CHAPTER 5

2017 Words
SAMANTHA Kahit panay ang bulyaw ko sa lahat ng tao dito sa loob ng prisento ay para silang mga walang tenga at pakiramdam. I hate being here, hindi ko matanggap na nakulong ako dahil sa kagagawan ng lintik na pulis na nagpasok sa akin sa loob ng kulungan na kinalalagyan ko. Hindi man lamang niya ako binigyan ng chance para maayos ang gulo na kinasangkutan ko at basta na lamang itinapon dito sa mainit at madilim na selda. "All of you, susunugin ko itong lintik na pangit at maruming prisento n'yo na ito kapag hindi n'yo ako pinakawalan dito!" nanggagalaiti na sigaw ko. "Gosh, I hate this place!" sigaw ko pa ulit. "Promise, ang baho dito at nangangati na ako!" Daig pa nila ang walang mga bingi na hindi naririnig ang bawat sigaw ko. Panay ang kalampag at sipa ko sa bakal na selda hanggang sa napagod ako matapos ang mahigit dalawang oras na pagwawala ko. Alam ko na sa mga oras na ito ay posibleng alam na ng lolo ko ang tungkol sa pagtakas ko sa mansyon at sigurado ako na papalitan na naman nito ang security sa bahay maging ang mga bodyguard na nakatalaga sa akin. I hate the set up, alam iyan ni lolo pero hanggang sa mga oras na ito ay pinagpipilitan niya ang kan'yang gusto. Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n na lamang siya kung matakot gayong ayos lang naman ako. "Ano ba, wala ba kayong balak palabasin ako dito?! Mga bingi na ba kayo?" inis na muli ay sigaw at tanong ko. Hindi na kasi ako makatiis bukod sa inaantok at nahihilo ako ay hindi ko magawang manatili sa loob ng selda na ito. Ang daming lamok, samo't sari ang amoy na hindi ko maipaliwanag kung saan nanggagaling. Ang letseng pulis kasi na 'yon basta na lamang ako hinatak at hindi ko man lamang na dampot kahit ang air freshener sa loob ng sasakyan ko. Kapag talaga ako nakalabas sa kulungan na ito ay hahagisan ko ng bomba ang prisento na ito. Sobrang nag-iinit ang ulo ko at nawawalan ako ng pasensya. Hindi ko magawang maupo dahil wala kahit isang plastic na upuan ay wala dito kaya nagtiis ako na nakatayo ng ilang oras suot ang mataas na takong na sapatos ko. "Urggg!". Hindi ko napigilan na isigaw dahil nauubos na ang kakarampot na pagtitimpi na meron ako. Sanay ako na nasusunod ang gusto ko at nakasanayan ko na rin na lahat ay nadadaan sa pera kaya panatag ako pero hindi ko inaasahan na makakaranas ako ng maltreatment mula sa pangit at matandang pulis na nagpasok sa akin sa seldang ito. "Hoy, nauuwaw na ako! I need water!" sigaw ko ulit. Pakiramdam ko kasi natuyuan na ako ng lalamunan dahil kanina pa panay ang sigaw ko. "Manong pulis, baka naman gusto n'yo akong bilhan ng mineral water?" tanong ko sa isang pulis na malapit sa selda ko. Tumayo ito at lumapit sa akin kaya natuwa ako. Mukhang kahit paano ay pwede ko itong pakiusap na pakawalan ako. "Miss Ruiz, may mineral water kami dito sa prisento baka okay na sa'yo 'yon," sabi nito. Napangiwi ako, I can't imagine na darating ang araw na pati tubig na iinumin ko ay kailangan ko pang pag-isipan kung tatanggapin ko ang alok nito. "Malinis ba 'yan?" nakangiwi at seryoso ang mukha na tanong ko. "Of course." Hindi ako nakasagot ng bigla na lamang ay bumungad sa mga mata ko ang pangit na pulis na humuli sa akin at dahilan kung bakit narito ako nagdudusa dahil sa kagagawan nito. "You!" duro ko dito na nakalimutan ko na ang tubig na hinihingi ko dahil sa nakita ko ang pag-mumukha nito. Salubong ang kilay na nilapitan nito ang pulis sa harap ko at may tinanong kung anong kailangan ko at bakit nasa harap ko ang pulis na kausap ko. "Kung ayaw niyang uminom ng tubig na meron tayo dito, hayaan mo siyang matuyuan ng lalamunan baka sakaling manahimik," sabi nito sa kausap na sa akin nakatingin. Uminit ng husto ang ulo ko matapos marinig ang sinabi ng walang-modo, konsensya at kaluluwa na pulis sa harap ko. Gusto kong lumabas at sampalin ito ng paulit-ulit o kaya ay maabot ko ito para kahit paano ay makaganti man lamang ako. "Ang pangit mo na nga, ang pangit pa ng ugali mo. Ang malas ng asawa mo sa'yo pinaglihi ka sa sama ng loob!" inis na piksi ko. This jerk, sinasagad na talaga niya ang pasensya ko. Hindi ko nga alam kung may natitira pa sa akin dahil sa totoo lang ay tuluyan ng sumabog ang galit na meron ako sa taong kulang na pang ay mawalan ng hininga sa talim ng mga tingin na pinukol sa sa dereksyon niya. "Wag kang mag-alala, walang asawa si sir kaya hindi mo po-problemahin ang relasyon niya," naka-ngisi na sagot ng unang pulis na kausap ko. "Kaya pala puro sama ng loob kasi walang lovelife. Ang bitter mo sa buhay, kung gan'yan talaga ugali mo sigurado na uugod-ugod ka na wala pang magkakagusto sa'yo!" Daig pa ang rebulto ng lalaking kausap ko dahil wala man lamang itong naging reaksyon kahit pa gigil na gigil ako sa mga sinabi ko. Kung pwede ko nga lang buksan ang padlock sa selda na kinaroroonan ko ay matagal mo ng ginawa para makaalis dito ng hindi ko nakikita ang pag-mumukha niya na naaalibadbaran akong nakabalandra sa mga mata ko. "Sa ugali mo na 'yan, kung ako lang ang masusunod ay habang buhay ka na d'yan. Sa dami ng masasamang sinabi mo dapat na mabulok ka d'yan sa loob para magtanda ka." Nagngingitnit ang kalooban ko na gusto kong sirain sa sampal ang mukha ng mayabang na pulis sa harapan ko. Ang kapal ng mukha niya na pagsabihan ako ng gano'n pero siya itong balasubas na pulis. Hindi ko kailangan na magpakita ng maganda sa kan'ya lalo na at nabubwisit ako sa lahat ng ginawa niya sa akin simula ng magtagpo ang landas namin. "Kung wala kang sasabihin na maganda lumayas ka sa harapan ko. Ang pangit mo!" bulyaw ko dito sabay irap. Kumukulo ang dugo ko sa kan'ya. Kanina pa ako labis na nagtitimpi. "Miss maganda ka sana pero pangit ang ugali mo kaya amanos tayo." Matapos sabihin iyon ay tinalikuran ako nito. Napasabunot na lang ako sa ulo dahil sa kamalasan na inabot ko. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa akin ay hindi na sana ako lumabas at sumama sa mga kaibigan ko. Puro hindi maganda ang nangyari sa akin kagabi. Daig ko pa ang nilayuan ng swerte at ito ang inabot ko. Pumikit ako para pigilan ang labis na inis na nararamdaman ko. "Bakit narito ka pa?" mataray na tanong ko sa pulis na kausap ko kanina. "Ah, eh, miss 'di ba gusto mo ng tubig?" tanong nito. Napairap ako, kahit mamatay ako dito hindi ako ininom ng tubig na ibibigay sa akin sa loob ng prisento na ito. Nandito na si masungit na pulis mamaya n'yan ay lasunin pa niya ako. Wala akong tiwala sa kan'ya lalo na puro kamalasan inabot ko sa kamay niya. Marami tuloy akong plano na nabuo laban dito. Iyon nga lang ay hindi ko alam kung alin ang uunahin ko. "Ito na tubig miss," muli ay sabi ni manong pulis pero umiiling ako. "Wag na, hindi na ako nauuhaw," dahilan ko. How on earth he expect me to drink in a cup na hindi ko alam kung sino ang may-ari. Sa mansyon, lahat ng gamit ko ay exclusive for me lamang at never in my life na may gumamit ng bagay na pag-aari ko. Masyadong kuripot mga tao dito, hindi man lamang nila afford na bilhan ako ng kahit mineral bottle water gaya ng in-assume ko. "Manong pulis, I have money in my purse. Nasa sasakyan ko, kung hindi n'yo afford na bigyan ako ng mineral water dito, you can take my money there. I don't care if how much as long as I manage to get the things I want," sabi ko dito. Umiling lang ito saka tumalikod sa akin. Maya-maya pa ay bumalik kasama ang lintik na pulis na sukdulan na ang galit ko hanggang langit. "O, baka sabihin mo inaapi ka namin dito," sabi nito na inabot mula sa butas ng rehas ang bottle water na hawak nito. Agad na inabot ko ito at kinuha sa mga kamay nito. "Walang lason iyan kung 'yan ang inaalala mo. As you can see, naka-sealed pa ang takip n'yan." Salubong ang kilay na inirapan ko ito. Paano kaya niya nalaman ang tumatakbo sa utak ko at iyon mismo ang sinabi nito? "Tinawagan na ng tauhan ko ang guardian mo. Soon they'll be here," sabi pa nito saka mabilis na tinalikuran ako. "Bwisit ka talaga, malas ka sa buhay ko pero mas malas ako dahil humara-hara ka sa daan ko," bubulong-bulong na sabi ko habang binuksan ang takip ng tubig na hawak ko. "Anong nakakatawa?" salubong ang kilay na tanong ko sa pulis na nakangiti sa harap ko. "Ang cute n'yo ni sir, ma'am. Bagay kayo, parehong masungit. Single pa 'yan si Sir," sabi nito sabay kindat. Lalong nalukot ang mukha ko sa sinabi nito. Sa inis naibato ko dito ang bote ng mineral water na hawak ko. How dare him teasing me! Walang may lakas ng loob na gumawa noon kahit na sino sa akin. Hindi nga nila ako kilala dahil kung alam nila kung sino ako ay hindi ako makakaranas ng ganito dito. Never in my wildest dreams na papasok sa kokote ko ang bagay na iyon. Kahit kailan hindi ako nababagay sa pangit at matandang pulis na nagpasok sa akin dito sa selda. Isipin ko pa lang siya ay kumukulo na ng husto ang dugo ko sa kan'ya kaya how much more pa na magustuhan ko siya? Kahit siya pa ang kahuli-hulihang lalaki at tao dito sa mundo hinding-hindi ko siya magugustuhan. Kaya ko lang naman kinuha ang tubig na inabot niya dahil wala akong choice. Mahapdi na ang lalamunan ko at ang init dito. Kesa naman mamatay ako dito sa loob ay isasakripesyo ko muna ang isang bagay na ginawa niya sa akin para mabuhay. Saglit ko lang lulunukin ang pride ko pero hindi na ko na uulitin ito. I wish I could do something para makalabas dito dahil hindi ko na talaga kayang magtagal dito. Kung sana kahit cellphone ko ay hawak ko sa mga oras na ito ay pwede kong tawagan ang mga kaibigan ko. Alam ko na kahit lasing ang mga ito ay may magagawa sila para makalabas ako dito ng hindi kailangan na tawagan ang lolo ko na alam kong hindi na naman magiging maganda ang epekto ng pangyayari na ito oras na magkaharap kami kapag dumating na siya dito. I just don't like the idea na makikita niya ako dito na mahina at walang magawa. He used to scold me sa bawat bagay na ginagawa ko kaya nagrerebelde ako ng husto. Para akong hindi tao sa paningin niya. Daig ko pa ang robot na dapat ay laging nakikinig at panay oo lang sa kan'ya. Simula ng mawala ang mga magulang ko ay mas lalong naging misirable ang buhay ko. How I wish na buhay pa sila pareho at hindi ako iniwan ng ganito kabilis at basta na lamang nawala sa buhay ko. I miss my parents so much. Maraming nagbago simula ng mawala sila. Oo nga at mayaman at marami akong pera pero sa totoo lang ay hindi ako masaya. The money and inheritance that I have cost my parents life. Alam ko na isa ito sa dahilan kaya nawala sila. Naniniwala ako na hindi aksidente ang nangyari sa kanila kun'di pinatay ang mga magulang ko bagay na ginagawa ko ang lahat para malaman ko ang totoo. Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nalalaman ang totoo sa likod ng aksedente na kinasangkutan ng mga magulang ko. Alam ko na hindi magtatagal ay mabibigyan ko rin ng hustisya ang malupit na kamatayang sinapit nila. Malalaman ko rin kung sino ang salarin dahil simula ng mamatay sila ay hindi ako tumigil sa pag-iimbistiga kahit pa lihim ko itong ginagawa ng mag-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD