EPISODE 10 SALAMAT, G! SEBASTIAN AKI’S POINT OF VIEW. “Baste, alam mo ba ang answer nitong number one? Pwede paturo?” Natigil ako sa aking pagsusulat nang kulitin na naman ako ni El. Bobo ba siya? halata namang Cold War ang sagot ng number one sa pinagawang assignment sa aming professor sa contemporary world na subject. Minsan talaga ang corny at nakakabobo ang mga moves ng ibang babae. Dapat mag isip muna sila ng maayos o hindi naman pag planuhan talaga kung gusto nilang magpapansin sa mga crush nila. “Nag aral ka ba?” malamig kong tanong sa kaniya. “H-Huh?” nauutal niyang sabi. Para siyang hindi makapaniwala sa aking tanong. Tinaasan ko lang ito ng kilay at hinintay ang kaniyang sagot sa aking tanong. Matamis siyang ngumiti. “Oo naman, Baste! Hindi ako natulog ng maaga dahil nag s