Chapter 4

1664 Words
SAMANTHA It's getting late but still hindi ako makaalis dito sa bar kung saan ako nakipag-party sa mga kaibigan ko. Mga lasing na kasi ang mga loka-loka pero heto daig ko pa ang may alaga na mga bata dahil hinihintay ko ang mga sundo nila pero walang dumating kahit isa. Hindi ko naman pwedeng iwan silang lahat dito sa bar dahil kanina pa panay ang lapit ng kung sino-sinu sa amin na mga mukhang chararat na bagong labas yata sa lungga kaya excited nakipag-party kaya lumaklak ng husto at nagkakalat dito sa lugar kung nasaan kami Ewan ko ba naman kasi kay Elina kung bakit dito pa naisip na pumasok. Dati rati naman ay sa high end bar kami kung magkalat pero naisip ni Jaybee na subukan na pumasok sa pipitsugin na bar na ito. Dahil sumang-ayon si Conan at Aislinn wala akong nagawa kun'di pumasok sa maingay, mausok at nakakadiri na lugar na ito. "Ang pogi naman niya!" malakas na sabi ni Conan. Sinundan ko ng tingin ang lalaki na nginuso ng kaibigan ko pero napangiwi na lamang ako ng makita ko kung anong itsura nito. Ang hirap talaga ng lasing dahil kahit mukhang hindi naliligo ay mabango at yummy sa tingin ng kasama ko. "Wala pa ba ang mga sundo n'yo? Nangangati na ako," mataray na tanong ko. Gusto ko ng umuwi at maligo dahil pakiramdam ko ay kumapit na sa balat ko ang usok at halo-halong amoy na nalalanghap ko. Kainis lang na kailangan ko pa sumigaw para makausap si Che-Che dahil ang ingay sa lugar. Kung bakit kasi sumama pa ang demure na ito na daig pa ang bagong labas sa kumbento pero heto na una pang na lasing dahil hindi naman umiinom pero natukso ni Elina dahil sa isang dare na hindi na tinanggihan. "Inaantok na ako," reklamo rin ni Che-Che na sinapo ang mukha dahil mukhang matindi pa rin ang epekto ng alak dito. "Hay naku, next time 'wag n'yo akong isasama sa ganitong lugar. Kung gusto n'yong umulit kayo na lang." Hindi ko gusto ang mga tingin ng grupo ng mga kalalakihan sa direksyon namin ng mga kaibigan ko. Daig pa nila ang mga gutom na leon na handang lapain kami basta nakakita sila ng pagkakataon. "It fun right? Let's drink more!" sigaw ng lasing na si Conan. Hay, nagtitimpi ako dahil lasing ang mga kaibigan ko but it doesn't mean na mahaba ang pasensya ko. Tumakas ako sa mga bodyguard ko para magliwaliw at magsaya hindi para ma-stress sa mga pasaway na kasama ko na mukhang na enjoy ng husto ang lugar na ito. We all rich and wild but, this is the first time na pumasok kami sa ganitong lugar. It's Elina idea actually at dahil natalo ako sa dare dahil 'di ko na takasan noong isang gabi ang bodyguard ko ay hindi ako pwedeng magreklamo sa challenge na dare sa amin ni Jaybee. "Hey handsome, how much should I pay if I take you home tonight?" nakangisi at alam ko na nagloloko na tanong ni Conan sa waiter na lumapit sa amin para alisin ang mga baso at inumin sa table namin. Kung sa usual na bar na pinuntahan namin ay matatawa pa ako kay Conan but not this time. I know she has something in her mind but I don't like the idea na sasama siya sa estranghero na dito namin na bingwit at nàdala sa biro niya. "Yuck, shut up!" sabat ni Aislinn. Isa pa itong sosyalera na lasing na ito. May pa yucky pa siya pero nagsaya naman ng husto kanina. "Let's go home mga guys, it's getting late." Kahit paano pala ay may sense pa ang utak ni Che-Che dahil sa aming lahat siya lang ang may matinong sinabi. "Can we drink more? Ang daya n'yo huh! I dare you guys to stay here till morning but look, all of you are rushing home," namumungay ang mga mata na sabi ni Jb. Kanina pa nakakunot ang noo ko at salubong ang kilay. Konti na lang talaga ay lalayasan ko na sila. It's past three and still, narito pa ako. Paano na lang kapag nalaman ni lolo na wala ako sa room ko 'di lalong mas malaki ang magiging problema ko? Kung kasya lang silang lahat sa sasakyan ko ay ihahatid ko na silang but since two seaters lang ang new car ko ay imposible na magawa ko iyon. "Let's go!" bigla na lang tumayo si Elina na walang pakialam kung sumuray-suray ito. "Bakit, nariyan na ba ang sundo mo?" nakataas ang kilay na tanong ni Jaybee dito. Sumimangot lang si Elina at iwinagayway ang kamay. "Hello sissy, may taxi ano. Papahatid na ako kesa naman mamantal ang makinis na legs ko sa mga kagat ng pisting lamok dito." Shit, matalino naman pala si Elina kahit lasing na. Bakit ba hindi ko agad naisip iyon, 'di sana ay kanina pa kami naka-uwi na kaming lahat. "Guys, get up, let's go!" mabilis na tumayo si Jaybee na dinampot ang clutch bag sa ibabaw ng mesa saka hinatak patayo si Conan. "Ang papangit ng mga lalaki dito. Wala man lang akong nagustuhan," reklamo ni Conan. Lasing na talaga ito, kanina lang may lalaking mukhang taga kanto ang gwapo sa paningin nito pero ngayon heto siya panay ngawa at reklamo na wala siyang nagustuhan. "Guys, inaantok na talaga ako. Gusto ko ng mahiga dito." Napapikit na lang ako sa labis na inis at pagtitimpi. Isa pa itong si Che-Che na akala yata ay nasa loob siya ng silid niya at gustong humilata. "Kapag hindi kayo tumayo, iiwan ko kayong lahat dito!" pikon na banta ko. Mabilis pa sa alas-kwatro na tumayo ang mga kasama ko. Kilala nila ako na hindi nagbibiro basta sinabi ko. Kahit mga lasing ay heto nagising ang mga diwa nila ng marinig ang sinabi ko. Mabuti na lamang at matao palang lugar itong na puntahan namin. Naging madali sa akin ang makahanap ng taxi na maghahatid sa kanila sa mga bahay nila. Matapos makapag-book ng taxi ay kinuhanan ko ng picture ang mga plate number ng sasakyan na maghahatid sa kanila. Mabuti na ang sigurado dahil wala akong tiwala sa kahit na sino. Dahil si Che-Che ang pinakamalapit at along my way ang bahay ay siya ang naiwan kasama ko. Hinatid ko siya sa village nila bago nag-u-turn mabalik sa dereksyon ng subdivision kung saan ako nakatira. "s**t!" inis na sabi ko ng bigla na lang ay nakita ko na may harang na barikada sa daan na kahit minsan ay hindi ko pa nakitang may checkpoint sa lugar na ito. Inis na binuksan ko ang bintana ng sasakyan ko matapos na katukin ng paulit-ulit ng kung sinong herodes ang pintuan maging ang hood ng kotse ko. Mas lalo akong na inis ng hindi pumayag ang mga pulis na humarang sa akin na magbayad na lang gaya ng malimit na ginagawa ko sa tuwing mahuhuli ako. "Paulit-ulit ka naman," inis na sagot ko sa pulis na seryoso na nakatingin sa mukha ko. Nakasimangot na inabot ko dito ang lahat ng laman ng wallet ko pero ang bwisit na pulis ay basta na lang hinablot ang susi ng sasakyan ko habang hawak ng mahigpit ang braso ko. I hate this police guts, no one dare to touch me lalo na ang sapilitan na gaya nito. Gigil na nagpumiglas ako pero mas malakas ito sa akin lalo na at nakainom din ako at nahihilo ng konti habang nagmamaneho pauwi. "Baba," matigas na utos ng pulis na humuli sa akin. Dahil sa inaantok ako at madaling araw na ay ginawa ko ang lahat para pakawalan ako pero lalo lamang nag-init ang ulo ko dahil nagmatigas ito at ang labis na ikinagalit ko ay pinasok ako sa mabahong sasakyan na mabilis na pinasibad palayo sa lugar kung saan ko na iwan ang kotse ko. "All of you, makikita n'yo, pagsisisihan ninyong lahat na ginawa n'yo sa akin ito!" banta ko sa lahat ng pulis na aabot ng paningin ko. Kaninis dapat makauwi na ako dahil sigurado na matindi na naman ang galit na haharapin ko sa grandfather ko na pinaglihi yata sa sama ng loob at hindi marunong umintindi ng mga bagay na gusto kong gawin sa buhay ko. "Palabasin n'yo ako dito!" galit na galit na sigaw ko ng ipasok ako sa selda ng pisting pulis na humuli sa akin. Hindi ko matanggap ang sinapit ko sa kamay ng pangit na pulis na sapilitan akong hinuli dahil wala akong dala at naipakita na driver license sa kan'ya. I hate this place at lalong kasumpa-sumpa ang sinapit ko sa lugar na ito. Makikita niya, gagawin kong miserable ang buhay niya. Hindi ako papayag na hindi niya pagbayaran ang kamalasan na inabot ko ngayon ng dahil sa kan'ya. "Get ready dahil magiging tinik ako sa lalamunan mo," galit na sabi ko kahit na alam kong walang makakarinig sa akin dahil tikom ang bibig ng mga pulis na narito na tila ba takot sa parang hari na pulis na tila kontrolado ang bawat kilos ng mga taong narito sa loob ng presinto na kinaroroonan ko. Isang matalim na sulyap ang ibinato ko sa direksyon ng pulis na abot hanggang langit ang galit ko pero wala akong magawa para makaganti sa kan'ya ngayon dahil daig ko pa ang kriminal na nakakulong sa loob ng rehas na konti na lang at matitano na ako dahil puno ng kalawang at nanlilimahid ng aking hawakan. Kung bakit ba kasi walang metal shield ang mga rehas sa prisento na ito. Nababakbak tuloy ang kalawang sa tuwing hahawakan ko ito kaya lalo lamang nag-iinit ang ulo ko habang nagtatagal ako dito sa loob. Ang init, pawisan na rin ako pero wala akong magawa kun'di patayin sa isipan ko ang lintik na pulis na nagpasok sa akin dito sa selda. "Soon, makakalabas din ako dito. Konting tiis pa Sam," bulong ko habang naghihintay ng himala na makaalis ako sa apat na sulok ng selda na kinaroroonan ko. Hanggang kailan pa ba ako mag-titiis dito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD