EPISODE 5 - BASTE, THE CAMPUS CRUSH

1207 Words
EPISODE 5 BASTE, THE CAMPUS CRUSH SEBASTIAN AKI’S POINT OF VIEW. “Baste!” Napatigil ako sa aking paglalakad nang marinig ko ang boses ng aking kaibigan sa aking likuran. Humarap ako rito at agad nakita si Maverick Santiago, ang best friend ko. Patakbo siyang lumapit sa akin at inakbayan ako. Hindi kami magkaedad ni Rick dahil mas matanda ako sa kaniya ng ilang taon pero kahit na mas matanda ako sa kaniya ay hindi ito naging balakid sa pagkakaibigan namin. First year college na siya ngayon habang ako naman ay second year BSBA student. Graduating na sana ako ngayon kung hindi lang ako tumigil sa aking pag aaral. Kapos kasi kami sa pera at wala na rin akong mga magulang. Ang Lola at Lolo ko nalang ang kasama namin ng aking mga kapatid dahil matagal ng patay ang aking mga magulang. “Mukhang pormang-poma ka ngayon, a!” nakangisi kong sabi habang nakatingin kay Rick. Nakasuot siya ngayon ng isang blue checkered polo shirt at tenernohan ng isang black pants. “H-Hindi ba pangit sa akin, Baste?” tanong niya at umikot sa aking harapan. Mahina akong napatawa at inakbayan siya. Matagal na kasi itong may gusto sa prinsesa ng Governor Generoso, si Sabrina Aik Generoso. High school palang ito si Maverick ay may gusto na siya sa babae kaya ngayon todo papogi siya upang mapansin na ng dalaga. “Ang pogi mo kaya! Mapapansin ka na rin ng crush mo,” sabi ko sa kaniya. Sabay na kami maglakad ngayon dahil pareho lang naman kami ng building pero magkaiba ang aming classroom. Nagpaalam na sa akin si Rick dahil mas nauna ang kanilang room kaisa akin. Tahimik akong naglakad ngayon at ramdam ko ang mga tingin ng ibang mga estudyante sa akin. Hindi ko nalang ito pinansin. Nang makapasok na ako sa loob ng aming assigned room ay nakita kong natigilan ang mga kaklase ko sa kanilang ginagawa at napatingin sa akin. Kinunotan ko nalang ito ng aking noo at naglakad papunta sa bakanteng upuan sa likod at umupo rito. Wala akong ibang kaibigan maliban kay Maverick. Ayoko lang kasi ng distraction sa aking buhay at marami rin akong ginagawa kaya kapag magyayaya ang mga ito sa akin ay sigurado akong hindi ako makakasama sa kanila dahil may trabaho ako. Kaya kontento na ako na si Maverick lang ang ing kaibigan. “Baste!” Napatingin ako sa aking harapan nang may isang babae na lumapit sa akin. Napataas ako sa aking kilay at napagtanto na isa pala itong third year college student. Nakatingin ang mga kaklase ko ngayon sa babaeng lumapit sa akin at nagbubulungan. Maliit akong ngumiti rito at tinanong kung ano ang kaniyang pakay. “Bakit? May kailangan ka ba sa akin?” tanong ko rito. Narinig ko naman ang hiyawan ng iba kong mga kaklase. Hinayaan ko nalang ito at muling tinignan ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Kita ko ang kaba sa kaniyang mukha pero nagagawa niya pa rin na ngumiti sa akin. “Be my boyfriend, please!” sigaw nito at napapikit. Napasinghap ang iba kong mga kaklase at ang iba naman ay natawa sa sinabi ng babae na nasa aking harapan ngayon. “Hmmm…” napahawak ako sa aking baba. Nakita kong hinay-hinay siyang napamulat muli sa kaniyang mga mata at hinihintay ang aking sasabihin. Ngumiti ako sa kaniya. “Pwede naman—” “KYAAAH!” tili niya. Bahagya akong napapikit sa tinis ng kaniyang boses pero muli ulit akong tumingin sa kaniya at pinagpatuloy ang aking sasabihin. “Pwede mo akong maging boyfriend, pero ikaw ‘yong magbabayad ng tuition fees ko at magpapa-aral sa mga kapatid ko,” pagpapatuloy ko sa aking sinabi kanina bago siya tumili. Napatawa naman nang malakas ang mga kaklase ko habang ang babae naman na nasa aking harapan ay parang pinagsakluban ng langit at lupa. Nakita ko ang maluha-luha niyang mga mata at patakbong umalis sa aking harapan at lumabas sa aming room. Napanguso ako at napasandal sa aking upuan. “Woah! Ang cool talaga ni Baste!” “Baste, ang gwapo mo!” “Ako nalang magpapa-aral sa mga kapatid mo at magbabayad sa tuition mo, Baste!” “Baste, willing akong maging sugar mommy!” Napatawa nalang ako at napapikit sa aking mga mata sa iba’t ibang naririnig ko galing sa aking mga kaklase. Sanay na sanay na ako sa mga ganitong eksena, ang eksena na may biglang lalapit sa akin na babae at aaminin ang nararamdaman nila para sa akin, minsan naman ay aalukin nila ako na maging boyfriend nila. Hindi naman sa pagmamayabang pero gwapo talaga ako at may maipagmamayabang. Maraming nagkakagusto sa aking mga babae at isali mo na rin sa mga bakla. Wala namang problema sa akin iyon dahil normal lang naman sa isang tao na magkagusto. Pero wala akong panahon para makipag relasyon ngayon dahil marami akon responsibilidad. Bata pa ang dalawa kong kapatid at nag-aaral din sila kagaya ko. Kailangan kong makapagtaps sa aking pag-aaral para hindi na mamo-mroblema ang Lolo at Lola ko kung saan pwedeng makautang para may makain lang kami. Bibili muna ako ng aming sariling lupa at bahay kapag may trabaho na ako pag maka graduate na ako. Mag-iipon din ako ng pera bago makipag relasyon dahil uunahin ko muna ang aking pamilya kaisa aking sariling kaligayan. Natapos na ang klase ko ngayong araw. Isang professor lang naman ang pumasok sa amin dahil unang araw pa lang ng aming klase. Lumabas na ako kaagad sa room namin at naglakad papunta sa room ni Maverick na malapit lang din sa amin. May trabaho kasi kami ni Rick sa may palengke pagkatapos nitong klase namin kaya sabay na kaming pupunta sa palengke. Nang makarating ako sa labas ng kanilang room ay nakita kong nagkaklase pa sila nang sumilip ako sa loob. Napatingin sa akin si Rick at sinenyasan akong hintayin na muna siya. Tumango ako at napasandal dito malapit sa pintuan ng kanilang room habang kitang-kita sila sa loob. Habang hinihintay ko si Rick na matapos sila sa kanilang klase ay napatingin ako sa isa niyang babaeng kaklase na nasa likuran nakaupo habang nakasimangot. Napakunot ang aking noo nang mapaisip ako kung saan ko nakita ang babaeng ito. Saan nga ba? Habang tinititigan ko ang babaeng nakasuot ng salamin ay nakita kong napasulyap ito sa akin kaya bahagya akong nagulat, pero hindi ko ito pinahalata at pasimpleng bumaling ang tingin sa ibang bagay. Nakita niya kaya ang pagtitig ko sa kaniya? Baka isipin nang babaeng iyon na may gusto ako sa kaniya, assuming pa naman ang ibang mga babae sa paaralang ito. Para hindi na mag-isip nang kung anu-ano ang babaeng iyon ay umalis nalang ako sa may pintuan ng kaninang room at sumandal sa may pader malapit lang din sa kanila. Ang babaeng iyon… iyon ‘yong dahilan kung bakit natapos ang baldeng puno nang isda na buhat ni Tonio! Sabi ko na nga ba at nakita ko na talaga ang babaeng iyon. Wala kasi siyang suot na salamin noong una ko siyang nakita, pero ngayon ay sigurado na ako na siya ang babaeng iyon. Kita mo nga naman, dito rin pala nag-aaral ang mayamang babaeng iyon. Kung minamalas nga naman. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD