EPISODE 23 IN A RELATIONSHIP GABRIELLA’S POINT OF VIEW. BOYFRIEND KO NA SI AKI! Boyfriend ko na talaga siya at hindi na ito biro. Kinikilig ako dahil pangalawang beses na naming maghalikan ni Aki at iyon ag una naming halikan na mag jowa. [“Matulog ka na, Langga.”] Kausap ko ngayon si Aki sa cellphone at hindi pa rin kami natutulog ngayon. Parang hindi ko nauubusan ng topic habang kauspa ko si Aki. Hindi na rin ako nahihiya sa kaniya at nasasabi ko rin ang mga tumatakbo sa utak ko. Ganito pala talaga ang feeling kapag naging boyfriend mo na ang crush mo, ano? “Ayoko pang matulog. Kausap ko pa ang mahal ko,” mahina kong sabi at napasubsob sa aking unan at napakagat dito sa aking kilig. Ang landi mo, Gabriella! Narinig ko ang mahina niyang pagtawa sa kabilang linya. [“Magkikita p