EPISODE 2 - Suplado

1341 Words
Episode 2 Gabriella POV. Nakatingin parin ako ngayon sa malinaw at malakaw na dagat na nasa aking harapan ngayon. Agad kong nilabas ang aking smartphone at kinuhanan ang litrato ang mga tanawin. “Gabriel, punta ka na dito! Hinahanap ka na ng Daddy mo.” Rinig kong sabi ni Mommy. Agad naman akong lumapit sa kanya at nagsabay na kami upang makapunta sa loob ng mansion. Namangha ako nang makapasok na kami ni Mommy sa loob ng mansion. Luma siya kung tignan sa labas pero kapag pumasok ka ay makikita mo talaga na inalagaan ng mabuti ang mga gamit sa loob. Magkahalong antique at modern ang nga kagamitan dito sa loob ng mansion. Nakita ko din ang mga nakasabit na mga portrait ng mga pamilya namin. Nakita ko ang litrato ni Lola doon kasama si Lolo tapos sa hulihan naman ay ang family picture namin nila Mommy at Daddy. “Gabriella.” Agad akong napaayos ng aking tayo nang makita ko si Daddy na papalapit sa akin ngayon. “Y-yes, dad?” Bakit ba palagi nalang akong nauutal at kinakabahan kapag nasa harapan ko si Daddy? Ang seryoso kasi ng kanyang aura at ang tindig din ni Daddy ay nakakatakot. “Nagustuhan mo ba ang lugar na ito, Gabriel?” tanong ni Dad sa akin at maliit na ngumiti. Ngumiti naman ako sa kanya at tumayo. “Yes po, dad. Ang ganda po dito.” Gusto ko sana sabihin na maganda nga dito pero gusto ko parin na bumalik sa Manila at doon ipagpatuloy ang aking pag-aaral. “Mabuti naman at nagustuhan mo dito, dahil dito na tayo titira at dito ka na din magtatapos sa iyong kolehiyo.” Magsasalita na sana ako nang maramdaman ko ang paghawak ni Mommy sa aking balikat. Napatingin ako sa kanya at nakita kong umiling siya sa akin na parang sinasabi na huwag na akong mag protesta sa aking gusto kay Daddy. Napakagat nalang ako sa aking labi at muling napatingin kay Daddy na nakatingin pala sa akin ngayon. “Dito na tayo titira, Gabriella. Dito ka na mag-aaral at ikaw ang magmamana sa negosyo natin. Ikaw lang ang nag-iisa kong anak kaya kailangan mong gampanan ang iyong responsibilidad. Maliwanag ba, Gabriella Nevaeh?” “Yes, Dad.” Every time na binabanggit ni Dad ang aking buong pangalan ay hindi ko mapigilang kabahan at mataranta. Ayokong tawagin ako sa buo kong pangalan dahil palagi kong naaaalala si Daddy at hindi ko mapigilang matakot at kabahan. Mas gusto ko pa na tawagin ako na Gab o hindi naman ay Gabriel. Ang pangalawa kong pangalan ay galing sa pangalawang pangalan ng aking yumaong lola, si Rosalinda Nevaeh Flores. Pagkatapos akong kausapin ni Daddy ay sinamahan na ako ni Mommy sa aking magiging kwarto. Nang makapasok na kami ni Mommy sa loob ng aking magiging kwarto ay hindi ko mapigilang mamangha sa kalakihan ng aking kwarto. Bago rin itong pintura kaya mas lalong gumanda ang paligid. Mas Malaki itong kwarto ko ngayon dito sa mansion kaysa doon sa kwarto ko sa aming bahay sa Manila. “Gabriel,” tawag ni Mom sa aking pangalan. Tumingin ako sa kanya. “Bukas ay makikilala mo na ang butler mo tapos bukas ka din magpapa enroll sa kolehiyo dahil malapit na ang pasukan.” Sabi ni Mommy. “Mom, hindi na ba talaga magbabago ang desisyon niyo ni Dad?” naiiyak kong sabi. Seryoso niya akong tinignan ngayon. “Ang daddy mo na ang nag desisyon, Gabriella. Wala ka nang magagawa kaya sundin mo nalang ang lahat ng sasabihin niya.” Magsasalita pa sana ulit ako nang magsalita ulit si Mommy. “Ang kukunin mo na course ay Business Management. Walang ibang course doon sa pag-aaralan mo na university, hindi naman pwede na mag education ka kasi wala ka namang mapapala doon.” Gusto kong magsalita pero baka magalit lang si Mommy sa akin. Hindi ko gusto ang course na pinili nila para sa akin. Eh ano naman kung Education? Malaki kaya ang tulong nang course na ‘yan dahil jan maraming mga guro ngayon. Ang gusto kong trabaho kapag nakapagtapos na ako ay maging isang architect. Pangarap ko na talaga noon na maging architect at sinabi ko na din ito sa aking mga magulat pero baliwala lang ito sa kanila. They want me to take Business Management kasi ako ang susunod na magpapatakbo sa aming negosyo, pero ayaw ko. Pero wala akong magagawa, hindi ko kayang kalabanin si Daddy. Pagkatapos akong kausapin ni Mommy ay hinayaan na muna niya ako dito sa aking kwarto. Pumunta ako malapit sa may bintana at kitang-kita ko ang karagatan ngayon. Sabi nila ay itong Governor Generoso na ‘yung parang hulihan na part na ng Davao Oriental. May Mati City naman pero nasa ibang daanan siya, iba kasi ng daanan itong Governor Generoso. Pagkatapos kong tumingin sa may labas ay humiga ako sa aking kama upang makapagpahinga. Nagising nalang ako nang mag hapon na, napag-isapan ko muna na lumabas sa mansion. Nalaman ko sa mga kasambahay namin dito sa mansion na umalis pala sila Mommy at Daddy at pumunta doon sa negosyo nila. Habang wala pa si Mommy at Daddy ay enjoy-in ko muna itong araw ko habang namamasyal dito sa tabing dagat. Wala namang nakasunod sa akin na mga bodyguards kaya mas Malaya akong nakapaglakad lakad ngayon. May marami akong nakikita na mga shells sa mga buhangin at mga kakaibang kulay at porma ng mga bato. Busy ako ngayon sa pangunguha ng mga shells nang may makita akong Bangka na papadaong na dito sa tabing dagat. Agad kong sinundan kung saan ito papunta ngayon. Nakita kong nasa dulo na pala ako ng mansion at may malaking mga bato sa aking harapan na nakaharang. Huminga naman ako nang malalim at umakyat doon, pero grabe ang pag iingat ko ngayon dahil masyadong mahirap ang pag akyat at baka mabali pa ang aking katawan at mapansin ito nila mommy at hindi na ako payagan na mamasyal ulit. Kaya kailangan kong mag ingat. Nang maging successful ang aking pag akyat ay agad akong namangha nang makita kong marami palang mga bahay ang kasunod sa aming mansion. Nakita ko din ‘yung Bangka na nakita ko sa may dagat. Maingat akong bumaba sa malalaking bato at lumapit sa mga lalaki na may dalang mga balde na may laman na mga isda. “Wow,” sabi ko habang nakatingin sa mga ito. Nakita kong nakatingin sa akin ngayon ang mga tao at parang pinag-uusapan ako. Nginitian ko naman sila at bahagyang kumaway. Kung dito naman ako talaga titira na talaga, kailangan kong makipagkaibigan sa mga tao dito kasi ‘yun naman ang gusto nila daddy. “Tonio, hinay-hinay lang sa pagdala nang balde!” Agad akong napatingin sa aking likuran nang marinig ko ang boses na iyon. Hindi ko mapigilang mamangha nang makakita ako ng isang pogi at makisig na lalaki. Nakahubad siya ngayon sa kanyang pang-itaas kaya kitang-kita ko ang kanyang mga abs. Hindi ko mapigilang mapatulala. Nakita ko naman siya na napatingin sa akin habang nanlalaki ang mga mata. Nakita ko din na para niya akong kinakausap pero parang hindi ko narinig ang mga nasa paligid ko ngayon dahil sa kanyang presensya. Bigla nalang akong natigilan at nabalik sa realidad nang makaramdam ako nang lamig sa katawan. Agad akong napatingin sa aking likuran at nakitang nahulog pala ang balde na may mga isda at maraming mga tubig sa aking harapan. “Miss, okay ka lang ba? Sabi ko naman sa’yo na umalis ka, eh!” Agad akong napatingin sa nagsalita at nakita ko ulit ang lalaki. Nasa tabi ko na siya ngayon habang nakatingin sa akin. Napakurap ako sa aking mga mata. Iyon pala ang kanyang sinabi kanina? Bakit kasi parang wala ako sa sarili. “S-Sorry,” mahina kong sabi. Nakita kong umismid siya. “Mukha ka pa namang mayaman. Wala kaming pamalit jan sa damit mo. Bakit ka kasi pumunta dito?” masungit niyang sabi at hindi na ulit ako pinansin. Napakunot ang noo ko at napatingin sa kanya. Suplado! TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD