EPISODE 15 G STANDS FOR GABRIELLA GABRIELLA’S POINT OF VIEW. “Y-You’re… you’re G?” nauutal niyang tanong habang nakatingin pa rin sa akin at nanlalaki ang mga mata. Napapikit ako sa aking mga mata at napakagat sa aking labi dahil hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin ngayon. “Answer me!” he raised his voice. Napatalon ako sa gulat nang sumigaw si Aki. Hinay hinay kong minulat ang aking mga mata at muling napatingin sa kaniya. Nakatingin pa rin siya sa akin habang may inis sa kaniyan mukha. Gustong gusto niya talagang malaman kung ako ba talaga si G o hindi. Hindi pa rin ako makapagsalita. Parang umurong ang dila ko at hindi ko ito maigalaw ngayon. Nakita ko inilagay niya muna ang box sa kabilang arm chair at sinirado ito bago ako muling harapan. Napahilamos siya sa kaniyang mu