Chapter 1

2899 Words
Chapter 1 RISSY   “Rissy, kumain ka  na iha. Kagabi ka pa walang kain. Baka naman magkasakit ka na niyan.” alok ni Helga kay Clarissa habang bitbit ng may edad na babae ang tray ng pagkain pero umiling lang siya habang nakaupo sa mahabang upuan ng sa loob ng St. Therese Memorial Chapel. Nakatingin siya sa salaming ataol ni Nick at maya’t maya ang pagluha. Ikalawang araw ng burol at hinihintay ng lahat ang pagdating ng unico hijo ng don. Nakausap na iyon ni Lycca noong nakaraang araw at hindi na siya nag-usisa pa ng kung anong pinag-usapan ng magpinsan. She decided not to talk to that man because she didn’t want to. Ayaw niyang magpaka-plastic at magkunwaring mabait siyang madrasta kaya ang ate Lycca niya ang inutusan niya na tumawag at kumausap kay Zale. Wala rin siyang pakialam sa balahura na ‘yon na ni anino ay hindi man lang niya nasulyapan sa halos isang taon na mag-asawa sila ni Nicanor. Walang nagsabi sa kanya kung anong problema ng mag-ama pero alam niyang malala iyon. Sino naman bang anak ang makakatiis sa ama na mag-isa sa buhay at kahit na kausapin sa cellphone ay hindi man lang? “Kumain ka na. Magkakasakit ka na niyan.” Hinagod ni Catharine ang likod niya pero tumulo lang ang luha ni Rissy. She starts to cry again and puts her head on her best friend’s shoulder. Kahit na buo ang angkan ng mga Llerandi at hindi niya inasahan ang init ng pagdamay ng mga pinsan ni Nick sa kanya ay hindi pa rin siya masaya. Desi otso pa lang siya at parehas silang naghihirap nina Catharine at Psyche, costumer na niya si Nicanor sa salon kung saan iyon palaging nagpapamasahe. It was not a posh salon but the old man regulary came for a visit. Hindi niya kailanman tiningnan ang concern niyon na isang masamang bagay. Noon pa man ay anak ang turing sa kanya ng lalaki kaya hindi rin halos niya malaman ang dahilan kung bakit siya no’n ginawang asawa. Ang sabi sa kanya ni Nick ay gusto siyang tulungan at iahon. Pera lang daw ang puhunan no’n pero sa kanya ang sikap at talino, pero alam niyang may mas malalim pang dahilan. Kung tutuusin ay matagal na talaga silang magkakilala dahil bente uno na siya ngayon. Ang alam niya ay si Nick ang umaresto sa sariling asawa sa krimen ng pagkakasangkot ng lolo ni Zale sa human trafficking at kasangkot din doon ang mismong ina ng binata. Every part of the story has been told to her and she believed it. There’s no reason for her not to believe him. The retired FBI agent told her everything except for one thing, his own son and she never asked about that guy. She’s the wife but she was not even in position to dig further about Zale’s personal informations. Ang alam lang niya sa lalaki ay isa iyong forensic doctor sa America. Malamang na related din iyon sa FBI o ibang mataas na agencies na humahawak ng pangmalawakang krimen pero wala siyang pakialam. “Clarissa, iha,” tawag ng pinsan ni Nick sa kanya kaya nag-angat siya ng ulo at tumingin sa lalaki. “Tito David,” pinahid niya ang luha at inayos ang upo. “Attorney Harden is here and he wants to talk to you.” inilapat ng lalaki ang kamay sa balikat niya at ngitian siya. Nasa tabi nga nito ang abogado ni Nick at kinamayan pa siya. Rissy shook her head and cried. “Ayoko pong makipag-usap muna. Pagkatapos na lang po ng libing ni Nick. Wala naman akong pakialam sa mana at ibigay niyo na lang po lahat sa anak niya. I’m just his wife and I don’t care.” tumingin ulit siya sa ataol kaya naidikit ni Kat ang noo sa ulo niya. “Tahan na.” alo pa nito pero sumasama na naman ang loob niya sa biglaan na pag-iwan ni Nick sa kanya. “You are not just his wife, Clarissa. You are his wife but if you don’t want to talk things right now, I understand. Mas mabuti nga siguro na nandito na si Zale kapag nag-usap tayo.” anang abogado sa kanya kaya tumango siya. Wala naman talaga siyang inaasahan na pamamanahan siya ng asawa niya. Sapat na sa kanya ang napag-aral siya, pinag-exam sa board kaya ngayon ay pinagkakaguluhan siya ng iba’t ibang malalaking kumpanya sa Pilipinas para maging isang accountant dahil na rin sa dinadala niyang apelyido na Llerandi pero buo na ang pasya niya na sa Llerandi Chain of Industries siya papasok para naman ang kumpanya na rin ng mister niya ang makikinabang sa napag-aralan niya. “Kung ano ho sa tingin niyo  Attorney ang dapat, ‘yon na lang po ang susundin ko pero sa ngayon, gusto ko munang magluksa para sa kanya.” she said with small sobs. “Naiintindihan ko. If Nick only sees you at this very moment, he’ll find out how lucky he is to have you as his young wife until the very end.” sagot pa ng abogado kaya ngumiti lang siya. Young daughter… sagot naman ng utak niya dahil iyon naman ang totoong turingan nilang dalawa. Nick never took advantage of her and their marriage. They never slept together and she was the one who always crossed the line, invading his peaceful nights of sleep. Nakikitulog siya sa kama niyon pero bilang mag-tatay lang at hindi mag-asawa. He never even kissed her on her lips even on their wedding day. Sinong hindi makakamiss doon? He’s so bossy when he talks to other people but he’s sweet when he’s talking to her. Ni minsan ay hindi siya niyon sinigawan at sa tuwing hihingi ng pera ang madrasta niya ay wala siyang narinig na salita mula roon. Nanliliit siya pero ni minsan ay hindi iyon ipinaramdam ni Nick sa kanya. The whole world is even chatting behind her back and called her gold digger but Rissy shut her ears to all those gossips. Siya naman ang nakakaalam ng totoo kaya wala siyang utang na dapat ipaliwanag sa mundo. Tinatagan niya ang sikmura sa mga iyon dahil pinili naman niya na pasukin ang mundo ng isang bilyonaryo. Kaya lang bakit hindi sa kanya ipinaalam ang pagkakasakit at pagpapagamot? Hindi man lang niya naalagaan ang lalaking nag-alaga sa kanya at nagbigay ng panibagong pag-asa sa buhay. “Salamat po, attorney, tito.” aniya sa dalawang matanda na tumalikod na rin maya-maya pa. Bumaling naman siya sa kaibigan na maghapon na yatang nasa tabi niya at kaninang magbabandang alas-singko ay dumating naman si Dark para sunduin na ito. “Baka uuwi na kayo. Alas diyes na.” aniya kay Kat na sumulyap naman sa suot na relo. “Will you be fine here? Wala si Psyche kaya mag-isa ka na naman. I know you have Tito Nick’s family but it’s still different if you have me and Psyche. Baka humagulhol ka na naman ng iyak pag-alis ko. Hinimatay ka na noong isang araw sa ospital, baka himatayin ka na naman.” medyo pasermon ang pagkakasabi ni Catharine sa kanya pero naiintindihan niya. Kat is just concerned. Para na silang magkakapatid dahil freshman pa lang sila ay magkakilala na sila at magkakaparehas ng estado sa buhay kaya yata magkakasundo rin. Masaya na itong namumuhay kasama ang sariling pamilya at kambal na anak habang siya ay wala ng anak, wala na ring asawa at wala na ring ama.Wala na sa kanyang natira kahit na ano at naaalala niya ang pagkamatay ng tunay niyang ama tapos ay agad naman na nag-asawa ang lintik niyang madrasta tapos ay ang lakas ng loob na humingi ng kwarta sa mister niya. Halos buong angkan na yata niya ang binuhay ni Nick habang mag-asawa sila kaya ang iba ay umasa na lang sa biyaya niyon at hindi na nakuhang magtrabaho at magbanat ng buto. Ang tiyo Jordan niya ay ibinili ng tricycle at ikinuha pa ng lisensya pero nang malaman nila ay isinanla na ang prangkisa tapos ay naremata na. Humihingi na naman iyon ng tulong kay Nick pero kinagalitan na niya ang asawa niya at siya na ang hindi pumayag na bigyan pa ‘yon. Ang isang beses na maabutan ng napakalaking tulong ay higit pa sa sapat kaya ang pabayaan iyon na mawala ay kalabisan na. “Don’t mind me. I will be okay. I won’t cry like that again.” aniya rito pero nanubig na kaagad ang mga mata niya. “Sinabi mo ‘yan ha. Ayokong maririnig kay Manang Helga na bumulagta ka na naman sa sahig. Kukutusin kita, Clarissa Hart Rayton Llerandi!” ipinakita nito ang mga daliri na handa siyang pitikin kaya napangiti siya kahit paano. “Oo. Sige na at gumagabi na masyado. Kawawa naman mga inaanak ko, sa kotse na natutulog.” Nagyakap pa silang dalawa at hinaplos pa si Rissy ni Catharine sa ulo. “Noong ako ang umiiyak, hindi niyo ako iniwan. Always remember that we will always have your back, ha. Be strong. Dapat mas tumatag ka pa kasi hindi mo alam kung anong klase ng unico hijo ang haharapin mo. I heard from Dark that Zale Llerandi was rebellious. There were issues from his family which made him put himself aside.” Umismid siya kaagad at galit ang mukha na tumingin sa ataol ni Nick. “Kahit na ilan pa ang sungay niya, wala akong pakialam. Sapat ng dahilan ang pagtalikod niya sa ama niya para masabi kong wala siyang kwenta. Dark almost had the same story but according to you, he kept his father by his side though he acted so cold. Ang lalaking ito na anak ni Papa ay hindi lang yelo sa pagka-cold, iceberg siya, mare. Naiintindihan mo?” Napahagikhik si Catharine kasabay ng pagtango. “O glacier nga yata at sana matibag mo.” “Gagamitan ko ng ice axe.” she joked. Natawa lang ulit ang kaibigan niya kaya naman nginitian niya ito. Gusto niya na bago man lang ito umalis ay maipakita niya na magiging okay din siya. Ayaw naman niya na magulo pa ang isip nito at problemahin pa ang kalagayan niya. “Alis na ako.” paalam ni Kat kay Rissy. “Ingat.” she nodded as she watched her friend go. Nang mapag-isa naman siya ay bigla na naman siyang nalungkot. She stood up and sat on her chair just beside the casket. It’s a beanbag which Hegla bought yesterday because she never wanted to leave Nick’s side. Naupo siya roon at hinaplos ang salaming kabaong. “Papa…” she shakes. “Matulog ka na at huwag ka ng umiyak nang umiyak. Hindi ka pa kumakain at baka himatayin ka na naman.” ani Helga sa may likod niya at masuyong hinaplos ng babae ang kanyang buhok. “Darating na raw si señorito baka mga alas dos ng madaling araw.” Imporma nito sa kanya pero wala siyang pakialam. “Kahit pa hindi siya dumating, wala akong pakialam, yaya. How he can be this stupid to forget his father and he’ll come when it’s already too late?” mapait na sagot niya. Mag-aaway lang sila ng lalaking ‘yon sa oras na makarating’ yon pero mas mabuti na huwag na lang niyang pansinin o kausapin total ay hindi naman sila magkakilala. She’s not even interested anyway. “Mukhang hindi maganda ang magiging resulta ng paghaharap niyong dalawa. Dapat kumain ka na para kapag nagkasagutan kayo ay malakas ka.” isinuhol nito ang tray na may pagkain kaya napalabi siya. Kumamot si Rissy sa ulo nang tingalain ang may edad na kasambahay. “Manang talaga, gusto niyo lang na kumain ako eh. Hindi naman ho ako makikipag-away sa kanya. Iiwasan ko naman siya at hindi ko siya papansinin.” “Ah hindi ganyan ang sinabi sa akin ng Tito David mo. Ang sabi ni Lycca sa Daddy niya, galit si señorito.” iniabot nito ang isang hiwa ng fresh lumpia sa kanya kaya napilitan siyang kunin na lang habang salubong ang mga kilay. “Ano namang karapatan niyang magalit? He’s just Papa Nick’s son but never acted like a real one.” galit na sagot niya. “Hindi raw siya naniniwala na namatay ang Daddy niya.” “At anong gusto niyang palabasin?!” tumaas na ang boses niya at napatingin sa kanya ang mga matatanda roon. “Sino namang papatay sa Daddy niya?! Baka siya kasi wala siyang kwentang anak!” she started to cry again. Agad naman siyang inalo ng babae at pilit na pinapatahan. “He was the one who mistreated his father and now he’d say that? Sinong pinagbibintangan niyang hinayupak siya at kahit na puro siyang Llerandi ay sasapakin ko talaga siya! Ang kapal niya! If he’s suspecting me for killing his father, uunahin ko na siyang patayin!” gigil na sisigok-sigok siya at parang nag-iikot na naman nga ang pakiramdam. “Tahan na. Makakapag-usap naman kayo.” mahinahon na alo ni Helga sa dalaga na humahagulhol na sobra. “Rissy, take a rest for now. We will take care of everything and we will talk to Zale.” Malambing din na sabi ng Tito Zeus niya sa kanya habang kaharap niyon ang iba pang mga pinsan ni Nick sa iisang mesa. “That’s why attorney wanted to talk you but seems like you’re not ready yet.” anaman ng Tito David niya. Nakakatawa man na pakinggan na Tito ang tawag niya sa mga pinsan ng asawa niya, iyon na ang nakasanayan niya. Mababait ang pamilya ng mga Llerandi at hindi niya alam kung bakit may isang talipandas na humiwalay ng landas, si Zale. “Kung mana-mana naman po Tito ang pag-uusapan, ayoko ho. Ibigay niyo na lang po sa kaisa-isang anak ni Nick at aalis na ako sa mansyon kaysa magsabong kaming dalawa. Kahit lalaki siya at tunay na Llerandi, nakakahiya man sa inyo ay papatulan ko talaga siya.” inis pa rin na sagot niya pero natigil naman kahit paano ang pag-iyak. “Kahit gwapo siya?” nangingiting biro ng Tito Daniel niya kaya napasimangot ang dalaga dahil ngumiti rin si Helga. “Kahit po kasing gwapo siya ni Hermès sa Greek Myth.” “Oh my sweet girl. He’s more handsome that those gods.” kindat pa ng malokong lalaki pero hindi niya iyon binili. “Looks like you’re in a big trouble, lady. As what I’ve heard though I don’t want to confirm it or even meddle because it was kuya’s decision, you are the sole heiress of all his wealth.” pahapyaw na imporma ni David kaya natigalgal si Rissy at nalito. That can’t be true. Masisira ang buhay niya dahil sa ginawa ni Nick at baka ipalibing siya ng buhay ni Zale. “Though Zale has also the legal authority to spend the the money, I think it goes like he has to ask for his stepmother’s approval, which happens to be you, darling.” turo sa kanya ni David at ngumisi pa ang lalaki. Hindi… Napalunok siya ng laway. Baka naman niloloko lang siya nito para ma-divert ang atensyon niya. “That’s a brilliant idea, anyway. If it’s true, at least the badass must learn his lesson for turning his own father down. I still love him though. He’s still a Llerandi and I also love his stepmom. She’s also a Llerandi.” sumulyap sa kanya si Daniel at ngumisi. Sana hindi totoo. Napatingin si Rissy sa nakaburol na asawa at hinaplos ‘yon ulit. “I don’t know what you did but I pray that it isn’t true. I want a peaceful life, Papa but…” she tearfully looked down. “Whatever you want, I’ll do it.” aniya na lang dahil kahit wala na ito ay iginagalang pa rin niya ang lahat ng desisyon nitong nagawa noong nabubuhay pa. Kung gagawin man siya nitong baby sitter ng damulag na hinayupak ay pikit mata niyang gagawin para doon man lang ay makabayad siya ng utang na loob. She doesn’t want to regret when she turned down Kat’s offer years ago when her friend married Dark. Hiyang-hiya siya na tanggapin ang alok ng kaibigan na papag-aralin siya dahil wala sa prinsipyo niya ang gamitin ang best friend sa personal niyang pangangailangan kaya may isinugal niya ang sarili para sa pag-aaral niya at makaginhawa kahit na paano. If Kat traded herself, ano namang kapal niya na makiamot doon? Hindi naman siya ganoon klaseng kaibigan kaya naging praktikal din siya dahil nauna pa nga na lustayin ng madrasta niya ang perang ibinili sa kanya ni Nick, at hindi naman siya nagsisi. Pero ngayon na mukhang susulpot na ang mortal niyang kaaway, parang gusto na niyang ibalik ang kahapon at umatras na lang. Pero hindi… Kung doon siya inilagay ng Diyos, yayakapin niya iyon dahil alam niyang may dahilan ang lahat.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD