Chapter 7

3693 Words
Basang-basa ang t-shirt ko nang patayin ang gripo na nakakonekta sa carwash hose. Katatapos ko lang linisin ang service ni Vanessa na high gloss back Mercedes-Benz GLB para 'pag sundo sa kanya mamayang uwian ni papa ay malinis na 'to ng husto. Sa panahon kasi ngayong wala ang mag-amang Paul at Raul ay walang ibang gagawa nito kung hindi ako lang rin. Sunod kong inasikaso ang basura. Nilipol ko ang trahsbags sa buong mansyon para mailabas na ang mga ito at maitapon. Paglabas ng mismong bahay ay lumakad pa ako sa pathway na maghahatid sa akin sa mismong tarangkahan ng De La Sierra residence. Nadaanan ko ang barracks ng mga guwardiya ng mansyon na ngayo'y walang tao. Kasunod no'n ay ang outpost na wala ring bantay ni isa. Seryoso nga talaga ang lolo ni Vanessa sa pag-aabandona sa kanya. Pa'no kung pasukin siya ng masasamang loob dito, wala ba talaga siyang pakialam? "Omg, Abril!" tili ng malalim na tinig. Nang lingunin ko ito ay pagkalapad-lapad akong ngumiti. "Jenny! Long time no see!" dali-dali kong isinilid sa trashbin ang supot ng basura, ipinagpag ang mga kamay sa denim shorts na suot, at nagmamadaling sinalubong sa kabilang kalsada ang bakla kong kaibigan na matagal-tagal ko ring hindi nakita mula nang manilbihan ako para sa mga De La Sierra. Niyakap namin ang isa't-isa. "Exclusive subdivision 'to ah, napadaan ka yata? Sinong pinuntahan mo?" "Huwag kang maingay sa friendships natin, ha? Ganitetch kasi, ano... eeh!!" tila bulateng inasinan ito sa kilig, pumapalo pa sa manipis kong braso ang pagkalapad-lapad na kamay niyang halos itulak na ako sa gitna ng kalsada. "May afam kasi akesh na-meet online then ayon jowabella ko na! At ito na nga, hihi. Umuwi siya ditey sa Pinas last week kaya madalas dalawin ng jubelita mong frenny kapag nakauwi ng maaga from univ! Alam mo na, bonding, meryenda." "Meryenda? Mukhang masarap ang pagkain sa bahay nila para dumayo ka pa." "Dakila at malaman, mujer!" malagkit nitong lagitik sa nagkakapalang mga labi, makahulugang nagpapahiwatig. "Pineapple Juice can, uhm-mmm!" Humaba ang ulo ko nang sa wakas ay maintindihan ito. "G-Gano'n kataba?" "Sumakit nga panga ko't tuhod." napalunok ako. S-S-Saang butas niya 'yon ipinasok??! "Teka nga, huh. Masyado kang naaaliw sa'kin, Abril! Ano na bang chismis sa mayta na' yan? In all fairness hindi bagay sa ganders mo ang julalay, patapon tapon ng basura sa labas ng mansyon. Mas bagay kung ikaw ang nakatira riyan!" "Bagay man o hindi, ang trabaho ay trabaho. Tsaka, saglit nga. Saan at paano mo 'yan nakilala?" pamewang ko rito. "Please, mag-ingat ka sa mga taong nakikilala mo online baka mamaya drvg l*rd 'yan o kung ano man." "Ay! 'Wag ka naman ganyan sa bufra ko, Abril! Maharlika ko iyon!" tutop nito sa bibig, pabebeng ngumunguso. "Sureness akez sa kanya, pramis! Knows na knows mo naman ako, 'di ba? Hindi ako pumipili ng basta-basta langers! Gusto ko siyempre 'yong Tender Juicy!" "Yuck!" natawa kaming dalawa nang may bigla akong maalala. "May time ka pa ba, Jenny? May gusto sana akong pag-usapan kasama ka, kung okay lang." Tumaas ang isa niyang kilay, lubos na naiintriga. "May tequila ba kayo r'yan?" "Wala naman sigurong problema sa amo ko kung kukuha tayo ng kaunti." ngiti ko. Inanyayahan ko nga siya sa De La Sierra residence. Batid ko na hindi pa rin tamang papasukin ang kaibigan sa mismong mansyon nang walang pahintulot ni Vanessa lalo na't pamilya ng pulitiko ang huli at malihim ang mga ito. Sa huli, napagdesisyunan kong dalhin na lang si Jenny sa veranda sa may entrada ng bahay. Iminuwestra ko siya sa may glass top metal table para umupo sa isa sa mga pares ng silyang naroon. "Ikukuha lang kita saglit." Naghugas ako ng mga kamay, mabilis na nagpalit pabalik sa unipormeng pangkasambahay, at kumuha ng ipaiinom kay Jenny. Pagbalik ay nabungaran ko ang bakla kong kaibigan na paikut-ikot ang tingin sa paligid. Nagliwanag ang mga mata nito ng makita ang boteng hawak ko. "Don Julio 1942? Hindi ko alam kung anong lasa pero baka magustuhan mo. Nagdala rin akong asin at lime." "Ayy perfect!" Umupo ako sa tapat niya at agad nagsalin ng tequila sa kopita. Kwestyonable niya akong tingnan nang makitang isang kopita lang ang dala ko. "Hindi ako umiinom." paalala ko rito. "Kung umiinom man, hindi pwede. Baka nasa trabaho ako?" panunuya ko na inilingan niya naman, akala mo talaga ay naaawa para sa'kin. "Grabe, bonggakea pala ang mansyon mula rito sa loob Abril, 'no?" kumento nito nang matapos tumungga. "Tingnan mo ang motif ng bahay, super modernized pero na-maintain pa rin nila ang Spanish touch. Iyong mga muebles ay hindi rin basta-basta. Sigurado akong wala niyan dito sa Pinas!" napangiti ako nang umayos ito sa pagsasalita. Pangarap niya kasing mag-aral ng Interior Design. "Marunong ka talaga kumilatis, Jenny. Wala akong alam sa mga ganyang bagay eh. Basta alam ko lang maganda siya," sagot ko na tinawanan naming dalawa. Lumuwa pa ang mga mata nito nang may makitang kaaya-aya sa front yard garden. "Oh my G*d! Iyong alaga nilang mga halaman ang gaganda! Parang may sarili silang flower shop sa bongga ng mga 'yan, matutuwa ang lola ko kapag nakita niya 'to!" Kuemekendeng itong tumungo sa front yard garden at kumuha ng nga litrato. Napangiti na lamang ako nang maalala ang lola niyang sobrang hilig nga sa mga halaman. Nagpunta kaming magkakaibigan minsan sa bahay nila Jenny at naroon ito, napakabait at maasikaso. "Maganda talaga kaya nga hindi ko kinakalimutan na diligan sila araw-araw. Balita ko inaangkat pa ni Ma'am Alicia sa Spain ang mga 'yan." kuwento ko, itinuro pa ang lupon ng maliliit na bulaklak sa may gilid. "Mahahanap mo siya kahit saan dito sa Pinas pero 'yun ang paburito ko oh, iyong lavenders." "Bakit naman 'yan? Parang hindi kapansin pansin, mujer!" hindi nasisiyahan nitong komentaryo. "Actually, parang ginagawa lang siya pampaganda sa isang bouquet? Kung mag-isa lang ito, mukha lang siyang damo na may maliliit na bulaklak. Ana bet!" "Exactly. Hindi sila kasing ganda ng mga rosas pero kaya nilang pagandahin ang kahit ano." "That's just so you," anang supladang tinig. Halos mabali ang leeg ko nang lingunin ang amo kong maalindog na lumalakad tungo sa entrada ng mansyon, madilim ang mga mata. Nakapagtatakang bitbit na nito lahat ng ang mga gamit sa paaralan gayong mamaya pa namang alas sais ang uwian niya. Agad akong napatayo para ipaliwanag ang pagdating ng kaibigan dito pero naunahan niya ako magsalita. "Flirting inside my house? I just hope nalinis mo na ang mga kailangan mong linisin bago ka makipaglandian d'yan, April." "T-Tapos ko na lahat, Ma'am Vanessa. Ito kasing kaibigan ko nakita ko sa labas kanina, matagal kaming hindi nagkita kaya naman—" napapitlag ako nang ibagsak nito ang sariling Prada Saffiano bag sa maruming damo ng front yard garden, kumalat ang ilang libro at notebooks mula roon. Sa sindak ay tila instict ko nang damputin ang mga 'yon kaagad. "Pathetic," usal pa nito, hangin akong nilampasan habang nakaluhod sa damuhan at inaabot na ang mga Parker pen niya sa sahig. Nang tuluyang makaalis si Vanessa ay dagli akong nilapitan ni Jenny at tinulungan. "Waz namang pakikisama amo mo, Abril! Jinit ng ulo, kashokot!" impit nitong hiyaw, lumilinga sa direksyon ng dalaga at nag-iingat na hindi siya nito marinig. "Sino ba siya sa tingin niya, ha? Akala mo ganders, may kwarta lang siya, 'no! Imbey!" "Akala niya siguro lalaki ka, mukha ka naman kasi talagang lalaki 'pag walang make-up eh." "Dzuh, ang OA! Kung hindi lang siya isang De La Sierra iisipin kez na nagseselos siya sa reaksyon niyang 'yon kanina! Madami ngang ande jupangpang naman ang ugali, ew!" Nabitawan ko ang mga ballpen na dinampot. "A-Anong sabi mo? Nagseselos siya?" "Ano ba, mujer! Sinabi ko lang naman 'yon kasi 'yung sight niya sa'kin kanina gano'n ang sight na ibinibigay ko sa mga lumalandi sa bufra ko! 'Yung tingin na 'back off he's mine!' Ganern!" paliwanag niya, sinasabayan ng pag-arte ang mga sinasabi. Nang pakatitigan niya ako ay bigla siyang sumeryoso, kalauna'y lumaki ang mga mata at napatutop sa bibig. "Oh my g*d, don't tell me 'yung gusto mong pag-usapan ay—" "I'm in l-love with Vanessa Alpher Elizondo-De La Sierra, and the thought of her being jealous is making me happy." buong tapang kong pag-amin, pikit mata. "H-Hindi 'yung Koreano sa Steamers ang tinitingnan ko tuwing lunch break natin sa university, si Vanessa talaga..." Awang ang bibig ng bakla kong kaibigan sa naging pagtatapat ko. Hindi niya ba ako tanggap? Palukot na ang mga labi ko sa nagbabadyang pag-iyak nang buong gigil ako nitong sabunutan." OMG, ABRILATA! Kakaloka ka, mujer! Bakit ngayon mo lang sinabi, ha!!" nakabibingi niyang tili. "Nakakwentuhan namin si fafa mong Koreano kahapon sa Steamers nasabi naming bet na bet mo siya! Dyahe!!" “A-Ano?! Bakit niyo 'yun ginawa? Bumibisita siya rito, boyfriend siya ni Vanessa!" nahintakutan ang bakla sa sinabi ko, tila may gusto pa itong sabihin pero pinili na lang sarilinin. Anong kalokohan kaya ang ginawa ng mga kaibigan ko? "Nakwento namin sa kanya lahat, Abril." tulala nitong sagot. "Na stalker ka niya at katabi mo ang litrato niya sa pagtulog! Na napulot mo 'yung panyo niya at isinilid 'yun sa ziploc bag, inaamoy-amoy kapag nami-miss mo siya. Abril! Huhuhu!" Napasinghap ako, hindi makapaniwala sa narinig. "Saan' yan galing, Jenny? Alinman sa mga 'yan ay hindi ko ginawa!!" “Si G-Gina eh sabi niya!! Hala, truelity ba?! Saglit weytch!” nag-isip ito. "Hindi naman namin nabanggit ang pangalan mo kaya ok lang! Oo, t-tama!" umakap ito sa' kin, ngumangawa. "Bakit kasi hindi mo sinabi agad, mujer!!" “Natatakot akong pandirihan. Hindi ko pa nga 'to sinasabi sa iba.” inalo ko ito kahit ako mismo ay naalarma sa mga nasabi nila kay Yong-jae. “Tanggap ko ang nararamdaman ko para kay Vanessa pero hindi ko matanggap na naduduwag akong ipangalandakan 'to sa iba." "Ssh, hindi ka duwag. Hindi talaga, ha?" paalala niya, masinsinang humarap sa'kin. "Ang maipapayo ko sa'yo, hayaan mo lang ang sarili mo na maging masaya. Magmahal ka. Masaktan ka. Kasama 'yan sa pagiging tao. Kung ano man ang kahinatnan nito, nasa likod mo lang ako palagi, Abril. Tandaan mo 'yan at..." "At?" "....welcome to the club! Ayayay!!" tili nito, parang aeta na nagdiriwang sa kanilang tribu. Inilabas niya ang isang rainbow na panyo at iwinagayway sa ere. "Out and proud, bilat!" "Ikaw talaga!" natawa ako sa kanya, maya-maya ay sumeryoso. "Masarap pala magpakatotoo at matanggap sa kung sino ka talaga. Ang akala ko gugustuhin mo lang din na ituwid ko ang nararamdaman ko para kay Vanessa. Salamat, Jenny. Kasi naiintindihan mo." "April, bakit mo pa itutuwid ang sarili mo kung 'yan ka talaga? Itutuwid ba talaga kita o ibabaluktot lang lalo?" makahulugan niyang sagot. "I'm sure maiintindihan ng parents mo. They eventually will." "Sana nga. Kaya lang may problema." natigilan ako, nag-alinlangan kung magsasabi o hindi. "May nangyari sa'min tapos—" "OH MY G*D BILAT!!!" muli pa'y tili nito, loko-lokong pinormang gunting ang dalawang kamay at pinagdidikit. "Ikaw ah, mujer! Ang bilis mo maka-score scissoring pa, ha!!" "M-May boyfriend sabi si Vanessa!" “Oh, eh panong may nangyari sa inyo kung ganoon? Kasi ginusto niya rin! Uh-huh, flangak!” Natameme ako. May punto siya! Naningkit siya at humaba pa ang pagkakangisi. "May bahid ba ng pagsisisi si badet pagkatapos ng nangyari sa inyo?" “Ha, sinong badet?” Napasmapal ito sa noo. “Si bading! Si Vanessa! Ano, may pandidiri man lang ba siya?" Natawa ako at naisip ang itsura ng amo kapag narinig niyang bading ang tawag sa kanya ng kaibigan kong bakla. "Wala, wala. Sa totoo lang hindi ko maipaliwanag pero parang gustong-gusto niya? Hindi ko sure ayoko mag-assume." "Then let's stick to that. Maniwala ka sa naramdaman mo no'ng mga oras na 'yon." “Pero kasi...” "Hay, nako, Abril!" tinungga nito ang hawak pa ring kopita at inubos na ang laman no'n. Binitbit niya ang shoulder bag tanda na kailangang niya nang umalis. "Wala kang mararating kakaisip lang niyan mag-isa. Hindi 'to research paper na dinadaan lang sa brainstorm dahil totoong storm ito! Kausapin mo siya." Bumagsak ang balikat ko. I can't. Magmumukha akong desperada. Which I really am. Napasapo ako sa ulo, pagod na sa nagtatalong isip. "Tara, hatid na kita sa labas." Tinumbok namin ang main gate ng De La Sierra residence. "Salamat uli ah? Babalitaan kita. Umasa kang tatawag ako anytime na namomroblem ako kay Vanessa." nangingiti kong pasabi. "Sureness, Abril! Ikaw pa ba? Kung hindi dahil sa'yo wala kaming research paper na naipasa so it's payback time, mujer!" pakita niya sa muscle na akala mo'y ganap siyang lalaki. "Gusto ka din ni bading! Nakita ko iyon kaya 'wag kang susuko. Byersss! Una na ko hinahanap na ko ni mudra!" Napalakas nito ang loob ko. "Bye! Daan ka dito 'pag napadalaw ka uli sa boylet mo!" "Basta may tequila uli, ah!" "Haha, sige!" Kung hindi ibabawas ni Vanessa' yon sa sweldo ko. Naiiling akong bumalik ng mansyon. Bakit nga ba mainit ang ulo niya kanina? "YOU want to take a day off for your parents' Wedding Anniversary?" pag-uulit ni Vanessa sa sinabi ko, napakaganda niya sa pusod na buhok suot ang reading glasses. Nakapwesto ito sa study table sa sariling silid at ilang araw nang subsob sa patung-patong na papeles at folders na naroon. Hula ko ay naiwang trababo ito ng mag-asawang De La Sierra na kinailangan niyang saluhin. "Kung papayag po sana kayo. Parang birthday kasi kung ipagdiwang namin 'yon. 'Yun din kasi iyong araw na pinaampon ako sa kanila." "So, it's a double celebration." hinuha niya, pinagkrus ang mahahabang daliri sa ilalim ng baba. "And then you're going to leave me contemplating about my parents' missing while you celebrate Mr. and Mrs. Lazaro's Wedding Anniversary. That's a sound plan." sarcasm nito, napangiwi ako. Okay, wrong move. "Sorry, hindi ko agad naisip. Sige, hindi na lang." "Talagang hindi." tumindig ito at inihagis sa'kin ang suot na salamin na natataranta kong sinalo. "What food is safe to consume for patients with hypertension? Salad? Roasted Salmon?" "M-Ma'am?" pagtataka ko rito na diretsong tinungo ang walk in closet. "Pack me a sleep wear, a few toiletries, and... oh! Take Tuffy please." turo niya sa stuffed toy na pagong. Nasa canopy bed niya itong kikay na may kurtinang seda. "Make sure to place him somewhere comfy." "Aalis k-ka?" "Wedding Anniversary, duh?" nangingisi niyang hubad ng saplot bago pumasok sa paliguan, ang hubad na likod ay tumambad pa sa'kin. Ok, that is sexy. Nang makapag-ayos ito ay sakto namang natapos ako sa pag-iimapake gaya ng ipinag-uutos niya. Kung balak lang nito matulog sa amin ay sapat na ang hand carry luggage bag. Kasya rin doon ang stuffed toy na ang wirdo dahil pinadadala niya. Nagpunta kami hindi lang sa kalapit na mall kundi sa tatlo pang iba para bumili ng tig-iisang hypertension friendly meals sa menu ng restaurants na naroon. Napakapihikan kasi ni Vanessa at hindi makapili. Hindi ko rin siya napigilan sa paggastos lalo na nang mag-grocery ito para kina Mama at Papa. "Don't worry, I got this." saad niya nang makita ang pag-aalala ko na baka ibawas niya 'yon sa sahod ko. "Manang Lucia has been very helpful to me and my family. This is the least I can do." Pinagtitinginan si Vanessa ng mga kapitbahay at tambay nang marating namin ang squatters area ng s'yudad kung saan kami nananahan. Alerto at maingat ang dalaga. "April!" lapit ng tropahan nila Caloy, kababata kong tambay sa lugar. Ang tuwalya nito'y isinukbit sa batok ng hubad na katawan. "Ang tagal na nang huli kitang makita rito, ah? Mabigat 'yan, kami na." tulong nito kay Manong Driver sa pagbaba ng mga ipinamili namin sa trunk ng taxi. "Hindi na kami nakikipagrambulan sa mga taga Kanluran kahit itanong mo pa kay 'Nay Lucia!" ngisi ni Dado, kinukuha ang mga paperbags at kahon ng grocery items. Tulungan sila ng apat pang kasama. "Aba'y dapat lang. Papalapit na ang liga doon niyo sila patikimin ng hagupit nating taga Dulo." gagad ng aking ina. Lumiwanag ang mukha nito nang mabungaran ang amo kong nasa likuran, inaabutan ng bayad ang taxi driver. "Ma'am Vanessa! Ay, halika pasok ka rito at mainit diyan!" "Sensya nandito kasi ako eh." hirit pa ni Genya na hubad din. Agad itong hinila nina Caloy at pinatahimik. "Sira ulo ka talaga! Hindi mo ba siya nakikilala?" "Huh? Sino? Iyang chika babe?" "De La Sierra 'yan gag*! Kung gusto mo ng tahimik na buhay 'wag mo' yang kakantiin..." anang Caloy. Nahawi ang magtotropa sa pagdaan ni Vanessa na diretso lang ang tingin sa aking ina, tila hindi sila nakikita. Pinanood ko pa itong yukong pinasok ang mababang kisame ng pintuan namin. Sinamaan ko ng tingin ang mga tambay na napatigagal sa dalagang nasa loob na. "Huwag niyo namang pag-usapan 'yung tao na ganoon lalo na't naririnig kayo." "April, bakit siya nandito? Nagmamanman ba siya?" tanong ni Ipe na siyang pinakamatanda sa mga ito, mas matanda pa sa' kin. Payat ito at mahaba. "Mag-iingat ka. No'ng isang gabi lang nagkaroon ng panununog sa Timog, iyong klinik pa nina Doktora." "At anong kinalaman ng mga De La Sierra ro'n?" Ni wala nga ang mag-asawa, anong ipinahihiwatig nila? "April! Pumarito ka na't asikasuhin ang bisita!" hiyaw ng aking ina. Kunot noo kong tinalikuran ang mga binata at pumasok na. Nakakapanibago ang liit ng parisukat naming bahay. Ilang linggo pa lang ay nasanay na ako sa pagkalaki-laking mansyon ng mga De La Sierra. Sana ay okay lang ang impertinente kong amo, kung nasisikipan ako rito mas lalo na siya. Pumaroon ako sa parihabang plastic table para ayusin ang mga pagkain. Katapat lang ito ng lumang upuan namin na gawa sa kawayan na siyang kinauupuan ni Vanessa. Bagama't magiliw itong nakikipagkwentuhan kay Mama at kay Papa, patay naman ang mga mata nito. Mukhang may dinadala. Nang malinga sa'kin ang amo ay sinaway niya ako. "April, you're not supposed to serve those all in one go." tukoy niya sa mga putahe sa mesa. "That is a four-course meal. Place the Cheddar & Apple Bites first for hors-d'oeuvres." bumaling ito sa mga magulang ko. "We might as well eat bago pa lumamig ang pagkain." napatango na lang ang ama at ina ko. Hindi ako magkandaugaga sa pag-aasikaso ng mga pagkain para sa kanilang tatlo na ngayon ay prenteng nakapuwesto na sa hapag. "No, not that one." pigil nito sa'kin na nagsasalansan pa rin ng pagkain. "The Watermelon and Strawberry Salsa is the appetizer. Save Cranberry-Glazed Pork Tenderloin later for the main dish." Nag-uumpisa na akong mainis. Bakit hanggang sa sarili kong pamamahay ay nagrereyna-reynahan pa rin ito? "Ah.. eh, Ma'am Vanessa." anang Mama. "Ayos lang naman ho kahit alin ang mauna. Masarap naman iyang lahat." "Oo nga naman, hija." pagsang-ayon ni Papa. "Iisa lang naman ang itsura at amoy niyan paglabas sa pwet." "Ay! Ano ba' yan Gerardo nasa harap tayo ng pagkain!" hampas ni Mama sa braso ng asawa na tatawa-tawa. "Treat your parents habang nakakasama mo pa sila." pukol sa'kin ni Vanessa, matamlay nang kumain. Iyon pala ang dahilan kaya demanding siya sa table setting kanina, to treat them. Nagitla ako nang lingunin pa nito. "Are you glaring at me?" hawak niya ang table knife sa kaliwa at ang tinidor sa kanan, parang mananaksak. "H-Hindi ah." Kumislap ang mga mata nito, nabuhay sa kapilyahan. "Since you tried your best despite your head's little knowledge about fine dining etiquette, I allow you to sit on my lap. Come here." "S-Sino nagsabing gusto ko 'yan!" napatingin sina Mama sa'kin, napatutop ako sa bibig. "This is a once in a lifetime opportunity, April. Are you sure you have to be that ungrateful about it?" "Habang tumatagal lalo kang lumalala..." Naghintay siya. Naghintay rin ang mga magulang ko. Mukhang walang makakakain kung hindi ko pagbibigyan ang kalokohan ng amo kaya umupo ako sa kandungan niya at mabilis na nag-umpisang kumain, hindi na pinansin pa ang pagkaaliw nina Mama at Papa sa posisyon namin ng dalaga. "Naaalala ko pa, ganyan na ganyan ko rin pakainin iyang si April noon bang bata pa siya." tuon ni Mama kay Papa na sarap na sarap sa pagkain. "Gano'n talaga, Lucia. Kinakandong mo ang anak mo kapag bata pa siya pero kapag malaki na, magpapakandong na siya sa iba." "P-Pa naman..." saway ko rito, si Vanessa ay ngingiti-ngiting tumango. "April, I want the leafy stuff in my mouth." ibinuka nito ang bibig. "Aah..." "Ma'am, nasa harap tayo ng magulang ko." "I'm not going to eat unless you feed me." pagmamatigas nito. Nahiya na ako kina Papa kaya sumunod na lang ako. Asar kong sinubuan si Vanessa hanggang sa masimut ang pagkain niya sa plato. Ngising-ngisi ito nang mabusog, muli pa'y nakipagkwentuhan sa mga magulang ko. "Namumula ang mukha ni Papa." bulong ko pa sa amo. "May alcohol ba sa pagkain?" "Dito sa Rum Raisin Cheesecake." prente niyang subo sa panghimagas. "Bakit hindi mo sinabi sa'kin? Madali tamaan si Papa, mamamasada pa siya bukas." "You weren't paying attention when I was picking a cake. Pindot ka ng pindot sa cellphone mong bulok nakakairita." inom niya ng tubig, kapagkuwan ay nag-abot ng isang envelope sa'kin nang patago. "Here, your parents' allowance for a month. This a token of appreciation for your father driving me to school for almost 2 weeks now. At least, kahit hindi siya makapamasada bukas may pangkain sila." "Hindi ba masyadong malaki naman 'to?" silip ko sa laman ng envelope. "Sigurado ka bang okay lang na tanggapin ko 'to?" "You've been my cook, my helper, my tutor, and on top of that, my maid." hinagkan ng kamay niya ang akin sa ilalim ng mesa, dagling nag-init ang pisngi ko roon. "I want you to think of it as a well deserved compensation." "Thank you." gusto ko siya yakapin. "Sobrang maraming salamat, Vanessa." "Thank me later, April. You have yet to pay the extra service."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD