Episode 3
Gabriella POV.
Pagkatapos ang nakakahiyang pangyayari na iyon ay agad akong padabog na umalis doon at bumalik sa mansion. Naiinis ako sa lalaking iyon! Akala ko pa naman ay tutulungan niya ako pero hindi naman pala. Malay ko ba na may papalapit na tao na may dalang Malaki na balde sa aking likuran.
Nakakainis! Uuwi tuloy akong basa ang damit nito. Sana hindi pa nakauwi sila mommy para hindi na ako makapagsinungaling sa kanila.
Nakabalik na ako ngayon sa aming property at nahirapan pa talaga ako sa aking pag akyat kasi basa ang aking damit. Pero naging maayos naman ang aking pagbaba kaya nagpapasalamat parin ako.
Nang makapasok ako sa loob ng mansion ay bigla akong kinabahan nang makita ko sa may living room sila mommy at daddy na nag-uusap. Natigil sila sa kanilang pag-uusap at napatingin sa akin.
Agad na napatayo si Mommy at nilapitan ako.
“Gabriel! Anong nangyari sa’yo?! Saan ka ba nanggaling?!” sunod-sunod na tanong ni Mommy sa akin ngayon.
Napakamot naman ako sa aking batok at napasulyap kay Daddy. Nakita kong seryoso siyang nakatingin sa akin ngayon kaya kinabahan na naman ako.
“Namasyal po ako sa tabing dagat tapos nag ti-tingin ng mga shells tapos bigla nalang pong lumakas ang alon kaya nabasa ako.” Pagdadahilan ko.
“Dapat nag-iingat ka, Gabriella! Paano nalang kung magkasakit ka, ah?! Pumunta ka na doon sa kwarto mo at mag bihis.” Sabi ni Mommy.
Maliit akong ngumiti sa kanila ni Daddy at humingi ng pasensya bago naglakad papunta sa aking kwarto at nagbihis.
Naligo ako ulit kasi amoy isda na ako, buti nalang hindi na amoy kanina nila daddy ito at baka magtaka sila. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako nang pambahay. Habang nagsusuklay ako sa aking basang buhok ngayon ay hindi ko mapigilang maalala ‘yung nangyari kanina at maalala ang mukha ng lalaking napatulala sa akin kanina.
Bakit kasi ako natulala doon?! Hindi naman siya masyadong gwapo—huwag mong lokohin ang sarili mo, Gabriel! Kahit ano pang deny mo ay gwapo talaga siya. Ano kaya ang kanyang pangalan? Isa ba siyang mangingisda? Halata din na mas matanda ito sa akin ng ilang taon. Gano’n ba talaga ang mga lalaki dito sa Governor Generoso, mga pogi?
Mabilis akong napailing.
Ano ba itong iniisip ko. Pogi nga siya pero suplado naman! Sinabihan niya nga ako na umiwas pero parang pinagalitan niya pa ako at ako pa ang may kasalanan kung bakit ako nabasa. Nakakainis.
Hindi ko nalang siya ulit inisip at humiga nalang sa aking kama. Hindi ko namalayan na dinalaw na pala ako nang antok hanggang sa nakatulog ako.
Nagising nalang ako nang makarinig ako ng malakas na pagkatok ng aking kwarto.
“Gabriel, buksan mo itong pinto. Umaga na, gumising ka na jan!” rinig kong sabi ni Mommy.
Agad akong bumangon sa aking kama at inayos ito. Kinusot ko ang aking mga mata at humikab muna.
“Opo, mom!” sagot ko.
Agad akong pumunta sa aking CR at gawin ang dapat kong gawin. Pagkatapos kong makapagligo at makapag ayos ay lumabas na ako sa aking kwarto at dumiretso sa may dining area.
Nang makarating ako doon ay agad kong nakita ang aking mga magulang na nakaupo na sa mahabang lamesa habang kumakain.
“Magandang umaga po.” Bati ko sa aking mga magulang at umupo na sa aking pwesto.
“Kumusta ang tulog mo, anak? hindi na kita ginising kagabi kasi mahimbing na ang iyong tulog.” Nakangiting sabi ni Mommy.
Maliit akong ngumiti sa kanya.
“Maayos naman po, Mom. Napagod lang po ako sa pamamasyal ko kahapon kaya nakatulog din agad ako.” Sagot ko kay mom at agad nag lagay ng mga pagkain sa aking plato.
“Gabriel, pagkatapos mong kumain jan ay makikilala mo na ang butler mo. Magiging busy kami ng mommy mo sa negosyo natin kaya hindi ka namin makakasama lagi. Kaya kapag may mga kailangan ka ay pwede mong sabihin iyon sa iyong butler, maliwanag ba?” sabi ni Daddy.
Agad akong tumango.
Palagi naman silang busy, wala namang magbabago doon.
Pagkatapos naming kumain nila daddy ay pinasamahan nila ako papunta sa may living room. May nakita naman akong lalaki na parang nasa 30s na niya habang nakasuot ng suit.
Bahagya siyang yumuko at bumati sa amin.
“Gabriella, this is Jerome your butler. Kapag may kailangan ka ay kay Jerome mo lang sabihin. Mamaya ay kailangan mo nang makapag enroll sa kolehiyo kaya tutulungan ka ng iyong butler.” Seryosong sabi ni Daddy.
Napatango naman ako at ngumiti.
“Y-Yes po, dad.”
Pagkatapos pinakilala nila daddy ang aking butler ay umalis na sila ni Mommy upang makapunta sa aming negosyo. Naiwan naman kaming dalawa dito ni Kuya Jerome.
“Kuya Jerome, malayo ba dito ang university?”
“Hindi masyado, Ma’am. Pero kailangan mo pang makasakay sa motor o hindi naman ay tricycle upang mapabilis ang pagpunta mo doon.”
Napatango naman ako sa kanyang sinabi.
Ang pangalan ng kolehiyo dito sa amin ay Generoso State College. Ang nagmamay-ari ng paaralang ito ay isa sa pinakamayaman na pamilya dito sa probinsya at kung saan nagmula ang pangalan ng Probinsya ng Governor Generoso, ang Generoso family.
Nakarating na kami sa campus ng Generoso State College. Hindi naman siya gaano kalaki at hindi din siya gaanong kaliit, katamtaman lang.
Sinamahan ako ni Kuya Jerome papunta sa may registrar upang ma process na ang aking enrollment pagkatapos ko sa registrar ay pumunta ako sa cashier office at pagkatapos ay sa students accounting office naman. Ang course ko na eninroll ay Bachelor of Science in Business Administration, major in Business Management. Wala naman kasing architecture dito at hindi din papayag sila mommy kung iyon ang pipiliin ko, baka mapagalitan din ako ni Daddy at natatakot ako na mangyari iyon.
Pagkatapos kong makapag enroll ay naglakad lakad muna ako dito sa buong campus upang hindi na ako mawala kapag mag pasukan na. Sinamahan din ako ni Kuya Jerome at tinulungan sa pag memorya sa mga pangalan ng mga buildings. Nalaman ko din galing kay Kuya Jerome na dito pala siya nag tapos sa kanyang kolehiyo hanggang sa nag trabaho na siya at nanilbihan sa kompanya ni Daddy.
Sa ngayon ay pagiging isang butler muna ang trabaho ni Kuya Jerome kasi pinagkakatiwalaan siya ni Daddy at Malaki naman ang kanyang sweldo kaya walang problema.
Pagkatapos naming mamasyal ni Kuya Jerome dito sa campus ay aakmang aalis na sana kami nang may makita akong napakapamilyar na mukha nang isang lalaki na nasa may students accounting office ngayon.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino ito.
Ito ‘yung lalaki kahapon na gwapo pero ang sungit naman!
Agad akong napatingin kay Kuya Jerome at nagtanong.
“Kuya Jerome, kilala mo ba ang lalaking iyon?” tanong ko kay kuya Jerome at tinuro si sungit.
Napatango naman si Kuya at muling tumingin sa akin.
“Ah, si Sebastian ‘yan.”
“Sebastian po?”
“Oo! Mabuting bata ‘yan at ang sipag pa. Siya na ang bumubuhay sa pamilya niya ngayon pero nagagawa niya parin na makapag-aral. Bilib na bilib ako jan kay Baste!” nakangising sabi ni Kuya Jerome na parang proud na proud nga kay sungit.
Napataas ako sa aking kilay.
“Ano po ang buo niyang pangalan, Kuya?”
“Sebastian Aki Torello, iyan ang buo niyang pangalan.”
Napatango naman ako at napatingin kay Sebastian na may hawak ngayong papel at papunta na siya ngayon sa cashier office.
Napangisi ako.
Sebastian Aki Torello, iyan pala ang pangalan mo, ah?
TO BE CONTINUED...