EPISODE 17 WHAT DID YOU DO TO ME? GABRIELLA’S POINT OF VIEW. “A-Aki, saan mo ako dadalhin?!” kinakabahan kong tanong habang hila hila pa rin ako ngayon ni Aki. Kanina pa siya hindi nagsasalita at kanina pa rin kami pinagtitinginan ng mga tao rito na makakasalubong namin. Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa amin, si Sebastian Aki lang naman ang nakahawak sa kamay ko ngayon at maraming nagkakagusto sa kaniyang mga babae rito at hindi lang ako. Siguro kung nakakamatay na ang mga titig ay baka kanina pa ako pinaglalamayan dahil ang sama talaga ng mga tingin ng ibang mga babaeng nadadaanan namin ni Aki. “A-Aki—” “Shut up.” Mabilis kong tinakpan ang aking bibig at hindi na nagsalita. Mukhang siya pa ang bad trip, siya nga ang bigla na lang nanghila sa akin eh! Nakakainis a. Pasalamat