CHAPTER 13 Dale's POV Dahil na sangkot na naman ako sa kaguluhan ng buhay ni Samantha Ruiz ay tanghali na tuloy ako nakauwi ng bahay. Inabutan ko si mama na labis na naman nag-aalala para sa seguridad ko. Natruma kasi siya sa nangyari sa aking ama kaya sa tuwing hindi ako nakauwi sa oras na natapos ang duty ko ay napaparanoid na ang aking ina at panay na ang tawag nito sa cellphone ko. Sumailalim na siya sa therapy pero hindi talaga mawala ang pagkakataong gaya ngayon na matinding pag-aalala ang nakita kong sumalubong sa akin. "Anak, kumusta ang trabaho mo? Bakit ba kasi ayaw mong making sa akin at sundin ang payo ko. Para sa iyo at sa kabutihan mo ang sinasabi ko anak. Kailan ka ba makikinig sa akin?" taong ni mama habang nakaupo sa mesa kung saan ako kumakain ng almusal na kasama pa