Chapter 4

4543 Words
Chapter 4 ZALE     Walang pakundangan na binuksan ni Zale ang closet ng master’s bedroom sa mansyon nang makauwi siya galing sa memorial chapel. Mas pinili niyang umuwi kaysa sa paulit-ulit na makipagbangayan sa babaeng in born yata ang pagiging sarkastiko. “Señorito Zale, hindi ho kayo pwede rito.” Saway sa kanya ng isang batang kasambahay na sa pagkakatanda niya ay si Yngrid, anak ni Helga at ng driver ng Daddy niya noon. “Leave me alone! Why the f**k are you people treating me like I’m not a real Llerandi? For Demon’s sake, get out!” singhal niya sa maiyak-iyak na bata at nagmamadali iyong lumabas ng master’s bedroom lalo nang pandilatan niya ng mga mata. Ibinalik niya ang tingin sa nakabukas na aparador at inararo ng tingin ang mga gamit doon habang nakapameywang. Mga damit ng Daddy niya ang halos karamihan at may dalawang parte ng closet ang mga damit pambabae. Even the shoes belong to his father and only a few pairs to the woman. Where is that woman hiding all the expensive things his Dad bought? Imposible na bilyonaryo ang ama niya at sangkatutak ang negosyong hawak ay walang gaanong mga gamit ang manlilinlang na babaeng ‘yon. He pulled the drawer and saw jewelry boxes. Binuksan niya ang mga iyon at puro iyon mga pambabaeng alahas. He cautiously studied the gemstones and those are all Topaz. Iba’t iba ang kulay ng mga iyon at iisa lang ang hindi kumpleto ang set, the London blue Topaz. Iyon ang napansin niyang tanging suot na alahas ni Clarissa, pares ng hikaw at isang singsing, kasama ang isang gold wedding ring. Walang imik na isinara ulit ni Zale ang mga iyon at hinalungkat pa niya ang ibang gamit. He saw an envelope and opened it. Ang laman no’n ay mga importanteng papeles. Hinugot niya ang isa at tiningnan niya. Diploma iyon ng high school, with honors at ang isa ay diploma ng college, with honors din. Binusiklat pa niya ang sumunod at lisensya iyon sa pagiging isang Certified Public Accountant. It was only a true copy so he looked around the whole place. Para siyang tanga na sumilip ulit sa pintuan ng walk in closet at doon niya nakita sa dingding na naka-frame ang original na lisensya ni Clarissa. Her name was in bold letters and, Clarissa P. Rayton-Llerandi. Clarissa… tumaas ang sulok ng labi niya at pumihit ulit papasok habang nakatingin sa mga hawak niyang papel. Looks like his father invested wisely. Walang dudang matalino ang madrasta niya at ang sabi ni Kiefer ay Law ang sunod no’n na target habang nagtatrabaho sa Llerandi Chain of Industries. He admits that it’s quite amusing but the doubt is still there. He’s really suspecting that kind of beauty. Parang lason ang kagandahan ni Clarissa at iniisip niya, at gusto niyang panindigan na lason talaga iyon. You can not deceive me. Bulong niya sa sarili habang tinitingnan pa ang ilang nakalagay doon. Marriage contract ang nasa pinakahuli at may isang lumang litrato ng tatlong katao. He looked closely to the little girl in red little dress. Karga ang bata ng isang lalaking tingin niya ay may dugong banyaga at ang babae naman ay maganda kahit morena. Kung hindi siya nagkakamali ay si Clarissa ang bata at baka mga magulang ang kasama sa litrato. Hindi niya alam kung bakit ayaw niya roon. Ayaw niya ng sabit sa pamilya niya at ayaw niya ng kaagaw sa mana. His mother never had a happy life with his father and what’s the right of any other woman to be happy and become a member of his family? If there’s one person who deserves everything, it’s no other than him. Ibinalik niya ang envelope sa drawer at akmang isasara na lang niya iyon nang makita niya sa sulok ng mga mata ang bulto ng isang tao sa may pintuan. Zale tilted his head and raised his brows. “What?” masungit na tanong niya kay Yngrid na masahe ang mga daliri at kulang na lang ay maihi sa kinatatayuan. “Si…Si Attorney H-Harden po, señorito, abogado ho ng Daddy niyo.” Tumalikod kaagad ang babae kaya naman nakalabi niyang itinulak ang mga pinto ng closet papasara. He doesn’t even care if Clarissa will notice the changes. He’s not even afraid to be interrogated. Maangas na lumabas ang binata sa kwarto at sumunod kay Yngrid. “Where the hell is he?” “N-Nasa library po.” “Saan ang putang inang library?” “Sunod na lang po kayo sa a-akin.” Mahinang sagot ng kasambahay kaya tahimik na lang siyang sumunod. He’s not even familiar how many rooms the mansion has because he never lived there. He lived in Virginia; studied in Oxford University, got back to US and took the exam. He passed and became a pathologist. He never had a difficult time entering the world of the high profiled agencies and he actually targeted FBI. Being a Llerandi helped a lot and many veteran agents who were as his father’s age helped him to be in. Though he could definitely make it on his own, he decided wisely to use the good credentials of his father for his benefit. Good credentials? Halos umusok siya sa galit noon kapag napag-uusapan ang lahat ng achievements ng Daddy niya dahil kahit na gaano pa kaganda ang nagawa no’n o dami ng magagandang nagawa, as Nick’s son, his father still failed when it came to his mother. Mahaba-haba ang nilakad nila bago sila sumakay sa elevator ni Yngrid. Parang ilag na ilag ang babae sa kanya at takot ang mga mata. The heck why is this woman acting pathetic? He’s magnetizing women and not pushing them away. “Will you stand straight and lift your gaddamn face?” inis na utos niya sa bata na parang robot na sumunod pero lagpasan ang tingin sa pinto ng lift. Zale disgustingly sighed and pursed his lips. “How many mansions does Daddy have?” lukot ang noo at nakapameywang na tanong niya kay Yngrid. “I-Ito lang po. Meron po siyang dalawa pa dati pero ipingabili niya kasi wala naman daw p-pong titira. Bago lang po ito at regalo po kay Rissy ni Señor Nick.” Regalo? Great huh! Lalong naging makainsulto ang ngisi niya. “You call your master, Rissy?” pag-iiba niya sa usapan. “Y-Yon po ang gusto niya na itawag ko sa kanya, s-senyorito saka mas matanda pa ho ako sa kanya. Kabi-birthday lang po niya noong December 6. Twenty-one pa lang po siya at ako naman at bente seis na.” Pwedeng bente seis na ito dahil mas matanda siya rito ng nasa anim na taon. He was ten when he had let his foot set in this country and never came back for a visit when he chose to live with her Aunt Zocorro. Iisang tiyahin na lang sa mother side ang natitira sa kanya at ang bunso na lang ng Mommy niya. Iyon ang binibisita niya sa Australia na nakapag-asawa naman ng isang kapitan ng barko. Sumunod siya kay Yngrid nang lumabas ang babae sa lift at naglakad sa isang pasilyo na walang dingding. Para iyong tulay na nagkukonekta sa pinakamansyon at sa isang nakahiwalay na building. From up where he stands, he could see the pool underneath him. Zale could say that his father gave the best gift for his stepmother; a thing Nick never did to his mother. His jaws clenched and his eyes turned ferocious. There’s no way he could learn to accept that woman who stole his father’s attention and his heart. Paanong nakakuha pa ng babae ang ama niya sa kabila ng pinagdaanan ng buo niyang pamilya? Pumikit siya nang saglit na sundutin ng konsensya. Your Dad is already dead, for demon’s sake! Let go! He wants to let go but it’s kinda hard. Tumayo si Yngrid sa harap ng pinaghalong kahoy at salamin na pintuan at papakatok ang babae nang bigla niyang itulak iyon papasok. Nanlaki ang mga mata ng kasambahay at parang gulat sa ginawa niya pero hindi niya ito pinansin. He stepped inside and partly shut the door, looking at the old man who looks so familiar but he couldn’t decipher who. Ngumiti iyon sa kanya at bago pa man lang siya makahakbang ulit ay bigla na lang na bumukas ang pintuan at bumangga sa kanyang likod. “Demwit!” he cursed when he felt pain on his back but he was immovable because he’s rigid. He’s 6’3 and has a solid body figure, not too big and not thin. Ilang magazines at linya ng mga branded na damit ang humahabol sa kanya kahit noong college pa siya na pasukin ang modeling pero hindi iyon ang gusto niya. He really wanted to become a doctor and it was a dream since he was a kid that’s why he never stopped until his chosen career was already cuddling him. “Aray ko…” Daing ng isang pamiyar na boses at saglit na ipinilig ni Zale ang ulo papalingon. “Sus naman, iha. Hindi ka nag-iingat.” Anang abogado at mabilis na iniwan ang binabasang dokumento para lapitan ang madrasta niyang naipit sa isang pintuan nang mag-bounce ang itinulak nito kanina. Isang marahang hagikhik ang narinig ni Zale. “Sorry po, Attorney. Kare-receive ko lang po kasi ng tawag ni Ate Yngrid kasi naka-silent ‘yong cellphone ko. Saang pader ho bumangga ang pint—” she stops talking and fondling her forehead as her face turns bitterly disgusted upon seeing him. Pader? There’s no wall, honey. It’s me, your worst nightmare. Umiiling na binawi niya ang mukha at tuwid ang likod na naglakad papunta sa swivel chair sa likod ng isang kahoy at antigong mesa. “H-Hindi ho pala pader, Attorney ang binanggaan, iceberg.” Aniyon saka nakataas din ang mukha na pumasok. Nangunot ang noo ng binata at iginalaw ang mga mata papunta kay Rissy. Sino ang tinatawag nitong iceberg? Siya? That’s a childish name. Hindi sinasadya na sinuri niya ito ng tingin at iba na ang suot nito sa kanina. Naka romper itong puti na ang luwang sa may bandang ibaba at sobrang ikli pa rin. She’s in a black cardigan and black ankle boots. Her brown hair is in a very high ponytail like Arianna Grande’s signature hairtyle. Suot nito ang salamin sa mata pero hindi man lang iyon nakabawas sa ganda at amo ng mukha nito. Bata pa rin itong tingnan kahit na may suot na salamin sa mata. “Kaya pala parang wala sa pagkakaayos ang mga gamit ko sa closet at baka may daga na nakapasok.” Palatak pa ni Rissy saka padabog na naupo sa pandalawahang pulang couch sa mismong tapat niya. She crossed her legs and crossed her arms, too while glaring at him. Zale just smirked but there’s a sudden change of mood underneath his pants. Stupid d**k! Why is he even having a boner seeing her sitting adjacent to his place? Kay Twilight na lang siya pinaninigasan dahil mahal niya ang girlfriend niya pero bakit pagkalipas ng isang taon na wala siyang ganoong reaksyon sa iba pang babae ay pinaninigasan siya dahil lang sa balat ni Rissy na walang kasing kinis? He shouldn’t be having a hard-on, gaddemit! “Daga? Dapat mahanap mo ang daga at baka ngatngatin ang mga damit iha.” Sagot naman ng abogado nang isara no’n ang pinto at ini-lock pa. “Opo attorney. Ang sarap pong pukpukin.” Irap naman ng isa kaya binawi na niya ang mga mata at itinaas ang mga paa sa mesa. He tiredly rested his back on the chair and so as his head. Parehas na natilihan ang dalawa at nagkatinginan pa pero nagkibit balikat si Rissy at umiling. “Shall we proceed now? I’m dying to fire the intruder away.” f**k it! She’s giving my d**k a strong response against her poisonous charm. Wala siyang nakuhang sagot sa sinabi niya pero nakita niyang inirorolyo-rolyo ng dalaga ang mga mata at parang baliw na bumubulong. “Come here, Rissy iha.” Paypay ni Attorney Harden dito. “Wala ho akong lulugaran d’yan, Attorney. Kita niyo naman ho na nasa trono ang hari. Much better if Nick was sitting there, I could just sit on his lap.” “Well come on and sit on my lap.” Napangisi siya sa sarili niyang katarantaduhan. Come. Sit and I’ll push you down. “You’re not even Nick so don’t try it. Mahiya ka sa balat mo dahil malayong-malayo siya sa’yo.” Naningkit ang mga mata ni Rissy at papainsultong ngumiti kaya kumulo ang dugo niya. Bloody crap! This woman is really a pain in his ass! That’s a real blow, a face to face insult. Malayong-malayo talaga siya dahil hindi siya papatay ng asawa. Natutop ng matandang kaharap niya ang noo at parang nakunsumi kaagad sa kanilang dalawa ni Rissy. “If I were you two, you better stop arguing for your own good.” Makahulugan na sabi ng lalaking abogado. “By the way, Zale. If you can’t remember me, I am Attorney Caesar Harden, your father’s most trusted lawyer. Bata ka pa nang huli kitang makita kaya malamang hindi mo na ako natatandaan. If you need legal proofs, I can show you.” “Never mind.” He beckoned his hand. “Just present whatever you want to present.” Tamad na sagot niya. “Rissy, dito ka sa harap ko, iha.” Tawag ulit niyon sa dalaga na sumunod naman at tahimik na naupo sa isang bakanteng upuan sa harap ng mesa. Zale tried his best not to look at her though he’s a beauty lover. And despite the fact that he hates her, he can’t deny that she’s really lovely. Her eyes are the most enigmatic part of her face. Those are really…enticing. “Okay, just a few explanations,” simula ng abogado pero napatigil ang matanda nang tumunog bigla ang cellphone niya. Zale glanced at it and Twilight is calling him. Hindi niya iyon pinansin. When he’s busy, no one can interrupt him, not even his fiancée. Twilight knows it especially when he’s in the lab for forensic matters. “Proceed.” Utos niya kay Caesar matapos na i-silent ang cellphone niya na tinanguan naman niyon. “David called me. Wala naman sana akong balak na i-discuss na ang lahat ng ito sa inyo dahil ang sabi ni Rissy ay hindi pa siya handa.” Tumingin si Caesar sa madrasta niya kaya gumalaw din ang mga mata niya. Tahimik ito na nakatingin lang sa kaharap na abogado tapos ay yumuko at tumingin sa wedding ring na suot. Hindi pa handa? Not ready to hear that she would get nothing from his Dad’s wealth? “But if Tito David already called you, then I better hear it now. Medyo natatanggap ko na naman po, attorney.” Malambing na sagot ni Rissy doon tapos ay biglang na lang na parang maiiyak. “Sige. Sisimulan ko na bago ka pa humagulhol na naman ng iyak. I just know how much you love Nick and he’s such a lucky bastard.” Nangingiting sagot ni Caesar kaya agaran na nangunot ang noo ni Zale. Love? That’s just too impossible. How can a woman at her age, that kind of beauty love an eighty year old man? She loves his father’s richness and not him. “Here is the last will of Nick and it was personally written by him. He handed me this after he discovered that his heart was in its severe state.” Umpisa ng matandang abogado nang kunin ang isang papel at iniharap sa kanila ni Rissy. He just swallowed but the lady in front of him begins to sob. “H-Hindi niyo sinabi sa akin, attorney. Alam niyo rin pala.” Tila masama ang loob na sumbat ng dalaga kay Caesar na kaagad naman na umiling. “I’m so sorry, iha. It was his last wish. I will read it so you will understand. Let me.” Maluha-luhang sagot naman niyon habang siya ay tila naninigas lang ang panga at nahihigit ang dibdib. “Dated July 21st 2018. This is a handwritten will of Señor Nicanor Buenaventura Llerandi for my beloved wife, Clarissa Rayton-Llerandi and my only son, Zale Prieto Llerandi. I wrote this after discovering my severe heart failure and I don’t want a transplant anymore. If you’re hearing this letter now, it means I already left you.” Ani Caesar kaya napakurap ang binata nang parang uminit din ang sulok ng mga mata niya. Lumakas ang hikbi ni Rissy pero nagtakip iyon sa mukha. Bakit ba parang sakit na sakit ito sa pagkawala ng ama niya samantalang hindi naman matagal na nagsama ang dalawa? “To my darling, Rissy. I indebted you the remaining year of my life. You filled my heart with joy and completed the missing piece in me.” “Jesus! Can we skip that! That’s totally bulshit!” inis na singhal ni Zale sa abogado pero mabilis na tumayo si Rissy at sinampal ang mesa sa harap niya. Napatingin siya sa luhaang mukha nito at humihikbi pa rin habang nakaharap sa kanya. “Umalis ka kung ayaw mong makinig! This is the very last piece that’s left for me! Kung hindi ka interesado sa lahat ng salita ng sarili mong ama, huwag mo akong ipares sa’yo na matigas ang puso, makapal ang mukha at matigas ang apog na panindigan ang kawalang hiyaan sa sarili niyang ama! Bulshit ka rin! Ang tigas mo!” galit na singhal nito sa kanya kaya naipinid niya nang mariin ang mga labi. Oh yeah and my d**k is f*****g hard, too. Hindi niya maintindihan pero parang natatakot siyang baka hanggang matapos ang sulat na ‘yon ng ama niya ay hindi man lang siya mapag-iwanan ng isang mensahe. Why would he expect it anyway? His father died but their relationship as son and father is still broken. Bumuntong hininga si Caesar at tumingin kay Rissy nang maupo ulit ang lumuluhang dalaga. “Napakabastos mo talaga. Sa halip na yakapin mo ang lahat ng meron ka at lahat ng ibinigay sa’yo ng Diyos, hindi mo pinahalagahan.” Bulong nito pero rinig na rinig niya at talagang kapag hindi ito manahimik ay bubusalan niya talaga ang bibig nito. “I guess I have to skip it. Kung pag-aawayan niyo ang pakikinig dito, hindi ko alam kung hindi kayo magsabong kapag narinig niyo ang huling habilin ni Nick.” Dismayadong sabi ng matandang lalaki kaya kahit hindi sadya ay nagkatinginan sila ni Rissy. Ang talim-talim ng mga mata nito na parang kakainin siya nang buo habang siya naman ay relax lang sa kinauupuan. “Bibigyan ko na lang kayo ng kopya at ang huling mensahe ni Nicanor para sa inyo ay kayo na lang ang bumasa. Let’s proceed to the will.” Ipinasok niyon ang dalawang bond paper sa envelope at iisa ang natira. “As of July 21st 2018, the total amount of my Dollar account is 227,289,960,000 US Dollars. I have 130 billion pesos in my Peso accounts and a total market value of my Llerandi Chain of Industries building for more than 300 billion of pesos, one mansion here in the Philippines and another one in Ireland. I have 5 yachts, 3 private planes and 5 luxury cars. I have 23 branches of Loan agencies in different countries. All the said properties would be auctioned and it depends on my son and my wife’s will. They will divide everything into two and will part every remaining centavo, equally but if they don’t want to sell it, then they will both own the unpartitionable properties including lands, yachts, private planes and the company itself. My mansion here in the Philippines will be for my wife, Rissy and the other one in Europe is for my son, but if he will abide with all the rules that I make.” “This is bulshit!” galit na napatayo si Zale at ang sama-sama ng tingin niya kay Rissy. “How could he even give half of my wealth to you while you never contributed anything to make it grow? This is ridiculous! You’re just a crap, a slut who gripped on his d**k to have all these things in life!” maluha-luhang duro niya sa dalaga na nawala bigla ang tapang sa mga mata at yumuko na parang talunan. Umiyak ito na parang bata kaya itinikom na lang niya ang bibig kahit na ang dami pa niyang gustong sabihin. She looks like a beaten puppy, for his ass’ sake! “That’s…that’s too much to bear, Zale. I’m sorry but you can’t insult her like that. She’s still the wife after all and your father never claimed any wife other than her. This is actually considered as conjugal property because your father never made a prenuptial agreement before the wedding. Kung tutuusin ay kanya na muna lahat bago mapasa sa mga anak. But we have a will so it makes everything clear.” Salo ni Caesar na pakiramdam niya ay isa ring kampi kay Rissy. “You shut up! I am not asking for your opinion. I could even see that all of you are protecting this woman!” he glanced at Rissy again. Itinuwid nito ang likod at huminga nang malalim. “Attorney, huwag na po kayong makipagtalo kasi siya naman ang kaisa-isang alibughang anak ni Papa.” Papa? f**k that endearment! Sumikdo ang dibdib niya sa inis at baka masuka pa siya. “I want to make a waiver.” Suminghot ang dalaga at kahit na gusto niyang hanapin sa mga mata nito ang kaisipan na baka kasabwat nito si Caesar sa paggawa ng kalokohan ay hindi niya makita iyon. She looks pitiful and her eyes can’t deny a grieve loss. “A-Anong waiver, Rissy?” takang tanong ng lalaki sa dalaga. “Lahat ng parte ko o mana ay ilalagay ko lahat sa pangalan niya. Mas mabuti pang mawalan ako ng lahat kaysa ang matawag akong babaeng mababa ang lipad at mainsulto sa harap ng ibang tao.” Taas noong sagot ni Rissy pero lumabas lang iyon sa isang tainga ni Zale. Whatever her sentiments are, he doesn’t mind. He doesn’t really care. “Nick never called me a slut and I know I am more than that; way better than that. Pakibilisan mo, Attorney dahil ayoko na magtagal dito kasama ang isang tunay na Llerandi. Nick is dead anyway and there’s no reason for me to stay.” Better. Umiling lang siya. Siya pa ang pinagmumukha nitong masama pero wala siyang pakialam kahit na ano pa ang sabihin nito. “As much as I want to help, Rissy…” may hinugot itong anim na pirasong papel na authenticated. The man handed it to them and he was hesitant to accept it yet he still did. “Malinaw na sinasabi ni Nick na ikaw ang mamamahala ng lahat ng kayamanan, kasama ang mana ni Zale.” What the f**k? “That’s impossible!” hindi makapaniwalang bulalas ng binata at nasuklay niya ang buhok gamit ang mga daliri. “Ayoko ho, Attorney!” protesta rin ni Rissy. “Suskong mga bata kayo. Sumasakit ang ulo ko. Ayan, look at your father’s will. Look at it and understand it. It’s clearly stated that you can never withdraw, sell or use anything without your stepmother’s permission. Indefinite ang sinasabing haba ng araw na may bisa iyan simula nang mabasa niyo ang last will ng Daddy mo. You will sit as the CEO of LCI but then again you have to assist her as she takes her step of becoming a lawyer. Saka mo lang magagalaw ang  ang mana mo pagkatapos ng dalawang buwan na titira ka rito sa mansyon, kasama si Rissy. Saka ka makakapag-withdraw ng walang permiso ni Rissy pero dalawa pa rin kayo na nagmamay-ari sa lahat.” “That’s a waste of time! That’s…that’s…” gigil na napatalikod siya. Hanggang sa kahuli-hulihang pagkakataon ay unfair pa rin ang Daddy niya. “Doon ka lang din makapapagpagawa ng waiver, iha. Magbilang ka ng dalawang buwan.” “Ewan ko ho, attorney kung tatagal ako ng dalawang buwan. Mas mabuti pa na magpakamatay na lang ako kaysa sa makasama ang bastos na ‘yan dito. Mas mabuti na ang walang mana kaysa naman isang linggo pa lang ay uban na lahat ang buhok ko! I’m just twenty-one and I am going to take care of a…” Bumalikwas ang labi ni Rissy nang halos masuka-sukang tumingin sa kanya. “Isang lalaking bato na mas matanda pa yata sa akin ng benteng taon!” umiiyak na tumayo ito at parang aalis na. For Pete’s sake! He’s just thirty-two. “Ano ho ba ang parusa kapag hindi nakasunod? For sure hindi naman ako parurusahan ni Nick.” “Imprisonment and a collateral damage of one billion pesos.” “One billion?” nanlaki ang mga mata ni Rissy pero si Zale ay ang layo na ng nililipad ng isip. “Except for that ay mawawala na ang mana, isasara ang kumpanya at lahat ng branch ng LCI na nagpapautang, ang mga towers at mawawalan ng trabaho ang libong empleyado at mga katulong.” “That’s a clear pressure.” Anang dalaga na tinanguan ni Caesar. “I can’t believe that Nick will do this but…I love him so I will obey just to get my waiver. Salamat po, Attorney. Mauna na ako.” Nakahabol tingin si Zale kay Rissy nang walang lingon na lumabas ng library ang napakabata niyang madrasta. “You see, she’s not a gold digger like what the people around her say. You will soon find it, Zale and I am hoping that you won’t choose to be blind once you see it. Your father never looked at her like that and I am a witness. Adios, hijo. I’ll leave you now and if you have queries or doubts or anything, feel free to call me.” He never said anything and just looked down on the papers in his hand. Two months is quite a long time.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD