CHAPTER 9

2139 Words
SAMANTHA "Aray ang sakit ano ba!" bulyaw ko sa lalaking humatak sa akin pababa sa sports car na minamaneho ko. "Animal ka, bitawan mo ako!" kumakawag at pilit na kumakawala sa mahigpit na pagkakahawak nito sa braso ko. Nagsisisi tuloy ako kung bakit hindi ako nakinig noon sa daddy ko na mag-aral ng self defense na pwede ko sanang magamit sa pagkakataon na ito. "Wag mo akong hawakan, ew, ang baho mo kaya!" mataray na sabi ko habang pilit na winawasiwas ang kamay na nakahawak sa braso ko. Kung bakit ba naman kasi minalas na naman ako at lagi na lang na uuwi ako sa ganitong pagkakataon na may mga lalaking basta na lamang humahatak sa akin. Hindi pumasok sa isip ko na darating ang araw gaya nito na kailangan ko palang ipagtanggol ang sarili ko. "Manahimik ka! Masyado kang madaldal!" sigaw ng lalaki malapit na mukha ko. Sa inis sinampal ko ito dahil tumalsik ang laway nito sa mukha. Lukot ang mukha at nandidiri akong sinipa ang binti nito gamit ang dulo ng mataas na takong ng sapatos ko. "Namumuro ka ng babae ka. Kung hindi lang utos ni boss na buhay kitang dalhin sa bahay niya ay pinasabog ko na ang bungo mo!" galit na singhal nito habang pilit na hinahatak ako palapit sa sasakyan nito pero dahil mahigpit ang kapit ko sa pintuan ng sasakyan ko ay nahirapan ito. "Help!" malakas na sigaw ko. "Tang-ina buhatin mo na iyan ng makaalis na tayo!" sigaw ng isang lalaki na nasa labas ng pintuan ng sasakyan habang nakabantay sa amin. Pinalo ng isang lalaki ang kamay ko kaya nakabitaw ako bigla sa mahigpit na pagkakapit ko sa pintuan ng sasakyan ko. Alam ko na sa tatlong minuto na pakikipag-buno ko ay nakakuha na kami ng atensyon sa mga tao dito sa kalsada pero wala kahit isa ang nangahas na tulungan ako. Takot marahil makialam lalo na at armado ang ang mga lalaking humarang sa akin. Pinagmumura ko ang apat na lalaking kasama ko sa sasakyan ng maipasok ako. Aside from forcing me to enter the car ay tumabi sa magkabilaan ko ang dalawang lalaki habang ang isa ay nagmamaneho at ang isa ay mas front seat. "Kapag hindi ka tumahimik ay pasabugin ko ang bunganga mo!" singhal ng isa pero wala akong pakialam kung patayin nila ako lalo na at nabiyak ang mahabang kuko ko sa hintuturo dahil siguro sa pupumiglas ko kanina. "Tiyak matutuwa sa atin si boss nito," nakangiti na sabi ng isa na nakaupo sa upuan. Hindi napansin ng mga ito ang pulis mobile sa kanan palibhasa nagsasaya sila na nakuha ako. Hindi ko alam kung tauhan sila ni lolo o hindi dahil wala akong idea kung sino ang animal na boss nila na nagpadukot sa akin. Nang makita ko na medyo malapit sa amin ang patrol car ay agad na dinukwang ko ang lalaking nagmamaneho at tinakpan ko ng mga kamay ko ang mata at mukha nito. "Alisin n'yo ang babaeng 'yan sa likuran ko!" sigaw ng driver na sinunggaban ko. "f**k!" "Patulugin n'yo!" Wala akong pakialam sa bawat naririnig ko dahil ginawa ako ang lahat ng makakaya ko para huwag mawala ang kamay ko sa mukha ng lalaking hawak ang manibela pero ang isang kamay ay pilit na binabaklas ang takip sa mata nito. "Tang-ina Fred, mababangga tayo!" Isang malakas na suntok sa tagiliran ang naramdaman ko kaya pinagkakalmot ko ang mukha ng driver kaya panay ang sigaw nito. Pilit na nilalabanan ang matinding sakit sa tagiliran na hawak ko sa dalawang tenga ang driver mula likuran na nakabaon ang kuko sa balat sa mukha nito. Nag-giwang-giwang na rin ang sasakyan kaya nakasisiguro ako na hindi lang ang sakay ng police mobile ang makakapansin sa amin kun'di ang lahat ng taong malapit sa kalsadang binabagtas namin. "Hatakin n'yo! Putang-ina ang sakit ng mata ko!" May sumabunot sa akin mula sa likod para ilayo ako sa driver pero nagawa ko itong sikuhin sa mukha. Isang malaking pagkakamali ang ginawa ko dahil nabitawan ko ang mukha ng driver na alam kung sugat-sugat sa dulot ng mga kalmot ng mahaba kong kuko. "s**t!" Isang malakas na impact ng bumangga sasakyan ang sumunod na naramdaman ko. Kahit nahihilo ako ay inumpog ko ang ulo ko sa lalaki sa kaliwa ko kaya nawala ito sa huwisyo. "Mapapatay kitang babae ka!' sigaw ng lalaki sa front seat habang hawak ang nagdurugo ang ilong at noo. Umiikot ang paningin ko pero kahit nanghihina ay malakas ang pakiramdam ko. Ramdam ko ang malamig na nguso ng baril na nakatutok sa leeg ko mula sa lalaki sa kanan ko. Kita ko sa seryosong pagmumukha nito na hindi ito magdadalawang isip na pa putukan ako oras na magkamali ako ng kilos sa tabi nito. "Parak!" malakas na sabi ng driver na mukhang natauhan ng makita ang pulis na kumatok sa bintana ng sasakyan. "s**t, manahimik kang babae ka! Kapag nagkamali ka, dito mismo papatayin kita!" malakas na sabi ng lalaki na tinutok ang baril sa bewang ko. "Sir, good morning," tila maamong tupa na sabi ng driver na ibinaba na pala nito ang window shield. "Baba!" utos ng pulis dito. Pamilyar sa akin ang boses na iyon pero hindi ako makakibo sa pagkakaupo ko ng tuwid lalo na at idiniin ng lalaking katabi ko ang nguso ng baril sa tagiliran ko. "Kailangan n'yong madala sa ospital ng mga kasama mo, may mga nasaktan pala sa inyo," sabi ng pulis na sumilip. Nanlaki ang mata ko dahil natatandaan ko ang pulis na lumapit sa kotse ko kagabi. Siya ang unang humarang sa akin sa kalsada bago ko nakaharap ang pangit na pulis na simula ng kamalasan ko. Nagtama ang mga mata namin ng pulis na sumilip sa kaliwa ng utusan ang driver na buksan ang bintana sa kaliwa namin. It's him, si Captain Santiago na seryoso pa rin ang mukha at walang pinagkaiba sa kung paano ko siya huling nakita. Bakit ba sa lahat ng pulis ay siya pa ang makatagpo ko na naman? Sigurado na hindi ako nito tutulungan lalo na at nag-away kami kaninang madaling araw bago ako umalis sa prisento. "Miss ayos ka lang?" tanong nito. Kumurap lang ako dahil hindi ko magawang makapagsalita lalo na at masakit ang tusok ng baril sa tagiliran ko. "Miss?" tanong pa ulit nito. Napakurap na lang ako, mukhang hindi niya ako natatandaan kaya tumango lang ako. Mukhang wala na akong kawala sa kidnaper ko lalo na at alam ko na wala naman itong pakialam kung mamatay ako. "Sir, dadalhin ko na po sila sa ospital para matingnan ng doktor. Mukhang na truma po ang kaibigan namin kaya hindi makapagsalita," sabat ng driver. Sinulyapan ako ni Captain Santiago bago ibinaling nito sa mga kasama ko ang paningin. Hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa utak nito dahil blangko ang ekspresyon ng mukha nito ngayon. "Baba!" utos nito sa driver. Kita ko kung paano nagpalitan ng tingin ang mga kasama ko na alam kong alerto kung sakali na mabuking sila ng pulis na lumapit sa sasakyan namin. "Unlock the door!" malakas na utos nito sa lalaking nasa driver seat. "Sir, ayos lang po kami, pasensya na sa abala," sabat ng lalaki sa unahan pero nagulat ako ng pumasok ang kamay ng pulis at may pinindot sa pintuan. "s**t!" narinig kong mura ng lalaki sa tabi ko. Inapakan ko ng ubod lakas ang paa nito sabay siko sa tagiliran. Nagkagulo matapos iyon dahil sunod-sunod na nakakabinging putok ng baril ang sumunod na narinig ko. Nanginginig na napatakip ako ng tenga habang hindi malaman kung ano ang gagawin ko. Hindi ko inaasahan ang mabilis na kilos ni Captain Santiago ng sunod-sunod na barilin nito ang mga kasama ko. Nakatakip pa rin ako ng dalawang tenga habang mariin na nakapikit dahil sa takot at pagkabigla sa nangyari. Ramdam ko pa kung paano halos ilang hibla lang ang layo sa akin ng balang dumaan sa direksyon ko na tumama sa lalaking katabi ko. Naramdaman ko na lamang na may humawak sa akin. Sa init ng palad nito ay pamilyar ako pero takot akong idilat ang mga mata. Naramdaman ko na lang na umangat ang katawan ko mula sa upuan ng buhatin ako ng kung sino. "You're safe." Sapat na ang salitang narinig ko para magmulat ako at sumalubong sa akin ang naka-tiim bagang na mukha ng lalaking kinaiinisan ko magdamag. "Bitawan mo nga ako," piksi ko kahit nanghihina ako. Para itong walang narinig na naglalakad patungo kung saan habang buhat ako. Hindi na ako kumibo ng ipasok ako nito sa police mobile na siya rin palang ginamit nila ng hulihin ako at dinala sa presinto. "Saan mo ako dadalhin? Wag mong sabihin na ikukulong mo na naman ako," sabi ko ng bumaling dito. Salubong ang kilay na tinapunan ko ng tingin ang driver ng sasakyan. Siya rin ang police na kasama namin kagabi at siyang unang sumilip sa sinasakyan namin. "Pwede ba Miss Ruiz, manahimik ka muna. Nakukulili ako, ang ingay mo," reklamo ng seryosong pulis sa tabi ko. "Aba't." Hindi ko na ituloy ang sasabihin ko ng tapunan ako nito ng nagbabantang tingin. Nanahimik ako at baka tuluyan akong i-salvage nito. Bali-balita pa naman ang mga taong basta na lang natatagpuan sa gilid ng kalsada at binaril umano ng mga pulis na nagtapon sa bangkay ng mga ito sa kung saan. Gusto kong bulyawan ang pulis sa harap dahil panay ang sulyap nito sa akin na nakanguso tapos biglang ngingitian. Akala n'ya ba ay masaya akong kasama na naman sila ay sa ganitong pagkakataon pa. Inirapan ko na lang ito nang muli ay mahuli kong nakangiti sa akin. Hindi ko tuloy sinasadya na mapunta sa gilid ng mga mata ko ang nakapikit na aroganteng pulis sa tabi ko. "Matangos naman pala ilong niya at mahaba ang pilik mata." Sa na isip ay napasimangot tuloy ako lalo. Ah basta, wala akong pakialam kung anong meron sa mukha niya. "Ma'am, bagay kayo ni sir, parehong maganda at gwapo," bigla ay sabi ng tsismoso na pulis sa harap ko. "Look manong pulis, hindi ako sumakay dito sa sasakyan n'yo para makipag-tsismisan sa iyo. Bababa na ako, itigil mo ang sasakyan n'yo," utos ko dito. "Manahimik ka d'yan. Pwede ba Mario, bago ka pa lapain ng babaeng ito itikom mo ang bibig mo," utos ng lalaking katabi na bigla na lang sumabat sa usapan. May sa pusa siguro ito dahil akala ko ay natutulog ito pero mukhang nagkunwari lamang itong nakapikit para hindi ko kausapin Kahit kailan talaga hindi ko gusto ang tabas ng dila nito. Basta nagsalita ay umiinit ang ulo ko. "Pwede bang pati ikaw manahimik ka d'yan sa upuan mo," baling nito sa akin. Nakahalukipkip ako na inirapan ito at padabog na na-upo ng ayos. "Gosh!" bigla ay malakas na sabi ko ng madapo ang paningin ko sa mga kuko ko. "I'll kill them all," inis na inis na piksi ko ng makita na nabali ang mahaba na mga kuko ko. Ang tagal ko itong pinahaba kasi ayaw ko ng attachment tapos ganito lang ang nangyari, nakakainis sobra. "Anong nangyari?" tanong ni Captain Santiago ng makitang inangat ko ang kamay ko matapos na marinig ang malakas na bulalas ko. "May mga gasgas at sugat ka, tama lang pala talaga na dalhin kita na ospital para matingnan ka," sabi nito pero napaiyak na lang ako. "Wag kang mag-alala magiging maayos din ang lahat. Malapit na tayo sa ospital," sabi pa nito. Lalong hindi ko napigilan ang luhang pumatak sa mga mata ko dahil sa tindi ng inis na nararamdaman ko. "Miss-" "Shut up!" sigaw ko. "Hindi mo naiintindihan kung bakit frustrated ako. Ang tagal kong pinahaba ang kuko ko tapos ganito lang ang nangyari. Mga walang hiyang kidnapers na 'yon. Tama lang pala na pinagkakalmot ko sa mukha ang bwisit na driver na iyon dahil nakaganti ako kahit paano," tuloy-tuloy na sabi ko na halos hindi huminga dahil sa tindi ng inis na nararamdaman ko. "What?" tanong ko sa tigagal na pulis na kasama ko ng lingunin ko ito. Umiling-iling lang ito saka malakas na napa-buntong hininga. "Akala ko pa naman ay kung ano na ang inaatungal mo, kuko lang pala. Baka hindi mo pa napapansin na may mga galos at sugat ka dahil late reaction ka at inuna mo pang tingnan ang mga kuko mo kesa sa mga sugat mo sa braso." Hindi ko alam kung out of concern ba iyon kaya sinabi niya or may iba na naman siyang ibig sabihin pa. Bihira na nga kung magsalita ang pulis sa tabi ko pero daig pa niya ang laging gusto ay ang galitin ako. I can't trust this man dahil bawat sasabihin nito ay naiinis lang ako kaya I choose to ignore him while he's sitting beside me. Pasasaan ba at makakababa na rin ako, konting tiis pa at maghihiwalay din ang mga landas namin ng lalaking katabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD