Chapter 5
RISSY
She’s asking questions but knows that there’ll be no answers. Umiiyak siya sa kwarto nila ni Nick na kailan lang naman niya nilipatan. Kaya pala hiniling no’n isang linggo na ang nakalilipas ay doon na siya parati matulog dahil iiwan na pala siya. Tapos ngayon ay ang daming iniwan na mga bagay na nagpapaiyak sa kanya.
All people needed money and so is she but she doesn’t need his billions of money and properties because she wasn’t the one who worked for it and made it grow. And above everything else, masakit ang paulit-ulit na lang na pagbintangan na yaman ang habol niya kay Nicanor tapos ay matawag na slut ng anak ng asawa niya.
It won’t be easy for both of them. Sa nasaksihan niya kanina nang dumating siya at mukhang wala talaga iyong pakialam na binusiklat ang mga gamit niya, mukhang hindi talaga sila magkakasundo. She knows the word, privacy but looks like Zale doesn’t. He’s so intimidating and so superior above anyone else, above her.
Nasa kanya ang lahat ng simpatya ng kasambahay at ng mga kapamilya ni Nick pero hindi rin naman niya gustong maramdaman ni Zale na nababalewala. Pero hindi nga ba dapat dahil ganoon din ang ginawa no’n sa sariling ama? Binalewala at namatay na ni hoy, ni hay ay wala?
No. She can’t still ask that. She’s too kind to ask for another person’s downfall and pain. She’s kind that’s why she was blessed with a husband as kind as Nick, too. She still considered everything as God’s blessing.
Niyakap ni Rissy ang sulat at saka siya nahiga sa kama. She was so touched when she read it. He’s still concerned and still thinking of her future. Talagang pangarap no’n na maging CPA-Lawyer siya at siya raw ang magiging abogado ng kumpanya at CPA pa.
She’ll still fulfill it. Panibagong tapang na naman ng sikmura ang gagawin niya dahil pihadong hindi siya palalampasin ni Zale at hindi magiging madali ang lahat para sa kanila.
“What did you do to manipulate my Dad?” tahasang tanong ng lalaking nasa isip niya kaya agad na napabalikwas si Rissy sa kama.
Nakapasok na ang binata sa kwarto niya at hindi man lang kumatok. He looks like a demon that’s ready to tear her into pieces.
“Get out!” kinapa niya ang kahuhubad pa lang na cardigan pero nahulog naman iyon sa sahig kaya hindi na niya pinagkaabalahang kunin pa. Ayaw niya itong tikalan ng tingin dahil alam niya ang iniisip nito, na siya ang may pakulo na maghati sila sa mana.
“Answer me, lady! What did you do to manipulate my father like this s**t?!” galit na ikinumpas nito ang mga papel sa ere tapos ay napahilamos ng mukha.
Kinalma ni Rissy ang sarili at itinaas ang noo. Hindi niya ibibigay ang katotohanan sa mga tanong nito dahil una sa lahat ay hindi naman ito maniniwala kahit na magsabi siya ng totoo. “What did I do? Why not rather ask, what I gave?” puno ng katapangan na sagot niya rito at sukat doon ay gumalaw ang mga mata nito sa kabuuan niya tapos ay napako sa kanyang may kalusugan na dibdib.
“I see.” Tumango-tango si Zale at ngumisi. “I was right all along. You charmed him. You used your looks, your age, your body and everything to fool my father. You’re a—”
“Slut.” Salo kaagad ng dalaga at parang nabulunan pa siya dahil sa pagpipigil ng iyak. She nodded. “You said it already. Let’s change the word, slut into w***e, wench, prostitute, Cyprian. What else? What else do you want to call me to feed your brooding ego? Fire them all because I don’t care. Remember that I have the key so you can spend your money. Try harder to convince me.” She smirked but deep inside she’s sick of the issue.
“f**k—”
“f**k you, too.” Mabilis siyang tumayo at nilayasan ito na nakatayo sa may paanan ng kama.
Doon tumulo ang luha niya na kaagad niyang pinahid. Hindi siya magiging talunan sa mga mata nito at wala siyang pakialam kung saan man nito lulustayin ang kwarta na mamanahin pati na ang ibibigay niya.
“Don’t turn your back on me.” Utos nito sa kanya at parang hari talaga kung makaasta.
“Then get out.” She pushed the door and stepped inside the walk in closet.
Hinila niya ang cabinet at kinuha ang envelope niya para itago roon ang sulat ni Nick pati na ang kopya ng last will. Talagang penmanship iyon ng asawa niya at hindi naman talaga iyon dudutukturin ni Caesar. Attorney Caesar Harden was Nick’s one of the most trusted people in this world.
“Don’t play your games on me because you will never win.” Pasimpleng sabi ni Zale sa kanya.
“I’m not even starting yet. Lumayas ka na sa kwarto ko dahil trespassing ka at baka nakakalimutan mo…” Napatigil siya dahil pati sa kinaroroonan niya ay sumunod talaga ito.
Rissy’s heart accelerates when she met those dark eyes. The man is dangerous but though she’s quite a coward, she won’t show it. Nasa kanya ang lahat ng karapatan sa ayaw at sa gusto man nitong tanggapin.
“Get out!” singhal niya rito pero para itong nananadyang humakbang pa talaga papasok.
She’s terrified. Walang kurap ang binata habang nakatingin sa mukha niya at ang nasa isip niya at magtitili dahil baka i-m******e na siya nito sa sobrang inis dahil sa mga sinabi ng abogado.
“Zale, isa!” napaatras na siya nang tuluyan dahil ang gwapo nitong mukha ay balot ng dilim pati na ang mga mata.
Kapag sinuntok siya nito ay patay siya sigurado dahil ang laki-laki nitong tao.
Napapikit si Rissy nang biglang tumama ang gulugod niya sa isang matigas na bagay at nang kapain niya ay mesa na iyon.
“Nowhere to run? That’s precisely what’s going to happen at end of the day.” Anito pa pero kinakalkal niya ang isip kung anong gagawin.
Kinapa niya ang likuran at doon siya nakadampot ng gunting kaya walang pangingimi niyang itinutok dito. “Sige! Humakbang ka pa at papatayin kita!” pinandilatan niya ito ng mga mata.
Patawarin siya ng Diyos pero hindi naman niya gagawin. Tinatakot lang niya ang herodes na parang kakambal ni satanas sa pagkabalahura.
Sa pagkadismaya ng dalaga ay tumingin lang si Zale sa hawak niyang gunting. “Tsk, tsk, tsk, too bad. The kitty has nothing to hold against me.”
Pati siya ay napatingin din sa sarili niyang hawak at laking dismaya niya nang makita na pang-grade one ang gunting niya at wala pang metal.
Ngik!
Halos matutop niya ang bibig dahil kamuntik siyang mapahagikhik. Epic fail ang walang hiyang patay-p*****n acting niya. She bit her bottom lip to suppress her smile as her eyes became uneasy, too.
She glanced at him through her lashes and she found him looking at her face but immediately turned his back just like that.
Nalaglag ang mga panga ni Clarissa at pinahaba pa ang leeg para sundan ng tingin ang stepson na lumabas sa pintuan.
Anyari dun?
She looked at the scissor again and kissed it. “Thank you. You saved my life.” Naiiling niyang ibinalik ang gunting sa ibabaw ng mesa at tinapik-tapik pa niya.
Ang nagririgudon niyang puso ay kinalma niya. It’s so hard to act because she’s not an actress. Saka hindi naman yata siya sasaktan ni Zale, kung oo ay di sana kanina pa siya sinampal no’n dahil sa talas din ng bibig niya.
Nang lumabas siya sa walk in ay tumingin siya sa portrait ni Nick na nakasabit sa dingding. Surely he doesn’t want to see them fighting. Bakit naman nito ihahabilin ang anak sa kanya at ihahabilin siya sa anak kung gusto nito na nagbabangayan sila ni Zale?
“I don’t know what you want but I will try my best not to turn beasty when he’s around pero hanggang dalawang buwan lang ako, Papa. Pagkatapos no’n ibibigay ko na lahat ang mana sa kanya at aalis na ako rito. Alam ko na magbibigay si Attorney ng kumpletong breakdown ng lahat ng yaman mo pero hindi ako deserving na tumanggap no’n. Kahit alam kong kailangan ko, magkakaroon naman ako ng trabaho at doon na lang ako mag-uumpisa. Kahit iwan ko man itong mansyon na regalo mo, hindi ko iiwan ang kumpanya at doon pa rin ako magtatrabaho.” Ngumiti siya roon pero malungkot.
Zale is the exact opposite of Nick. Matapang ang asawa niya pero hindi bastos sa babae. He was so patient even when sometimes she’s acting so moody. Nangingiti na lang ‘yon kapag sinusungitan niya at isinusumpa niya na aurang-aura iyon ni Zale kapag tumitingin nang pailalim. Zale is just the younger version of Nick when it comes to looks but not when it comes to attitude.
Kinuha niya ang cardigan na nahulog sa sahig at saka niya isinuot. Kung kukwestyunin niya ay pwede niyang kunin ang ginagamit ni Zale na Lamborghini dahil nasa pinag-usapan nila na magpapaalam na muna iyon bago gumamit o gumastos ng kahit na ano pero hindi naman siya atribidang palaka. He was using it before they found out about the will and she’d not pay attention to it anymore. Besides, nasa pangalan ni Zale ang sasakyan na ‘yon at ang sasakyan na ginagamit ng Mang Juan niya ay sa kanya nakapangalan pati na ang gamit ng mga bodyguards na dalawang kotse.
Rissy grabbed her bag and ready to go back to the memorial chapel. Hindi niya alam kung bakit hindi na itinuloy ng lalaki ang tangkang pag-autospsy sa bangkay ng ama pero nagpapasalamat na rin siya na hindi ma masisira pa ang katawan ni Nick.
Para ng sira ulo si Zale o baka abnormal nga ang takbo ng isip no’n dahil sa sobrang talino.
Lumabas siya ng kwarto at inayos ang buhok habang naglalakad sa kabuuan ng ikatlong palapag ng mansyon. Nakita niyang lumabas din si Zale sa isang kwarto na inuukupa nito at noon lang niya nalaman na hindi sa guest room sa second floor tumutuloy ang impakto.
Hindi niya ito tinapunan ni sulyap man lang at tahasan niya lang na nilagpasan.
His mind is as dirty as the corpses he examines. Contaminated na yata ang utak nito ng bacteria para pagbintangan siya ng kung anu-ano. It’s funny but in movies, the stepmothers are the evil ones who oppress the stepdaughters or stepsons, like her case with her stepmother but the exact opposite of her ralationship with Zale. Siya ang inaapi ng impakto at mabuti na lang palaban na siya at hindi na lang basta iyakin.
Tutuloy na sana siya sa hagdan para bumaba nang tumunog naman ang lift at iniluwal no’n ang humahangos na si Yngrid. Nag-elevator na, humahangos pa.
“Rissy, i-iyong madrasta mo, n-nasa baba.” Imporma nito kaya nangunot ang noo niya.
“Ano na naman daw?”
“Kailangan daw niya ng pera kasi ooperahan daw iyong anak niya sa appendix.” Imporma niyon sa kanya.
“Si Bethany?”
“O-Oo, Bethany nga ang sabi. Iyong bata na babae.”
Wala namang ibang anak ang madrasta niya sa bagong asawa kaya si Bethany na nga iyon. Lilimang taon pa lang ang batang babae at kahit na gustuhin man niyang mag-alburuto sa inis ay hindi niya magawa. Bata ang nakasalalay kung sakaling tatalikod siya at hindi niya iyon masisikmura.
“Nand’yan din iyong tiyo mo.” Dagdag pa ni Yngrid kaya lalong nahulog ang mga panga ni Clarissa.
“Bakit magpapaopera rin daw siya? Ako na kamo ang mag-oopera at sisiguruhin kong walang laman loob na matitira.” Inis sa sagot niya kaya natawa ang babae.
“It seems like you have a very responsible family members huh…responsible when asking for help. What are you now, Clarissa, a charitable institution?” Nakakinsultong palatak ni Zale kaya nagkatinginan na lang sila ni Yngrid. “Are you funding your whole clan using my father’s money, the money that’s supposed to be mine?”
She swallowed. Nilamon siya ng hiya sa kinatatayuan niya dahilan para manigas siya at hindi makapagsalita. Akala ba nito ay gusto niya na ganoon parati ang sitwasyon niya? Akala ba nito ay sige na lang siya nang sige?
Kaya niyang tiisin ang tiyo niya at madrasta pero hindi si Bethany.
“Huwag kang mag-alala dahil hindi ako kukuha sa kwarta mo.” Iyon lang ang isinagot ni Rissy bago siya tuluyang tumalikod.
Uutang na muna siya kay Kat ng pera at babayaran na lang niya, total naman pagkalibing ni Nick ay magta-trabaho na siya sa kumpanya. Doon wala ng pakialam si Zale dahil kahit na isang sentimo ay paghihirapan niya at pagtatrabahuhan na makuha.
Pagkababa niya ay halos sabay pang napatigil sa paglaklak ng juice ang dalawa at halos nag-uunahan din na lumapit sa kanya na ang tingin yata sa kanya ay naglalakad na kwarta. And to her dismay, the elevator tings and Zale stepped out from it.
Nanadya talaga itong tumayo sa may pader at sumandal pa na parang manonood ng palabas sa TV.
Nakanganga ang Tita Lali niya habang nakatingin sa binata. Sige titig at pagnag-ala demonyo ‘yan kakaripas ka ng takbo. Anang pilya niyang isip.
“Ano pong kailangan niyo?” ani Rissy sa dalawa at parang natauhan ang madrasta niya na sa isang iglap ay bumalik sa reyalidad.
Sabay na nagsalita ang dalawa tapos ay sabay din na nagkatinginan. “Ako na muna.” Anang tiyuhin niya na kapatid ng Mama niya.
“Ako na muna kasi mas importante ito.” Anaman ng babae.
“Ako muna.” Giit naman ng lalaki kaya parang sumakit na kaagad ang ulo ng dalaga.
“Kung sino ang naunang dumating, ‘yon na muna para walang away. Please naman po, babalik pa ako sa St. Therese dahil walang kasama roon si Nick.”
“B-Bukas na lang kami darating para makipaglibing.” Namimilipit na sagot naman ni Lali kaya naipag-krus lang ni Rissy ang mga braso sa dibdib.
“Gusto niyo sumama na kayo sa libing.” Pasimpleng bulong niya.
“A-Ano? M-May sinabi ka?”
“Ah!” she snapped. “I said 10:00 AM ang libing.” She mentally rolled her eyes. “Anong kailangan niyo, Tita?” tamad na tanong niya pa.
“Eh, hihingi sana ako ng tulong kasi iyong kapatid mo nasa ospital na. Ooperahan sa appendix kasi parating sumasakit ang tiyan. Naka-confine na siya kaya lang ay iniisip ko pa ang gastusin. Hindi naman sapat ‘yong kita ng Papa niya sa construction.” Maluha-luha ang mga mata nito kaya naman kahit paano ay naawa siya, hindi rito kung hindi kay Bethany.
Madalas noon na gamitin ni Lali ang bata para makahingi ng tulong kay Nick dahil giliw na giliw naman ang isa na magkaroon daw ng apo pero sa kasamaang palad ay hindi man lang nabigyan ni Zale kahit na isa.
“Sinabi ko na kasi sa inyo Tita na huwag niyong gagamitin si Bethany para makakuha ng pera. Madalas niyo pang sabihin noon kay Nick na may sakit ang bata kahit wala naman o di ngayon nagkatotoo na.” sermon niya.
Nabubwisit kasi siya sa ugali nito na kayang ipagsinungaling at gawing sangkalan ang kalusugan ng tao kahit hindi naman totoo.
“Sinisermonan mo ba ako?! May ibang tao tapos sesermonan mo ako. Napakawalang galang mong bata porke at nakapag-asawa ka ng mayaman.” Galit pang sagot nito sa kanya at agad na mala-Maleficent ang korte ng kilay at talim ng mga mata.
“Hindi ko ho pera ang ibinibigay sa inyo ng asawa ko dati, pera niya. Wala pa naman akong trabaho pero kung makahingi kayo daig ko pa ang bangko. Pero huwag kayong mag-alala dahil makikisuyo ako doon sa asawa ng kaibigan ko at papupuntahin ko sa PGH.” Balewalang sagot niya.
“Hindi sa PGH. Sa Manila Doctor’s Hosp—”
“Ano?” marahas niyang kinamot ang ulo. “Doon niyo dinala si Bethany? Tita naman, saan naman ako kukuha ng pambayad doon?” mangiyak-ngiyak na siya dahil baka kulang pa ang unang isang buwan na sweldo niya sa LCI na pambayad sa operasyon.”
“Mayaman ka na. Huwag mo na akong paikutin na wala kang pera. Noong namatay ang nanay mo tandaan mo na ako ang nagpalamon sa’yo.” Halos duruin pa siya ng babae at sobrang kapal talaga nito. Parang mas importante pa rito ang pera na makukulimbat sa kanya kaysa sa anak na maooperahan.
Anong pinakain niyo, sardinas at tuyo, nilagang kangkong o kaya nilagang petchay? Paulit-ulit na ganoon na lang tapos ay kapag hihingi siya ng baon dahil nagtatrabaho naman ang Papa niya, galit na galit pa ito at pinipingot saka kinukurot pa siya.
Sa sobrang bait niya ay umiiyak na lang siya at hindi na nagsusumbong. Kapag nakikita ng Papa niya na may pasa siya sa braso, sabi na lang niya kinurot siya ng engkanto kasi ganoon naman ang sabi ng Mama niya noon na nakatira pa sila sa probinsya, kapag may pasa raw siya at hindi niya alam kung saan galing ay kurot daw iyon ng mga laman lupa. Now she’s old enough to understand things further though she believes in those creepy things, mostly bruises are sign of something that is happening inside her body. Katulad ng mga pasa niya noong makapag-asawa ulit ang Papa niya ay kurot ng laman tao naman ang dahilan at hindi laman lupa.
Kung sabagay ay mukhang laman lupa naman ang madrasta niya.
“Huwag niyo na po akong sermonan, Tita. Ipaaabot ko na lang po ang tulong ko pero hindi ko ho maipapangako na mababayaran ko ho lahat. Wala na ho si Nick at—”
“At gusto niyang patunayan na hindi siya kasing kapal katulad ng iniisip ko.” Zale interjected.
Napatingin doon parehas ang tiyo niya at si Lali.
“Her life isn’t like a life of a princess now. I am the sole heir of my father o sa madaling salita, ako ang kaisa-isang tagapagmana. Hindi niya maiaabot ang tulong na gusto niyo dahil nasaan naman ang hiya niya, di ba?” patuloy pa ng binata na hindi nilingon ni Rissy.
Parehas na nawalan ng salita ang dalawang kaharap niya at siya ay bagama’t nanliliit ay gusto niya itong pompyangin ng kaserola.
“Totoo ho ‘yon.” Taas noong sagot ni Rissy.
“Ah, CPA na siya at doon naman kami hihingi sa sweldo niya.” Alibi naman ng babae.
“Better to be fair.” Kaswal na sagot ni Zale at nang saglit niya itong lingunin ay nakasandal pa rin ito sa pader at matamang nakamasid sa kanya—sa hita niya.
“Ikaw tiyo, a-anong kailangan niyo?” baling naman niya sa lalaki na kaisa-isa namang kapatid ng ina niya.
“S-Si Joshua, nahuli ng pulis na nagtutulak ng m*******a. Wala akong pampyansa.” Walang kagatol-gatol na sagot ng lalaki na ikinalaki ng mga mata niya.
“Pyansa? m*******a? Diyos ko naman tiyo Jordan! Desi nueve lang si Joshua! Wala na nga ho kayong ginagawa sa buhay niyo, hindi niyo pa mabantayan ‘yong pinsan ko!” namiyok siya sa sobrang inis. Mangiyak-ngiyak na siya dahil sa ipinapasa ng mga ito na problema sa balikat niya.
Natutop niya ang noo at napapikit. She doesn’t know what to do anymore. If Nick is beside her, she won’t cry. Malakas ang loob niya kung buhay iyon pero wala na ang kaisa-isang lalaking naging sandigan niya sa tuwing pinanghihinaan siya ng loob.
“Wala akong maitutulong sa’yo, tiyo. Pasensya na pero hindi ko kukunsintihin ang ganyan na gawain ni Joshua! Ano bang ginagawa niyo sa buhay niyo? Nakaburol pa ang asawa ko pero nandito kayo at nagpapatong ng problema sa balikat ko. Maawa naman kayo sa akin. Wala na nga akong dangal o!” she started to sob. “Ipinagbili ko na sa isang bilyonaryo. Ipinagbili niyo na ako, di ba? Ano pa? Gusto niyo ibenta ako ulit sa mayamang lalaki na naman dahil balo na ako?!” Umiiyak na napa-walk out na lang siya sa sobrang pagkabwisit.
She’s not always a winner and the most disgusting fact is that she’s not a winner when it comes to her own family. She has no family anyway. Gatasang baka yata ang tingin ng mga kapamilya niya sa kanya. Sana nga nagpabuntis na lang siya kay Nick para naman may naiwan sa kanyang anak kaya lang parehas yata silang masusuka dahil hindi naman mag-asawa ang tingin nila sa isa’t isa talaga.
Tuluyan siyang sumakay sa kotse at isang tingin na lang ang iniwan niya sa mga iyon pero laking pagkadismaya niya nang makita niyang nakatayo rin si Zale sa may pintuan, nakatingin sa sasakyan niya.
It’s time for that man to rejoice. Is he happy now, seeing her cry?
Lumuluhang tumungo na lang siya para iiwas ang mukha. Siya na ang nasumbatan. Siya pa ang umiiyak at siya pa rin ang namomroblema. Kahit na gusto niyang balewalain ay pamilya niya pa rin ang mga taong iyon na minsan naman yata ay hindi siya itinuring na kapamilya kapag walang kailangan sa kanya.