Chapter 2
ZALE
He remained sitting inside his car for a long while, staring at the memorial chapel where his father’s corpse was laid for lamentation. The whole chapel was surrounded by lights and luxury cars and Zale could vividly see the bluish glass casket through the glass doors.
Tatlong araw na simula nang makatanggap siya ng tawag sa pinsan na si Lycca at hindi niya alam kung bakit hindi siya umiiyak pero mabigat ang dibdib niya. He remembered his mother and all the things that happened between his parents came back like they just happened yesterday. His father brought the entire Prieto clan down and he swore that if he could change his family name and drop the Llrerandi, he definitely did it long time ago.
Ayos na sana ang lahat para sa kanya pero nabalitaan niya noong nakaraang taon lang na nag-asawa ng batam-batang babae ang ama niya at nang makita niya sa internet ay bente anyos lang iyon at maganda kaya tumubo ulit ang matinding hinanakit niya. Nick really buried his mother just like that. Gold digger ang tawag ng madla sa bagong asawa ng ama niya dahil ginamit ang karisma para mauto lang iyon. Zale hated his father again and totally didn’t open his door for reconciliation. Kung nagawa niyang gawing patay na buhay ang ama niya simula noong bata pa siya, inulit niya iyon noong nakaraang taon lang.
And now the old wicked and mighty retired FBI agent is gone. The man who killed his mother is dead. He should be happy by now but why he can’t feel satisfaction? Bakit pakiramdam niya ay kulang pa rin iyon sa pagkamatay ng Mommy niya? At bakit may pakiramdam siya na pinatay ang Daddy niya ng bagong asawa para makamkam ang yaman nila?
Hindi siya papayag na basta na lang ganoon. Kahit na napuno ng galit at hinanakit ang dibdib niya para sa matandang lalaki, hindi pa rin siya papayag na basta na lang iyon patayin ng isang babaeng katulad ng madrasta niya. How come he’s a pathologist if he can’t figure out or diagnose the real cause of his father’s death? There could be something more than just a heart attack. The woman could be poisoning his Dad little by little for the past year the two had been together.
“Hey handsome, are we just going to stay here for the rest of our lives?” Nakangiting tanong ni Twilight sa kanya at maharot pang nilaro-laro ang buhok niya.
His girlfriend came with him because she’s also on leave. Isa rin itong Filipina na may dugong Russian at duktor din sa parehong branch ng gobyerno na pinagta-trabahuhan niya sa Virginia. She’s an anthropologist while he’s a senior Scientist and a forensic doctor.Zale
heaved a sigh and curtly opened the door of the newest Lamborghini model inside his garage. Ipinagbukas niya ng pinto si Twilight at malambing naman itong humawak sa braso niya habang bitbit sa isang kamay ang basket ng bulaklak na ilalagay daw nito sa ibabaw ng kabaong ng Daddy niya.
He looked at his girlfriend and even kissed the woman on her lips. Tuloy-tuloy silang pumasok sa chapel na automatic naman na bumukas ang pinto nang tumapat sila roon.
They’ve got everybody’s attention but he never even threw a simple smile at his family members.
“Kuya,” si Lycca ang nakangiting sumalubong at yumakap kaagad sa kanya kaya kahit naman bato siya ay hindi niya natiis ang pinsan na mas bata sa kanya ng dalawang taon kaya nginitian niya ang dalaga at ginantihan ng yakap.
“It’s been long since we saw each other in L.A.” sinuri siya nito ng tingin at hinagod ang mga braso niya.
“Yes but I guess you’re the only person here who’s happy to see me. Did somebody already take my place?” pasimple niyang iginala ang paningin at mga dating mukha naman ng mga Llerandi ang nakikita niya hanggang sa mapadako ang mga mata niya sa isang babaeng nakaupo sa beanbag at natutulog.
“Nagulat lang sila da―” naputol ang sinasabi ni Lycca dahil napatunganga siya.
Zale knitted his brows and scrutinized the woman. Nakaitim iyon na bestida na napakaikli sa tingin niya dahil labas na labas ang hita no’n na mamula-mula. She’s in black boots, too. Her hair is brown that barely passed her shoulders, shining under the lights of the chapel. Natutulog iyon sa tabi ng salaming ataol ng ama niya.
“Ahm―she’s Rissy.” Ani ng pinsan niya kaya umigting nang tuluyan ang mga panga niya.
“Zale, come here son!” Paypay ng Tito David niya sa kanya na ama ni Lycca. Nasa harap iyon ng isang malaking mesa kasama ang mga pinsan niyang lalaki at iba pa niyang tiyuhin.
He took his steps forward but his eyes went back to the black lady, cursing underneath his breath.
Damn now! Such a d**k teaser and this is the tactic you used to my father, huh?
Malademonyo ang naging ngisi niya sa isip pero insulto ang ibig sabihin no’n. His father’s wife is damn exposing herself to all the Llerandi men.
“Zale? Ikaw na ba ‘yan iho?” Anang boses ng isang may edad na babae na lumabas mula sa isang parte ng chapel, tulak ang isang cart na may mga pagkain.
Nangunot ulit ang noo niya nang mapagsino iyon, si Helga.
“Manang?”
“Aba oo! Hasus, ang pogi ng alaga ko.” Napatalon ang matanda at sinalubong siya ng yakap. Nagawa pa siya nitong haplusin sa panga, tapos ay tumingin sa girlfriend niya.
“Ahm…” naalangan bigla ang matanda at tumikal sa kanya. “M-Maupo kayo. M-May kasama ka pala.” Anito kaya naman marahan niyang hinila si Twilight papalapit sa mesa ng mga kapamilya niya.
Wala siyang imik kahit na nag-umpisa siyang yakapin ng mga pinsan niya at tiyuhin. Nakapako ang atensyon niya sa babaeng natutulog at nakatakip ang buhok sa may mukha.
That face is angelic, as far as he could remember a year ago. How beautiful is the b***h right now?
Lumapit doon si Helga at marahan na inalog sa balikat habang nakatingin pa rin siya at sumasagot sa mga pangangamusta ng tiyuhin niya.
Pupungas-pungas ang babae na tumingin sa katulong at para iyong bata na inayusan ng buhok ni Helga.
May sinabi roon ang matanda at kapagkuwan ay pumihit ang ulo ng asawa ng ama niya at tumingin sa gawi niya.
Zale move his eyes, studying the young angelic face of the woman. She has puffy eyes behind her glasses and those brown eyes are quite beautiful, too and kind but after a few seconds, those eyes burned fire. Kung gaano kasama ang titig niya roon ay triple yata ang isinukli no’n at nagawa pa siyang irapan.
Bulshit! Nobody sneers at him; especially a b***h.
Tumayo iyon at kaswal na ibinaba nang kaunti ang bestida na parang lagpas lang sa may pwet. Tumingin ang babae sa bangkay at hinaplos ang salamin habang may ibinubulong yata sa ama niya.
“Excuse me, for a while.” Paalam niya sa mga Llerandi na nagkatinginan at parang hindi sang-ayon sa pagtayo niya.
“Zale, hijo,” anang Tito Daniel niya. “Your father won’t be happy if you will fight with his beloved wife.” Pauna na niyon pero napangisi siya.
He won’t bow down on them. He’s the son and he has all the rights to do whatever he wants.
“I will just look at my father, Tito. Please relax.” buo ang boses na sagot niya at wala siyang pasintabi na tumalikod na.
Iniwan niya ang girlfriend na nakaupo roon at kausap si Lycca.
Kaswal siyang tumayo sa tabi ng madrasta niya kaya napatigil ang babae sa pagsasalita. Tiningnan niya ang mukha ng ama niya. Taon ang binilang na hindi sila nagkita pero parang hindi iyon tumanda.
Bayad na ba ito sa pagpatay sa Mommy niya? Baka…
Mabigat ang loob niya pero tanggap niya at ganoon niya lang kadaling natanggap. Ang hindi niya matanggap ay ang mga kaisipan na gumugulo sa kanya tungkol sa asawa nitong dekada yata ang pagiging bata kaysa sa kanya.
Wala itong imik habang hinahaplos ang salamin at alam niyang nagpapakiramdaman silang dalawa.
Zale cleared his throat and pursed his lips. “You must be the wife.” Sarkastikong turan niya at tango ang nakuha niyang sagot.
“I am the second wife.” She said without batting him an eye.
May pagkabastos din pala ang babae at hindi niya alam kung saang club ito napulot ng Daddy niya.
“Precisely because my Mom is the first wife. How stubborn fate really is. He killed my Mom and now he’s killed by his woman.” Maanghang na palatak niya at sinundan iyon ng makainsultong pagtaas ng sulok ng kanyang labi nang marahas itong pumihit papaharap sa kanya.
“If I were you, you will shut that filthy mouth before you get a slap. Ang kapal naman ng mukha mo na pumunta sa burol ng asawa ko para lang sa walang katuturan mong mga bintang. Kung wala kang sasabihin na maganda bukas ang pintuan at makakaalis ka na.” Gigil na sabi nito at itinuro ang daan papalabas pero umigkas ang panga niya.
“You tell the same thing to yourself, woman. I will never ever let you get away with this.” He warned her but she just tearfully smirked and crossed her arms over her chest.
“Good luck and die with what you believe.” Mataray itong tumalikod kaya lalo lang na kumulo ang dugo niya sa galit.
Tumingin siya sa mga kapamilya niya na parang mga namumutla sa kinauupuan at halatang pinagmamasdan sila ng babaeng katabi niya.
Now he feels being islolated. Lahat ba ng miyembro ng angkan niya ay nalinlang na ng babaeng pinakasalan ng ama niya? It seems like she’s ruling the world, the Llerandi world, the entire clan. Kahit na matagal siyang nawala, dapat ay nasa kanya ang simpatya ng mga ito at wala sa isang babaeng sampid lang at kung saan-saan lang pinulot.
“Hi there.” Ani Twilight at yumakap sa braso ni Zale.
Pati ang paglapit nito ay hindi na niya naramdaman dahil busy siya sa pagpatay sa tingin sa nakatalikod niyang madrasta.
Tumingin naman si Rissy sa girlfriend niya at kung gaano katalim ang mga mata sa pagtingin sa kanya ay ganoon naman kaamo rito.
“For Dad.” Twilight smiled and placed the basket of flowers on the casket.
Doon na tumalim ang mga mata nito at gumalaw ang mga panga. “If I were you, I’ll remove that.”
“Let it rest there.” Sagot naman niya at hindi niya in-expect na dadamputin iyon ni Rissy at itatapon sa sahig.
“What the f**k!” Galit na singhal niya rito pero para itong tigre na lalong tumapang ang mukha habang lumuluha.
“What the f**k ka rin! Huwag kayong umasta na bisita rito dahil kahit ilang milyong bulaklak o korona ng patay ang dalahin mo, kulang pa ‘yan sa ginawa mong pagtiis kay Nick! Kung mana ang ipinunta mo, huwag kang mag-alala dahil lahat ‘yon sa’yo mapupunta! Makakaalis ka na at isama mo ang babae mong basura!” Pinukol din nito ng masamang tingin si Twilight na agad naman na umalma.
“What did you just say? You’re a b***h! I am a an Anthropologist and not a trash! My God! You just married an old man with high credentials, then you’re acting like a woman of high credentials, too? People. Psh.” Papairap na inorolyo ni Twilight ang mga mata pero malakas na sampal ang dumapo sa pisngi nito kaya agad niyang naitago sa likuran niya at siya ang humarap sa madrasta niya.
Pathetic!
“You shut the f**k!” he shouted at Rissy when Twilight began to cry.
“Zale!” saway ng Tito Zeus niya sa kanya dahil talagang kaunti na lang ay nagdidilim na ang paningin niya at baka masaktan din niya ang babaeng nasa harap niya.
“Now I see how Nick differs from his son.” walang takot na sabi ni Rissy sa kanya sa kabila ng galit niyang mukha. “He’s a man of values while you’re not.” she added calmly and turned her back, looking at the casket again.
Pinahid nito ang luha at hinaplos ulit ang kabaong.
“Were not done yet.” mariin na banta niya rito pero wala itong pakialam sa kanya at ramdam niya iyon.
“Do whatever you want but about his burial, I will decide because I am his wife who had been there for him the last minute of his life. Where were you back then?” painsultong tanong nito sa kanya.
“Don’t give me that s**t. You’re just his second wife while I am his son.”
Muling humarap si Rissy sa kanya na puno ng luha ang mga mata. “Did you ever make him feel that you’re his son? Don’t give a s**t, too. Ask yourself first if you ever became his son before you speak to me that way because not even Nick ever did. Bastos.”
Zale smirk devilishly and that’s the time her face looks afraid.
Hindi siya ganoong bumastos ng babae dahil kung binabastos na niya ito ay baka kung ano na ang nahipo niya sa katawan nito.
Wala siyang imik na umalis sa may tabi ni Rissy at akbay si Twilight na nahalikan pa niya sa sentido.
Ibinalik niya ito sa umpukan ng mga Llerandi at ang Tito David niya ang tumayo sa tatlo niyang mga tiyuhin.
“Your Dad won’t be happy seeing this, Zale. He won’t be happy. I swear. He loves Rissy and―”
“And he loves her more than me.” sarkastiko niyang sagot. “I get it. You need not to elaborate it, Tito. Go ahead. Pamper the gold digger.” He beckoned his hand; showing the girl.
Girl… his stepmother looks like a real teenager yet her mouth is so sarcastic and speaks like she knows eveything, like she’s above him.
Umiling si David at talagang lumapit kay Rissy. Inakbayan niyon ang babae na umiyak naman sa dibdib ng may edad na lalaki. Ilang lalaki pa kaya sa angkan niya ang nilalandi ng babae?
“She’s a real bitch.” bulong ni Twilight sa kanya at humilig ang babae sa balikat niya kaya nahaplos naman niya ang pisngi nito na nasampal kanina.
“I’m sorry to interrupt but she’s not a b***h. If you will get to know her better, you’ll see how kind she is that’s why I don’t even wonder why Tito Nick married her.” mabilis na sagot ni Lycca pero parang kausap lamang ang sarili.
Tumingin ang binata sa pinsan na tinutusok-tusok ang beef curry. Mukhang nakuha na talaga ng babae ang loob ng lahat ng tao. Parang ang lahat ay kampi na roon kaysa sa kanya.
“Huwag niyong pag-awayan ang patay. Patahimikin niyo naman ang kaluluwa ng Daddy mo, Zale. You’re too old than her though she’s your father’s wife. She’s just twenty-one for Jesus’ sake and you must control your temper as well as your mouth. Saka na kayo magtalo kapag nailibing na si kuya Nick.” Anaman ng Tito Zeus niya habang kaswal lang na binubusiklat ang mga baraha.
Zale feels the coldness of the people around him and he just killed his heart at that very moment. Kahit na ang katulong na nag-alaga sa kanya ay nakaagapay sa babaeng pinakasalan ng Daddy niya.
Muli siyang napatingin kay Rissy nang iwan ng Tito David niya sa may casket. Ang kamay nito ay humahaplos nang masuyo sa salamin at bahagya pang nakabaluktot na para bang buhay ang ama niya na kaharap lang nito.
Great deceiver.
Napapailing na nadampot ni Zale ang baso ng alak at tinungga niya iyon. He couldn’t believe that all his relatives would act normally like he never left for a decade or more. Parang balewala na sa mga ito ang presensya niya at pakiramdam niya ay walang pakialam ang mga ito kung umuwi man siya o hindi.
“Stay here.” bulong niya kay Twilight nang balakin niya na tumayo ulit.
He moved forward; closer to where Rissy stands. Wala siyang imik na tumindig lang at tiningnan sa malapitan ang mukha ng ama niya pero mabilis na tumalikod ang madrasta niya at iniwan siya roon na mag-isa.
She’s stubborn and surely his Dad made her that. Nagkatubig ang mga mata ni Zale nang magtagal siya sa pagkakatitig sa mukha ng ama niya.
The real score is that he could barely remember the times he spent with his father. Wala nga siyang makapa sa memorya niya kung hindi ang pagpatay nito sa sarili niyang ina. That’s all he knew and nothing more…and he had lived with it.