Episode 9 - Cheesecake

2364 Words
EPISODE 9 CHEESECAKE GABRIELLA’S POINT OF VIEW. “Anak, ano iyang ginagawa mo?” Bahagya akong napatalon sa gulat nang marinig ko ang boses ni Mommy sa likuran. Nandito ako ngayon sa kusina namin dito sa bahay at plano ko sanang mag bake ng cheesecake para kay Aki. Sabi kasi ni Rick ay mahilig daw sa cheesecake si Aki pero hindi ito nakakabili palagi dahil kapos sa pera. Kaya ngayon kahit hindi ako marunong mag bake at wala akong alam sa mga gawaing bahay at sa pagluluto, pagsisikapan ko na maka gawa ako ngayon ng cheesecake gamit itong cook book na maraming iba’t ibang ingredients na pinabili ko kay Kuya Jerome kanina. Pagkauwi ko kaninang tanghali rito sa bahay ay agad kong pinabili si Kuya Jerome noong libro at ang mga ingredients, pero hindi alam paano simulant! “M-Mom! Ikaw pala. Ano po ang ginagawa niyo rito?” tanong ko at tinatago sa aking likuran ang hawak kong cook book. Napanguso si Mommy at sinilip ang tinatago ko na cook book ngayon. “Ano iyang tinatago mo sa akin Gabriella Neveah Flores?” nakataas ang kilay na tanong ni Mommy at napahalukipkip. Napabuntong hininga ako at sumuko na at pinakita sa kaniya ang hawak kong cook book. Kita ko sa mukha ngayon ni Mommy ang gulat nang makita niya ang baking cook book na hawak ko. “Wow! You will cook, Gabriella?” tanong ni Mommy. Napailing ako. “I want to bake cheesecake, Mommy,” sagot ko sa kaniyang niyang tanong. Ngumiti siya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang aking magkabilang balikat at tinignan ang mga hinanda kong ingredients dito sa kusina ngayon para sa aking gagawin na cheesecake. Napanguso ako at muling napatingin kay Mommy. “I want to bake that’s why I asked Kuya Jerome to buy me a cook book, but even I have this, I don’t know where and what to start, Mommy,” mahina kong sabi. Mahina siyang tumawa at kinuha niya sa akin ang hawak ko na baking cookbook. “Gusto mo bang tulungan kita mag bake?” nakangiting tanong ni Mommy. Nanlaki ang mga mata ko sa offer ngayon ni Mommy. Ngayon lang siya ganito sa akin dahil masyado silang busy ni Daddy noong nasa Manila pa kami. “H-Hindi po ba kayo busy? Baka kailangan po kayo ni Daddy sa may plantation?” tanong ko ka Mommy. Ayoko naman na maka distorbo ako at pwede naman ako mag try na lang nang paulit-ulit at magpapabili na lang ulit ako ng mga ingredients kay Kuya Jerome. “Pinauwi na ako ng maaga ng Daddy mo dahil wala na rin naman akong gaanong trabaho na ginagawa doon kaya umuwi na lang ako rito sa mansion para naman makasama kita, Anak,” malambing na sabi ni Mommy at hinaplos ang aking buhok. Labis ang tuwa ko sa sinabi ni Mommy sa akin ngayon. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit. “Thank you, Mom! I badly need you right now. I really want to bake cheesecake,” mahina kong sabi. Mahina siyang tumawa at tumango. “Oh siya! Gumawa na tayo ng cheesecake mo. Dapat tignan mo ang mga ginagawa ko, ah? Para naman next time na gusto mong mag bake ay alam mo na ito at hindi mo na ako kailangan,” sabi ni Mommy. Ngumiti ako at tumango. Nagsimula na kaming maghanda sa mga ingredients kagaya ng cream cheese, of course! Duh? Cheesecake nga ang gagawin namin ngayon kaya meron talagang cheese. Tapos meron din eggs, butter, sugar at iba pang mga ingredients. Nakatingin lang ako kay Mommy sa kaniyang ginagawa at minsan naman ay ako ang kaniyang pinapa-mix at pinalalagay ng mga ingredients sa bowl at mag halo. Marami akong natututunan at nag enjoy talaga ako ng sobra ngayon dahil hindi lang marami ang natutunan ko, masaya rin ako dahil nakapag bonding kami ng Mommy ko ngayon. Dalawang cheesecake na pabilog ang ginawa namin ni Mommy dahil ang isa ay kakainin namin ngayon at ang isa naman ay ibibigay ko kay Aki bukas. Hindi talaga ako ang mag aabot sa kaniya dahil nahihiya ako, si Rick ang bibigyan ko nito para ibigay kay Aki. Sana magustuhan niya talaga. Ilang oras kaming nag abang ni Mommy na ma bake na ang aming cheesecake. Nag kwentuhan pa kami ngayon at hindi niya rin mapigilang mapatanong kung kanino ko ibibigay itong cake at ang effort ko raw masyado. Nginitian ko si Mommy at hindi ko mapigilan ang aking kilig sa mukha nang maalala ko na naman si Aki. “F-Friend ko lang po, Mommy,” mahina kong sabi sa kaniya. Weh? Friend? Hindi ka nga kilala ng crush mo tapos sasabihin mo na friend kayo ni Aki? Assumera ka talaga, Gabriella. Nakita kong napataas ang kilay ni Mommy sa akin na parang hindi rin naniniwala sa aking sinabi ngayon. “Your friend, Gabriella? Mukhang ang precious ng friend na ito dahil nag effort ka pa talaga na gumawa sa favorite cheesecake niya kahit hindi ka naman marunong mag bake,” nakangising sabi ni Mommy na parang nang-aasar pa sa akin. Umiwas ako ng tingin kay Mommy dahil namumula na ang mukha ko ngayon sa hiya. Hindi na ulit ako nakapagsalita at hindi na rin nagtanong sa akin si Mommy about sa friend ko kuno. Natapos nang ma bake ang aming ginawa na cheesecake at masayang masaya ako dahil ang ganda ng resulta. Ang sarap ng nagawa naming cheesecake ni Mommy ngayon at hindi ito masyadong matamis at hindi rin masyadong matabang, katamtaman lang na magugustuhan talaga ng kakain nito. “Thank you so much, Mommy! Ang laki talaga ng tulong niyo sa akin ngayon,” masaya kong sabi at niyakap siya. Hinalikan ko rin sa pisngi si Mommy at napangiti siya sa aking ginawa. Bahagya niyang ginulo ang aking buhok. “Masaya ako dahil masaya ka, Gabriella. Mag aral ka lang sana ng mabuti at huwag ka munang mag boyfriend dahil bata ka pa,” sabi ni Mommy. Napanguso ako. “Ma, college na po ako!” wika ko. Tinignan niya ako ng masama at mahinang pinitik ang aking noo. “Baka gusto mong mapagalitan ka ng Daddy mo? Bawal ka pang mag boyfriend! Kapag nakapagtapos ka na mag aral, doon ka na mag boyfriend. Kaya mag aral ka ng mabuti para magkaroon ka na ng boyfriend mo,” seryosong sabi ni Mommy. Muling tumulis ang nguso ko at walang nagawa kundi ang tumango. Nilagay mo muna sa refrigerator namin ang cheesecake na para kay Aki. Nagpaalam na ako kay Mommy na aakyat na ako sa kwarto upang maaga akong makapag pahinga at makapag beauty rest. Hindi pwedeng mukha akong sabog bukas kapag nagkasalubong kami ni Aki sa campus. Kailangan ko na rin mag ayos ng aking sarili. Kung pwede lang talaga hindi ko na ito suotin ang eye glasses ko, pero hindi naman ako makakakita ng maayos kaya huwag na lang. Hindi naman pumapayag sila Mommy at Daddy na mag suot ako palagi ng contact lens na may grado kasi raw baka masira ang mata ko kakasuot nito kaya nagsasalamin na lang ako palagi. Maganda naman ako kahit nakasalamin ako kaya keribels na! Maaga akong nagising sa umaga at agad akong naligo at nag bihis. Kagabi pa ako pumili sa aking susuotin para ngayong araw para hindi ako matagalan sa pag pili ng aking susuotin. Wala pa kasi akong uniform at pinapatahi pa namin ni Mommy sa kabilang bayan. Sinimulan ko ng lagyan ng light make up ang aking mukha at naglagay din ako ng lipstick sa aking labi, pero hindi ito pula dahil baka pagalitan ako nila Mommy at magtaka sila kung bakit ang pula ng aking labi. Isang oras akong nakaharap sa salamin at nang ma satisfied na ako sa ayos ko ngayon ay napagpasyahan ko ng lumabas ng aking kwarto at pumunta sa may dining room upang kumain. Nakita ko na doon sila Mommy at Daddy na nagsimula ng kumain. Lumapit ako sa kanila at hinalikan ang kanilang pisngi. Nakita kong natigilan si Mommy at kumunot ang noo habang nakatingin sa akin. Tahimik akong umupo sa aking pwesto at nagsimula ng sumandok. “Nag make up ka ba, Gabriella?” tanong ni Mommy sa akin. Natigil ako sa aking pag kain at napatingin kay Mommy, nakatingin na rin sa akin ngayon kaya kinabahan na ako. “A-Ah, light make up lang naman po, Mommy. Nagmumukha kasi akong bangkay sa campus dahil ang putla ko,” sagot ko kay Mommy. Napatango siya at hindi na ulit nagtanong sa akin. Buti na lang at naniwala si Mommy sa akin. “Gabriella?” Bahagya akong napatalon sa gulat ng tawagin ni Daddy ang pangalan ko. Atomatiko akong napatingin sa kaniya. “P-Po, Daddy?” Ngumiti siya sa akin. “Ang ganda mo ngayon, Anak. Mas lalo kang gumaganda diyan sa ayos mo ngayon,” wika ni Daddy. Hindi ko mapigilang pamulahan sa aking mukha sa sinabi ni Daddy at labis din ang tuwa ko ngayon ng sabihin niya sa akin na nagustuhan niya ang ayos ko. Ngayon lang ganito si Daddy kaya labis ang tuwa ko ngayon at hindi mawala ang ngiti sa aking labi. “Thank you po, Daddy.” Bago ako umalis sa bahay ay kinuha ko muna ang cheesecake na niligay ko sa refrigerator namin at nilagay ito sa box. Masaya akong lumabas ng bahay at pinuntahan si Kuya Jerome na nakaabang na sa akin sa labas ng sasakyan. Pinagbuksan ako ni Kuya ng pintuan at agad din akong pumasok. Nang makapasok na si Kuya Jerome ay pinaandar na niya ang kotse at umalis na kami. “Mukhang good mood ka ngayon, Gabriella, ah! Kitang-kita ko rin ang pagbabago sa ayos mo ngayon,” sabi ni Kuya Jerome habang nakangisi nang mapasulyap ito sa akin. Ngumiti ako at napahagikhik. “Napansin niyo rin pala, Kuya Jerome? Sabi ni Daddy mas lalo raw akong gumanda!” masaya kong sabi. Ngumiti si Kuya at tumango. “Oo! Mukhang may crush ka na sa campus niyo, ah. Sino ba iyan?” tanong ni Kuya Jerome sa akin. Napanguso ako at humarap kay Kuya Jerome. “Kuya, kapag sinabi ko sa ‘yo kung sino ang crush ko hindi mo dapat sabihin kay Daddy, ah? H’wag mo akong isumbong!” Tumawa si Kuya. “Paano ba iyan, si Sir ang nagpapa sweldo sa akin, eh,” nakangising sabi ni Kuya Jerome. Napasimangot ako. “Hindi ko na lang sasabihin sa iyo, Kuya! Mapahamak pa ako,” masungit kong sabi. Ngumisi siya at sumulyap sa akin. “H’wag kang mag-alala, hindi ko sasabihin kay Sir kaya sabihin mo na sa akin.” Ngumiti ako at muling humarap kay Kuya Jerome. “Kuya, si Baste po ang crush ko,” sabi ko. Nanlaki ang kaniyang mga mata at napasulyap sa akin. “Si Baste? Kaya ba tinanong mo sa akin ang buo niyang pangalan dahil crush mo siya?” Napanguso ako at ngumiti. “Huwag mo akong isumbong, ah!” Ngumisi si Kuya Jerome. “Oo na! mabait namang bata si Baste at responsible rin kaya hindi ka nagkakamali ng ginusto,” nakangiting sabi ni Kuya Jerome. “I know right, Kuya!” “Iyang dala mo na cake, para sa kaniya iyan?” tanong ni Kuya at napanguso sa cake na nasa lap ko nakapatong. Ngumiti ako at tumango. “Ang swerte ni Baste sa ‘yo!” nakangiting sabi ni Kuya Jerome. Muli akong napahagikhik. “Thanks, Kuya!” Buti na lang at wala siyang bad says tungkol sa pagkagusto ko kay Aki. Nang makarating na kami sa campus ay nagpaalam na ako kay kuya Jerome at masayang naglakad papasok sa loob at pumunta sa department namin. Nang malapit na ako sa classroom namin ay nakita ko kaagad si Maverick sa labas ng room na parang may hinihintay na dumating. “Rick!” tawag ko sa kaniya. Nang mapatingin sa akin si Rick ay kumaway ako sa kaniya at patakbong lumapit. Ngumiti ako ng malapad ng makalapit na ako kay Maverick. “Wow! Ang ganda mo naman ngayon, Gabriel,” nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa akin. “Thanks, Rick! Pangatlo ka nang nag sabi niyan sa akin. Ah! Ito pala ang cake na para kay Baste. Huwag mong sabihin na ako ang nagpapabigay, ah!” sabi ko sa kaniya at binigay na sa kaniya ang box na hawak ko at may laman na cake. Ngumiti siya at kumindat sa akin. “No worries, Gab!” pumasok na siya ng una sa classroom namin at ako naman ay inayos na muna ang sarili ko. Papasok na sana ako sa loob ng classroom nang marinig ko ang boses ni Sabrina na tinawag ang pangalan ko. “Gabby!” Napalingon ako rito. Nakita ko kaagad ang seryosong si Sabrina na papalapit sa akin. Ngumiti ako sa aking kaibigan at kumaway sa kaniya. Hindi niya ako nginitian pabalik kaya napakunot ang aking noo. Bad trip na naman ba ang isang ito? “Anong problema mo?” tanong ko sa kaniya nang makalapit siya sa akin. Humalukipkip si Sabrina at tinaasan ako ng kilay. “Ano iyong binigay mo na regalo kay Mave? Crush mo ba siya?!” Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Sabby at mabilis na napailing. “Gaga! Hindi ‘no!” sagot ko. Kumunot ang noo niya habang nakataas pa rin ang kaniyang kilay. “Kung hindi mo siya crush, bakit mo siya binigyan ng ganoon?” tanong niya. Kung hindi ko lang talaga kilala itong si Sabrina ay paghihinalaan kong may gusto ito kay Maverick. Ngumiti ako at lumapit sa kaniya at bumulong. “Para iyon kay Baste. Isa iyong cheesecake at nakisuyo lang ako kay Rick na ibigay iyon kay Baste,” mahina kong sabi at kinindatan si Sabrina. Nanlaki ang niyang mga mata at napanganga sa kaniyang bibig sa gulat. “Oh my gosh! Crush na crush mo talaga siya?!” tanong niya. Ngumiti ako at tumango. Napakurap siya sa kaniyang mga mata habang gulat pa rin ang ekspresyon sa mukha. “Ibang klase ka na, girl!” Napahagikhik ako. Sana magustuhan iyon ni Aki. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD