EPISODE 16 SHE'S AVOIDING ME SEBASTIAN AKI’S POINT OF VIEW. “Aki, gusto kita.” Tang ina! Bakit ba ginugulo ng babaeng iyon ang utak ko? Ano naman kung gusto niya ako? What’s the big deal, Sebastian Aki Torello?! Hindi ka pa ba sanay na maraming nagkakagusto sa iyo? Ginulo ko ang aking buhok at kinuha ang aking tinidor at kimuha ng cheesecake upang kumain. Hindi ko ito binalik sa kaniya o hindi naman ay itinapon, hindi porket nakilala ko na ang nagbigay sa akin nito ay itatapon ko na?! Sayang ang pagkain. Maraming mga nagugutom sa buong mundo tapos ako magsasayang lang? Hindi maganda iyon. “Wow! Mukhang enjoy na enjoy ang best friend ko sa kaniyang cheesecake, ah! Penge ako, Baste!” Tinignan ko nang masama si Rick at inilayo ang cake ko sa kaniya. “Ang damot tal