EPISODE 1 - Gabriella Neveah Flores
Episode 1
Gabriella's POV.
“Gabriella, pack your all things we’re leaving tomorrow morning.” Sabi ni Mommy nang makapasok siya sa aking kwarto.
Aakmang aalis na si Mommy nang tawagin ko siya.
“Mom, wait,” sabi ko.
Tumigil siya at humarap sa akin. Maliit siyang ngumiti at pumasok sa aking kwarto. Lumapit siya sa akin at umupo sa gilid ng aking kama.
“Yes, Gab?”
Napakagat ako sa aking labi sa kaba.
“C-can… can I just stay here, Mom?” Mahina kong sabi.
Nakita kong kumunot ang kanyang noo na parang hindi nagustuhan ang aking sinabi.
“Gabriella, alam mo naman na hindi makakapayag ang daddy mo niyan!”
“Mom, ayoko pong pumunta doon. My life is here! Not there in Governor Generoso. I don’t want to leave, mom.” Naiiyak kong sabi.
Umiling si Mommy at tumayo.
“Sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka sa amin ng daddy mo at doon na tayo titira. Papapasokin ko si Nana Stella mo dito at siya na ang mag-aayos ng gamit mo.” Sabi ni Mommy at lumabas sa aking kwarto.
Napayuko naman ako at kasabay nito ang pagtulo ng aking luha.
Every time I’m against what my Mom and Dad want to do in my life, I ended up with no choice but to follow them.
Ako lang ang nag iisang anak ng mga magulang ko. Pero parang malaki ang galit ni Dad sa akin palagi dahil hindi ako naging lalaki. Hirap mag buntis si Mommy noon, kaya noong nabuntis siya ay tuwang-tuwa sila ni Daddy. Pero no’ng nalaman ni Daddy na babae ako ay parang nawalan siya ng pag-asa at nawala ang pagmamahal niya sa akin.
Palagi nalang akong pinag-aawayan nila Mommy at Daddy simula pa noong bata pa ako. Palagi akong pinagtatanggol ni Mommy kay Daddy, pero kahit palagi niya akong pinagtatanggol ay ramdam ko parin ang panghihinayang at kunting galit ni Mommy sa akin.
Kung naging lalaki lang sana ako ay sana wala kaming problema sa aming pamilya ngayon.
Gusto akong dalhin ng mga magulang ko sa probinsya namin sa Governor Generoso sa Mindanao. May Malaki silang pinapalakad na negosyo doon at malaking pera talaga ang makukuha nila doon. Iyon ang palaging pinagkakaabalahan ng daddy ko sa mga nakalipas na buwan. Pero ngayon ay kailangan nang pumunta doon ni daddy upang mas mabantayan pa nang mabuti ang kanyang negosyo. Kaya gusto akong dalhin ni Mommy doon para doon na kami titira at doon na din ako mag-aaral.
Wala man akong masyadong kaibigan dito sa Manila pero nasanay na ako dito. Gusto ko din na dito ako makapagtapos ng Kolehiyo. Ayaw kong mag aral sa probinsya dahil alam kong limited lang ang binibigay nilang mga courses doon. Hindi din ako familiar doon sa probinsya namin dahil isang beses lang ako nakapunta doon, noong namatay si Lola.
Kilala ang mga Flores doon sa Governor Generoso bilang isa sa pinakamayaman na pamilya noon hanggang ngayon. Marami din kaming mga ari-arian doon at may mansion din kami na pinamana ni Lola kay Daddy. Maganda naman doon pero ayoko lang talaga na umalis dito sa Manila at iwan ang aking buhay dito.
“Gabriella, ialis mo ‘yang simangot sa mukha mo! Baka makita ‘yan ng daddy mo at baka mapagalitan ka pa no’n!” sabi ni Mommy.
Bumuntong hininga ako at initigil ang aking pagsimangot.
Nandito na kami ngayon sa airport sa may Davao City. Bago lang kami nakaabot dito sa Mindanao galing sa Manila. Naghihintay nalang kami sa aming sasakyan upang makapunta sa Governor Generoso. Kahit anong pilit ko kay Daddy at kay Mommy ay wala parin akong nagawa. Takot din ako kay Daddy na pilitin siya kaya nanahimik nalang ako at walang nagawa kundi sumama sa kanila.
Nang makita na namin ang aming sasakyan ay agad kong dinala ang aking gamit. Nakita ko naman si Daddy na busy sa kanyang cellphone habang may kausap din sa isa niya pang cellphone na hawak. Si Daddy ay isang workaholic, ang nasa kanyang utak lang palagi ay kung paano pa mapalago ang kanyang negosyo at paramihin ang kanyang mga pera.
Kaya din ako mas lalong natatakot kay Daddy kasi hindi ko siya palaging nakakasama sa pagiging busy niya sa kanyang trabaho.
“Gabriella.”
Agad akong naging alerto nang marinig ko ang boses ni Daddy na nakaupo ngayon sa front set.
“Y-Yes, daddy?”
Nakita kong nakatingin sa akin ngayon si Mommy na parang tinitignan ang lahat ng aking kilos.
Sumulyap sa akin si daddy bago magsalita.
“Kailangan mong magpakabait doon sa GovGen. Kailangan ay maganda ang image natin sa mga tao doon sa probinsya. Doon ka na din mag-aaral at magpapatuloy sa iyong kolehiyo, kaya kailangan mong galingan sa iyong eskwela. Nagkakaintindihan ba tayo, Gabriella Nevaeh Flores?”
Napalunok ako sa aking laway at agad na napatango.
“Y-Yes, Daddy.”
“Good.”
Napasulyap ako kay Mommy at nakita ko siyang maliit na ngumiti sa akin bago tumingin sa harapan.
Napaiwas naman ako nang tingin at napatingin nalang sa labas ng kotse habang umaandar ito ngayon.
Wala na talaga akong magagawa kapag si Daddy na ang nagsalita.
Ilang oras kaming bumabyahe ngayon papunta sa aming probinsya. Marami na kaming nadaanan na mga municipyo pero hindi pa kami nakarating sa aming pupuntahan. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nasa byahe parin.
“Gabriel, gising na, nandito na tayo.”
Naalimpungatan ako nang marinig ko ang boses ni Mommy at naramdaman ang mahinang pagtapik sa aking balikat.
Hinay-hinay naman akong napamulat sa aking mga mata at napakusot dito.
Nang mapatingin ako sa labas ay agad na bumungad sa akin ang karagatan. Naririnig ko rin ang malakas na alon sa dagat.
Hindi ko naman mapigilang mapamangha sa aking nakita. Agad akong napatingin kay Mommy at nakita ko siyang nakangiti sa akin ngayon.
“M-Mom, nandito na ba tayo?” tanong ko.
Ngumiti siya at tumango.
Bumaba na si Mommy sa kotse at agad akong sumunod sa kanya.
Patakbo akong pumunta sa may dagat at hindi ko mapigilang mapangiti.
Napatingin naman ako sa aking likuran at nakitang nasa mansion na pala kami. Nakalimutan ko na malapit lang pala sa dagat ang Mansion ng mga Flores dito.
Napapikit ako at dinama ang sariwang hangin na galing sa dagat.
Hindi naman siguro ako ma bo-bored dito, diba? Kasi tignan ko lang ngayon ang malinaw na dagat sa aking harapan ay hindi ko na mapigilang ma excite.
Welcome to Governor Generoso, Davao Oriental, Gabriella Neveah Flores.
TO BE CONTINUED...