Chapter 2

3212 Words
"Let it go, Afomia. I'm not going," anang Vanessa, may kausap sa cellphone at naka-earpiece. Mabigat ang hakbang nito sa koridor ng mansyon habang tinatahak ang sariling kwarto. Kararating lang nito galing Fonseca College International at naka-uniporme pa. Maingat ang pag-ugoy ko ng floor mop para hindi nito mapansin. "Well, yeah?—adolescence is overrated. If I'd define it, it'd be that thin line between, 'hindi ka na bata, you should learn how to be responsible' and 'masyado ka pang bata, hindi mo pa alam kung anong ginagawa mo.' The irony is ludicrous, right?" Nang marating ang grand starircase ng mala-Kastilang mansyon ay pabalagbag na ibinagsak ni Vanessa ang bag na dala at iniwan ito roon. Napalunok ako nang maisip kung ano na namang klaseng gulo ang pinasok ng dalaga at gano'n na lamang kainit ang ulo nito. Nilapitan ako ni Ate Carla, kasamahan ko ring naninilbihan para sa mga De La Sierra at matanda lang sa'kin ng anim na taon; gaya ko ay naka-maid uniform itong asul na bumagay naman sa kanya dahil likas siyang balingkinitan. "Huwag ka muna papasok sa kwarto ni Ma'am para maglinis." paalala niya. Bakas sa madiin nitong pagbigkas ang pagiging probinsyana, marahil ay bisaya ito. Hindi nakatakas sa paningin ko ang bitbit niyang grocery items na sobra-sobrang bitbitin para sa isang babae. "Baka mapag-initan ka kasi ni Ma'am Vanessa, mahirap na. Lahat ng bago rito sinusukuan siya eh." "Pero nandito ka pa." ngiti ko. "Tulungan na kita? Mukhang mabigat 'yang mga dala mo. Na saan ba kasi si Paul?" Hanap ko sa hardinero. "Kasama iyong tatay niya eh, naglilinis ng mga kotse." Pilit itong umayos ng tindig, maingat na binabalanse ang mga bitbit na paperbags sa patpatin niyang mga braso. "Kaya ko na 'to. Tuloy mo na 'yan baka mahuli ka pa ni Manang Jesusa na hindi tapos ang gawain. Alam mo naman 'yon kapag nagalit." tukoy niya sa matandang mayordoma. "Sige, dahan-dahan ah." pagpayag ko na mayumi niya namang nginitian. Pasuray-suray itong lumakad papuntang kusina na tinanaw ko na lang hanggang sa maglaho. Tumataguktok ang high heels sa tiles ng mansyon mula sa bulto ng isang babae sa entrada ng bahay. Matulin ito at hindi nagpapasensya. Binati ko ng magandang hapon ang bunso ng mga Elizondo-De La Sierra, si Ma'am Vine Alphei na kasalukuyang nasa unang taon ng kolehiyo. Tila wala naman itong narinig at hangin lang akong nilagpasan, ang mahaba at tuwid niyang mga buhok ay umaalon sa ere. Nagdire-diretso ito paakyat sa grand staircase at nawala na rin sa paningin ko kalaunan. Ipinagpatuloy ko ang paglalampaso ng sahig hanggang sa matapos ko ang buong unang palapag at makaakyat naman sa pangalawa. Tagaktak ang pawis ko nang umpisahan ang kaliwang pasilyo. Tumungo ako sa pinakadulo no'n para doon mag-umpisa. Tila department store ang tahanan nila Vanessa sa laki, kung ganito lang din kahirap ang trabaho ng aking ina ay hindi ko na talaga siya pababalikin pa rito. Magkakasakit at magkakasakit siya. Dagdag mo pa ang hindi magandang hangin dito dahil sa mga taong nakatira. "Bakit ba kasi ang init lagi ng ulo mo kay Leslie, Ate?" usisa ni Ma'am Vine, umaalingawngaw ang nanggagalaiti nitong tinig dito sa pinakadulo at siya ring pinakamalaking silid sa kaliwang pasilyo ng second floor. "Suspended ka na naman. Are you even listening?" Tuluyang pumasok si Ma'am Vine sa silid ng kanyang nakatatandang kapatid. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ang napabangong si Vanessa sa kama; gulu-gulo ang buhok at namumungay ang mga mata, mukhang natutulog kanina. Bakas sa salubong nitong mga kilay ang inis dahil sa biglaang pagpasok ng kapatid. "Get outta here, Vine." utos ni Vanessa, kumukulo ang tinig. "I knocked." sumalampak ang bunso niyang kapatid sa tila plantsado sa pagkapatag niyang kama na kalauna'y nagusot na nga. Iritableng napapikit siya roon. "Let me remind you, Ate. One more suspension and you'll be kicked out na, hindi ka makaka-graduate ng college. Besides—" "Vine, please masyado kang magaslaw ginugusot mo ang bedsheet." pagputol ni Vanessa sa litanya ng kapatid. Napaawang ang labi ng huli at pinukulan siya ng 'really?' look bago umirap at nagdadabog na tumayo. "Look, Ate. Bilang anak ng gobernador ng lalawigan na 'to dapat hindi natin dungisan ang pangalan ng pamilya. You are obviously doing otherwise." pahayag pa ni Ma'am Vine. Abala ang ate niya sa pagtutuwid ng nagusot na bedsheet at hindi nakikinig. "Please, Ate. Para saan ang talino mo kung lahat na lang ng nagpapainit sa ulo mo ay sinasaktan mo? You're better than this." "What do you know about me?" tanong ni Vanessa, natigilan sa pag-aayos ng higaan. Tumayo siya at pumwesto sa swivel chair sa harap ng sariling study table. Nasa gilid ito ng kwarto, sa harap ng malaking window panel. Sandamakmak at nagkakapalan ang mga librong nakasalansan doon. May mga files and folders din. "Ito?" tukoy niya sa mga 'yon, kinuha at binuklat-buklat. "Drvg and arms trafficking, tax evasion, corrvpt practices, theft, all of this family's filth for money laundering. You don't get to do these pile of junk, Vine." may pagdusta nitong sagot, nagdidilim ang mga mala-alapaap na mata. Nagliparan sa ere ang mga papel nang itapon nito ang folders sa harap mismo ng kapatid. "What on Earth," usal ni Ma'am Vine, napatigagal sa mga piraso ng papel na isa-isang lumapat sa carpet ng silid. Kagat labi nitong binalikan ang kapatid na malamig siyang tinitingnan. "Concerned lang ako sa'yo, Ate. 'Pag nalaman nila Mommy and Daddy na mae-expell ka na, siguradong makakarating din 'to kay Lolo. Alam mo namang importante sa kanya ang kahihiyan, 'di ba?" Mapag-uyam na ngumiti si Vanessa. "Dahil na naman ba 'to sa anak ako sa labas?" kompronta nito sa kapatid. Ako mismo ay nagulat sa narinig. Kaya pala mukhang Español si Ma'am Vine habang si Vanessa naman ay mukhang Kano. "Ate, please." "No, you listen." makapangyarihang tugon ni Vanessa, natigilan naman ang kanyang kapatid na kakikitaan na ng pagsisisi sa pagbanggit ng isang bagay na hindi na dapat pang lumabas sa kanya. "Pwede akong umuwi ng Britain to stay with my mom kung gugustuhin ko. You Filipinos are too complicated and dramatic, you make a big fuss over something so little and you think I wanted to deal with that? With all of these?" "Hindi naman sa gano'n, Ate." "If Leslie would just mind her own business and would stop messing about how different my eye and hair color is compared to everyone in this family, maybe there'll be a chance for me to be at peace with her." "Okay, I understand. Agaw pansin talaga ang blue eyes and auburn hair mo rito pero please 'wag mo na lang siya patulan." "No, you don't get the point, Vine." iling ni Vanessa, napapagod nang magpaintindi. "Can't you see? Hindi na lang 'to normal na pambu-bully. Nakakahalata na silang hindi ako totoong Elizondo." Namilog ang mga mata ni Ma'am Vine at napatutop sa bibig. "Malalagot tayo kina Daddy 'pag nalaman nila." "Their business trip will last for about 2 weeks. Walang makakaalam kung walang magsusumbong." makahulugang sagot ng Vanessa, masama ang tingin sa kapatid na napaiwas ng tingin. "Kung tapos ka na pwede ka nang lumabas. Masyado na kong pagod sa nangyari kanina, gusto ko nang magpahinga." Humugot ng napakalalim na hininga si Ma'am Vine, tuluyan na sumuko na mapaamo ang nakatatandang kapatid. Pumihit na ito para lumabas nang lingunin pa ang ate sa huling pagkakataon. "We're sisters. You know that you can trust me, right?" "Being sisters means nothing. You don't have to ask if you know you're worth my trust." ang bigat ng mga salita ni Vanessa ay tila kulog na nagbabadyang sumabog. Ano kayang pinanggagalingan ng mga ito? Bagsak balikat siyang tinalikuran ni Ma'am Vine na nagmamadaling lumabas ng silid. Nang masalubong ako nito sa may pinto ay direktang nagtama ang pusikit kong mga mata at ang kanya na kulay kape, lumuluha. Nakaramdam ako ng inis para kay Vanessa, hindi tama na paiyakin nito ang nakababatang kapatid. Maswerte nga siya at meron siya kahit half-sister lang. Ako kasi ay nag-iisang anak lang. Malungkot. Walang karamay. Patiyad akong humakbang sa loob ng silid para muling silipin si Vanessa. Humaba ang leeg ko nang piliting aninagin ang kinakalikot ng dalaga sa kanyang drawer. Nang ilabas niya ang kwadradong babasagin ay saka ko lamang napagtanto na isa iyong picture frame. Laman nito ang litrato nilang magkapatid noong 17th birthday ni Ma'am Vine last year ilang araw lamang bago ang Bagong Taon— iyong mismong picture na nasa tokador ni Mama. "How neat," usal ni Vanessa sa sarili, inilapag ang picture frame sa study table. Napaawang ang mga labi ko nang makita ang unti-unting paglambot ng ekspresyon ng dalaga; ang maninipis na labi niya ay bumanayad pataas, ang mga mata namang laging nagngangalit, ngayon ay puno ng pagsinta bagama't kababakasan ng matinding kalungkutan. Sa matinding pagnanais na makita ng mas malapit ang kakaibang ikinikilos ni Vanessa ay naitulak ko ang pinto. Lumikha ito ng langitngit na sapat para marinig niya Mabilis akong nagtago at madiin na napalunok sa takot. Mabagal ngunit madiin ang mga yabag ng paa ni Vanessa. Bawat taguktok ng takong niya sa tiles ng sahig ay mas nakapagpapakaba sa'kin. Nanlamig ang buo kong katawan nang maramdaman na ang maitim na awra ng papalapit na amo. "F*ck off or I'll kill you." deklara nito, dumadagundong ang bawat katagang binitawan. Pailalim ang tingin niya sa'kin na namutla sa takot. "Everyone in the household knows na sunod sa magulong gamit ay pinakaayaw ko ng may pumapasok sa kwarto ko basta-basta." "S-Sorry, Ma'am. Naglilinis po kasi ako nabunggo ko 'yung pinto." pagdadahilan ko, nakatungo at nag-aalinlangan magpakita ng mukha. Kapag nagkataon ay nakakahiyang malaman niya na tumigil ako sa pag-aaral para labhan ang mga panty niya. "Really." she's obviously not convinced. "Naglalampaso pero tuyo ang sahig?" Patay. She agressively grabbed me by the cheeks, forcing me to show my face. "Ah, I see. Ikaw 'yung bagong chimay." nakahinga ako ng maluwag nang hindi niya makilala. "Well, it'd take you a hundred years of practice before you can make a fool of me so better do your job and stay the hell outta my room." Tulad ng una naming pagkikita ay pabalagbag niyang binitawan ang pagkakapisil sa mga pisngi ko. There's something about it that annoys me. Ginawa niya na ba 'to sa mas nakatatanda sa kanya? Nagawa niya na ba 'to kay Mama? "Lampasuhan ko na po ba kwarto niyo, Ma'am?" buong pag-uuyam kong ngiti nang makabawi. "Kung ayaw niyo magpapasok sa kwarto, oh, heto." Naningkit ang mga mata ni Vanessa nang tingnan ang iniaabot ko. "What do you want me to do with that mop? Ihampas sa'yo?" "Ma'am talaga palabiro." malapad kong ngiti, kinuha ang kamay niya para hawakan ang mop. "Ayaw niyo magpapasok dyan, 'di ba? Oh, edi kayo na mag-mop. Hintayin ko na lang kayo dito sa labas." "Are you f*cking kidding me?" "We aren't f*cking and we aren't making kids, Ma'am." Tass noo ako nitong hinarap, naghahamon. Kagat labi itong luminga sa kaliwa at hinagilap ang pasensya para sa umiigsi niya nang pisi. "Careful, trash. That mouth will get you in so much trouble." "I'd like to know what trouble would that be." wala sa sarili kong palag rito, huli na nang mapagtanto ang pagkakamali nang mabilis akong hablutin ng nagninipisang mga braso ni Vanessa at walang sali-salitang tinangay sa loob ng silid na katapat ng kanya. Mula sa puti at dilaw na motif ng pasilyo ay agad dumilim ang paningin ko nang ikandado ng dalaga ang seradura mula sa hindi ko pa nalilinis na kwarto. Wala akong maaninag ni isang bagay. Nakabubulag. Malamig. Ngunit amoy rosas. "Anong—" nabagok ang ulo ko sa may katamtamang tigas na bagay. Nahilo ako roon at hindi agad nakagalaw. Nang magtangkang magprotesta ay napatikom naman ako ng pangahas na pares ng malalambot na labing bumagsak sa nakauwang kong bibig. Pwersahan nitong iginuyod ang sarili sa mga labi kong pilit siyang tinatanggihan— nilalabanan ang matinding udyok ng nakapapaso niyang pares na nagpapainit ng aking kalamnan. "M-Mmmm..!" daing ko nang daklutin niya ang aking s**o at masahiin ito. Kinuha niya ang pagkakataon na iyon para angkinin ang mga labi kong bumukadkad dahil sa kagagawan niya. Uhaw na uhaw niya itong sinuong, umuungol sa pagsibasib ng mga labi niya sa'kin. Malanding dumaiti ang makinis na kamay ni Vanessa sa hita ko. Malambot ito at mahaba ang mga daliri, nakapanghihina. Nang sa wakas ay maabot ng kamay niya ang aking panloob, agad niyang sinalat ang namimintog kong hiyas sa ilalim no'n. Napaungol ako at narinig siyang mapamura ng Ingles. Umikot ang paningin ko, nag-iinit ang hiyas na nasa tungki lamang ng kanyang hinlalaki at nag-uumpisa nang kumatas. Nahintakutan ako. "T-Tama na.." tulak ko rito, nagkukumawala. Bulag na nangangapa ang mga kamay ko sa paligid nang may mahawakan akong mahaba at payat na lubid. Nang hilahin ko iyon ay humapdi ang mga mata ko sa biglaang liwanag na sumilay sa'kin. Hindi gano'n kalakas ang ilaw ng lampshade pero namilog ang mga mata ko sa nasilayan. Inilantad nito si Vanessa na nakapatong sa akin. Mabubungaran ang malulusog niyang dibdib na malayang nakalahad sa long sleeves shirt niyang bukas na halos lahat ng butones. Gumuguhit rin sa mata ang kaaya-ayang abs nito na sumisilay sa kanyang uniporme. "This—" halos paungol ang tinig niya, nakakaakit din ang mabigat na paghinga. "—is where your filthy mouth could take you, April." Pinamulahan ako ng pisngi sa pagbanggit niya sa pangalan ko. 'Wag mong sabihin na nakilala niya ako? "ANO 'yon, April?" pagkausap ko sa sarili sa harap ng salamin, sinampal-sampal ang mukha para matauhan. "Huwag na huwag kang mahuhulog sa bitag niya! Mapalalaki o babae kayang-kaya niya paglaruan! Hindi ka pinalaki ng magulang mo para..... para....." natigilan ako nang manumbalik sa isip ko ang lambot ng mga labi ni Vanessa. At the age of 20 first kiss ko 'yon! "April?" katok ng boses babae sa labas ng comfort room. "Ayos ka lang? Kailangan na natin magsilbi ng hapunan." "A-Ate Carla? S-sige, palabas na ako!" Atubili akong naghilamos at dumiretso sa kusina pagkatapos. Halos madulas pa ako pababa sa grand staircase at lihim na napangiti sa katangahan, kahit papa'no kasi ay napakintab ko naman ang hagdan kaya ganito na lamang ito kadulas. Nang madaanan ang dining room ay nadatnan ko si Ma'am Vine na hinahainan na ng pagkain ni Manang Jesusa na mayordoma ng bahay. Dumiretso ako sa kusina para tumulong na maghain. Nakasabay ko si Ate Carla bitbit ang isang pitsel ng pineapple juice. "Na saan ang iba? Bakit mag-isa si Ma'am?" "Kapag ganitong wala ang mag-asawang De La Sierra ay sila lang ni Ma'am Vanessa ang magkasabay kumain," sagot nito, pabulong. Inilapag niya ang pitsel sa 20-seater long table at muling pumihit pabalik ng kusina. "Napakatahimik ng hapunan nila, ano? Sila lang magkapatid ang nandito kasama tayong mga katulong, si Paul na driver at Raul na security guard. Nakakalungkot." Sumagi sa isip ko sina Mama at Papa. Kamusta na kaya sila? Alas s'yete na, naghapunan na kaya sila? Sana naman ay masustansyang pagkain ang inihain nila ngayong gabi. Kailangan 'yon ni mama para sa mabilis na paggaling. Panigurado ay si Papa ang maghuhugas ng mga pinagkainan nila ngayon. Alam kong pagod siya sa pamamasada pero kailangan niya munang magtiis dahil siya ang sasalo ng mga gawaing bahay na hindi ko muna magagawa kasi wala ako roon sa tabi nila. Mabigat ang kalungkutang bumara sa lalamunan ko na pinilit kong lunukin pabalik. Nagbabadya itong bumuhos buhat ng matinding pangungulila sa'king mga magulang. Nakakapagod ang araw na 'to, gusto ko sila makatabing matulog gaya ng nakasanayan pero imposible. "Napakabagal mo kumilos!" bulyaw ng matanda, halos halikan ko ang kitchen bar counter sa dahas ng pagkakabatok nito sa'kin. Nabitawan ko rin ang mga hawak na platito at nangabasag ito sa sahig. "Kapag ganyan ka kakupad lalamig na ang pagkain bago pa iyon maihain sa kanila! Aba't tingnan mo, nakabasag ka pa!" "P-Pasensya na po," pagpapakumbaba ko rito, naalala ang kabilin-bilinan ni Ate Carla na kung may dapat akong iwasan na makabangga sa pagmamahay ng mga De La Sierra ay hindi iyon si Vanessa kundi itong mayordoma. "Lilinisin ko na po, sorry." "Aba'y dapat lang, napakatanga mo!" gigil na sinundut-sundot nito ang ulo ko. Napangiwi ako sa sakit. "Pinapalamon kayo ng pamilya na 'to kaya ayusin mo ang trabaho mo! Huwag kang tanga gaya ng nanay mong walang pinag-aralan!" "Wag niyo pagsasalitaan ng ganyan ang mama ko!" Sa pagsabog kong iyon ay sinalubong ako ng kambal na sampal ng tila maga sa tabang palad ng mayordoma. Halatang sanay na sanay itong manakit dahil nagawa ako nitong pahalikan sa sahig ng gano'n-gano'n lang. Sa pagitan ng mga hibla ng itim at mahahaba kong buhok ay si Ate Carla na nababahala akong tiningnan. Hindi siya makalapit, siguro ay takot din. "Jesusa," anang Vanessa, makapangyarihan ang tinig. Nakapameywang ito at direktang nakatingin sa mayordoma, tila hindi ako nakikita. "Pakidala sa table 'yung bowl ng mushroom soup." "Masusunod, Ma'am," tugon ng matanda, atubiling sumunod sa utos ng dalaga. Bagama't hindi pa nakakabawi sa nangyari ay tumayo rin ako kaagad at tumulong sa pagdadala ng iba pang mga putahe sa mesa ng dalawa naming amo. Ayoko nang mapagalitan pa ng mayordoma, kailangang-kailangan ko ang trabahong ito. Magkasunod kami ng matanda patungo sa dining room. Nang makarating ay maingat niyang inilapag ang dalang bowl ng mushroom soup sa gilid ni Vanessa. Namilog ang mga mata ko nang malakas na natabig ito ng huli dahilan para matapon ang kumukulo pang sabaw sa nangungulubot na balat ng mayordoma. "Aray! Aray ko po!" daing nito, matinis ang namamaos na tinig. "Ang init! Ang init!" "I guess hindi naman pala lumamig ang pagkain." gagad ni Vanessa, pinukulan pa ako ng tingin bago balikan ang matandang namimilipit sa hapdi ng braso. Sinadya niya ba 'to? Nakita niya ba lahat ng nangyari kanina sa kusina? "Sa susunod mag dahan-dahan ka. Nakakawalang gana 'yang katangahan mo." dagdag pa nito at saka tumayo para umalis. "Ate." antala ni Ma'am Vine sa nakatalikod sa mesa nang kapatid. "Ganyan ka ba talaga kagalit sa'kin? Na kahit pagkain lang ng dinner ay ayaw mo kong sabayan?" "Wala na kong gana kumain. Aakyat na ko sa kwarto." inayos nito ang inupuan niyang silya at pumihit na palabas ng dining room "Pero, Ate.." "Wala na tayong dapat pang pag-usapan, magpapahinga na ko." "April!" bulyaw sa'kin ng mayordoma, kinuhang muli ang atensyon ko. Hindi ito magkandaugaga kakapunas sa brasong namumula na dahil sa pagkapaso. "Ikuha mo ako ng yelo, dali!" "O-Opo! N-Nand'yan na po!" "So, it's April," usal ni Vanessa, ang isang paa ay nakahakbang na sa unang palapag ng grand staircase ngunit natigilan pa. "Isang bagay lang ang naiisip ko sa pangalan na 'yan. 'Fool'." "Anong sabi mo?" Umiling-iling ito at nababagot akong tiningnan. "Tomorrow, 11 p.m., same room. Don't be late."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD