EPISODE 8
DEAL
GABRIELLA’S POINT OF VIEW.
Hindi kami sabay ni Sabrina umuwi dahil mas nauna siya sa akin dahil merong emergency sa kanila kaya kailangan niyang umuwi kaagad. Wala naman itong problema sa akin dahil gusto ko rin matuto na mag commute na ako lang pauwi sa aming bahay. Hindi ako makapaniwala na sa pangalawa kong pag sakay sa tricycle ay makakasabay ko si Aki, ang crush ko.
Nakakahiya ang ginawa ko kanina! Jusko naman, Gabriella Neveah! Hindi porket first time mong magka gusto sa isang lalaki ay magiging tanga ka na! Baka isipin na ni Aki sa akin na isa akong weird na babae dahil hindi pa nga kami magkakilala ay tinanong ko na kaagad siya kung anong ginawa niya kanina sa bayan.
“Nakakainis!” naiiyak kong sabi at ginulo ang aking buhok.
Nandito na ako ngayon sa aking kwarto at nakahiga na rin ako sa aking kama ngayon. Gustong gusto ko na matulog pero kapag pinipikit ko ang aking mga mata ay naaalala ko ang kahihiyan na ginawa ko kanina.
Sinubsob ko ang aking mukha sa aking unan at doon sumigaw ng malakas para hindi ako marinig nila Daddy at Mommy na nasa kwarto na nila ngayon. Paano ko na haharapin bukas si Aki?
Muli kong ginulo ang buhok ko at naiiyak na. Pinikit ko na lang ang aking mga mata at pinakalma ang aking sarili ngayon. Bukas ko na lang iisipin kung paano ko haharapin si Aki bukas kung magkasalubong kami sa campus. Tama, tama.
“Gabriella, bakit ang laki ng eyebags mo? Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi, anak?” tanong sa akin ni Mommy habang nakatingin sa akin.
Nandito na kami sa may dining room kasama ang aking pamilya at kumakain kami sa aming almusal. Nakatingin sa akin ngayon si Mommy at Daddy at natigil din sa pag kain si Daddy habang nakatitig sa akin. Hindi ko mapigilang kabahan at hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko sa tanong ng aking ina.
“A-Ah… naninibago lang pa rin po siguro ako sa bago kong kwarto, pero masasanay din naman siguro ako kaagad,” sagot ko sa tanong ni Mommy at ngumiti.
Napatango siya at muling nagpatuloy sa kaniyang pag kain.
“Nais mo bang palitan ang iyong higaan, anak? Pwede natin iyang papalitan kay Jerome at maghanap siya ng komportable na kama para sa ‘yo,” seryosong sabi ni Daddy habang nakatingin sa akin.
Mabilis akong napailing at nahihiyang ngumiti sa kaniya.
“N-Nako! Okay lang po, Daddy. Wala naman po akong problema sa kama ko,” nahihiya kong sabi.
Tumango siya. “Sabihin mo lang sa butler mo na si Jerome kung ano ang kailangan mo, Gabriella. Ginawa namin siyang butler mo dahil habang wala kami at busy sa plantasyon ay nandiyan siya upang bantayan ka at mabibigay ang mga pangangailangan mo,” seryosong sabi ni daddy.
“Y-Yes po, Daddy. Maraming salamat,” magalang kong sabi at muling nagpatuloy sa aking pag kain.
Hindi ko talaga mapigilag mahiya at kabahan kapag si Daddy ang kausap ko. Hindi kasi kami nito masyadong close at alam ko rin na naiinis pa rin ito dahil hindi naging lalaki ang kaniyang anak. Pero mabait naman si Daddy sa akin, hindi lang talaga ako sanay na palagi ko siyang nakakausap at nakakasama.
Pagkatapos kong kumain sa aking almusal ay hinatid na ako ni Kuya Jerome sa aming campus at nakatulala lang ako habang nakatingin sa labas dahil naalala ko pa rin ang katangahan ko kahapon noong nagkasabay kami ni Aki sa tricycle.
“Gabriel, okay ka lang ba?”
Napakurap ako sa aking mga mata at napatingin kay Kuya Jerome na nag da-drive sa aming kotse rito sa aking tabi. Maliit akong ngumiti sa kaniya at tumango.
“Y-Yes, Kuya Jerome. Inaantok lang siguro ako kasi hindi ako nakatulog ng maayos,” sagot ko sa kaniyang tanong at humikab. Totoo talaga na inaantok ako ngayon, sana walang papasok mamaya na professors namin at hindi ako kulitin ni Sabrina para makatulog ako mamaya sa aking arm chair.
Nang makarating na kami sa campus ay nagpaalam na ako kay Kuya Jerome at lumabas na ng kotse. Bago ako pumasok sa gate ng aming campus ay huming muna ako ng malalim at nag simula ng maglakad. Bahala na si Batman! hindi naman siguro ako papansinin ni Aki kasi suplado iyon at parang ang laki ng galit sa akin, wala naman akong ginawang masama sa kaniya.
Bago ako mapasok sa loob ng classroom namin ay agad kong nakita si Maverick at Sabrina sa harapan ng aming classroom, sa may pintuan. May binibigay si Rick na isang regalo kay Sabrina pero sinisigawan lang siya ngayon ng babae na parang galit na galit sa ginawa ni Rick ngayon.
“Ano ba! Hindi mo ba ako titigilan na nerd ka?! Sabing hindi kita gusto!” malakas na sigaw ni Sabrina.
Napayuko si Rick na parang labis na nasaktan sa sinabi ni Sabrina sa kaniyang harapan ngayon. Maraming taga ibang section ang mga naki tsismis sa nangyari pero noong napatingin si Sabrina sa kanila ay dali-dali silang bumalik sa kanilang mga classroom at parang takot na masigawan din ni Sabby. Padabog na pumasok si Sabrina sa classroom at hindi niya rin napansin na nandito ako sa labas.
Bago ako pumasok sa aming room ay nilapitan ko muna si Rick at tinapik ang kaniyang balikat kaya napatingin siya sa akin. Nakita ko ang gulat sa kaniyang mukha.
“G-Gab! Ikaw pala,” mahina niyang sabi.
Maliit akong ngumiti sa kaniya.
“Pagpasensyahan mo na si Sabrina kung masyado siyang harsh sa iyo, ah? Gusto mo bang ako na ang mag bigay niyang regalo mo para sa kaniya?” tanong ko at napatingin sa kaniya hawak na regalo ngayon.
Mabilis niya naman na itinago ito sa kaniyang likuran at nginitian ako.
“O-Okay lang, Gabriel. Sanay na ako ni Sabrina dahil matagal ko na siyang naging kaklase. Malaki lang ang galit niya sa akin kaya niya ako nasigawan pero mabait naman iyon,” mahina niyang sabi at muling ngumiti sa akin.
Naglakad na siya papasok sa aming classroom ngayon. Hindi ko maiwasang maawa para kay Rick dahil halatang gustong-gusto niya ang kaibigan ko pero masyadong harsh lang talaga si Sabby at ayaw niya kay Rick.
Bago ako makapasok sa aming classroom ay natigilan ako nang may dumaan na lalaki sa aking gilid at hindi lang ito simpleng estudyante rito sa campus, kundi si Sebastian Aki! Hindi niya ako napansin dahil meron siyang binabasang libro at naglalakad ito papunta kanilang classroom. Nakita ko ang ibang babae na napapalingon at napapatigil sa kanilang ginawa nang dumaaran din si Aki sa kanilang gawi, ganoon ang epekto niya sa mga babae.
Ang lakas ng tibog ng aking puso ngayon habang ako ay nakatingin sa kaniya. Hindi pa siya nagsasalita ay ang lakas na ng kaniyang karisma sa mga babae, sa akin. Ngayon lang talaga ako nakakaramdam ng ganito at para na akong mababaliw.
Bumuntong hininga ako at naglakad na papasok sa aming room. Nakita ko si Sabrina na nakayuko ngayon sa kaniyang arm chair malapit sa aking upuan at mukhang bad trip nga siya sa nangyari kanina kaya napagpasyahan ko na hindi ko na lamang ito iistorbohin. Napatingin naman ako kay Rick na nasa may unahan at nagbabasa ito ng libro ngayon.
Wala pa ang aming professor kaya naglakad ako papalapit sa kaniya at umupo sa harapan nito. Nakita ko sa mukha ni Rick na bahagya siyang nagulat sa presensya ko.
“G-Gab! Ikaw pala. Anong kailangan mo? Magpapatulong ka ba sa assignment natin kay Sir Mervin?” tanong niya sa akin.
Umiling ako at nahihiyang ngumiti sa kaniya. Wala akong ibang mapagtatanungan dahil siya lang naman ang malapit kay Aki.
“M-May tanong lang sana ako sa iyo, Rick,” mahina kong sabi.
Kumunot ang kaniyang noo pero tumango na rin.
“Ano ba iyon?”
“M-Mag tatanong sana ako tungkol ay Sebastian Aki… kung pwede lang?”
Napakurap siya sa kaniyang mga mata at muling tumingin sa akin.
“K-Kay Baste? Bakit—wait! M-May gusto ka sa kaibigan ko?!” hindi makapaniwala niyang sabi.
Napakamot ako sa aking pisngi at nahihiyang tumango sa kaniya.
Lumaki ang ngisi sa kaniyang mukha ngayon.
“Ibang klase talaga ang lalaking iyon! Pati taga syudad na katulad mo ay nahulog din sa lalaking iyon, sabagay pogi naman talaga si Baste. Ano ba ang itatanong mo tungkol sa kaniya?”
“A-Ah, plano ko kasi siya bigyan ng regalo. Mag suggest ka naman kung ano ang magandang ibigay sa kaniya,” sabi ko.
Napanguso siya.
Muli akong nagsalita. “K-Kung tutulungan mo ako kay Aki, tutulungan din kita kay Sabrina!” sabi ko, gumawa ng deal sa kaniya.
Nakita ko ang gulat sa kaniyang mukha. “T-Talaga? Tutulungan mo ako kay Sab?” tanong niya.
Ngumisi ako at tumango. Alam ko naman na hindi niya tatanggihan ang alok ko dahil patay na patay ito sa kaibigan ko na si Sabrina at gusto niya rin na mapalapit dito.
“S-Sige! Tutulungan kita kay Baste, basta tulungan mo ako kay Sabrina,” sabi niya.
Tumango ako. “Deal!”
Ngumiti siya. “Huwag mo na lang siya bigyan ng material na bagay. Pagkain na lang, Gab! Madadala niya pa iyan para sa mga kapatid niya sa bahay kaya pagkain na lang ang ibigay mo. Kung nahihiya ka naman na ikaw ang mag bigay sa kaniya ng regalo mo, pwede mo akong utusan,” nakangiting sabi niya.
Masaya akong tumango.
“Sige! Maraming salamat, Rick!”
Tumango siya. “Maliit na bagay! Basta ang usapan natin, ah?”
Napailing ako at ngumisi. “Oo na!” sabi ko at masayang naglakad papunta sa aking upuan.
Mukhang lamang ako sa ibang mga admirers ni Aki dahil kakampi ko ang best friend niyang si Maverick. Sana magustuhan nito ang ibibigay ko sa kaniya bukas.
TO BE CONTINUED ...