silid na kinaroroonan ko ngayon ang pinaka-relaxing na bahagi ngayon ng bahay at pinaka-sanctuary ko bukod sa garden at pool na dati kong paborito pero ngayon hindi ko magawang manatili ng payapa at malaya gaya ng gusto ko dahil laging may nakapaligid sa akin na kung sinong alila ng lolo ko na nagbabantay sa bawat kilos ko. Kaya ako labis na naiinis dahil pakiramdam ko ay lalo akong nawalan ng kalayaan sa sobrang higpit ng patakaran ni lolo sa bahay na ito. Para akong ibon na biglang kinulong mula sa malayang paglipad sa malawak na mundong umiikot ako. Siguro ay naniniwala din si lolo na assassination ang nangyari sa mga magulang ko kaya ganito na lamang ang pag-iingat sa akin pero sobra na at nasasakal na ako na talaga ako. Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa loob ng jacuzzi. Siguro dala ng pagod at puyat kaya nakatulog ako ng hindi ko namamalayan. Masarap kasi sa pakiramdam ang maligamgam na tubig at mabangong amoy ng silid malayo sa lugar kung saan ako nanggaling kanina. Isipin ko pa lang kung paano ako napunta sa kulungan ay umiinit na agad ang ulo ko. I know it's my fault na wala akong lisensya at nakainom pa pero ang harsh naman ng matandang pulis na iyon sa akin. Pwede n'ya naman akong bigyan ng ticket for penalty since ayaw niyang bayaran ko siya gaya ng malimit na ginagawa ko sa tuwing mahuhuli ako kapag tumatakas ako pero mas pinili niyang ikulong ako na sa buong buhay ko ay hindi ko inakala na mararanasan ko. Tanggap ko naman na may mali ako eh, ang hindi ko lang nagustuhan ay kung paano niya ako trinato. Nakasimangot na nagbanlaw ako dahil hindi na mawala sa isip ako ang walang-hiya at mayabang na pulis na tinawag akong mukhang galing sa kabaret. Agad na nag-bihis ako at kinuha ang iPad ko. Natatandaan ko pa ang pangalan ng pulis na iyon kaya hinanap ko siya sa social media pero isang account sa Ebook ang nakita ko na nakapangalan dito. Binuksan ko ang profile pero wala naman kabuhay-buhay ang account na tiningnan ko. Nakasimangot na isa-isang ini-scroll ko ang mga tagged picture ng sa tingin ko ay mga katrabaho nito pero wala akong makitang pwedeng gamitin para makaganti dito. Walang sweet moment at wala rin babae na naka-link na pwede kong sulsulan gaya ng balak ko. Nakakainis, nasayang lang ang oras ko kakatingin ng mga pictures ng matandang pulis na kinaiinisan ko pero wala akong napala. Masyadong pribado ang buhay nito at halatang pati account ay konti lang ang ganap na pwedeng magamit ko in future pero hindi ko alam kung paano kasi walang kabuhay-buhay ang Ebook account nito. Kung sabagay halata naman na boring siya talaga. Masyadong seryoso na akala mo kakaibang tao dito sa mundo. Teka, bakit ko pa ba iisipin iyon? Masyado na siyang sini-swerte na pati sa mga oras na ito ay bahagi pa siya ng isip ko at occupied ang utak ko sa mga masamang plano laban dito. Walang abog na tinawagan ko si Elina. Sa aming lahat ay siya ang laging maaga kung gumising. Dahil marahil sa uri ng trabaho niya kaya hindi pa sumisikat ang araw ay dilat na ang mga mata nito para magbalita ng kaganapan bansa at kalsada. "Himala, ang aga mo yata tumawag," sabi ni Elina ng sagutin nito ang tawag ko. "Kumusta, nahuli ka ba ng lolo mo?" alam ko na naka-ngisi na tanong pa ng kaibigan ko mula sa kabilang linya. "Oo, minalas ako kagabi. Bukod sa nahuli ako ni lolo ay nahuli rin ako ng pulis at nakaranas akong papakin ng lamok sa kulungan." "What?!" Kulang na lang ay mabingi ang sa lakas ng boses ni Elina sa kabilang linya. Hindi ko alam kung gumagana ang pagiging reporter nito at ganito ang reaksyon sa sinabi ko. Kung sabagay kahit sino naman sa mga tao sa paligid ko ay ganito ang magiging reaksyon lalo na kung kilala nila ako. Para sa akin lahat ay nadadala sa pera. Lahat ng bagay ay may kabayaran at katumbas na halaga. Nakakainis lang na hindi gumana ang tactic ko na 'yon kagabi lalo na at hindi ko rin na gamit ang ganda ko gaya ng malimit na ginagawa ko kapag naiipit ako. Hindi ako nakapag-isip ng tama dahil iritable ako. Ginalit ako ng gusto ng matandang pulis at pinag-init ang ulo. Sinabi ko kay Elina ang buong pangyayari at hindi ito makapaniwala sa lahat ng narinig. "Gosh Sam, sana tinawagan mo agad kami," sabi nito. "Paano ko kayo tatawagan eh, hinatak na ako noong matandang pulis tapos ipinasok sa pangit na patrol car," inis na sabi ko ng maalala kung anong ginawa ng walang-hiyang pulis na iyon sa akin. "Ang malas mo nga Sam, bakit 'di mo dinaan sa pagpapa-cute gaya ng malimit na ginagawa mo?" tanong nito. "Hay naku, walang epekto iyon saka hindi ko pinangarap na magpa-cute sa kan'ya. Ang pangit na iyon, sinabihan ba naman akong mukha raw akong galing sa kabaret!" malakas ang boses at gigil na kwento ko. Malakas na tawa ni Elina sa kabilang linya ang sumunod na narinig ko. "Anong nakakatawa?" pikon na tanong ko. "Well, malas mo old fashioned police officer pala nakatagpo mo. Siguro ay uugod-ugod na kaya malabo ang mata kaya hindi nakita ang kumikinang mong ganda," tumatawa na sabi nito. "I'm curious kung sinong malas na pulis 'yan. For sure may masama kang binabalak," komento nito. Kilala talaga ako ng kaibigan ko. Alam na alam niya ang takbo ng isip ko. Nag-iisip pa ako, wala akong makitang kahit ano para makaganti sa kan'ya. Masyadong seryoso sa buhay ang Ebook account na nakita ko at wala akong magamit na kahit ano para ibato sa pulis na iyon. "Hoy Sam, hayaan mo na si manong police. Aminin natin, kasalanan mo naman kasi ang nangyari. Ang dami mong violation tapos nanuhol ka pa. Malas mo lang talaga kagabi dahil matino at tapat na police officer ang nakatagpo mo. Kung ako sa'yo, mag-breakfast tayo kasama si Aislinn." "Kung sabagay tama ka, hindi ko lang matanggap ang ginawa niya sa akin. Pero sige na nga, hayaan ko na tutal nakaganti na naman ako sa kan'ya," nakangiti na sabi ko. Ganito naman ako eh, mabilis magbago ang mood ko at madaling makalimot sa bagay-bagay. Mabuting mga kaibigan ang meron ako kasi kahit alam nila kung gaano ako ka maldita at never silang sumang-ayon kapag alam nilang sumosobra na ako. Well, sa nangyari kasi nadala talaga ako sa init ng ulo kaya gano'n ang resulta kagabi. "Anong ginawa mo this time para makaganti Sam?" tanong ni Elina. "Sinapak ko iyong pangit na pulis," nakasimangot na sagot ko. "Maldita ka talaga, hindi ka na naawa doon sa tao. Matanda na kamo tapos sinampal mo. Hay bilisan mo na at gutom na ako," sabi pa nito. Natapos ang usapan na ako pa ang sinisi ng kaibigan ko pero ayos lang dahil kumalma ang kumukulong dugo ko dahil nakapag-kwento na ako at nailabas ko na ang nararamdaman ko. Agad na nagbihis ako at nag-ayos. Walang pakialam na bumaba ako at naglakad palabas ng pintuan. "Didn't I just told you na hindi ka aalis Samantha?" matigas ang tono ng tinig na tanong ni lolo. Huminto ako at taas noo na humarap dito. "It's my house and it's my rules. If you can't handle how I managed everything here, you are free to leave," seryoso na sagot ko. Tumayo ang lolo ko at humakbang palapit sa akin. Hindi ako kumilos at magsalita dahil hinihintay ko ang susunod na gagawin nito. Tama ako dahil malakas na sampal ang natanggap ko. Ganito naman kami sa tuwing nagtatalo. Sasaktan niya ako, iyon lamang ang tanging magagawa niya sa akin dahil hindi ako sumusunod dito. His too much, ayos lang na magpakita siya ng concern at pag-aalala pero hindi itong itatali niya ako sa bewang niya at parang tuta na susunod sa bawat kagustuhan niya. "You brat!" bulyaw pa nito. Taas noo na tinitigan ko siya sa mata at walang emosyon na nakatayo ng tuwid sa harap nito. "You heard me lolo, I have nothing to explain to you more," sagot ko. "Kapag sinabi ko na hindi ka lalabas, hindi ka aalis!" sigaw nito. "Really?" nakangisi na tanong ko. "The last time I checked ay hindi kita binigyan ng karapatan na pagbawalan ako." Namumula sa labis na galit na nakatayo sa harapan ko si lolo. Sabihin ng masama ang ugali ko but I won't back down when it comes to my freedom. Hinayaan ko na siyang makialam sa organisasyon. Siya na ang namamahala under my name. Lahat ng gusto niya ay ginagawa niya ng hindi ko pinapakialaman dahil hindi ako interesado so bakit hindi niya kayang gawin iyon sa akin. "Hindi ko alam kung paano ka pinalaki ng mga walang kwentang magulang mo kaya lumaki kang demonyitang babae ka." Sa narinig na sinabi nito ay umakyat yata lahat ng dugo sa ulo ko. Matinding pagpipigil ang ginawa ko para huwag magsalita ng masama laban dito. Tumalikod ako at tinungo ang garahe, I don't care anymore lalo na at nagsasawa na akong makipagtalo sa sa kan'ya maging ang makarinig ng masasakit na salita para tungkol sa akin at sa mga magulang ko. Alam ko na masama ang sumagot sa kan'ya but he deserves that. Hindi niya binigyan ng respeto ang mga magulang ko kahit ngayon lang na wala na ang mga ito. Pinasibad ko ang sasakyan ko at pinaharurot mula driveway hanggang sa main gate ng mansyon. "Open the gate!" mariin na utos ko sa security guard na nasa harap ko. "Miss, pasensya na po pero sabi ng lolo n'yo na 'wag daw po namin kayong palabasin." Inaasahan ko na ang sasabihin nito pero kilala ako ng mga tauhan namin dito sa mansyon. Hindi nakaligtas sa mga mata ko kung paano lumunok ng ilang ulit ang taong kaharap ko ng titigan ko ito ng nasama. "Bubuksan mo ang gate o babanggain ko iyan?" tanong ko. "Miss.." Hindi ko na hinintay ang sagot nito at pina-atras ko ang sasakyang minamaneho ko at full speed na pinunterya ang gate ng bahay ko. To my surprise, mabilis na binuksan ito gamit ang auto control button kaya saktong nakabukas na ito ng nasa harap na ako ng gate mismo. Nakangiti na sinulyapan ko sa side mirror ang sasakyan na nakasunod sa akin. Alam ko na hindi papayag si lolo na makaalis ako ng gano'n na lamang kaya sigurado akong nakabuntot sa akin ang mga tauhan nito. Para akong nakikipag-patintero sa kalsada pero hindi ko inaasahan ang susunod na mangyayari nang may bumaril sa direksyon ko mula sa kung saan. Hindi ko mawari pero parang may nag-udyok sa akin na tawagan ang mga kaibigan ko. Inaantok na si Conan ang unang sumagot since siya ang una sa list ng speed dial ko. "Conan, malalate ako, may humahabol sa akin. Tatakasan ko muna," mabilis na sabi ko habang panay ang sulyap sa side mirror. Nataranta ako, pero mas lalo pa akong kinabahan ng ilang sasakyan pa ang nag-over take at bigla ay may humarang sa harap ko. It's end game for me dahil hindi ko alam kung paano tatakasan ang mga ito lalo na at may dalawang sasakyan din ang nakaharang sa likuran ng kotse ko. "Baba!" sigaw ng isang payat na lalaki na akala mo ay kulang sa pagkain kaya siguro kikidnapin ako para ipatubos sa pamilya ko. "Sinabi ng bumaba ka!" sigaw nito. Nasa kabilang linya pa rin si Conan at hindi mapakali na sinasabihan akong huwag pagbuksan ng pintuan ang mga taong humarang sa daan ko. "Sam, tatawagan ko ang lolo mo. Calm down okay," nag-aalala na sabi ni Conan na narinig ko sa earpiece na nakakabit sa tenga ko. Hindi na ako nakasagot dahil binasag na ng kung sino ang salamin ng sasakyan ko sa kanan ko. Naramdaman ko na may tumamang bubog mula sa salamin na nabasag sa balat ko pero wala doon ang atensyon ko dahil mabilis na nabuksan nito ang pintuan sa tabi ko at may humatak sa seatbelt na nakakabit sa katawan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD