VANESSA "How long has this been going on? Bakit ngayon mo lang 'to ipinaalam sa'kin, Esperanza?!" bumagsak ang mga kamay ko sa desk ng governor's office rito sa provincial capitol. Sa panginginig ko sa galit, yumugyog ang mesa ng ama kong gobernador at nangahulog sa carpet ang patung-patong na folders na nakasalansan doon. Lumuwa ang ilang papeles na may pulang marka. Those were confidential files. Atubiling dinampot iyon ni Mayor Esperanza na kapartido ng aking ama. Huminga ako ng malalim at pilit kinalma ang sarili. "Kantiin na nila lahat huwag lang ang Dulo. Hindi ko hahayaang kamkamin nila ang lugar na 'yon, Herrera!" Hindi pwede. Hindi pwedeng madamay ang lugar nina April. "Sa puntong ito mahirap nang kalabanin si Desiderio." tukoy nito sa Mayor ng Angono, ang nangungunot na noo ay