Alas diyes ng gabi. Nilupig na ng karimlan ang Dulo sa s'yudad ng Antipolo. Wala na ang mga batang naglalaro ng tumbang preso at patintero. Sarado na rin ang sari-sari store ni Aling Esang at ang tindahan ng kalakal ni Mang Tuning. May mangilan-ngilan kang mauulinigang nababasag na bote ng alak mula sa nag-aaway na kapitbahay na siyang normal na at hindi na nakagagambala pa. "Humawak ka lang sa'kin, baka mahulog ka." paalala ko kay Vanessa, buong ingat na inaalalayan ang paglakad nito sa bubungan naming gawa sa yero. "Akala ko kung ano nang extra service. Ito lang pala gusto mo. Ang umakyat sa bubong." "You're disappointed I can tell." panunukso nito, ang aliwalas ng pagkakangiti ay nakapagpabilis ng t***k ng puso ko. "April, you're not thinking that I'd do you dirt in your parents' hou