Chapter 3

3131 Words
"Angela, nandyan ka pa?" tanong ko, sinulyapan ang teleponong selular para alamin kung nasa kabilang linya pa ba ang kausap. Madilim sa balkonahe ngunit tanaw naman ang liwanag sa buong siyudad ng Antipolo. Mabundok ang lalawigan ng Rizal kaya't tila nakatirik sa burol ang exclusive subdivision nila Vanessa at ang mansyon nila ang nasa pinakatuktok. "Lilinawin ko lang, April," anang dalaga sa kabilang linya, bakas sa tono nito ang pagkalito. Pasado alas diyes na ng gabi at naistorbo ko rin kasi ang pagtulog nito. "Tinatanong mo kung anong mga posibleng dahilan at yayayain ka ng isang tao sa kwarto niya?" "Oo, tama." sagot ko, muli namang natahimik ang kabilang linya. Kapagkuwan ay napaubo ito. "Sex." sa wakas ay sagot niya. "Iyot, sibakan, kvntot, chupaan, putukan." dagdag pa nito. Awang ang mga labi ko sa walang kagatol-gatol niyang pagbigkas sa mga salitang iyon. "Matalino ka, alam kong alam mo. Kailangan mo lang ng apirmasyon." "So, I was causally told to have s*x with him?" hindi ako makapaniwalang napabuga ng hangin. Sinadya kong palabasin na lalaki ang pinag-uusapan namin dahil hindi pa ako handang umamin sa totoo kong nararamdaman para kay Vanessa na kapwa ko babae. "Hindi porket crush ko siya papayag na lang akong.... b-bumukaka sa kanya! Hindi ako pinalaking gano'n, hindi!" "Fonseca College International's very own Shin Yongjae ang pinag-uusapan natin dito." paalala niya, nasa isip na iyong Koreano ang tinutukoy ko. Nai-imagine ko ang dalagang kausap na patay ang itsura habang nagsasalita. "Magburo ka na lang ng isda o magpatuyo ng palay kung magpapakadalagang Pilipina ka. Hindi mo siya maaakit sa paglalaba ng brief niya, April." "Angela naman." nanlumo ako dahil may punto naman siya kahit hindi nagtutugma ang mga taong tinutukoy namin. Si Vanessa ang tipo ng babaeng hindi makukuha sa santong dasalan ngunit sa santong paspasan. "Kukunsintihin niyo pa rin ba ako kung halimbawa sa basagulero o salbaheng tao ako nagkagusto?" "Hindi mo mapipili kung kanino ka iibig, April. Eh, ano kung basagulero siya o salbahe o tarantado? Lahat ng tao pwedeng magbago." pangangatwiran niya, nahihikab na. Ibinaba ko ang selpon at nakitang kinse minutos na lang pala bago mag alas onse. "Hindi ko sinasabing makipag-chukchakan ka pero noong nakaraang buwan ay nasa IceBurg ka lang at tinatanaw siya. Ngayon niyayaya ka na niya sa kanila. Halos abot kamay mo na siya. Tadhana na ang gumagawa ng paraan para sa'yo, April. Palalampasin mo o susunggaban mo?" Umaalingawngaw ang mga katagang 'yon sa utak ko habang lakad-takbong tinatahak ang maid's quarters. Nakahiwalay ito sa mismong mansyon, madaraanan ang backyard garden na may ladrilyong pathway na tinutumbok ang naturang lugar. Nang marating ko ang sariling silid ay naaapura akong naghalungkat ng mga gamit sa maliit na maletang pinahiram sa'kin ng aking ina. Napabatok ako sa sarili. "Hindi man lang ako nakapagdala ng maayos na panty at bra, puro na 'to lawlaw!" Inis akong humarap sa salamin at pinagmasdan ang sariling repleksyon. Malalim ang mga mata ko na kapwa kulang sa tulog, may pangilan-ngilang hibla ng buhok na kumawala sa pagkakapusod nito at tumatabing sa mukha kong kababakasan na ng pagod. Napangiwi ako— kung aakitin ko si Vanessa kailangan ko ng matindi ngunit mabilisang makeover. Hinila ko ang sariling panali at inilugay ang buhok, hinayaang mahulog ang haba nito sa aking bewang. Buong sikap akong naglagay ng kolorete. Awra kung awra. Ika nga ng bakla kong kaibigan, "Sa unang tingin pa lang ay dapat katakam-takam ka na." G*d, am I really doing this? Tinapos ko ang makeover gamit ang pamatay sa bangong perfume na Christmas gift sa'kin ni Gina, hindi pa ito nagagamit at wala pang bawas. "Wala kang hindi kayang gawin, April!" kabog ko sa sariling dibdib nang makuntento sa itsura. Pagka-spray ko ng pabago sa katawan ay saktong limang minuto na lamang bago mag-alas onse. Malalaki ang mga hakbang ko patungo sa silid ni Vanessa— handa nang gawin ang lahat makuha lang ang dalaga. Bagama't kabado ay nagsusumikap na hindi ito mahalata sa aking itsura. Nanlalamig ang kamay ko nang kumatok sa pintuan. Hindi niya ito pinagbuksan kaya inulit ko ang pagkatok, sa wakas ay umuwang ang malapad na pinto ng silid. "Ma'am?" hanap ko rito nang hindi mamataan. "Naiwan niyong bukas ang pinto, papasok na ho ako, ha?" Napasinghap ako sa matapang na amoy ng alak sa silid. Hindi tulad ng unang beses na makapasok ako ritong madilim, ngayon ay maliwanag na; nakakalat ang mga fashion magazines sa circular sofa, nasa gitna ito ng silid ni Vanessa na bahagyang nakalubog sa sahig. Pinulot ko ang isang mansanas sa may center table at nakita ang dumi rito, huhugasan ko ito mamaya sa kusina. Nasa parte ring iyon ng silid ang table lamp na binuksan ko noong dinala ako rito ng dalaga. Dito pala sa sofa na ito nangyari ang lahat ng iyon. Inilibot ko pa ang paningin sa kabuuan ng silid at nakitang may ikalawang palapag ang kwarto ni Vanessa. Bukas ito at overlooking sa unang palapag. Marahil ay konektado ang silid na ito at ang silid na tinutulugan ng binata noong puntahan ito ng kanyang kapatid at magkaron'n sila ng pagtatalo. Umakyat ako sa ikalawang palapag na iyon at nabungaran ang dalagang nakasubsob sa harap ng billiard table. Nakatalikod ito sa'kin at hindi napansin ang pagdating ko. Nanindig ang mga buhok ko sa likod nang makarinig ng pag-ungol. Sa unang tingin ay aakalain mong naglalaro ng billiards si Vanessa, nakayukayok at tumitira, ngunit nang tuluyan akong makaakyat ay malinaw kong nakita ang pagkayas ng dalaga sa pagitan ng hita ng isang babae. Nakahiga ang huli sa mismong table ng billiards at ang mamasa-masa nitong hiyas ay lumilikha ng lusak na tunog laban sa masinsing paghigop rito ng dalaga. Naningkit ang mga mata ko nang mapasabunot ang babae sa anit ng babaeng kinahuhumalingan ko. "Aaaaah...! Aaaaah.....!" matinis at kiring halinghing pa nito, malapit na maabot ang rurok ng langit. Gigil akong napakagat sa labi, hindi inaasahan na ganito ang eksenang aabutan pagkatapos ko magsikap na mag-ayos at mapagdesisyunang ipaglaban ang nararamdaman para sa dalaga. Kung ganitong laro rin lang ang gusto ni Vanessa, ito ang ibibigay ko sa kanya. Madali kong kinuha ang nakasinding sigarilyo sa ashtray na nakapatong sa crystal table ng mini sala set sa tabi ko. Maingat akong tumuntong sa silya roon at inis na idiniin ang sigarilyo sa fire sprinkler system na nasa kisame. Kapagkuwan ay tila shower itong nagwisik ng tubig sa buong ikalawang palapag. "Oh my G*d!" tili ng haliparot na babae, nakaririndi. Napabalikwas ito mula sa billiard table, tila nalulunod na sumisinghap sa tubig na nagpapabasa sa hubo't hubad niyang katawan. "Lamig ba?" bungad ko, halos mabali ang leeg ng dalawa sa paglingon sa'kin. "May kainan palang nagaganap dito hindi mo naman sinabi, Ma'am? Hindi tuloy ako nakapagbitbit ng kawayan pantuhog sa babaeng 'yan na kung umungol ay parang kinakatay na baboy." "What did you say?" pukol sa'kin ng babae, buong pagtataray akong hinarap kahit hubo't hubad. Litaw ang kumpiyansa nito sa sariling pangangatawan. "You dare say that when my toenails are absolutely better than your entirety?" "I mean, look who's getting fvcked on a billiard table," sagot ko, matalim itong minata. "Hindi ko ugali manghila ng kapwa babae pababa pero hindi ka kasi pang kama, alam mo 'yon?" Nabuhay ang mga ugat nito sa noong pagkaputi-puti, halos pumutok ang mga 'yon sa sobrang galit. "Who do you think you are, huh? Why are you even here ba?! Maglinis ka, maglampaso! Naglilinis ka dapat hindi nagkakalat dito, chimay!" "Tanungin mo ang magaling kong amo! Tutal pinapunta niya na rin lang ako rito, sana sinabi niya na ring manonood pala ko ng live porn, edi sana nakapagdala ako ng popcorn, 'di ba?" pukol ko kay Vanessa na umangat ang ulo, tila aprubado pa ang mga sinabi ko bilang nakatutuwang biro. "Wait, what?!" nagngangalit ang babae na ipinapagpag ang lusak na braso sa pagkakabasa sa fire sprinkler. "You did what, Vanessa?! Wala sa usapan na magdadala ka ng ibang tao rito!" "Oh, shut up." maarteng sagot ng amo ko. Kaakit-akit nitong pinapahid ang gilid ng mapupulang labi na nanlilimahid sa pagkayas niya sa kaselanan ng babae kanina. "You have been f*cked, happy? Now, leave. Masyado kang maingay, Leslie" Leslie? Iyong tinutukoy ni Ma'am Vine na nakaaway niya? "N-No, you can't do this to me! I told you, I-I like you! Kapag hindi mo sinunod ang gusto ko ipagkakalat—" Naputol ang babae nang mariing pisilin ng isang kamay ni Vanessa ang pisngi nito, halos nananakal, tulad ng ginawa niya sa'kin. Hindi, mas marahas ito. Mababa ang tinig ni Vanessa nang magsalita, tila maninilang liyon na sasagpangin na ang kawawang usa. "Who do you think you are to blackmail a Vanessa Alpher Elizondo-De La Sierra, you filth? With just one word, I can end you or your family." itinulak nito ang babae na hubo't hubad pa ring humampas sa wooden bookshelf. Ramdam ko ang sakit no'n nang bumagsak siya sa sahig kasabay ng ilang mga libro at mapadaing siya sa kaliwang braso. "You disgust me. Just be glad there ever was a time I ate your bleach tasting pvssy. Be gone." Hindi nakakibo si Leslie, bumanayad ang nangungunot na mukha sa galit kasabay ng pamamasa ng luntiang mga mata. Tila pinaglaruan at pinagsawaan itong Barbie doll; hubad ang mamahaling piraso ng mga damit, lusak ang buhok na alaga sa mamahaling mga produkto, at nangangatog sa ginaw ang magandang pangangatawan. "Tayo," usal ko, diretso sa hangin ang tingin ngunit hawak na sa braso si Leslie. "Katapangan ang magmahal pero hindi mo kailangang ipahiya ang sarili mo ng ganito. Tumayo ka o kakaladkarin kita." Nanatili akong nakatayo roon at hawak siya sa braso. Walang senyales ng pagtutol pero wala ring senyales ng pagpayag mula sa kanya. Hindi ako nagpatinag maski sa blangkong titig sa'kin ni Vanessa. Kung inaakala niyang susukuan ko si Leslie, nagkakamali siya. Inis ako sa natuturang babae, oo. Pero kahit gusto ko pa siya hindi ko pahihintulutan ang ginagawa niya. Kapagkuwan ay kumapit si Lesie sa laylayan ng uniporme ko at buong ingat na tumayo mula sa madulas na sahig ng ikalawang palapag. Inakay ko ito hanggang sa may hagdanan nang matigilan. "Oh, by the way." mabibigat ang hakbang patungo sa aking amo. Nang magpang-abot kami ay sinaksakan ko ang pagkalaki-laki nitong bibig ng mansanas na nakuha ko kanina. "Tutal baboy ka naman, there. Now screech, pig." Tinalikuran ko ito at iniwan akay-akay si Leslie na napatigagal sa nangyari. "FALLING leaves, green ones into tangerine," sambit ni Vanessa sa hangin, nagpapalutang-lutang sa pool sakay ng isang salababida. Pinanonood niya ang marahang paghulog ng ilang dahon sa mga puno na nagsisilbing shade ng pool area ng mansyon. Ang binabasa nitong fashion magazine kanina ay nasa tiyan at nakapatong. "Iniisip ko kung anong season na ba sa Britain. I think it's Autumn?" Nakatingin lang ako sa kanya, nakasilong sa ilalim ng table with umbrella hawak ang towel at beack kimono nito. Wala naman siyang kausap kundi ang langit pero kung makaasta siya ay tila ba sinasagot siya ng haring araw ngayong ala una ng hapon. Suspended siya sa kolehiyo kaya heto siya, nagpapalipas ng oras. "Ang ganda ni Ma'am Vanessa, 'no?" saad ni Paul, ang hardinero ng mansyon. Titig na titig ito sa naka two-piece na dalaga. Halos kasing edad ko lang si Paul at natigil din sa pag-aaral para tulungan sa pagtatrabaho ang ama niyang driver naman ng mga De La Sierra. Nakapalagayan ko ito agad ng loob dahil sa pagkakapareho naming ito. "British na British ang datingan niya, parang iyon bang si Emma Watson?" Tumango ako sa kumento niya, matagal nang alam ang angking alindog ng dalaga. "Napakaganda nga niya." "Maputi, napakakinis, at ang seksi pa ng katawan. Ang swerte ng magiging syota niya." dagdag pa nito, naglalaway sa babaeng kinahuhumalingan ko. "Pangarap ko na lang talaga siya April, ang sakit!" "Alam mo Paul, pwede mo naman siyang ma-impress sa sarili mong mga paraan." pagpapalakas ko ng loob nito kahit sa totoo lang ay gusto ko na itong sakalin ng towel ni Vanessa. Pagkalapad-lapad pa akong ngumiti at nambola. "May itsura ka naman kasi, kulang ka lang sa ligo." "Talaga?" humalakhak siya, nangangamatis ang mga pisngi. "Nakakatuwa ka pala, 'no? Ikaw na lang kaya ligawan ko?" "Aba humirit pa nga—" "April!" singhal ng amo ko, iritableng umahon mula sa swimming pool. Tila kumikinang ang mga butil ng tubig sa mala-gatas niyang katawan habang nasisinagan ito ng araw. Napalunok ako nang makita ang butil-butil na tubig na iyong dahan-dahang dumudulas sa patag niyang tiyan pababa sa malalaman niyang hita. Kahali-halina. "Get changed, we're going out. Paul, ihanda mo 'yung kotse." "Masusunod, Ma'am." tugon ng hardinero. Tinanguan ako nito bago umalis at pabirong nag-flying kiss kay Vanessa, nadulas pa ito at natatarantang tumayo nang mahintakutan dahil nahuli siya ng amo. Napabulalas ako sa pagtawa. "Stupid," anang Vanessa, napangiwi sa pilyong hardinero na nagtatakbo papunta sa garahe. "Sanay ako makarinig ng mga papuri pero kapag galing sa hampaslupa na 'yon ay kinikilabatutan ako." "Anong kilabatutan?" lalo akong namilipit sa pagtawa. "Kinikilabutan' kasi iyon, Ma'am!" "Whatever. Kilabatutan kilabututa it's just the same!" angil nito, ni isang salita ay wala pa ring naitama. Lukot ang mga labi ko sa pagpipigil na mapangiti, kapag nagkataon ay hagalpak na tawa ang lalabas sa bibig ko at hindi iyon maganda para sa amo kong pikunin. "You and your ugly language, trash." "Maganda ang mama ko kaya maganda rin ako, Ma'am," sagot ko rito, iniabot sa kanya ang towel na nakasukbit sa braso ko para makapagpatuyo na siya. "Except that you're adopted." natigilan ako. Mahaba ang pagkakangisi nito nang makita ang naging reaksyon ko. "Did I get your attention now?" natawa ito. "It's hard enough na maging anak sa labas pero kahit papa'no kilala ko naman ang parents ko, eh ikaw?" Tila nagdikit ang mga labi ko at ayaw nitong bumukas para magsalita. "You're Manang Lucia's daughter, right?" pag-uusisa pa nito, umikot sa likod ko at makamandag na bumulong sa'kin. "I've heard a lot about you from your adoptive mother herself. She couldn't be any prouder to have you, so I got curious—" aniya, pumihit sa harap ko at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "—and was disappointed." Tila mainit na tubig na bumuhos sa nanlalamig kong katawan ang mga huling salitang iyon ni Vanessa. Malabo sa luha na ang paningin ko nang tingalain ang bulto niyang maalindog nang humahakbang palayo. Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko. Wala sa sarili akong napalukso at humabol sa kanya. Bumalik lamang ako sa reyalidad nang madama ang mahinang pagtibok ng pulso niya sa pagitan ng kamay ko. Mahigpit ko siyang hinawakan. Ayaw nang pakawalan pa. "There's one thing my mom can't tell you about," usal ko, nilalabanan ang malalamig niyang titig sa kaawa-awa kong kalagayan. Nagpakawala ako ng nakasisilaw na ngiti. "Akala mo alam mo na lahat? Mali ka. Hindi mo alam na gusto kita." Nababagot ako nitong tiningnan. Masahol pa sa hayop kung ituring, akala mo ay isa akong basura na hindi man lang niya karapatdapat pagtuunan ng pansin. Na-imagine ko na nang maraming beses kung paano aamin ng nararamdaman ko para sa kanya at hindi iyon ganito. Kasumpa-sumpang tagpo. Kumurba ang maninipis na labi ni Vanessa pataas. "Who don't like me, April? But I must say, hearing that from you is really satisfying to my ego." pagkasabi no'n ay nangingisi niya akong akong iniwan sa pool area. "Hindi 'to pwede.." napakagat ako sa pang ibabang labi. Binigyan ko ang dalaga ng nakatutuwang laro, kailangan ko iyong ipanalo. "Ma'am! Bored ka, 'di ba?" hirit ko pa rito. "Ide-date kita today, ako nang bahala, ha!" Iwinagayway nito ang isang kamay at agad na umalis. Okay, I'll take that as a yes. "I CAN'T believe you actually made me ride this thing!" impit na singhal ni Vanessa, nanggagalaiti. Hindi ito kumportable sa kinauupuan dahil siksikan ang jeep, nakaidlip pa ang isang lalaki sa balikat niya kaya diring-diri siya rito. "Is this your kind of date?! Were you not informed na hindi ako sumasakay sa public transportation vehicles?!" "Kumalma ka nga, daig ka pa ng sanggol, oh!" turo ko sa babaeng may kargang bata sa katapat na upuan, payapa itong nahihimbing sa bisig ng kanyang ina. "Hindi nga umiiyak 'yong bata ikaw ngawa ka ng ngawa riyan." Nailing ito, hindi na alam ang gagawin. Lingid sa kaalaman ng dalaga ay may mangilan-ngilang palihim na nagnanakaw ng tingin sa kanya. Liban sa mukha siyang modelo ay halata kasi sa mamahaling damit at alahas niya na anak mayaman siya— hindi talaga nababagay sa ganitong lugar. "Okay," anang Vanessa, napabuga ng hangin. Butil-butil na ang pawis nito sa noo, nakapagtataka dahil hindi naman gano'n kainit. "That's it, I'm leaving." "Saglit." pigil ko rito, inilabas ang sariling coin purse para kumuha ng pamasahe. Iniabot ko ang pera sa kanya. "Gusto mo bumaba? Ayan, magbayad ka muna, sige." "Oh, hell no, no." bagsak balikat niyang itinulak pabalik sa'kin ang pera. "I'm not gonna leave, ok. C'mon you do that." Lihim akong napangiti. Sino ba naman ang hindi kinabahan sa unang beses na pagpara o pagbabayad nila sa jeep? Akin ang tagumpay ngayong araw. "Saan mo ako madadala sa kakarampot na perang 'yan?" tanong niya, malayo ang tingin at nakakapit na sa steel bar sa kisame ng jeep. Kitang-kita ang perpekto nitong jawline mula sa ganitong anggulo. "Judging from its color those are just 20 and 50 peso bills plus a whole lot of coins." "Mabilis ang mga mata mo." kumento ko rito. "Well, it takes small to no effort to know that you're broke, trash." Natawa ako. "At galing sa butas kong bulsa ang kakainin mo mamaya." "Crazy." iling niya, napasalat sa labi. "Ikaw lang ang nilalait na natutuwa pa." "Gusto na kitang sampalin pero amo kita kaya no choice ako." sagot ko. Pagbaba namin ng jeep ay tatawa-tawa ito. "Sucks to be you, April." Natanawan ko ang isang fruit shake stand at napagdesisyunang bumili. Mabilis akong napagbentahan ngunit nang lingunin ko si Vanessa ay wala na ito sa likod ko. Nilibot ko ang paningin sa paligid pero nawala na talaga siya. "Ma'am Vanessa?" hanap ko rito. Pinagbutihan ko ang pagsuyod ng tingin sa paligid. Lakad takbo ako sa entrance ng mall at pilit hinahanap ang matayog na bulto ng amo. Nag-umpisa na akong matakot sa tinginan ng mga tao, hindi ko alam kung sino ang snatcher or nangho-hold up sa mga 'yan. Pa'no kung mabiktima nila si Vanessa? Anak pa naman ng governor 'yon! Hindi.... seryoso hindi 'to maganda!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD