"Kuya guard! May nakita po ba kayong magandang babae na dumaan dito? Ganito siya katangkad!" angat ng kamay ko sa ere, nagpa-panic na inilalarawan ang haba ng dalaga. "Tapos mamula-mula 'yung buhok niya! Masungit, matapobre, pangit ang ugali, pasmado bibig—"
"Neng, dinideskriba mo ba o nilalait mo?"
"Pareho po eh..."
"April!!" sa wakas ay bulyaw ng maldita nitong tinig. Nasa kabilang kalye siya, wala na sa ayos ang buhok at lukot na ang laylayan ng suot na knee-length summer dress. "I'm here! I'm here!"
Pinasalamatan ko si Kuyang Guard at agad pumihit pasalubong sa lupon ng mga tao na papasok sa entrance ng mall para puntahan si Vanessa sa kabilang kalsada. Hindi pa man ako nakakalapit ay nakapameywang na ako nitong dinuro, sasabog sa pagkapula ang tisay na mukha dahil sa galit.
"You are G*dmm annoying!" she snapped. "You scared the hell out of me! I thought I was really gonna get lost and thrown on that murky river, naked and bloated!" nanigas ako sa pagkagitla sa sunud-sunod nitong ratsada. Napasobra yata pananakot ko, hehe. "And if I happen to survive so what?! You had me leave my phone and wallet at my room, how am I supposed to go back home without you then, huh?!"
"S-Sorry? Baka lang kasi nauhaw ka kaya bumili ako nitong fruit shakes..."
"Who the hell drinks canal water squeezed with lemonada?! I don't want that filth! Now, stand still and give me your hand!" utos nito, sinunod ko na lamang kahit hindi ko alam kung para saan. Hilig ang ulo ko habang pinanonood siya na itali ang panyo sa braso ko at ang kabilang dulo nito sa braso niya naman. "There, now let's go inside. Nanlalagkit na ko sa pawis."
"Okay, okay, geez..."
"What did you say?"
"Wala, Ma'am Vanessa."
Nakabuntot ako kay Vanessa habang lumalakad. Nakatali kami sa isa't-isa at hindi pwedeng maghiwalay kaya sabay kaming humanay sa pila sa entrance ng mall. Tumatarak na punyal ang ipinupukol na tinginan sa amin ng mga tao. Nakasunod pa rin ang mga ito ng tingin pagpasok namin sa establisyimento ngunit nanatiling walang pakialam ang dalaga. Umaliwalas ang mukha nito nang maramdaman ang malamig na hamog ng air-con. Init na init lang pala.
Pinangunahan ko ang paglalakad at dinala ito sa nagsusumiksik sa taong arcade.
"Paborito naming tambayan 'tong magkakaibigan pagkatapos ng exam week." kuwento ko rito. Luminga-linga siya sa paligid, tila bata na dinala mo sa zoo sa kauna-unahang pagkakataon. "Hindi na rin naman masama. Nakakatuwa tingnan 'yong mga sumasayaw riyan sa game na Just Dance."
"What makes you think I'd have fun in here?" tanong niya, walang ganang pinindut-pindot ang boton ng claw machine. "This is unsophisticated and childish."
"Hindi kaya!" hinila ko siya para bumili ng token. "Madalas ay restobar ang pinupuntahan mo kasama ang yamanin mong mga kaibigan, 'di ba? Magugustuhan mo rito. Walang sigarilyo, alak, mga lalaki, clean fun lang!" muli ay hinatak ko siya pabalik sa claw machine na puno ng stuffed toys. "Subukan mo, dali! Ihuhulog mo lang 'tong token, tapos igalaw mo 'yang joystick sa direction na gusto mo, and then itong button para makuha ang item."
"This is so pathetic." daing nito, sinisipat ang salamin ng machine.
"Ayaw o hindi mo kaya?" paghahamon ko rito, itinuro ang paslit na babae sa kalapit na claw machine. "Wala ka palang binatbat do'n sa bata eh. Wala 'to, mahina. Tara alis na tayo." kunwari ay pihit ko pauwi.
"Shut your face." batak nito sa'kin pabalik. Hinablot niya ang token sa kamay ko at pinanlisikan ako ng mata. Napangiti ako, napakadali niyang basahin. Siya 'yung tipo ng tao na kumikilos base sa galit. "Piece of cake. Let me try. Uhhh..." sipat niya sa salamin ng machine, naghahanap ng target. "Ooh! That puppy stuffed toy kamukha mo." Ano raw? Alanganin akong ngumiti at sinuportahan pa rin ang kawirduhan ng taste niya. Maingat niyang sinunod ang instructions ko kanina. Okay naman. Slowly but surely pero pag-angat ng catcher ay hindi sumama 'yong puppy. "Bakit ayaw?!"
"Subukan mo pa uli." hulog ko ng isa pang token so coin slot." Go, Ma'am V!"
"Alright, one more time...." ikot niya sa joystick, matindi ang konsentrasyon. Kumapit ang catcher in a split second. "What the hell?!" nagpapadyak-padyak ito sa kinatatayuan na parang bata. "Did you see that? Kaunti na lang. Umangat na siya!"
"Close enough! Ito pa." hulog ko uli ng token. "May trick dyan, gusto mo malaman?"
"Trick?" focus na focus siya sa pagtantya kung tama ang anggulo. "Where's the glory in winning if I cheat? Stupid." she said smiling like a bright summer in 1975. Bumilis ang t***k ng puso ko sa ngiti niyang walang bahid ng kapilyahan o malisya. This is her being nothing but happy. Ito si Vanessa. "This time makukuha ko na 'to for sure." aniya, kagat labing minamaniobra ang joystick.
"Sure." ngiti ko. "Don't give up!" pagpapalakas ko ng loob nito, minasa-masahe pa ang likod. "Laban para sa ekonomiya, Ma'am V!"
"Oh my G*d! I got it! I got it!!" dakot nito sa puppy stuffed toy. Kaunti na lang ay maihuhulog niya na ito sa butas ngunit nabitawan pa. "s**t!!"
"It happens kapag—"
"April, sira ang machine na 'to!" tinadyak-tadyakan niya ang ang claw machine ng sariling high heels. "Hindi mahigpit ang grip ng catcher! This is a scam!"
"Hey, hey, tama na." hinila ko ito palayo roon. "Try tayo sa iba baka malas ka lang talaga riyan, hehehehe."
"G*dmmit!" buntal pa nito sa salamin ng machine nang hindi ko mapigilan. Kumalabog ito at nag-alarm. "Bulok ang arcade niyo palitan niyo na!"
Sumubok pa kami ng ibang games. May nanghuhuli ng fishes, nagpupukpok ng diglet na biglang susulpot, at mga car and motor games, kahit iyong shooting games sinubukan din namin. Nang mapagod ay pumasok kami sa isang room at nag-karaoke roon. Nakarami rin ako ng kanta dahil hindi mahilig kumanta si Vanessa, panay lista lang siya ng mga ipapakanta sa'kin. Talk about being bossy.
Pagkagaling sa arcade ay dinala ko ang dalaga sa isang sikat na fast-food chain para magmeryenda. In-order nito ang hotdog at nagkumento na mas masarap pa rin iyong sa IceBurg sa tapat ng Eulogio National Highschool. 'Yung mahaba raw at mataba. Natawa ako.
Tumigin-tingin pa ito ng fashion magazines sa bookstore na hindi na nakapagtatakang hilig niya dahil lagi naman siyang maganda manamit. Pagkagaling sa mall ay dumiretso kami sa City Park. Doon, nagbisikleta kami at kumain ng mga turu-turo hanggang dapit-hapon.
"Hey, trash." nasa entrada na kami ng mansyon at kakauwi lang. Tutungo na sana ako ng kusina para tumulong sa paghahanda ng hapunan dahil pasado alas sais na rin. "At the very least, I must say you weren't disappointing after all."
"Ikaw lang kasi, Ma'am. Wala kang bilib sa'kin." buong pagmamalaki kong kabog sa dibdib. "Pa'no, ide-date mo na na ko niyan?"
Sumilay ang perpekto nitong mga ngipin, naiiling na ngumiti. "Not in a million years, April."
SABADO ng hapon, nakakailang araw na rin ako sa pamamahay ng mga Elizondo-De La Sierra. Gaya ng dati ay nagrereyna-reynahan pa rin ang magaling kong amo. Utos dito, utos doon. Masungit rin ito at pilya. Nagdadala ng mga lalaki sa kwarto niya at doon nakikipagtalik. Iba-ibang lalaki kada linggo! Nakasanayan ko na lang ito at natutunang hindi pansinin. Ang ikinaganda naman ay mabait na ang dalaga sa akin ngayon kahit papa'no.
Naglilinis ako sa silid ni Vanessa habang nasa circular sofa siya at nagbabasa na naman ng fashion magazine. Maya-maya ay magkakasunod na katok ang bumulabog sa'min. Iniluwa ng pintuan ang lahat; si Ma'am Vine, Jesusa, Ate Carla, Paul at Raul. Kwestyonable silang minata ni Vanessa. "Ano na namang drama 'to, Vine? Nagsama ka pa ng mga gusgusin sa likod mo."
"Ate, tumawag kasi kanina si Lolo." hindi mapakaling bungad ng nakababata niyang kapatid. Dumilim agad ang itsura ni Vanessa pagkarinig pa lang sa 'lolo'. "Iyong plane na sinasakyan nina Mommy and Daddy nag-crash somewhere in Lacadive sea bordering India and Sri Lanka."
"Oh, come on." daing ni Vanessa, nilapitan ang kapatid at pinitik sa noo. "Galing sila ng New York bakit napunta ng Qatar? Ano na namang pakulo ng matandang 'yon?"
"I'm afraid hindi 'yon pakulo, Ate. Connecting flight ang nakuha nina Mom and Dad at ang layover no'n ay sa Doha," sagot ng kapatid, nahihikbi. "Sabi pa ni Lolo susunduin niya ko mamaya pabalik sa States. Doon daw muna ako kasama niya habang wala pang balita kina Mommy and Daddy."
"At s'yempre kasama rin ako para bantayan ang nag-iisa niyang apo, Vanessa." sabat nang mayordoma, hambog na nagpapasaring. "Hindi talaga maitatago na bastarda ka, ano? Sarili mong lolo kaya kang iwan dito para mabulok. Bagay na bagay sa iyo na asal basura kagaya ng nanay mong pokpok!"
"YOU DON'T TALK TO MY MOM LIKE THAT!" bumalasik ang mga mata ni Vanessa, nakapangingilabot. Parang hayop. Hindi, parang halimaw.
Sumisiklab sa poot niyang sinugod ang mayordoma. Mabangis. Dumadagundong ang mga hakbang at hindi papipigil. Bumuwal ako sa sahig nang tangkain siyang awatin. Sobrang lakas nito. Agad niyang nahila ang damit ng matanda at nabigwasan ito nang ubod lakas hinalikan ng huli ang sahig. "One more word from you and I'll take you to your grave!!"
Nahihintakutang gumapang si Jesusa palayo kay Vanessa na tila maninilang liyon na handa nang sagpangin ang biktima niya sa leeg. Humihingi ito ng saklolo sa mag-amang Paul at Raul sa pamamagitan ng tingin ngunit nag-iwas lamang ang dalawa ng mata at lumabas ng silid. Marahil ay alam din nilang sumobra ang matanda sa pananalita. Ang pakiramdam na para kang namatayan ng magulang at ang pagtatakwil ng sarili mong lolo sa'yo sa ganitong pagkakataon ay lampas leeg na pasakit para sa dalaga.
"A-Ate..." nanginginig sa takot na lapit ni Ma'am Vine sa kapatid. "Maniwala ka sa'kin. Pilit kong kinumbinsi si Lolo na isama ka pero hindi siya pumayag. Ayaw ko ring umalis dito nang wala ka."
Hindi kumibo si Vanessa. Nanatili itong nakatalikod sa'ming lahat at parang hindi na humihinga. Hindi nakatiis ang kapatid. "Ate, ano ba? Please, talk to me! Tayo na lang ang magkaramay rito!"
"Tayo? Kailan tayo naging magkaramay, Vine? Hindi ba't traydor ka?" lukot na lukot ang mukha ni Vanessa nang humarap. Umiiyak ito na hindi mo mariringgan ng ingay. Nadurog ang puso ko ngunit hindi nawala ang pagtataka. Bakit tinawag niyang traydor ang kapatid? "You have everyone, even Lolo. I only have father. Now that he's gone, I have no one."
"Don't say that, Ate. Nandi—"
"Nandito ka para ano? To stab me behind my back when you have the chance? To make the most of my vulnerability dahil kapatid kita?" puno ng pag-uuyam si Vanessa. "You, my dear sister had your shot. Hindi na 'yon mauulit."
"I-Isang beses lang 'yon!"
"Isang beses, Vine! Isang beses!" lumuluhang duro ni Vanessa sa kapatid. "Ang isang beses na 'yon ang sumira sa buhay ko! You really don't understand the severity of your betrayal at all, don't you?!"
Nagtangis ang bunso ng mga De La Sierra. "Ano bang dapat kong gawin para mapatawad mo? Tell me and I'll do it..." she immediately fell down on her knees. To beg is her last resort. Napaiwas ng tingin ang kapwa ko kasambahay na si Ate Carla nang hindi na masikmura ang nangyayari. "You don't have to do anything, ako ang aayos ng lahat para sa'yo. Kakausapin ko si Lolo. Gagawin ko ang lahat bumalik lang tayo sa dati, Ate. So, please... I'm sorry..."
Walang pinatunguhan ang pagmamakaawa ni Ma'am Vine sa bato nang si Vanessa. Tutok ako sa mukha nito na hindi kakikitaan ng paglambot. Nakita ko na lamang na hinila ni Manang Jesusa ang alagang humahagulgol palabas ng silid.
Iyon na ang huling beses na nakita ko sila ang magyaya. Kinagabihan ay lumipad sila kaagad tungong U.S.
"ALICIA Hermine Fonseca-Elizondo." basa ko sa isang award plaque noon pang 1993. Katabi no'n ang larawan ng ina ni Ma'am Vine, ang asawa ni Sir Primo Alphonse De La Sierra I na ama nila ni Vanessa.
Naglilibot ako sa buong mansyon habang ilang araw nang nagkukulong sa silid niya si Vanessa. Kung mananatilli ako rito nang wala ang lahat ng kasambahay at helpers ay dapat memoryado ko na kung saan hahanapin ang mga bagay-bagay.
Ilang kwarto rin ang napasukan ko. Sa ika-pitong silid ay nakakita ako ng koleksyon ng mga korona, scepters, at trophies galing sa beauty pageants.
Pag-aari ng ina at lola ni Ma'am Vine ang malalaking portait na naroon sa silid. Mukha silang mga beauty queen. Gandang Español ang asset nila at sobrang lalakas ng dating. Doon ko naisip na naiiba nga talaga si Vanessa. Mukha itong Kano o Briton marahil ay dahil sa kanyang ina. Naiintindihan ko na— fashion magazines.
Nang matapos sa pag-iikot sa mansyon na ilang araw nang walang tao ay nagpunta ako sa gate para sana hanapin ang toolbox sa pwesto ng mag-amang Paul at Raul. Pagdating doon ay hindi ko nakita ang hinahanap pero isang sulat ang na nakaipit sa ilalim ng chess board na libangan nilang dalawa:
April,
Pasensya na kailangan naming umalis, utos lang ni Don Primo. Pasensya na talaga. Ingatan mo si Ma'am Vanessa.
Raul
Nilamukos ko ang papel at agad na sinunog 'yon sa gas stove sa kusina. Ayokong makita 'to ni Vanessa. Ayokong isipin niya na hindi siya kaya ipaglaban ng lahat sa harap ng kanyang lolo. Hindi ko alam kung anong klaseng tao siya para katakutan nila ng ganito pero hindi ko iiwan si Vanessa kahit ibig sabihin no'n ay suwayin ko pa siya.
Nagluto ako ng meryenda ni Vanessa. Nang matapos ay saktong nadatnan ko siya sa sala. Tumambol ang dibdib ko sa lugmok na dalagang napakaganda pa rin kahit tulala at walang ayos. Sa wakas ay lumabas na ito ng silid.
"Ma'am Vanessa, kumain ka muna." alok ko rito hawak ang isang tray ng pagkain. "Hindi ko alam kung kumakain ka ng champorado pero ito pa lang kasi ang kaya kong lutuin. Sinamahan ko na rin ng bacon."
"Why are you still here..." patay ang mga mata at namamaga ang paligid ng mga ito. "Everyone has left. Mag-impake ka na rin at umalis."
"Gusto kita, pero higit do'n ay kailangan mo ng tulong. Kahit anong mangyari, kahit iwan ka ng lahat, ako, mananatili lang sa tabi mo."
"Right, you and you're so called 'feelings'." sinalubong niya ang mga titig ko. "I know you're very well aware by now na anak lang ako sa labas— sa isang prostitute sa Britain."
"And?
"You really don't give a dàmn about it, don't you?" tanong nito pabalik, naiiling. "I may mean luxury, but in reality I don't have anything to call mine and anyone to call 'home'. Why would you still say that you like me then?"
"Siguro nga nabababawan ka lang sa'kin." umupo ako sa tabi niya, pilit iniintindi ang kanyang mga pagdududa. Kung tinraydor siya ng mismong kapatid ay normal lang rito na hindi magtiwala kahit kanino. "Nag-umpisa 'to nung unang beses kitang makita. Para bang sa punto na 'yon ay nagkaroon ka na agad ng espesyal na lugar sa puso ko. Isang tingin pa lang sa mga mata mo kilala ko na kung sino ka sa likod ng masamang ugali na ipinapakita mo, at ito 'yon, Vanessa." buong pagsuyo ko siyang niyakap. "Hindi bagay sa'yo pero 'wag ka mag-alala pang best actress pa rin ang drama mo."
Bahagya siyang natawa ngunit yumugyog naman ang mga balikat tanda ng paghikbi. Siguro nga ay hindi ito sanay magpakita ng kahinaan kaya ngayon ay hindi niya alam kung anong emosyon ang dapat ipakita.
Saksi ang paglubog ng araw na sumisilay sa balkonahe ng mansyon sa paghanga ko sa napakagandang dalaga. Napaisip ako kung ano nga bang meron siya at ganito na lamang katindi ang nararamdaman ko para sa kanya. Akala ko noon ay kapag umibig ka dahil lang 'yon sa magagandang katangian ng taong gusto mo, pero iba 'tong nararamdaman ko para sa kanya. Lahat ng kapintasan niya ay kaya kong yakapin ng buo at walang pag-aalinlangan.
"Pero," usal ko, nangingiti na. "Kung gusto mong patunayan ang sarili mo at ipanalo ang korona sa Ms. Fonseca College International ngayong huling taon mo sa kolehiyo, kailangan mong bumangon at tumahan na."
Kwestyonable niya akong tiningnan, ang mala-alapaap na mga mata ay nagliwanag ng kaunti.
"Hindi ba gusto mong manalo roon dahil ang lola at stepmom mo ay nag-uuwi ng korona sa pageant na iyon taun-taon?" piningot ko ang napakatakos nitong ilong. "Lagi kang nagbabasa ng fashion magazines para do'n bilang paghahanda."
Natigilan ang dalaga, namilog ang mga matang puno ng kalungkutan. "It's ridiculous, isn't it? For a troublemaker to desperately yearn for a crown...."
"No, I think you could knock them out still!" magiliw na suntok ko sa ere. "Buhay pa ang mga magulang mo. Ang lolo mo kasama ni Ma'am Vine. Gawin natin 'to at gulatin silang lahat pagbalik nila."
"How can you be so sure that they'll come out... alive?" tanong nito, pumiyok sa pagbabadya ng luha. "April, don't get my hopes up, please."
"Makinig ka." alo ko sa kanya, sinapo ang magkabilang pisngi. "There's a 95 percent survivability rate sa isang plane crash. In fact, sa isang pag-aaral ng U.S. National Transportation Safety Board, nalaman na mula year 1983 hanggang 1999 ay humigit sa 95 percent na mga pasahero ang nakaligtas sa mga plane crash." pagdedetalye ko, trying to my best to make a point. "Kung ganoon na lang kataas ang tiyansa noon na makaligtas, pa'no pa ngayon sa mga makabagong modelo ng airliners at rescue equipment?"
Mariin akong tiningnan ni Vanessa, kapagkuwan ay napahinga ang mga balikat. "You sure know a lot. I just hope you're not making those all up so I'd feel better."
"Content ng thesis paper namin 'yan," sagot ko, sinalansan na sa center table ang champorado at isang baso ng tubig. Kumirot ang puso ko nang maalala ang naantalang pag-graduate. "Kumain ka na. Kung may request kang pagkain mamaya para sa hapunan sabihin mo lang sa'kin."
Tatangu-tango itong nag-umpisang kumain. "So, are you going to drive me to school tomorrow? Tapos na ang suspension period ko."
Nasamid ako sa sariling laway at naubo. Lagot, mukhang kailangan ko na matuto magmaneho sa loob lang ng isang araw! "H-Hindi ba marunong ka naman magmaneho?"
"Dad has my driver's license. He doesn't want me partying late at night when they're out of the country."
"Anong sabi mo?" pagbibingi-bingihan ko at saka nagbiro. "Gusto mo na ako? Ganoon ba?"
Hinila ng mga katagang 'yon ang labi ng dalaga pataas. "Not in a million years, April."
"ILANG beses ko ba sasabihin sa'yo na magkaiba ang mataas at mahaba, Vanessa?" dutdot ko sa textbook nito, umiigsi na ang pasensya. Nasa circular sofa kami ng silid niya at nag-aaral. "Anong mataas ang buhok at mahaba ang building?!"
"Damnit!" ginuri-guri nito ang pagsulat sa sariling notebook. "You shouting at me isn't helping at all, April." padabog nitong inilapag ang ballpen na ginamit. "You suck at teaching. Ayoko na mag-aral."
"Hindi ako bayad sa pagtuturo sa'yo kaya ayusin mo!"
Natigilan siya, pinulot ang ballpen at kinalma ang sarili sa pag-inom ng buko juice na pinabili niya sa'kin kanina.
"Ang hirap hirap naman kasi ng Filipino eh, April!" reklamo pa nito, tila batang paslit na susukuan na ang takdang aralin. "Ayoko na niyan next na tayo please."
"Mahusay ka sa lahat pero ang hina ng utak mo sa Filipino, hindi 'yon pwede!" sermon ko rito, kinuha ang Strategic Management at International Business textbooks niya at binuklat-buklat ito— pawang perfect ang mga quizzes at exams na nakasingit. "Pa'no kung magtanong 'yong judges ng Tagalog o tungkol sa Kultura ng mga Pilipino? 2 weeks na lang bago ang Foundation day ng Fonseca College International. Hindi sapat sa pageant na nakapasok ka na, dapat manalo ka."
"You're right." buga nito ng hangin. "Let's get this done."
Alas diyes ng gabi nang matapos kami sa pag-aaral sa Filipino. Tunay ngang sa kabila ng pagiging impertinente ni Vanessa ay napakatalino naman nito. Niligpit ko ang mga libro na nakakalat sa center table pati na rin ang mga pinagkainan niya. Naliligo siya at naghahanda na para matulog.
Sumagi sa isip ko na kamustahin sina Mama at Papa, at syempre pasalamatan na rin sila sa pagiging suportado para ipagmaneho ang amo ko araw-araw. Noong nakiusap kasi ako kay Papa ay agad itong pumayag, heto nga't ilang araw nang hatid-sundo si Vanessa.
"Who are you talking to?" bungad ng amo ko, lumabas na ng paliguan. Nakasuot ito ng pulang silk robe, bakat ang perpektong hubog ng katawan mula sa malulusog nitong dibdib at maumbok na likuran. Sumisilay rin sa manipis na sutlang damit nito ang mala-gatas sa puti niyang hita, ang lusak na pagkahaba-habang buhok niya naman bagama't gulu-gulo ay kaaakit-akit tingnan.
"Wala ka na do'n, Ma'am." sagot ko rito, pumihit para lumabas na ng silid. "Matulog ka na, maaga ka pa bukas. Good night!"
"Hey! Kausap mo boyfriend mo, 'no?" sunod nito sakin sa pinto. "Sabi na nga ba hindi mo naman talaga ako gusto."
Lihim akong natawa nang makita itong ngumuso na parang bata. "Eh, ano kung may boyfriend ako? Bawal na magka-crush? Hindi ka naman bagay sa kapareho mong babae at sa basura at ampon na tulad ko, 'di ba?"
Natigilan ito at humilig sa baskagan ng pinto, ang pagkakahilig ng balakang ay lalong ipinamalas ang mala-bote ng Coke niyang hubod. "How is it to be ampon April? Malungkot ba? Unbearable?"
"Ang drama mo, Ma'am Vanessa." tatawa-tawa kong kumento. "No'ng nalaman ko ang totoo sa'yo, naisip ko na ampon man o anak sa labas hindi pala talaga sa estado ng buhay nakasalalay ang kaligayahan ng tao. Kahit mahirap pa kami sa daga masaya ang pamilya namin."
"Good for you," sagot niya, ginulu-gulo ang buhok ko. "There's one thing left of your today's duty; show me what happiness is."
"Show? Paano?"
Nagkibit-balikat ito, inilahad ang kamay. "I don't know, perhaps you could give me something sweet?"
"Gusto mo pa ng panghimagas?' tanong ko, salubong ang mga kilay. "Wala ka bang kabusugan? Ang dami mong nakain kanina baka maimpatso ka na."
"Err, no," sagot nito, bigo. Tumikhim ito at sumubok pa. "What I mean is something romantic?"
"Ah, chocolates? Excited ka sa Valentines ah, ayiie, ayiie."
"Oh, L*rd help this woman." daing nito, napasampal na sa noo. "Ano bang ginagawa ng mag-syota, April? Nagbubungkal ng lupa libingan ng isa't-isa?!"
"Hahahaha, bakit hindi? Magandang bonding 'yon ah."
Hinapit ako nito sa balakang, sapat ang lapit para dumaiti ang mainit niyang labi sa tenga ko mismo. Nanuyo ang lalamunan ko nang masamyo mula sa umaalong buhok niya ang manamis-namis niyang halimuyak. Mapang-akit itong bumulong.
"Don't play with my feelings by playing dumb. I want you here, and now, April."