EPISODE 22 BE MY GIRLFRIEND GABRIELLA’S POINT OF VIEW. Tahimik lang ako ngayon sa tabi ni Aki at papunta kami sa aming tagpuan, sa likod ng abandonadong building. Nakatingin pa rin ang ibang mga babae sa amin at sigurado akong pinag ti-tsimisan na kaming dalawa ni Aki. Wala na rin naman akong pakialam dahil magiging boyfriend ko rin naman si Aki kapag sinagot ko na siya. Nang makarating na kami sa likod ng abandonadong building ay binitawan na ni Aki ang pagkakahawak niya sa akin balikat. Humarap siya sa akin habang nakataas ang kilay at nakahawak ang kaniyang mga kamay sa kaniyang beywang. “Sino ang lalaking iyon? bakit ka niya tinawag na babe?” tanong niya na may halong pagkainis. Sabi ko na nga ba, magagalit talaga siya. “Galit ka ba?” tanong ko sa kaniya. Napairap si Aki. Ang