bc

Unfavorable Love

book_age18+
17.5K
FOLLOW
94.2K
READ
arrogant
manipulative
sensitive
sweet
bxg
lighthearted
enimies to lovers
sassy
virgin
naive
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa kagustuhan ni Clarissa na makapagpatuloy ng pag-aaral ay tinanggap niya ang alok ng isang kostumer niya sa pinagtatrabahuhang salon. Ang alok ng isang matandang FBI agent na giliw na giliw sa kanya. Kwela kasi siyang babae at bilang sa daliri ang hindi nadadala sa kanyang karisma. At sa swerte ay naalok siya ng matanda na maging asawa.

Naging praktikal siya, isa pa ay hindi na rin siya makakatanggi dahil kinuha na ng madrasta niya ang paunang bayad ng matanda. Gusto lang naman daw noon na may makasama sa bahay dahil mag-isa na lang sa buhay. Hindi na siya nakapag-isip pa dahil nauna na nga siyang ibenta ng kanyang wicked stepmother na mukhang kwarta.

Pero nagulantang ang masaya niyang mundo sa mansyon nang dumating kaisa-isang tagapagmana ng Señor, matapobre, matalim ang dila, matalim ang mga mata, mayabang, matigas ang puso at higit sa lahat walang pagmamahal sa sariling ama. Alin pa kaya ang matalim at matigas sa walang hiya?

At siya bilang lukaret na stepmother na rin ay napag-utusan ng kanyang asawa na kastiguhin ang anak nila sa pamamaraan na alam niya noong nabubuhay pa ito. Ibinigay lahat sa kanya ng matanda ang kapangyarihan, yaman at pagdedesisyon na magtatali sa kanila ni Zale Lerandi sa loob ng dalawang buwan sa ilalim ng iisang bubong. Pero paano naman niya kakastiguhin kung di hamak naman na mas matanda pa sa kanya ng halos mahigit na isang dekada ang lalaki?

Oh mahabaging langit! Anong parusa naman iyon kapalit ng kanyang bilyon?

Ang masaklap pa ay binabastos siya nito nang harapan sa kabila ng kagustuhan na makamkam ang lahat ng mana na iniwan ng ama dahil wala raw dapat na itira ni singkong duling sa isang gold digger at mababang babae na katulad niya.

chap-preview
Free preview
Prologue
Umaagos ang mga luha ni Clarissa habang nakatingin sa walang buhay na katawan ng mister niya sa ospital. Limang oras na lang ang itinagal nito at nakasama niya sa loob ng ICU kung saan sa pinakahuling sandali ay hiniling pa na makapasok siya roon at mayakap. They don't love each other, or maybe if they do, it's a fatherly and daughterly love. Iginalang siya nito sa halos isang taon na nagsama sila bilang mag-asawa at sa susunod na linggo ay anniversary sana nila. Iyon pala ay malala na ang sakit nito sa puso at may autoimmune disease pa. Nagpapagamot ito na hindi niya namamalayan dahil sa tuwing lumalabas ng bansa ay hindi naman siya kasama. He hid it and the last minute, he told her. He never wanted her to worry because he had plans for her which she'd discover one day. Hindi niya alam kung ano iyon basta kung anuman ay susunod siya at gagawin niya lahat ng kahilingan nito. Masasabi niya na napasaya naman niya ito dahil parati silang magkasama na namamasyal at palagian din ang pagngiti nito noong mga huling araw. And the last thing she announced was about the CPA board exam. She passed it and she's now a certified public accountant. Ang ngiti nito ay nauwi sa pagngiwi at paghawak sa dibdib kaya may parte sa puso niya ang parang nagsisisi dahil baka nasobrahan ito sa kasiyahan kaya inatake. “Salamat sa lahat, Papa.” Pumikit ang dalaga at yumukod. Idinikit niya ang noo sa pisngi ng matandang don at umiyak doon. Hindi na niya alam kung ano pa ang gagawin niya sa buhay at kung paano pa niya tatahakin ang landas niya nang matuwid. Nicanor has been her mentor. Ito ang naging liwanag niya sa mga panahon na hirap siya at hindi alam kung saan pa pupunta. Nag-aaral siya pero halos masira ang lahat dahil sa madrasta niyang mukhang pera pero nang maikasal siya sa matandang lalaki sa huwes ay nagbago ang takbo ng lahat. Kumakain siya ng tama, nakapag-focus sa pag-aaral dahil hindi na niya kailangan pang magtrabaho bilang side line. He ordered her to study and there's nothing that she had to do but to obey. She didn't even have to wash her clothes because the maids did it for her. Tumaas ang mga marka niya at nakapag-graduate pa na c*m laude. At ang sunod naman sana nitong plano sa kanya ay mag-aral siya ng law na susundin pa rin niya kahit wala na ito. “I promise you that I would still fulfill all your dreams for me. I will miss you, Pa. You've been a true father than a true husband.” tumulo ang luha niya nang tingnan niya ang mukha nito at hinaplos niya. She even kissed the man's forehead and if she will decide, she doesn't want to pull the sheet to cover her old husband's face―the face of real man, very gentle and kind, and so intelligent, too. “I love you. Until we meet again.” humihikbing bulong niya bago siya humakbang ng isa papaatras para bigyan ng pagkakataon ang nurse na takpan ang mukha nito. Hindi kaya ni Clarissa. Pakiramdam niya ay pariwara na naman siya at ang tanging natitirang karamay ay sina Kat lang at Psyche. She watched those people as they cover and pushed the bed to the morgue while her tears can’t be contained, having that heaviness inside her heart―mourning for the loss of her beloved husband. Siya ay nagluluksa na pero ang kaisa-isang anak ni Nicanor na si Zale Llerandi ay hindi pa rin makontak. Anong silbi na naging Llerandi ang hinayupak na’ yon kung isang dakilang pabayang anak naman at wala man lang siyang natandaan na nakausap iyon ni Nick kahit na minsan? Patay na ang ama ay nabubulok pa rin yata sa Washington ang lalaki na puro lang kagwapuhan pero wala naman yatang puso.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Imperious (COMPLETED)

read
131.8K
bc

Perfect Withstander

read
110.1K
bc

Senorita

read
13.2K
bc

SPELLBOUND - Masked Bachelors 1

read
81.7K
bc

Withholding Love

read
62.3K
bc

Mafia Boss: Gunner Mondego (Filipino)

read
309.3K
bc

The Greek Badass' Addiction

read
58.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook