CHAPTER 10

1454 Words
DALE Nagliligpit ako ng gamit sa mesa ko ng tumunog ang telepono sa tabi ko. Agad ko itong sinagot dahil bihira na may tumawag sa line ko not unless emergency ito. "Captain Santiago, may info tayo ng kidnapping along Edsa, crossing sa Mandaluyong," sabi agad sa kabilang linya ng Major Madrid na head ng highway patrol group na may hawak sa amin. "Nai-send ko na sa email mo ang buong detalye," sabi nito. "Copy sir," agad na sagot ko na mabilis na nag-log in sa computer sa harap ko. Luckily, hindi ko pa ito na i-turn off kaya naging mas mabilis na nabasa ko ang urgent email na galing kay Major Madrid. "Samantha Ruiz," basa ko sa details nito. Nakalagay ang address at edad nito kaya nasiguro ko na siya nga ang babaeng nahuli ko kagabi. Agad na nag-dial ako at tinawagan ko ang mga team leader ng bawat grupo na hawak ko para ipaalam ang kidnapping na naganap. Mabilis ang maging kilos ko, ipina-track ko ang posibleng location na binaybay ng mga kumidnap dito ayon na rin sa last mark point kung saan natagpuan ang sasakyan nito na gamit din ni Samantha Ruiz ng mahuli ko. "Tsk! Puro problema talaga ang babaeng iyon. Paano kaya siya na kidnap samantalang isinama naman siya ng lolo niya kaninang madaling araw?" tanong ko sa sarili ko. Nagtataka ako kung paano nangyari ito gayong mahigit tatlong oras pa lamang ng umalis dito sa prisento kung saan siya nakulong dahil sa patong-patong na violation. Mabilis ang naging kilos ko at inipon ko ang mga tauhan ko. Dala ang patrol car na ako na ang nag-maneho para suyurin ang kalsada sa pagbabakasakali na hindi pa nakakalayo ang mga kumidnap kay Samantha. "Sir, malas talaga ang mataray na babaeng iyon ano? tanong ni Mario na panay ang daldal sa tabi ko. "Tingnan mong mabuti ang kalsada at bawat kalye ng may saysay ka, hindi iyong panay ang ungkat mo tungkol kay Samantha. "Uy sir, malinaw ang mata ko. Nakabantay ako sa bawat madaanan natin. Pero sir, bakit Samantha na lang. First name basis na kayo ah," sabi pa nito. "Manahimik ka Mario, trabaho ang asikasuhin mo at hindi ang kung anu-anong wala naman kinalaman sa kaso na hawak natin," sagot ko. "Kung sabagay sir, sa taray at talas ng dila ng babaeng iyon malabo na maging maganda ang relasyon n'yo. Pero bagay kayo talaga, isang seryoso sa buhay at isang spoiled brat. Malay mo sir, mapatino mo," dere-derecho na sabi nito. Tinapunan ko ito ng nagbabanta na tingin. Hindi ko na sinagot lalo na at nakatutok sa kalsada ang paningin ko. I'm not supposed to drive dahil mas mataas ang posisyon ko pero kesa mainis ako sa kabagalan ni Mario ay ako na mismo ang nagmaneho. "Mario, nakikita mo ba iyang tinted na itim na ban two cars ahead?" tanong ko. "Yes sir, maganda po. Mukhang mamahalin," sagot nito. Gusto kong dagukan ang isang ito dahil minsan talaga may pagka-slow. Hindi ko alam kung paano siya naging pulis gayong dapat bukod sa allert kami ay malakas din ang pakiramdam at senses namin sa mga bagay bagay. "Call the team, mukhang may hinala na ako. Ipa-check mo ang plate number," utos ko. Agad naman itong sumunod at tumawag sa headquarters para gawin ang ipinag-uutos ko. "Sir, negative. Unknown po ang plate number at walang record sa NSO," sagot nito. "Sige didikitan ko, be alert," utos ko. Dahil malaki ang distansya at medyo ma-traffic pa kaya hindi ako agad nakalapit dito. Iba ang pakiramdam ko, para bang may nag-udyok sa akin na lapitan ang sasakyan na nakikita ko. "Sir, masyadong tinted, wala akong maaninag," sabi ni Mario. Tama siya, kahina-hinala para sa akin ang sasakyan na nakikita ko. May ipinapatupad kaming batas na bawal ang ganitong uri ng tinted glass. Isa itong violation na against sa road and highway code na anytime ay pwede ko silang harangin para bigyan ng penalty. "Tawagan mo si Donny, bigay mo ang plate number at i-check ang lahat ng cctv sa lugar na ito. Make sure na hindi mawawala sa monitoring nila iyan," utos ko. Isang yes sir lang ang sinagot ni Mario at tinawagan ang monitoring team ng highway patrol group sa headquarters. Finally, nakadikit ako sa sasakyan na sinusundan ko ng napansin ko na nag-pa giwang-giwang ito hanggang sa bumangga sa posted sa kalsa. Agad na pinababa ko si Mario para lapitan ang mga ito dahil ipinarada ko ang sasakyan para hindi maging dahilan para mag-build up my trapiko. Positive nga at naroon ang target namin sa loob. This time, alam ko na natagpuan na namin kaya ginawa ko ang lahat para iligtas ito. Matapos ang madugong engkwentro ay iniwan ko ito saglit sa loob at nilapitan ang team na rumispunde sa lugar. Sila na kasi ang bahala sa ballistic ng mga lalaking naka-engkwentro namin ni Mario. "Sir, narito na po tayo," magalang na paalam ni Mario na tumigil na pala ang sasakyan na minamaneho sa harap ng Makati Medical Center. "Let's go inside, Miss Ruiz," baling ko sa nakasimangot na si Samanta. "Hindi ko kailangan na pumasok d'yan. I'm perfectly fine," mataray na sagot nito. Napa-buntong-hininga na lamang ako. Puyat ako at matinding pagod ang inabot ko sa duty magdamag pero matigas ito kaya wala akong panahon sa kaartehan ng malditang babae sa loob ng patrol car na sinakyan ko. "Hindi ka baba?" tanong ko dito habang seryoso na tiningnan ito. "No!" mataray na sagot nito sabay halukipkip sa gilid ng pintuan. Mabilis na lumigid ako at binuksan ang pintuan sa tabi nito. Hindi ako nagdalawang isip na buhatin ito kahit pa nagwawala at panay ang reklamo nito. "You jerk! Ang kapal talaga ng mukha mo, kagabi ka pa!" singhal nito. Sa kakapiglas nito ay hindi ko tuloy sinasadyang mahawakan ang kanang dibdib nito na alam kong ngayon ay nararamdaman niya lalo pa at awang ang labi na nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa akin. "Bastos!" Isang malakas na sampal na naman ang natanggap ko sa gitna ng hospital hall habang buhat si Samanta na alam kong galit na naman sa nangyari. "Ibaba mo ako!" singhal nito sa akin kaya bigla ay ibinaba ko ito sa upuan na nasa pasilyo. "Ang bastos mong matandang pulis ka!" nanliliit ang mga mata na singhal pa nito. Napapikit ako para pakalmahin ang tumataas na init ng ulo ko. Konti pa ay makakatikim na sa akin ang isang ito. "Kakasuhan kita makikita mo," mataray na sabi pa nito. "Go ahead, wala kang ibedensya at lalong walang nakakita," inis na sagot ko kahit alam ko naman na may basis ito. "Hindi ba Mario?" tanong ko sa pulis na kasama ako sa likuran ko. "Yes sir, wala akong nakitang nangyari maliban sa tinulungan mo si miss beautiful na ipasok dito sa ospital." "See, kaya kung ako sa iyo. Tumayo ka d'yan ng matapos na tayo dito," seryoso na utos ko dito. "Bakit ba walang modo ang mga pulis na gaya mo?" bubulong-bulong na sabi nito sabay martsa palayo sa akin. "Uy miss beautiful, dito tayo dadaan," habol ni Mario dito pero hindi man lamang siya pinansin. Isang malakas na buga ng hangin ang ginawa ko sabay hakbang ng malaki para abutan ang may tupak na si Samanta na panay ang malalaking hakbang na walang pakialam sa paligid at lalong hindi ko mawari kung anong tumatakbo sa utak nito at patungo sa kung saan. "Bitawan mo nga ako, panay ka hawak. Mamaya kung saan na naman madapo ang kamay mo," inis na piksi nito. Napakamot ako ng batok pero hindi nakawala sa paningin ko kung paano tila amaze na nakatingin sa amin ang nakangiti na si Mario na akala mo masaya ang pinapanood niya. "Hindi kita hahawak kung 'yan ang gusto mo, pero sumunod ka sa akin dahil kung hindi kakaladkarin kita papasok sa hospital room na naka-assign sa'yo," mariin na sabi ko. Si Mario na kasi ang kumuha ng kwarto para dito. Thought, pwede naman siya sa opd but knowing Samanta ay magrereklamo ito. Inirapan lang ako na sumunod ito sa nurse na kasama namin na maghahatid sa silid. Naiwan tuloy akong kasabay na naglalakad ang ususerong si Mario. "Sir saan mo kasi hinawakan at nasampal ka na naman?" curious na tanong nito. Naiiling na lang na naglalakad ako palayo dito at mabilis na sumunod sa mataray na si Samanta na akala mo ay 'di kami kilala o kasama na taas noo na naglalakad palayo sa amin. Kung sabagay may ibubuga rin naman ang katawan nito lalo na at malaki pala ang dibdib isama pa ang manipis na bewang at tiyan. Perfect na sana ang babaeng iyon kung mukha at appearance ang pag-usapan pero ligwak lang dahil sa katarayan at kasamaan ng ugali kaya 'di bale na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD