Chapter 3

2656 Words
Chapter 3 RISSY   Nabitiwan ni Rissy ang mga dalang gamit nang pumasok siya sa chapel at inaalis ang bangkay ni Nick sa ataol kung saan iyon nakalagay. Umuwi lang siya saglit para maligo at magpalit ng damit pero may ginagawa ng kalokohan ang inggrato. Wala talaga itong delikadesa at walang pakialam sa mararamdaman ng iba. Walang tao roon maliban sa ilang kalalakihan na bodyguards ni Nick noong nabubuhay pa at si Zale. Alas seis ng umaga at sa halip na umidlip ang lalaki ay bakit busy sa pagkuha sa bangkay ng sariling ama? Magnanakaw ng patay! “Anong ginagawa mo?!” galit na sita niya rito pero kaswal lang siya nitong sinulyapan at nagpatuloy pa rin sa pag-utos na ialis ang bangkay sa mismong silid na ‘yon. Hindi niya mapanindigan ang mga sinabi niya sa manang Helga niya na hindi niya ito papansinin matapos nang dumating ito kaninang madaling araw ay nagbangayan kaagad sila. She did that for Nick. The old man died without having even just a single hello with his own prodigal son. Nakakaawa dahil tumanda iyon na walang kasama sa buhay maliban sa baril at mga papeles—nitong huli ay maliban sa kanya. “Sumagot ka!” hindi na niya nakontrol ang galit at hinampas niya ito ng bag sa braso. “Damn it!” he scowled. “Stop questioning me!” halos mamula ang mukha nito sa inis din sa kanya at hindi niya alam kung bakit ganoon ito simula nang dumating. They don’t personally know each other but he’s treating her like an old enemy―a long lost one but was already found. “And why can’t I?” tiningnan ni Rissy ang mga lalaki na may buhat sa katawan ng mister niya. “Ibalik niyo ‘yan dito dahil sasamain kayo!” duro niya kina Clinton. “I will find out the real reason why he died. And after the cremation, I’ll get his ash.” anito sa kanya pero ngumisi siya at siniguro niyang pinakanakakainsultong ngisi iyon na galing sa kanya. “Bilib din naman ako sa tapang ng apog mo. Go ahead and examine the body but I will get my own pathologist. Who knows that the doctor may only doctor the results to put me down. And who told you that he wants cremation?” Rissy chuckled but a tear escaped from her eye. “He wanted to be buried and that was his request even to Manang Helga. Nakakatawa na dumating lang ang alibughang anak ay pati bangkay niya ay nagugulo na. Please naman…” humikbi siya sa sobrang pagkadismaya. “Respeto naman kahit kaunti lang. Alam ko duktor ka at wala ka ng pakialam pero huwag mo naman babuyin ang katawan ng sarili mong ama!” gigil na singhal niya rito at lalo siyang nabwisit nang ngumisi pa ito. Demonyo yata ang kaharap niya. “I am a doctor and I believe in science, not in your lectures.” pilosopong sagot nito sa kanya at nakita niya ang pag-iling ni Helga. “Hindi komo at duktor ka ay alam mo na ang lahat. Kung iniisip mo na pinatay ko ang sarili kong asawa para makamkam ang lahat ng kwarta na dapat ay para sa’yo, iyong-iyo na kahit ang sentimos na nasa pitaka ko. Babayaran ko lahat ng ipinaaral sa akin ng Daddy mo at kahit na ang isang butil ng kanin na kinain ko, huwag mo lang babuyin ang katawan niya na bugbog na sa gamot at bugbog pa sa sakit noong nabubuhay pa siya!” papasigaw na sabi niya sa huli habang humahagulhol ng iyak. “Is that all what you came for? Damn it! Then they’re all yours! Napakatanga mo! Kausapin mo ang duktor ng ama mo at ipa-lie detector mo! Gawin mo na lahat ‘wag lang ang babuyin ang katawan ng lalaking nagbigay sa’yo ng buhay at ng kung ano ang meron ka! Wala kang kasingkapal at sana ikaw ang namatay! Bwisit ka!” patuloy siya sa pagdaldal habang pinid na pinid naman ang mga labi nito at parang nagtitimpi na husto. She cried harder when she looked at the corpse. “Ma-Manang…” umiiyak na pakiusap at iling ni Rissy saka siya napahawak sa upuan nang makaramdam siya ng hilo. Nawala ang ipinaglalaban niya at napalitan ang sistema ng pagkalito. “R-Rissy?” ang panic ang matanda at dumoble ang tingin niya sa lahat hanggang sa unti-unting lumabo ang paningin niya. She dreadfully looked at Zale, forgetting their fight because everything is turning black. The whole surrounding spun around like a top, making her dizzy and nauseous. “Zale, susko! Saluhin mo ang bata!” sigaw ni Helga pero iyon na lang ang huli niyang narinig dahil ang sumunod ay hindi na niya alam.   Rissy felt her temples aching and so as her forehead but she just winced and slowly opened her eyes. May pumipisil sa kamay niya at nang tingnan niya kung sino iyon ay ang matandang kasambahay na parating umaalaga sa kanya. Ngumiti si Helga at hinaplos ang noo ng dalaga. “S-Si Papa?” mahinang usal niya at agad na tumingin sa kabilang side niya. She’s relieved when she saw Nick lying inside his casket again. Naiiyak niyang hinaplos ang salamin at ngumiti. “Ibinalik na ni Zale nang himatayin ka kanina.” Tumigas ang mukha ni Rissy nang marinig ang pangalan ng hinayupak na ‘yon. Gigil na gigil siya sa lalaki na akala ay isang Diyos kung umasta. Masyado iyong mapapel pero wala namang nagawa noong nabubuhay pa ang ama. Is that his way of covering what he did to his own father—after shutting himself just because he misunderstood everything and never listened? “Sana hindi na lang siya dumating.” masama ang loob na sabi niya. “Anak pa rin siya ni Nick kaya wala tayong magagawa. Ang laki lalo ng ipinagbago niya at kahit ako ay nabibigla sa mga inaasal niya. Iba ang dala sa kanya ng syensya at pati sariling katawan ng ama niya ay gusto niyang pag-aralan pa kahit patay na.” “Autopsy po ang tawag do’n, manang. Gusto niyang malaman kung nilason ko ang Daddy niya para atakihin sa puso. Pwede naman niyang gawin ‘yon kaya lang magpasintabi naman siya. Kahit na anak siya, may karapatan din akong magdesisyon.” mahinang sabi niya. “Oo at umaasa ako na sana ay magkasundo pa kayo. Kumain ka na muna at pangalawang beses mo na itong mahimatay. Baka matatluhan ka pa sa araw ng libing. Susko. Parang tumatalsik ang kaluluwa ko kapag nakikita kong namumuti ang mga mata mo.” tumayo si Helga na iiling-iling kaya napangiti siya kahit na paano. She was smiling as her eyes scanned the entire room but her face instantly turned so sour when she saw Zale, leaning against the window pane as he arrogantly blows the smoke out of his mouth. Direktang nakatingin sa kanya ang mayabang na binata at hindi man lang kumurap nang magkatitigan sila. Para bang may kademonyohan na naman iyon na iniisip pero kahit ano pa man iyon ay haharangin niya. Tama pala ang warning ni Kat sa kanya, sungayan nga ang lalaki at hindi lang iyon dadalawa. Gusto niyang magtanong at hanapin ang lisensya nito sa pagiging duktor dahil parang kung pagbabasehan ang asal nito ay daig pa nito ang hindi nakapag-grade one. Kung hindi iyon nagbawi ng tingin ay hindi rin siya nagbawi. She looked at him with full of disgust and anger. She will never act that way if he acts like a real son even to his deceased father but it seems like the man has no respect that has left all over his body. Mabuti lang naman sana kung hindi niya alam ang istorya ay ipinagkatiwala sa kanya ni Nick ang sikreto na bumabalot sa pagkatao ni Zale. No one would ever believe her anyway. Baka sabihin lang nito na inaareglo niya ang pagkamuhi nito sa sariling ama lalo pa kung sa isang tiyahin sa parte ito ng ina lumaki at napag-isa na lang daw nang mamatay ang babae. Rissy knows that Zale’s mother cheated. The woman danced in front of her own uncles and latter after giving birth to Zale, she became a member of Black Phoenix. Hindi niya alam ang Black Phoenix na iyon pero sinabi sa kanya ni Nick na isa iyong grupo ng mga tao na pinopondohan para mangulekta ng bata, magbenta ng mga babae, maglabas ng droga sa mga pampublikong lugar at ang huli ay pabagsakin ng gobyerno—sa madaling salita ay sosyal na rebelde at sindikato ang pamilya ng unang babaeng minahal ni Nick. Wala naman siyang alam doon pero nakinig siya sa mga kwento ng asawa niya sa kanya at naniwala siya dahil isa iyong FBI agent. And the last piece which had broke her heart was hearing the death of Zale’s mother when the Prieto family didn’t want to put the kid in Nick’s custody. Nalaman ng ama nito na inihahanda si Zale para maging miyembro rin ng organisasyon na iyon na parang mga purong kababuyan lang naman ang alam na laman sa laman ay nakukuhang magtalik na para bang walang pakialam. The very least thing that Nick could do was to put the entire Prieto clan down which he actually did. At tungkol naman sa pagkamatay ng ina ng binata, lumaban daw si Mrs. Llerandi nang hulihin ng mga pulis kaya napilitan ang mga iyon na barilin ang babae. And from then on, Zale had put it in his mind that Nick killed his own wife. Ang katumbas ng paglantad ng lahat ng ebidensya at warrant ay parang tiningnan na rin ni Zale na katumbas ng pagpatay ng ama nito sa sarili nitong ina . At gusto man niyang kwestyunin kung totoo ba na isa itong Llerandi ay hindi niya magawa. Para itong pinagbiyak na inidoro at ang ama. Biglang tumaas ang isang sulok ng labi ni Zale at doon na parang natakot si Rissy. There’s something strange in that smirk, giving her goosebumps. She doesn’t know how to explain it but Nick never smiled at her like that. Parang may kademonyohan ang ngisi ng binata at may hindi kaaya-ayang gagawin kaya siya na ang nagbawi ng tingin. “Rissy, how do you feel?” lumapit ang pamangkin ni Nick sa kanya na si Dylan at inabutan siya ng isang hiwa ng sponge cake, may kasamang baso ng gatas. “Medyo okay naman. Salamat.” aniya rito. “Pwede bang makisuyo?” “Sure, anything.” “Pwede bang pakipuntahan mo ‘yong duktor ni Nick tapos ay pakihingi mo lahat ng medical records niya, kahit’ yong pinag-forward ng duktor sa China? Lahat ha, pangalan ng gamot na reseta, mga laboratory tests, basta lahat.” “Okay. May I know why?” tanong nito at kahit na hindi gumalaw ang mga mata ng dalaga ay naramdaman niya na papalapit si Zale habang humihithit ng sigarilyo at naupo pa sa mismong upuan kung saan maririnig yata ang usapan nila ni Dylan. “Isasaksak ko lang sa baga ng isang pilato riyan na kung makaasta akala ay serial killer ako samantalang siya itong walang modo.” nilakasan niya talaga ang boses para marinig ni Zale. Si Dylan ang tumingin sa pinsan at saka tumango. “S-Sige pero napag-utusan lang ako ha. Wala ako sa misunderstanding niyo. I have nothing against the son and I have nothing against the stepmom.” “I know. Gusto ko lang na ipakain sa kanya ang lahat ng records na ginawa lang naman ng mga duktor sa mga panahon na hindi naman ako isinasama ni Nick para magpagamot sa China at malaman niya na wala akong alam sa sakit ng ama niya. Nakakabwisit lang kasi ang pagbintangan ka na pinatay mo ang sarili mong asawa. Baka nga kung mamamatay tao ako ay mas inuna ko pa siya.” papairap niyang dinala ang baso sa bibig niya at uminom ng kaunti habang naubo naman si Dylan. Himala na walang sagot ang demonyo sa mga idinaldal niya kahit na nakaalis na ang pinsan nito sa may tabi niya pero maya-maya ay nagsalita na. “You’ll kill me huh? That’s a threat and I can charge you for that.” anito sa baritonong boses na nagpapihit sa ulo ni Rissy. She scornfully smiled with that mockery on her face. “Go ahead. Karapatan mo ‘yon. Nobody’s stopping you anyway.” Ngumisi ito at mataman siyang tinitigan sa mukha pero hindi siya natinag. “Dad really made you stubborn. Where did he get you anyway?” “Napulot niya ako sa salon na pinagta-trabahuhan ko kapag nagpapamasahe siya. Binayaran niya ang madrasta ko para makuha ako at tinanggap ko ‘yon ng buong puso. Nagpakasal ako sa kanya kasi malungkot siya. Sayang nga hindi kami nagkaanak, eh di sana naturuan ko ng tamang asal at naturuan kong makinig sa paliwanag bago ang isara ang sariling utak.” “Damn it.” Mahinang mura nito pero tumaas lang ang isang kilay niya. “Kung may gusto ka pang malaman, magtanong ka lang. Handa ko naman sagutin lahat.” nairolyo ni Rissy ang mga mata. “How big is your ego to act stubborn like that in front of a real Llerandi, Clarissa?” Ow! Kilala pala siya nito. “Triple of what you have.” Tinaliman niya ang mga mata nang pasimple itong tapunan ng tingin. “Your Dad made me stubborn. You were actually right. He spoiled me and made me a woman of sassiness. Too bad, you’re the victim of your Dad’s creation.” “Yet you’re still a woman of low honor.” “Whatever you say.” she shrugs though she’s a bit hurt. Seems like this man knows something about her or maybe based from what she told about her stepmother. “Your father still loved me and he kept me. That’s the honor.” she smirks sarcastically. Kung nagawa siya nitong paiyakin at ilabas ang inis niya dahil sa sobrang lungkot na wala na si Nick, not now that’s she’s gradually accepting the truth. “I can’t believe that spirit.” puno ng pagkadisgustong sagot nito sa kanya pero hindi na siya sumagot pa. Tahimik lang na kumain ang dalaga at iniharap ang beanbag sa ataol ng asawa niya, papatalikod sa pwesto ni Zale. “I would never buy it if you’d say that you love my father.” Napatigil siya sa pagnguya at kaswal na bumuntong hininga. “Nobody’s forcing you to buy it. And I don’t really doubt it. What do you even know about love?” she chuckled but a little while her eyes watered. Baka nga kahit ang babaeng kasama nito ay mahal lang nito sa kama. She may never loved Nick as her husband but she loved him as her true father since she was eighteen. “Sarcastic.” bulong ni Zale at kapagkuwan ay narinig niya ang pag-iingay ng upuan. She could partly see him walking away and she’s relieved. His presence brings pain in her heart. If every child is dreaming to have even just a single parent, how can Zale act so cold and hard? He’s so lucky, she must say. Mayaman ito, may pangalan, may propesyon. Sana hinanap na lang nito ang kapatawaran sa puso kaysa hinayaan na mawala ang ama at hindi man lang humingi ng tawad. If his mother died, it’s not even Nick’s choice. How can he be so stupid not to understand the situation or maybe his heart doesn’t want to?              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD