EPISODE 24 FIRST DATE GABRIELLA’S POINT OF VIEW. “OMG! Kayo na talaga ni Baste? As in? kailan lang?” sunod sunod na tanong sa akin ni Sabrina. Pagkapasok ko kaagad sa classroom namin ay hinila niya ako papunta sa upuan ko at tinadtad ng mga tanong. Hindi pa kasi ako naka abot sa classroom namin ay nakaabot na ang tsismis sa kaniya tungkol sa relasyon namin ni Aki. Ang dami pa rin talaga ng mga tsismosa kahit nasa probinsiya na kami. Hindi na rin ulit nagparamdam si Renzo at wala na rin akong balita kung nasaan siya ngayon. Sana nga ay umuwi na siya sa Manila at huwag na niya ulit akong gambalain. Masaya na ako kasama si Aki at masaya na rin ako rito sa probinsiya. Kagabi ay napag isipan ko na hindi na ako aalis sa probinsiyang ito at dito na rin ako mag ta-trabaho. Kung ibibigay man