EPISODE 6 - HE'S MY CRUSH

1379 Words
EPISODE 6   HE’S MY CRUSH   GABRIELLA’S POINT OF VIEW.   Nakasimangot ako ngayon. Ang sarap na ng usapan namin kanina ni Sabrina ay plano niya rin na dalhin niya ako sa favorite milk tea shop niya sa bayan, pero natigil lang ang aming pag uusap nang pumasok ang isa sa mga professors namin at nag klase. Akala ko talaga na walang papasok ngayon, pero meron pala.   “Nako! Masanay na tayo dito kay Prof Mervin, sabi ni Kuya gagawa talaga ‘yan ng paraan para makapasok lang sa kaniyang klase,” bulong sa akin ni Sabrina.   Muli na lang akong napasimangot at napatingin sa labas ng classroom namin. Nanlaki ang aking mga mata at hindi mapigilang magulat nang makita ko si Sebastian na nasa may pintuan namin sa classroom habang nakatingin sa akin. Mabilis siyang umiwas ng tingin at umalis sa harapan ng aming pintuan.   Ang lakas ng tibog ng aking puso ngayon. Hindi ko ito naramdaman noong nasa Manila pa ako at wala akong nararamdaman na ganito sa ibang lalaki, kay Sebastian Aki lang.   “Hoy, Gabby! Baka tawagin ka ni Sir Mervin, mag kunyari ka munang nagkikinig sa kaniya kahit hindi naman natin naintindihan ang sinasabi niya,” bulong sa akin ni Sabrina.   Napakurap ako sa aking mga mata at muli ng humarap kay Sir at nag kunyari na munang makinig upang hindi niyaako mapagalitan. Mahirap na, baka tawagan nila ang mga magulang ko at magalit sa akin sila Mommy at Daddy.   Nang matapos na ang class namin ay agad akong tumayo at hinanap si Aki sa labas ng aming classroom. I want to call him Aki because everyone is calling him Baste and I want to call him by his other name, para naman maiba.   Nakita kong lumapit siya sa isa naming kaklase na si Maverick Santiago. Sabay na silang naglakad paalis sa classroom at nagtatawanan sila ngayon.   “Sabrina?” tawag ko sa aking bagong kaibigan.   “Hmm?” napatingin siya sa akin. “Ano iyon, Gabby?”   Napatingin ako sa kaniya. “Magkakilala ba si Maverick at Sebastian?” tanong ko sa kaniya.   Napakunot ang noo ni Sabrina na parang hindi nagustuhan ang tanong ko.   “Huh? Bakit mo tinatanong ‘yan? Kilala mo si Mave?” tanong niya pabalik sa akin.   Ako naman ang napakunot ang noo. Hindi niya baa lam? Kanina pa kaya lumalapit sa amin si Maverick pero parang wala lang kay Sabrina ito at parang hindi nakikit ang lalaki.   “Kaklase natin siya Sabrina. Nasa harapan siya nakaupo kanina habang nag di-discuss si Sir Mervin,” sagot ko sa kaniyang tanong.   Napatango siya na parang walang pakialam. “Yeah. Close sila niyang crush mo na si Baste. Matagal na iyong magkakilala ang dalawa kahit mas matanda pa si Baste kay Mave. Same kasi sila ng mga trabaho at nagkakasundo talaga ang dalawa iyan. Huwag kang lalapit diyan kay Mave, ah! Enemy kami niyan,” sabi ni Sabrina.   Napanguso ako at nag ayos na lang sa aking mga gamit. Pupunta kami ngayon ni Sabrina sa kaniyang tinutukoy na milk tea shop kanina. Naglalakad na kami ngayon ni Sab papalabas sa gate at agad kong nakita si Kuya Jerome na nag-aabang sa akin sa labas malapit sa aming sasakya. Napatigil naman ako sa aking paglalakad kaya napatingin sa akin si Sab.   “Bakit, Gab?” tanong niya.   Napatingin ako sa kaniya. “Nandito na pala ang sundo ko, Sabby. Baka kailangan ko ng umuwi at hindi kita masamahan ngayon,” wika ko.   Napakunot ang kaniyang noo at napatingin sa pwesto ngayon ni Kuya Jerome. Muling humarap sa akin si Sabrina at hinila ang aking kamay at naglakad kami papunta kay Kuya Jerome.   “Sab, anong gagawin mo?” taka kong tanong.   Sumulyap siya sa akin at kinindatan ako. “Magpapaalam tayo!” sabi niya.   “Hello po, Kuya!” bati ni Sabrina kay Kuya Jerome nang makalapit kami rito.   “Hello rin sa ‘yo,” bati ni Kuya Jerome pabalik kay Sabrina. Napabaling naman ang kaniyang tingin sa akin. “Gab, uuwi ka na ba?” tanong ni Kuya sa akin. Napakurap naman ako sa aking mga mata at napatingin kay Sabrina.   “Kuya, pwede bang mamaya na lang uuwi si Gabriella? Gusto ko kasi siya isama sa favorite kong milk tea shop. I’m her new friend pala, I’m Sabrina Generoso!” nakangiting sabi ni Sab at nagpa cute kay Kuya Jerome.   Nakita ko ang gulat sa mukha ni Kuya. “Oh! Anak ka ni Senyor Sebastian?” tanong ni Kuya.   Napanguso si Sabrina at tumango. “Yes, Kuya, kaya payagan mo na sana si Gab, please?”   Bumuntong hininga si Kuya Jerome at napatingin sa akin. “Huwag ka lang magpa late ng uwi, Gab. Baka ako ang mapagalitan ng Daddy mo kapag hindi ka pa nakauwi,” wika ni Kuya.   Masaya akong tumango. “Yes, Kuya Jerome! Thank you po.”   Nagsimula na kaming maglakad ni Sabrina at pumara siya ng isang tricycle. Hindi pa ako nakasakay ng tricycle noon dahil hindi ako pinapayagan ng mga magulang ko at palagi akong may sundo. Kaya nang makasakay ako ngayon kasama si Sabrina ay hindi ko maitago ang aking tuwa.   “Ngayon ka lang nakasakay nito?” tanong sa akin ni Sabrina nang makita niya ang kakaiba kong expresyon ng makasakay kami rito sa loob at umandar na ang aming sinasakyan.   Nahihiya akong ngumiti sa aking bagong kaibigan at tumango.   Napapalakpak si Sabrina at kumapit sa aking braso. “Nice! I’m so happy na kasama ako sa first time mong pag sakay ng tricycle,” sabi ni Sab.   Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa tinutukoy na shop ni Sab. Siya na ang nag order para sa amin at hindi ko rin mapigilang humanga sa paligid dahil ang gaganda ng mga designs sa wall at ang sarap kunan ng litrato at eh post sa social media. Bumalik na si Sabrina sa aming table at dala na niya ang aming mga orders.   “Salamat sa libre, Sabby,” nakangiti kong sabi.   Hindi ako makapaniwalang sa unang araw ko sa aking bagong paaralan ay may naging kaibigan na kaagad ako at ito pa ang anak ng may ari ng university na pinag-aaralan ko.   “So, kwento mo naman sa akin kung bakit kayo lumipat dito sa province. Ayaw mo na ba doon sa syudad?” tanong ni Sabrina habang kinakain ang kaniyang inorder na cheesecake.   Maliit akong ngumiti sa kaniya at sinagot ang kaniyang katanungan.   “Sa totoo lang ayokong pumunta rito, eh,” mahina kong sabi.   Napakurap ang kaniyang mga mata. “Oh!”   Muli kong pinagpatuloy ang aking sasabihin. “Pero wala na rin naman akong magagawa dahil ang mga magulang ko naman ang nasusunod. Meron kaming coconut plantation dito sa province at pagmamay-ari ito ng grandparents ko tapos si Daddy na ang nagpapalakad ngayon at kailangan nilang bigyan ng atensyon kaya kami pumunta rito at dito na tumira,” pag ku-kwento ko kay Sabrina.   Napatango naman siya sa aking sinabi.   “Ngayon, gusto mo pa rin ba bumalik sa syudad? Or nagbago na ang pag ayaw mo rito?” muli niyang tanong sa akin.   Napaisip ako sa tanong ni Sabrina sa akin. Napatingin ako sa labas ng shop at hindi ko mapigilang magulat nang makita ko si Aki na nagbubuhat ngayon ng case ng coke, kasama niya ngayon si Maverick at nagtatawanan sila habang nagbubuhat.   “Gabriella?”   Napakurap ako sa aking mga mata at muling napatingin kay Sabrina. Maliit akong ngumiti sa kaniya at muli na namang naalala ang magandang ngiti ni Sebastian Aki.   “Hindi.”   Napakunot ang kaniyang noo sa sinagot ko sa kaniyang tanong.   “Anong hindi ba ang sinasabi mo?”   Seryoso ko siyang tinignan.   “Ayoko na bumalik sa syudad, Sabrina. Nagusuhan ko na rito sa probinsiya at alam kong may mga mangyayari pang maganda sa akin dito,” wika ko at ngumiti sa kaniya.   Malaki ang ngiti ngayon ni Sabrina at napa palakpak sa akin sinabi.   “Ayon oh! Sigurado akong magiging maganda ang life mo rito sa probinsiya, Gabby!” sabi niya.   Muli akong ngumiti sa aking bagong kaibigan.   Sana nga.   Iyon din ang aking gusto.    TO BE CONTINUED... New series, new stories. Thank you! Sana subaybayan niyo ang Generoso Series.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD