CHAPTER III

1540 Words
CHAPTER THREE Let’s Be Colorful               HINANG-HINA na nang mga oras na iyon si Leslie na halos hindi na niya kaya pang tumakbo upang iligtas ang kanyang sarili. Nagkandabali-bali na rin ang kanyang buto sa katawan kaya kahit ano pang lakas ang ibigay niya ay hindi na niya magagawa pang makatayo. Tila pipitik ang buto niya sa katawan sa tuwing ipipilit ang mga ito na kumilos.             “Oh, Diyos. Nasaan ka?” panambitan niya sa hangin.             “Dito na magtatapos ang lahat, Leslie. Kung naging mabuti ka lang sana at kung tumupad ka lang sana sa usapan, hindi sana mangyayari sa ’yo ‘to. Napagkasunduan natin na walang tatalikod, ‘di ba? Iyan tuloy ang napala mo. Sorry ka na lang dahil masama kaming kaaway,” saad nito saka dinuraan ang kaawa-awang katawan ni Leslie.             Hindi na niya maimulat nang maayos ang kanyang mga mata at tanging kadiliman lang naman ang kanyang nakikita. Pilit ni Leslie inaabot ang damit ng taong kaharap upang makakapit at magsilbing haligi niya para makatayo. Ngunit kabaliktaran naman ang nangyari, agad namang sinipa nito ang mga kamay ni Leslie na dumadampi sa kanyang pantalon na suot.             “Balak mo pa ‘ata dumihan ang suot ko!” bulyaw nito kay Leslie. Sinipa nito nang napakalakas sa tiyan si Leslie nang paulit-ulit dahilan para magsilabasan ang mas maraming dugo mula sa kanyang bibig.             Namamanhid na ang katawan ni Leslie dahil sa p*******t na natatanggap. Pakiramdam niya ay papanawan na siya ng ulirat mayamaya lang. Mistulang baboy na pinapahirapan muna si Leslie bago katayin. Hinahampas nang paulit-ulit hanggang sa mismong ang katawan na nito ang sumuko.             Gano’n ang siguro mailalarawan ang sitwasyon niya ngayon. Isang kataying baboy.             Ibinuka ni Leslie ang kanyang bibig upang makapagsalita habang patuloy lang sa pagdaloy ang dugo mula sa kanya. Inilapit naman nito ang kanyang ulo upang mas mapakinggan nang mabuti ang sasabihin ng ginang.             “M-magbabayad k-ka…” mahina niyang sabi at saka bumulwak ang naipong dugo sa kanyang bibig.             Napaiwas kaagad ito dahil sa pandidiri. Iritable nitong ipinahid ang kanyang palad sa mukha dahil sa malansang dugo ni Leslie. Malakas nitong sinipa sa tiyan si Leslie upang gumanti na halos bumali sa mga natitira pang buto niya sa katawan.  Nanginginig naman na tumilapon ang ginang dahil sa natanggap na sipa.             “Naaaksaya ang oras ko sa ‘yo! Mas maigi pa ‘atang patayin na kita.”             Kinuha ng lalaki ang bag na naglalaman ng make-up ni Leslie. Binuksan nito ang bag at ikinalat sa tabi ni Leslie ang nilalaman na mga make-up. “Hindi naman maganda kung ang isang katulad mong make-up artist ay pangit kapag namatay, ‘di ba? Ang ironic naman no’n.”             Ibinuhos nito sa mukha ni Leslie ang isang boteng Avon Powder dahilan upang maghalo ang dugo niya sa pulbo. Nagmistulan namang strawberry jam ang naghalong dugo at pulbo dahil sa lapot na nabuo nito.             “Ang ganda pala ng effect. Ayusin pa natin,” at saka natatawa dahil sa obra. Halos maubusan naman si Leslie ng hininga dahil sa kakaubo.             Isinunod naman nito ang concealer at piniga sa nakabukang bibig ni Leslie.  Hindi niya magawang pigilan ang ginagawa nito dahil sa nanghihina na niyang mga kamay. Patuloy lang sa pag-agos ang kanyang mga luha sa mata dahil sa awa sa sarili.             Halos mangislap naman ang mga mata nito nang makakita ng isang lapis na eyeliner. Mariin nitong tinitigan ang matulis na dulo ng lapis habang nakangisi sa naiisip na ideya.             “Masubukan nga ‘to,” saad nito sa sarili. Inilapat naman nito ang lapis sa mga talukap ni Leslie at sinumulan na ang pagguguhit. “Huwag kang malikot, ah. Baka tumusok ‘to sa mata mo.” Pero mistulang sinasadya nito nang bigla nitong matusok ang kaliwang mata ni Leslie. Doon lamang ulit siya nakakilos dahil sa reaksyon ng kanyang katawan sa sakit na nararamdaman.             “Aaaaaaahhhh!” sigaw niya dahil sa sakit. Umaapaw mula sa kanyang mata ang napakaraming dugo. Hindi niya magawang maalis ang lapis sa kanyang mata dahil sa pagkakabaon nito at sa sakit na maaaring idulot nito.             Sa pag-aakalang matitigil ang pagdaloy ng dugo, dahan-dahan niya iyong hinuhugot hanggang sa sumama na ang buo niyang eyeball na nakatusok pa rin sa lapis. Kitang-kita pa niya ang ugat na kumukonekta sa kanyang mata.             “Ooops! Sorry,” pang-aasar pa nito. Nagpatuloy pa ang palahaw na pagsigaw ni Leslie.             “Huwag ka ngang sumigaw! Nakakarindi ka!” Dahil sa pagkainis, mabilis nitong inagaw ang lapis at mariin na isinaksak sa kabila namang mata ni Leslie. Naghuhumiyaw na sa sakit ang ginang habang sinasapo ang dumudugong mga mata. Patuloy lang siya sa pagsigaw na dumadagundong sa buong kalsada.             “Aaaaaahh! Ang mata ko!” Imbes na tubig ang kanyang iluha ay dugong malalapot at masangsang ang lumalawa sa kanyang buong katawan na animo’y gripo sa sobrang dami.             “Hindi ka ba titigil?!” iritable nitong tanong. Tumayo ito at binuhat ang bag ni Leslie. Iniangat nito ang bag at malakas na inihampas sa mukha ng ginang.             Nangingisay namang napatumba sa kalsada si Leslie dahil sa pagkakabaon ng lapis sa kanyang kaliwang mata hanggang sa utak. Nagsitalsikan ang dugo niya sa bawat parte ng kalsada.  Unti-unti na rin siyang nawawalan ng ulirat dahil sa sobrang panghihina.             Ilang saglit lang ay tumigil na siya sa pangingisay. Sinubukang tapakan nito ang tiyan ni Leslie upang malaman kung nahinga pa siya.             “Oh, well. Tapos na ang role mo sa palabas na ito. Magaling ang naging pag-arte mo,” saad nito sa nakahandusay na katawan ni Leslie.             Bigla namang tumunog ang kanyang cellphone. Napangisi ito nang makita ang pangalang nakarehistro.             “Papunta na ako,” sagot nito sa kabilang linya at saka binaba na rin ang kanyang cellphone. Tiningnan nitong muli ang katawan ni Leslie. Nakakasiguro itong pagpipyestahan na naman ‘to ng media.             “Bukas, mainstream ka na,” pang-aasar nito.             Bumalik na ito sa sasakyan na lulan bago tapusin ang kanyang ginagawa. Matulin nitong pinaharurot ang sasakyan upang makarating kaagad sa pupuntahan.             “Showbiz nga naman. Dapat talagang wala kang pagkatiwalaan,” anito at pumalatak.   ***               NAUNANG nakapunta si Alex sa venue kung saan sila magdi-date ni Tristan Simpson. Tatlong buwan palang niya nakikilala si Tristan pero pakiramdam niya ay tuluyan na siyang nahulog sa binata. Maraming artistang babae ang nagkakandarapa rito pero tanging siya lang ang nagagawa nitong ayain para sa isang date.             “Nasaan na kaya siya? Sabi niya papunta na siya,” nakasimangot na sabi ni Alex habang patuloy lang sa pagtitig sa kandilang natutunaw sa kanyang harapan.             Tiningnan niya ang kanyang cellphone, nagbabaka-sakaling nag-text o tumatawag si Tristan. Ilang minuto na rin kasi siya naghihintay. Mabuti na lang ay walang gaanong tao rito kaya paniguradong ligtas siya sa mga tsismis.             Muli niyang tiningnan ang kanyang gintong relo at sa pag-angat niya ng ulo, bumungad sa kanya ang isang matipunong lalaki, may magandang mukha at malakas ang tindig.             “Tristan,” nakangiti niyang sabi. Napatayo naman siya bigla nang makita ito at nakibeso.             “Patawad kung natagalan ako. Traffic kasi, e,” paliwanag nito at saka naupo sa tapat ni Alex.             “Ayos lang ‘yon,” saad niya habang hindi pa rin inaalis ang ngiti. Bigla na lamang nangunot ang kanyang noo nang mapansin ang pulang mantsa sa damit na suot ni Tristan. “Ano ‘yan? May dumi ka ‘ata.” Akma na sana niyang hahawakan ang parte ng damit nito na may mantsa ng dugo ngunit bigla naman itong umatras upang hindi niya maabot.             “A-ah. W-wala i-ito. Dumi lang siguro. Oo, tama. Dumi lang siguro,” kinakabahan nitong sabi.             Hindi gaano nakumbinse si Alex sa naging sagot nito. Pakiramdam niya ay may inililihim ito sa kanya—isang lihim na maaaring hindi ipagsabi kahit kanino man.             “Kumain ka na ba?” pag-iiba na lang niya ng topic upang malihis ang paghihinala.             “Hindi pa. Ano bang gusto mo? My treat,” nakangiti nitong sabi sa kanya. Bigla namang napawi ang kanyang pangamba dahil sa nakakahumaling na itsura ng binata. Siguro ay tama lang na itigil niya ang kanyang panghihinala dahil sa paniniwalang hindi magagawa ng isang taong may maamong mukha ang gumawa ng masama.             “Kung ano sa’yo, ‘yon na rin sa akin,” sagot niya.             Ngumiti ito sa kanya at saka tinawag ang waiter. Ibinigay ng waiter ang menu kay Tristan. Matapos makuha ang order ay siya ring paglisan nito.             “Hmmmm. So bakit mo ako inaya ngayon?” tanong ni Alex.             Hindi pa rin nawawala ang ngiti nito na dahilan kung bakit marami ang nahuhumaling sa binata. Ito marahil ang dahilan kung bakit isa si Tristan sa mga pinakasikat na artista sa showbiz. Sa kanilang henerasyon, basta may itsura ay papatok kaagad sa sambayanan.             “Wala naman. I just want to see you. I guess, wala ka namang problema doon,” anito at inabot ang kamay ni Alex na nakapatong sa ibabaw ng mesa.             Hindi lingid sa kaalaman ni Alex ang tunay na pakay ng binata, ang tunay na kulay nito sa likod ng maamong mukha. Nangingiti na lang siya sa ipanakikita nitong pagtrato sa kanya. Basta’t hindi siya sinasaktan nito ay wala siyang magiging problema…             … sa ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD