SAMANTHA Katatapos lamang ng mahabang mga tanong sa akin ni Captain Santiago nang pumasok ang lolo ko at tulad ng dati ay kasama na naman nito ang sipsip na abogado na laging naka-buntot kahit nasaan ito I wonder kung anong kailangan ng kumag na ito at sumama pa gayong hospital ang kinaroroonan ko at hindi prisento gaya kanina na kailangan siya para mag-piyansa at ilabas ako sa kulungan. Naaalibadbaran kasi ako sa pagmumukha nito. Lalong umiinit ang ulo sa mga tao sa paligid ko na lagi na lang ay nakasunod sa bawat kilos ko. "Ito na nga ba ang sinasabi ko sa'yo Samanta! Kahit kailan talaga ay laging mapapahamak ka dahil lagi mo na lang pinapairal ang katigasan ng ulo mo. Kaya nga kita binigyan ng driver at bodyguard para sa proteksyon mo pero ito ang resulta ng katigasan ng ulo mo! Tin