EPISODE 18 I LIKE YOU GABRIELLA’S POINT OF VIEW. “Girl, bakit mukha kang namatayan diyan sa pagmumukha mo ngayon? Ano iyong nasagap ko na tsismis galing sa kabilang section na magkasama raw kayo ni Baste at magkahawak ang kamay kanina?” tanong sa akin ni Sabrina. Nakauwi na ako sa aming bahay at nandito rin si Sabrina dahil gusto niya raw mag overnight dito. Ayaw niya raw muna sa kanilang masyon dahil nag-aaway raw ang mga magulang niya at kinukulit siya ni Kai kaya dito na lang muna siya matutulog sa amin. Pumayag naman kaagad sila Mommy at Daddy dahil pinsan ko naman ito si Sabrina at kaibigan ko na rin. “Nag-usap kami kanina ni Aki,” mahina kong sabi. Nanlaki ang kaniyang mga mata at mas lumapit pa sa akin lalo. “Tapos? Tapos? Anong nangyari? Nakakainis kasi si Mave! Bigla niya